Leeg ng isang babae, nalaslas ng boyfriend ng kanyang teenager na anak!

  • 9 years ago
Leeg ng isang babae, nalaslas ng boyfriend ng kanyang teenager na anak!



Isang kinse anyos na lalaki ang naakusahan ng paghiwa sa lalamunan ng ina ng kanyang trese anyos na girlfriend.

Ang karumal-dumal na krimen ay nangyari sa tahimik na lugar sa Ocala Florida, Linggo ng umaga.

Ayon sa pulis, pinapunta ng babae ang kanyang ina sa garahe.
Doon naghihintay sa dilim ang lalake, na may hawak na kutsilyo.

Hiniwa ng lalaki ang lalamunan ng ina ng kanyang girlfriend, at iniwan ito sa garahe.

Hihiwain din niya sana ang lalamunan ng ama ng babae, pero nakumbinsi siya ng ama na dalhin ang ina sa ER, kung saan ito naoperahan at naligtas.

Pagkalipas ng dalawang oras, nahanap ng pulis at naaresto ang dalawang teenager.

Ayon sa affidavit, plinano nia ang pagpatay sa magulang ng babae sa Facebook, para mapagpatuloy nila ang kanilang pagde-date. Ayon sa pulis, pinapasok ng babae ang lalaki sa kanilang bahay, binigyan ito ng kutsilyo, at pinatanggal ang sapatos nito para hindi siya marinig.

Sila ay nakasuhan ng dalawang bilang ng conspiracy to commit murder.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended