Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Aired (May 11, 2025): Ngayong Mother's Day, kilalanin ang mga mister na nag sakripisyo sa ngalan ng pag-ibig– nagpa-vasectomy para kay misis! Ang exclusive interview tungkol sa naging desisyon nina Drew at Iya Arellano, panoorin sa video.


Sa Nueva Vizcaya naman, libre na ang tubig?! Alamin kung paano ito nangyari. #GoodNews


Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Rotting Master sa Quiapo, Dinarayo!
00:09Ang ganda naman! Dessert na siya! Cute, cute!
00:15Congratulations, Bob!
00:17Si Mama Ia, thankful daw sa natanggap ng Mother's Day gift mula sa asawa.
00:22Of course, he researched about it and he did it.
00:27Happy last night to me.
00:31Medyo masakit nga sa matay katawan mo.
00:34Tapos ganyang face out mo.
00:36Good Samaritan sa mga summer pasyalang kilalanin.
00:40Only Tubig, biyaya ng bundok sa Nueva Vizcaya.
00:46Pahinga muna ngayong Sabado at mag-relax sa mga nakaka-GV naming kwento dito sa Good News.
00:57Roti sa Quiapo, pinipilahan!
01:02Pati ang paandar na performance ng Roti Master nito, tinaabangan.
01:07Kung madalas kang magsimbah o di kaya mamili sa Quiapo,
01:11hindi raw pwedeng hindi mo mapansin ang eksena sa kainan nito.
01:16Hindi ito Christmas tree ha.
01:27Hindi rin binaligtad na apa ng ice cream.
01:30Ang fineflex namin, isang uri ng Indian flatbread na nag-iingay ngayon sa Quiapo.
01:37Ang roti!
01:44Bukod sa nakamamanghang paggawa ng roti ng tindero,
01:49may Malaysian twist din daw ito.
01:52Nariyan ang roti telur,
01:54o yung roti na may palaman na etlog at curry sauce.
01:57At ang viral ngayon na manipis, malutong at matamis na version,
02:10ang roti tissue.
02:12At ang presyo, 50 pesos lang kada isa.
02:16Nanggalin pa kami ng taytay, para lang kami makatikin ng roti.
02:19Nakita namin na trending ito, hinanap namin para matikman. Masarap siya!
02:23Ang roti na paborito ng marami,
02:25pakulu raw ng head cook ng kainang ito
02:28na nagtitinda ng mga pagkain mula Middle East na si Jihar.
02:33Ang roti po ay isang uri ng tinapay.
02:35Ito ay nagmula sa India, pero ina-adapt po ng Malaysia,
02:38Brunei, Singapore at saka Indonesia.
02:41Pati na rin sa Middle East, meron na rin po sila.
02:44Sa unang tingin,
02:45nahahawig ang roti sa crepe at sa pita bread na partner ng shawarma.
02:50Pero iba po talaga ang timplan niya sa mga tinapay na nabanggit natin.
02:54Nine po ang mixing niya.
02:56Pag wala po yung kahit isa sa nine na yun,
02:58hindi po siya mabubuo, hindi mo siyang pwedeng ipapay-pay,
03:01mapupunit po siya.
03:03Natutuhan daw ni Jihar ang paggawa ng roti
03:06nang magtrabaho noon sa Malaysia.
03:08Labing dalawang taon daw kasi siyang nagtrabaho sa mga kainan.
03:13Sa Malaysia ako noong 1996 noon, waiter lang po ako.
03:17Pero dahil nagkasakit po yung taga-gawa,
03:20ako po ang napili ng boss namin upang mag-replace sa taong gumagawa ng roti.
03:26Pero 2003, nang magdesisyon na siyang umuwi na sa Pilipinas
03:31para makasama ang pamilya.
03:33Pag uwi ko po ng Malaysia, wala po akong dalang pera.
03:36So ang naisipan ko lang po, yung aking kaalaman,
03:39susubukan ko ito sa Pilipinas.
03:40Baka balang araw pumatok to, baka dito ako kikita.
03:45Pero ang naging problema raw ni Jihar,
03:47ang mga Pinoy, hindi pa ganoon kapamilyar sa roti.
03:51Yung dalawang kilo ko, hindi po talaga naubos.
03:53Minsan, wala talaga parang sa totoo, nangihinayang ako,
03:56parang gusto ko ng sumuko.
03:58Pero ika nga, never say die, laban lang.
04:02Kaya si Jihar, nanindigan sa potensyal ng kanyang roti
04:06at hindi tumigil sa pag-aalok nito sa mga tao
04:09hanggang sa makuha niya ang kiliti ng magla.
04:12Tinuloy ko pa rin yun,
04:13so parang nandito ngayon yung bunga ng aking pinaghirapan noon.
04:18At ang dagdag na good news,
04:20dahil sa tulong ng social media,
04:22nag-trending pa ang specialty niyang roti.
04:25Sa totoo, malaking pasalamat ko talaga.
04:32Kasi dati, nahirapan ako kahit konting halaga
04:38para lang makasuporta sa pamilya.
04:40Sapat lang daw ang sahod ni Jihar sa ganitong trabaho.
04:43Pero salamat pa rin sa roti.
04:45At eto, gagraduate na sa kolehyo
04:48ang dalawa niyang anak sa susunod na buwan.
04:51Malaking maiambag sa akin sa buhay ko, sa pamilya ko,
04:55lalong-lalo sa anak ko sa totoo.
04:57Nag-gagraduate next month sa college yung panganay ko.
05:00So, laking pasalamat ko.
05:03Naturo ka na ba?
05:06Hanggang kailan niyo po ito gagawin siya?
05:08Hanggap may lakas.
05:13Samantala, pagdating sa food trip,
05:15ang content creator at social media personality
05:18na si Hershey Neri eh hindi magpapahuli.
05:22What's up mga kapuso?
05:24Ako to si Hershey, not the chocolate bar
05:27at hindi na niyo shih tzu ng kapitbahay niyo.
05:29Pero ang alam ko, sobrang okay mag-food trip dito sa Quiapo.
05:34Kaya naman, attack na siya sa Quiapo
05:36para tikmaan at subukan ang pagawa ng roti ni Gihar.
05:44Hi, Chef!
05:45Tuturuan niya po ako gumawa ng roti ngayon.
05:47Diba?
05:48Tara na po!
05:50Una-una, ganito.
05:52Paano po?
05:53I-rolling pin mo siya para manipis at buo yung dough.
05:58Okay.
05:59Hindi siya madaling makunit.
06:01Isa na nga sa dahilan kaya mabilis itong nag-viral,
06:04ang live na paggawa.
06:06Ayan!
06:07Nakaka-excite naman to.
06:09Okay, gaganyan po natin.
06:11Ay, bakit ko pala?
06:13Ikaw gumawa tama?
06:14Ako pali.
06:15Ganyan po.
06:16Ah, okay.
06:17O, tapos po.
06:18Lagyan mo na ng konti yung oil.
06:20Ilan po na roti yung nagagawa niya sa isang araw?
06:23Sa ngayon po, sometimes na 750.
06:26750?
06:27Minsan naman nakagawa na kami ng 1,070 pieces sa isang araw.
06:32Buti po may butal na 1,070.
06:34I-1,070.
06:35I-1,070.
06:36I-1,070.
06:37I-1,070.
06:38Ay, may teknik.
06:39Nako, mahirap po ito.
06:45Ganito po ang paghahawak mo.
06:46Okay.
06:47Yung kanan sa yalin mo po.
06:48Yung kanan lang yung gumagalaw.
06:50Yung kaliwa, it support lang siya.
06:52Okay.
06:53Let's do it.
06:54Ay!
06:55Sorry po.
06:56You can do it.
06:58Kailangan nakatama siya sa table.
07:00Okay.
07:01Yung flip mo.
07:02Yung flip mo.
07:03Kailangan tumawa.
07:05Mukhang na cha-challenge ka na rin Hershey ah.
07:08Mapibente pa po ba ito?
07:09Oo, pwede pa rin.
07:10May paraan pa yan.
07:11May paraan pa.
07:12Ang pinalapad na dough is sinalang sa kalan.
07:15Iniikot-ikot hanggang sa lumutong at magbukhang apa ng ice cream.
07:20Saka ipinatayo gamit ang plastic glass.
07:23Ang ganda naman.
07:25Dessert na siya.
07:27At para sa sweetness overload,
07:29nilagyan nito ng chocolate chips,
07:31condensed milk,
07:33chocolate syrup.
07:35Guys, tingnan nyo naman to.
07:36Ang cute-cute.
07:39Roti tissue.
07:41Bukod sa roti tissue,
07:44hindi pwedeng palagpasin sa tiki man ang roti telur.
07:47Uunahin ko tong roti telur.
07:50Uunahin ko tong roti telur.
07:56Mmm!
07:58Malinam nam!
08:00Ang sarap!
08:02Oo nga!
08:04Alam ko naman kung bakit siya pinagpipilahan.
08:08Mmm!
08:09At ito naman ang roti tissue na yung sweet version.
08:16Paano kaya ito kainit?
08:18Ayan.
08:20From the top tayo.
08:23Ang cute!
08:26Mmm!
08:28Ang sarap nga niya.
08:29Mas crispy nga ito eh.
08:31Tapos ito, ang sarap kasi may condensed milk at may chocolate siya.
08:35E dip nga natin.
08:38Ang cute yung kainin guys.
08:40Perfect for celebrations.
08:47Walang duda,
08:48naabot ni Jihar ang rurok ng tagumpay.
08:51Kasing taas nang gawa niyang roti.
08:54Laking pasalamat din sa kanila
08:56at kumita tayo ng kahit hindi gaano kalaki,
08:59pwede naman natin masuportahan ang ating pamilya na nangangailangan.
09:05Sa buhay, kahit sa ang lugar man tayo mapadpad,
09:09huwag matakot na tumaya at sumugal.
09:12Baunin ang mga natutuhan.
09:14At kapag nakuha ang tamang timpla,
09:16huwag nang pakawalan pa.
09:22Congratulations, Bob.
09:24I'm working.
09:25Ang nakaraang linggo,
09:26ang biyaherong si Drew Arellano,
09:28trending!
09:31Pero hindi dahil sa panibadong biyahe niya around the world, ha?
09:36Kundi dahil sa natatangin niyang regalo
09:40sa asawang si Ia Vilania Arellano ngayong Mother's Day.
09:43Ang pagpapa-vasectomy.
09:44Ang nangusong pagpapa-vasectomy.
09:49Hatid ng Good News ngayong Sabado.
09:53And that's my Chica this Thursday night.
09:58Ako po si Ia Arellano.
10:00Wala nang baby number 6.
10:03At 7 at 8 na ito.
10:05Ha, ha, ha, ha, ha.
10:08Eksklusibong naka-one-one ng Good News
10:10ang Proud Mom of Five.
10:12At Chica Minute Anchor ay walang iba.
10:15Kundi ang kasamahan ko sa 24 oras na si Ia.
10:19Each pregnancy, parang pahirap siya ng pahirap.
10:24So, okay.
10:25Kung kay Play mo, wala akong naramdaman.
10:27Wala akong na-experience sa morning anything.
10:30Nothing.
10:31Kay Leon, may mga konting symptoms na.
10:33Tapos kay Alana.
10:34So, padagdag ng padagdag.
10:36Hanggang kay Anya.
10:37Talagang I could feel the nausea.
10:41Hindi ko alam kung ano gusto kong kainin.
10:44Kaya ayoko na!
10:46Dahil mahirap!
10:48In labor and delivery,
10:50the hardest was Primo.
10:53The first three, although normal,
10:55vaginal delivery.
10:58I had the epidural.
11:00I could feel the pressure.
11:04I could feel the discomfort.
11:07I could feel the stress
11:10na kung hindi ko pa siya iire,
11:12baka mamaya may mangyari pa sa bata.
11:15Matagal na rin daw talaga nilang pinag-iisipan
11:20ng asawang si Drew ang pagpapatali.
11:24Good day, Angela!
11:26Good day, Angela!
11:28Are you ready to be?
11:30You did it, babe?
11:31After Astro,
11:33pinag-iisipin na namin pareho
11:35because we were pretty decided on the fact that
11:37last na si Astro.
11:38We were already thinking about it.
11:40Last year pa lang,
11:41hindi na tuloy.
11:42Hindi na tuloy.
11:51You guys are gonna have another sister!
11:54Kaya nagkaanya.
11:55Kaya nasingitan pa.
11:56Wow!
12:09Pero pagkapanganak sa bunso,
12:12si na Drew at Ia,
12:14decidido na!
12:17Si baby Anya
12:19o baby number five,
12:21panghuli na!
12:26Congratulations, Bob!
12:29Pero imbis na si Ia ang magpatali,
12:31si Drew raw nagdesisyong magpavasectomy.
12:36Kasi I think marami na akong pinagdaanan.
12:39But actually, pinag-usapan namin ni Drew
12:41and I told him naman na
12:43kung sakali ma-CS ako,
12:46edi gawin ko na.
12:48Nandun na ako eh.
12:49Hindi naman siya nag-alinlangan.
12:50He was open to it.
12:51Of course, he researched about it.
12:53And he did it.
12:57Happy vasectomy!
13:00Ang vasectomy ay isang uri
13:02ng permanenting birth control method
13:04para sa mga lalaki.
13:06Katumbas ng pagpapalaygate sa mga babae.
13:10Ang pagpapasnip daw ni Drew,
13:12Mother's Day gift niya para kay Ia.
13:15He saves me also from having to take those pills.
13:20He saves me from having to mess with my hormones.
13:25Meron pa akong pagdadaanan na perimenopause,
13:27may menopause pa akong dadaanan.
13:29So parang he's sparing me from all of that.
13:32Si Mama Ia,
13:34thankful daw sa natanggap ng Mother's Day gift mula sa asawa.
13:41Samantala,
13:42ang 36-anyos namang daddy of three na si Patrick,
13:45malalim ang hugo at kung bakit nagpa vasectomy.
13:49Lalo't delikadong magbuntis ang asawang si Abby.
13:52Yung pangatlo ko,
13:54which is at 25 years old,
13:57emergency CS siya.
13:59Tinapat na ako noon doktor mo.
14:01Na,
14:03mister, ganto yung sitwasyon,
14:05ganyan-ganyan,
14:06isa lang pwede mabuhay.
14:08But thank God talaga
14:09kasi buhay pa rin
14:11yung daughter namin ngayon.
14:14Nagpipills daw talaga noon si Abby
14:16bilang bahagi ng kanilang family planning.
14:19Pero ayon kay Patrick,
14:21Nung nagpipills si misis,
14:23doon nag-start yung maging high blood siya.
14:25Irritable.
14:27Madalas yung migraine niya.
14:29Si Patrick,
14:30nagdesisyon ng magpavasectomy noong 2023.
14:34Base sa kanyang karanasan,
14:35hindi naman daw naging mahirap ang proseso.
14:38Para kay Patrick,
14:40ang pagpapasnit niya,
14:41hindi daw kawala ng kanyang pagkalalaki.
14:44Hindi na ako para ibust yung ego ko na
14:46buhay naman ako.
14:47Nandiyan naman yung ano ko.
14:49Hindi naman nabawasan yung pagkalalaki ko.
14:52Mulat daw ang mag-asawa sa hirap ng malaking pamilya.
14:56Si Abby kasi walong magkakapatid.
14:59Habang si Patrick naman,
15:01sampu.
15:02Galing ako sa punto na wala akong makain,
15:05hindi ko magbili yung gusto ko.
15:07Same goes with her.
15:08So, bakit kailangan natin i-pa-experience
15:12sa magiging anak natin?
15:15Kaya ang mensahe ni Abby sa kanyang hubby?
15:17Sobrang proud ako as a wife.
15:20Mas lalo akong humanga dun sa kanya,
15:23dun sa way of thinking niya.
15:25Sabi niya nga, ako naman this time.
15:28Dahil mahal ko kayo.
15:30At dahil Mother's Day,
15:32gawin natin mas special ang araw na ito.
15:35Happy Mother's Day, Mommy!
15:42Thank you for all the sacrifices you made for us.
15:45Although we're sometimes naughty,
15:47we will always love you.
15:49Thank you for being there by our side
15:51and always attending our school competitions.
15:54I love you, and Happy Mother's Day!
16:01Ayaw naman sa Commission on Population and Development,
16:04wala rin dapat ipag-alala sa pagpapavasectomy
16:08dahil ligtas ito.
16:10Una, hindi po ito pagkakapon.
16:12Ito lamang ay napaka-mabilis na procedure
16:16para sa ating mga kalalakihan
16:18dahil ang vasectomy ay isa sa male-centric methods
16:22kasama ang kondom.
16:23Isa rin ang vasectomy
16:25sa mga family planning methods
16:27para makontrol ang mabilis na population growth sa bansa.
16:31At ang good news,
16:33may mga ahensyang pwedeng lapitan
16:35para makakuha ng libreng vasectomy.
16:37Aming pinopromote ang shared responsibility
16:40in responsible parenthood and family planning.
16:43Libre ang no-scalpel vasectomy
16:45sa ating mga public hospitals
16:47at public health centers.
16:49Ngayong araw ng mga ina,
16:52sa anumang paraan,
16:54magbigay-pugay sa mga natatanging ilaw ng tahanan.
16:59Ang pagmamahal
17:01at sakripisyo ng kanyang pamilya
17:05talaga namang deserve nila.
17:07Ngayong dinudumog ang mga summer pasyalan,
17:13hindi maiwasan ang aberya.
17:15E meron pa kayang mga good samaritan
17:18na handang gumawa ng kabutihan?
17:23Sa init ng panahon,
17:25ang gusto ng lahat,
17:26magpalamig.
17:27Kaya naman para sa marami,
17:29swimming is the key.
17:31Pero paano kung ang pagre-relax mo?
17:36E bigla na lang maantala
17:39dahil sa mga hindi inaasahang gulo.
17:46Tulad na lang sa video na ito
17:48na imbis na chill mode
17:50e naging beast mode ang mga tao
17:53na nag-rambulan sa swimming pool.
17:58Umabot din daw ng 10 minuto
18:00ang away bago ito tuluyang na awat.
18:03Hindi naman nagpa-unlock ng panayam
18:05ang pamunuan ng resort hinggil dito
18:08pero hinihikayat nila
18:10ang mga bibisitan
18:11na maging mahinahon
18:13lalo na kung nakainom
18:14para maiwasan ang galitong gulo.
18:18Tuwing nasa outing,
18:19pangkaraniwa na ring eksena
18:21ang pag-rampa ng beach bodies
18:23na kung minsan
18:25eh hindi rin nakalulusot
18:27sa pangmamata ng iba.
18:28If you're struggling with confidence
18:30pero magbaborakay ka this summer, tara!
18:33Insecurity check!
18:35Sa video na nga ni Ganda
18:36o ng 37-year-old na si Rona.
18:39Anakad ako
18:40nang nakaswimsuit
18:41from Station 3 to Station 1
18:43to show you na
18:44bed ma lang yung mga tao dito.
18:46Inirampa niya ang kanyang insecurities
18:48mula Station 3
18:50hanggang Station 1 sa Boracay.
18:52Dahil ang body shaming
18:54at mga insecurity
18:55eh hindi daw dapat kasama sa outing.
18:58Sa Station 1 na tayo
18:59pero walang namula.
19:01Yan ang confidence!
19:03I don't battle with my insecurities anymore.
19:06Instead, accepted ko na siya.
19:08Alam ko na may flaws ako
19:10and mapapansin at mapapansin siya ng tao.
19:13But sabi ko nga sa mga vlogs
19:15your self-love has to be bigger than your insecurities.
19:18Do we care?
19:19No!
19:20Ngayong araw sa Good News
19:23gagawa tayo ng eksperimento
19:25na layunin humanap ng mga Good Samaritan
19:28sa mga summer pasyalat.
19:30My besties for today!
19:32Hi!
19:33Sa eksena,
19:34makakasama natin si Kyriel
19:36at ang BFF niyang
19:37si Ray Jen
19:38sa isang resort.
19:39Habang uma-aura
19:41ang magkaibigan
19:42mapapadaan naman
19:43ang dalawa pa nating mga kasabwat
19:45na sina Jamela at Raylee
19:47na mangba-body shame
19:49o mangungutya
19:50dahil sa physical na anyo
19:52ng ating kasabwat.
19:53Anong problema nyo?
19:55Yung kasama mo.
19:56Kasama mo.
19:57Hahaha!
20:01Simulan na ang aurahan.
20:03Masaya na pagdapa.
20:04Ganyan.
20:05Oo, kasalan mo dito.
20:07Babay mo yan.
20:08Ganyan.
20:09Ganyan.
20:10Ganyan.
20:11Ganyan.
20:12Ang ating mga kontrabida
20:14magsisimula ng umentra.
20:16Sagwa.
20:18Hahaha!
20:19Ang ganda ba?
20:20Oo naman.
20:21Double size.
20:22Napat-double din ang entrance.
20:23Hahaha!
20:24Feeling niya bagay yun.
20:26Ang mga babaeng ito,
20:28napapatingin na.
20:30Bewang sagwa.
20:31Sagwa doon.
20:32Masa ba siya?
20:33Ito ko si Levine.
20:35Hahaha!
20:36Goodbye na.
20:37Ganyan.
20:38Ganyan.
20:39Ganyan.
20:40Ganyan.
20:41Palyena.
20:42Palyena.
20:43Palyena sa beach.
20:44Ano bang problema?
20:45Anong problema?
20:46Anong problema?
20:47Kasi parang kayo na pa kayo na tatawanan eh.
20:50Bakit?
20:51Kasi ba ba tumawa?
20:52May nakakatawa naman talaga eh.
20:54Ang kasama mo.
20:55Napukaw man ang atensyon.
20:57Tumanggi namang magkomento ang babae sa nangyari.
21:00Ang susunod na kumpruntahan dito sa tabi ng grupo ng magkakaibigan ito.
21:09Nakakahiya kayo.
21:10Kawabae niyong tao.
21:11Wala kayong ano sa katawan.
21:13Wala kayong kahihiyan.
21:14Ano bang pakialam niyo?
21:16Eh ganyan siya eh.
21:17Kailangan niya ba i-please kayo?
21:19Dito na nakuha ng ating mga kasabwat ang atensyon ng grupo.
21:23Yung kasama mo!
21:24Yung kasama mo!
21:25Masa ka sa mata!
21:26Maya maya pa.
21:27May sumigaw na ng...
21:28Batishever!
21:32Batishever!
21:33Eh ano naman kaya ang masasabi niya kung sa kanya nangyari yun?
21:36Masasaktan ko ako kasi hindi ko naman po ginestin na ganito ko ako.
21:40Kakatanggapin na lang po kung ano po meron ka.
21:43Kasi bigay po ng Diyos yan.
21:44Salamat sa malasakit kapuso ha!
21:47Muli naming inulit ang eksperimento sa tapat ng cottage ng pamilya nito.
21:55Ano kaya ang reaksyon nila?
21:57Eh nakarating yun namin dito. Nag-feature lang kami. Skandalosa to.
22:00O eh ano naman. Nasagwa nga na katawan ang kasama mo.
22:03Ano naman ngayon? Ano problema dun?
22:05Wala. Nasasagwaan lang ako. Bakit ba?
22:08Ang mga dumaraan, napapatingin na nga sa ating mga kasabwat.
22:12Medyo masakit nga sa matay katawan mo.
22:15Tapos ganyan pa isuot mo.
22:19Hindi na napigilan ang lalaking ito na makisali sa usapan.
22:23Ang payet nyo ah.
22:25Payet talaga kami kuya.
22:27Diba?
22:28Diba?
22:29O diba? Tingnan nyo pati si kuya nagsasalita.
22:32Ano ba yung patulang? Hindi ko kulang sila sa panitin.
22:35Ibang nahimik nyo ako ba?
22:37Diba hindi?
22:38Bakit nyo naman?
22:39Katawan nyo yun eh.
22:40Eh napakalaki kasi ito.
22:42Pati ang kanyang ina hindi rin na pigilan magbigay ng words of encouragement sa ating mga bida.
22:52Malaki daw po siya. Bakit daw po kita yung ganto niya?
22:54Hindi.
22:55Kaya naman yung paggalal.
22:56Kaya nga po.
22:58Kaya nga po.
22:59Kaya nga po.
23:00Buhang mainit ang eksena ah.
23:02Tingisip ko kung sasabihin ko ba o ipagtatanggol ko pero sabi ko po wala nang pong mali kung ipagtatanggol niya yung kapa nyo.
23:10And especially din po sa mga babae na hindi naman po dapat dinidiscriminate ang isang tao just because of their size.
23:17Wow! Sana kaya ko ding magsuot ng ganyan. Although mataba din ako. Ang lakas kasi ng confidence.
23:23Ipinasuri namin sa isang eksperto ang kinalabasa ng social experiment.
23:31Sila yung may kakayahan na pumagitna o mag-call out ng mga taong nang bubuli. Sila yung may mataas na empathy level.
23:40Kaya sila nakakapag-step up kasi naiintindihan nila yung severity ng situation ng emotion na naranasan ng isang taong nabubuli.
23:48Bayo naman ni ganda, self-love is key.
23:51Tip number one, your self-love has to be bigger than your insecurities.
23:56Tip number two, may silang ang buhay.
23:59So, bakit mo ipaprioritize yung iniisip ng ibang tao more than what you want to do for yourself?
24:07Tip number three, stop apologizing for your existence just because you're fat.
24:13Girl, take up space. Write mo din mo. Karapatan mong maging masaya.
24:18Lahat tayo may angking ganda at ang pagkatao hindi nasusukat sa itsura.
24:26Kaya tandaan, ang respeto deserve ng bawat isa.
24:31Sa tindi ng init ng panahon ngayon, ang sigaw natin, pahingin tubig.
24:41Pero hindi raw yan problema sa barangay nagsabaran Diadin, Nueva Vizcaya.
24:46Dahil ang tubig nila rito, only na for free pa.
24:51Sa tumataas na singil sa tubig at kakulangan sa supply nito,
24:56sinong hindi mapapa sana all sa biyayang tubig sa lugar na ito?
25:01Tubig all you can na libre at walang patayan.
25:05Sa nagbula, abangan!
25:08Walang tubig?
25:10Di raw yan problema sa bayang ito sa Nueva Vizcaya.
25:14Ang bundok kasi rito, may libring supply na tubig sa mga bahay-bahay.
25:20Ang 78 taong gulang na residente ng Diadi, Nueva Vizcaya na si Milencio,
25:25magpapatunay raw sa biyaya ng tubig sa kanilang lugar.
25:30Dito lang po sa Purukdos po dahil kami lang po yung naka-discovery po ng source
25:37na pwedeng paghanap mo yan po.
25:39Dati raw driver ng truck si Milencio.
25:42Nang natigil sa trabaho, nagtayo ito ng vulcanizing shop.
25:47Dahil alam niya ang hirap na dinaranas ng kapwa niya truck driver,
25:51katulad ng pag-o-overheat ng sasakyan,
25:54ang bright idea niya ay gumawa ng paraan
25:58para magkaroon ng free-flowing na tubig.
26:01Kaya naman si Milencio,
26:03pinungkal ang lupa at gumawa ng paraan
26:06para ito ay mapakinabangan.
26:08Nilinisan ko po yun,
26:10tapos sinukayan ko ng mga siguro isang metro mahigit
26:13ang layo dun sa ibabaw ng lupa.
26:16Saka ako po nilagyan po ng tubo
26:18para po yun po ang dadaluyan po nung tubig.
26:23Dalawang kilometro raw ang nilakbay ng hose
26:26bago makarating sa kanilang bahay.
26:29Yung nilagyan po ng hose
26:31diretsyo po dun sa loob po ng bahay
26:34bago po inilabas po dun sa
26:36ginagamit namin dito sa highway.
26:39Mga mga trucking, tumitigil,
26:41nagigay po ng inumin,
26:43ganun po ang ginagawa po nila noon.
26:45Ang tubig daw na ito,
26:50thanks to Mother Nature.
26:52Nagmula raw kasi ito sa bukal
26:54kung saan ang tubig
26:55nanggagaling sa ilalim ng lupa.
26:57Kung dati,
26:58sa poso lang daw sila kumukuha ng tubig,
27:01ngayon,
27:02want to sawa na ang kanilang supply.
27:06Dahil non-stop na ang tubig ni na Milencio
27:09mula sa bukal,
27:10ang mga kapitbahay niya,
27:12gumaya na!
27:13Ngayon,
27:17kaliwa't kanan,
27:18merong hose ng tubig
27:20sa harap ng kanika nilang bahay.
27:22Depende rin daw sa kalidad ng tubo
27:25ang daloy ng tubig.
27:26Ang tulad ng kay Milencio,
27:28naisasara na parang sa gripo
27:30kung kaya't nagagamit lang ang kailangan.
27:32Ang ila namang manipis lang ang tubo.
27:35Walang patayan ang tubig.
27:37Maari raw itong masira kapag pinigilan ang pressure ng tubig.
27:41Pero ang tubig naman daw na lumalabas dito
27:44ay bumabalik din sa ilog
27:46kung saan naman nag-iigib ang mga taga-kabilang purok.
27:49Isa na nga raw sa nakikinabang sa biyaya ng anli tubig si Romelita, isang housewife na ang naging sideline naman pagka-car wash.
28:01Ang trabaho ko po, Ma'am, yung pagkakarwas po ng sasakyan. Buo pong sasakyan, Ma'am, kung minsan.
28:07Tatlo po kaming nagkakarwas, Ma'am, sa 600 pesos po.
28:11Hati-hati po kami sa tatlo.
28:13Dati daw kasi, pag-uuling ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
28:17Pero pinagbawal po ng DNR kasi bawal po magputol ng mga kahoy.
28:22Siyempre, wala na po kaming hanap buhay. Nag-washing po ako.
28:27Malaking tulong para sa amin. Ligal naman yung ginawa nila.
28:32Kung hindi sila payagan, baka pupunta sa bundok o magkaingin o mag-uuling, mas masira yung environment namin dito sa nagtabaran.
28:42Ang nakamamanghapa raw nilang siste, mga babae raw talaga ang nakatoka sa pagka-car wash gamit ang anli tubig.
28:50Ang mga lalaki raw kasi sa lugar, may kanya-kanya ng hanap buhay.
28:55O diba, girl water is the power.
29:00Ang negosyang ito ng araw ni Romelita, mula pa sa utang.
29:04Umutang po ko ng asa, ma'am, para maipong po po yung pangbili ko ng host namin.
29:09Pero dahil daw sa dami ng nagpapa-car wash at malaki ang tipid sa ginagamit na tubig, eto at napag-aral niya ang kanyang mga anak.
29:21Umulan man o umaraw, may tubig silang masasandalang.
29:25Pwedeng panglaba, panghugas ng pinggan, pwede rin inumin, at lalong-lalong pwedeng maging panghanap buhay.
29:35Biyaya nga talaga!
29:37Sana'y na-inspire po kayo sa aming mga kwento.
29:40Hanggang sa susunod na sabado, ako po si Vicky Morales.
29:44Tandaan, basta puso, inspirasyon, at good vibes.
29:48Siguradong good news yan!
29:50Biyaya nga talaga!

Recommended