Lalake, nasunog sa loob ng kotse, sa Grand Central Parkway, Queens

  • 9 years ago
Lalake, nasunog sa loob ng kotse, sa Grand Central Parkway, Queens


Kotse, nadaanan ang isang bakal na bumper at nakagawa ng isang sunog, na ikinamatay ng pasahero.

Ang kotseng nakikita niyo dito, na nasunog matapos nitong madaanan ang isang bakal na car bumper? Namatay ang pasaherong nakasakay sa likod.

Ayon sa mga report, ang bakal na car bumper ang dahilan ng aksidente.

Minaneho ni Akeem Phillip ang 2013 Toyota Highlander, habang nakasakay sa passanger seat si Saturne Saint-Surin, at nasa likod si Dale Tulloch.

Papunta sila sa Grand Central Parkway sa Queens...nang nadaanan ng Toyota ang bumper. Nabutas ang gas tank, na nagsimulang mag-leak ng gasolina.

Nag-apoy ang gas, at nasunog ang kotse.

Hininto ni Akeem ang kotse, at nakatakas sila ni Saturne. Pero ang 50-year-old na si Dale ay na-trap sa loob ng kotse, at namatay.

Akala ni Akeem at Saturne ay nakaligtas ang kanilang kaibigan.
Pero pagtalikod nila ay hindi na nila ito nakita.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended