Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Nilinaw ng Justice Department na hindi magbabalik-kulungan si dating Senador Leila de Lima kasunod ng desisyon ng Court of Appeals na ideklarang null and void ang pag-acquit sa kaniyang kaso. Tingin naman ng isang dating mahistrado ng Korte Suprema, mali ang desisyon ng CA.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nilinaw ng Justice Department na hindi magbabalikulungan si dating Sen. Laila de Lima
00:04kasunod ng desisyon ng Court of Appeals na ideklarang null and void ang desisyon ng mababang hukuman
00:10sa kaso niyang drug trafficking.
00:12Tingin naman ang isang dating maestrado ng Korte Suprema, mali ang desisyon ng CA.
00:17Nakatutok si Darlene Kye.
00:23Naghahanda si dating Sen. Laila de Lima sa mga susunod niyang hakbang
00:26matapos ipawalang visa ng Court of Appeals ang pagpapawalang sala sa kanya
00:31ng Montilupa Regional Trial Court sa kasong may kinalaman sa droga.
00:35Naninindigan si Darlene Ma may basihan ang pagkakaakwit sa kanya.
00:39Parang sinasabi lang is that hindi masyado maganda o tama
00:43o kulang-kulang yung pagkakasulat ng respondent judge.
00:49Hindi naman sinasabi na mali yung pagkakwit sa akin
00:52kasi naman talaga may dahilan, may basihan.
00:56Yung pagkakwit sa akin.
00:59Inakwit si Delima sa kaso noong taong 2023
01:02matapos bawiin ng testigong si dating Bureau of Corrections
01:04o ay si Rafael Ragoz ang kanyang testimonya
01:07na nagdala siya ng pera sa bahay ni Delima
01:09mula sa kalakran ng droga sa Bilibid.
01:12Sinabi lang daw niya ito dahil natakot siya.
01:14Pero ang desisyon, inakyat ng Office of the Solicitor General
01:17sa Court of Appeals.
01:19At sa desisyon ngayon ng CA 8th Division,
01:21iniutos na ibalik ang kaso sa Muntinlupa RTC.
01:24Sabi ng CA, biguraw ang korte na sabihin kung alin sa mga pahayag ni Ragos
01:29ang binawi, kung anong epekto ng mga binawing pahayag
01:32at kung anong bahagi ng krimen ang hindi na patunayan.
01:35Parang masyad yung form lang, oversubstant.
01:38Ang pinakaimportante yung substantive finding
01:41na hindi na-prove yung aking guilt.
01:45Hindi yung kung ano yung forma ng desisyon.
01:48Sa paliwanag ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano,
01:51hindi binabaliktad ng CA ang pagpapawalang sala kay Delima.
01:55Ang pinagpapaliwanag daw ay ang RTC judge na nagbaba ng hatol.
01:58Ang magiging party po dyan ay ang judge na sinasabing lumabag po sa kanyang hurisdiksyon.
02:05Hindi po ang merits ng case ng RTC ang pinapag-usapan sa Court of Appeals.
02:12Kung baga ang tanong lang po doon ay whether or not may grave abuse of discretion
02:16ang judge sa pag-issue.
02:18Ngayon po sa aking pagbasa ng Court of Appeals decision,
02:22mukha namang clarification din po ang gusto nila.
02:26Binatikos ni retired Supreme Court Associate Justice Carpio
02:29ang desisyon ng Court of Appeals.
02:31I think mali yung CA na saying na
02:36the decision is void for failure to comply with the Constitution.
02:42Hindi naman ni-require ng Constitution na
02:44napakaganda yung ponensya mo, yung desisyon mo.
02:50Madami naman dyan mga desisyon na
02:53very fair lang.
02:57As long as you state the facts in the law, pwede na yun.
03:00Sa isang mensahe, sinabi ni Solicitor General Minardo Guevara
03:03na kung ibabalik ang kaso sa RTC,
03:06ang mga prosecutor ng Department of Justice ang haharap dito.
03:09Pero kung umabot daw sa Korte Suprema ang usapin,
03:11patuloy na magsisilbi ang kanyang tanggapan bilang kinatawan ng taong bayan.
03:15Sa ngayon, inaasahang kasama si Delima sa maipoproklama
03:18bilang party list representative,
03:20gayong siya ang number one nominee ng ML party list.
03:23Ayon kay Comlec Chairperson George Garcia,
03:26walang dahilan para suspindihin ang kanyang proklamasyon.
03:29Hindi naman po final conviction yun
03:31ng isang court of appeals.
03:33Wala namang pending case din sa amin.
03:35Para sa GMA Integrated News,
03:37Darlene Kay, nakatutok 24 oras.

Recommended