Babaeng gym teacher, nakipag-sex sa lalaking estudyante sa Connecticut!

  • 9 years ago
Babaeng gym teacher, nakipag-sex sa lalaking estudyante sa Connecticut!



Isang Physical Education teacher sa Connecticut, na naging pisikal diumano sa isa sa kanyang mga lalaking estudyante, ang sumurrender sa Waterbusy police. Siya ay nakasuhan ng apat na kasong sexual assault itong nakaraang linggo.

Baguhan pa ang 25-year-old na si Meghan Eagan sa kanyang trabaho sa Crosby High School, kung saan maraming estudyante ang nabighani sa kanyang kagandahan.

Si Eagan ngayon ay naakusan ng pakikipag-sex sa isang estudyanteng lalaki, na pinaniniwalaang isang high school senior. Apat na beses daw silang nag-sex, mula Disyembre hanggang Enero.

Ayon sa pulis, ang kanilang mga enkwentro ay nangyari sa bahay ni Eagan sa Meriden Road.

Mga estudyanteng nakakaalam sa relasyon na ito ang nagsabi sa dalawang vice principal ng eskuwelahan. Sumurrender na si Eagan sa pulis noong Sabado, at siya ay nailagay na sa leave mula sa kanyang trabaho.

May mga estudyante sa eskuwelahan ang hindi makapaniwala sa balitang ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended