Babae, inasulto ng boss ng ex-boyfriend - sa tulong ng kanyang ex!

  • 9 years ago
Babae, natulak sa sahig at naatake ng electric bug zapper ng kanyang ex-boyfriend, at ng boss nito!

Isang babae mula sa Tainan, Taiwan ang hindi akalain na mauuwi sa ganito ang kanyang madalas na pagpunta sa pet store kung saan nagta-trabaho ang kanyang ex-boyfriend, na gusto niyang makabalikan.

Ang babaeng si Chen ay kinainisan ng 50-year-old na boss ng kanyang ex-boyfriend, na naisipang turuan ng leksiyon ang 23-year-old na babae.

Noong June 14, ang boss na si Chang ay pinapunta ang babae sa basement ng pet shop, kung saan nakulong ang babae.

Sa basement, ay hinubaran ni Chang si Chen, at bayolenteng inasulto ang babae. Nakalmot daw ni Chang ang dibdib ng babae, bago niya brutal na sinaksak ang walis sa loob ng kababaihan ni Chen, at inasulto pa ito, gamit ang isang electric bug zapper, o de-kuryenteng pampatay ng insekto.

Sa gitna ng asulto, ay bumalik ang ex-boyfriend ni Chen sa shop, pero imbes na tulungan ang babae ay tinulungan niya ang kanyang boss na pigilan sa paglaban si Chen!

Ilang beses na nagmakaawa si Chen bago tumigil ang dalawang lalake. Ngayon ay dinedemanda ni Chen ang mga lalake, na naaresto na ng mga pulis habang iniimbestigahan ang kasong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended