Krispy Kreme donuts, pinagkakahuluhan at pinipilahan sa Taiwan!

  • 9 years ago
Krispy Kreme donuts, pinagkakahuluhan at pinipilahan sa Taiwan!


Mga Taiwanese, pinipilahan ang Krispy Kreme donuts!

Naranasan mo ba na magkaroon ng napakalakas na craving para sa Krispy Kreme donuts, na papayag kang pumila ng apat na oras para makabili nito?

Para sa karamihan, simple lang ang sagot: NO.

Pero sa Taiwan, ay iba ang ihip ng hangin.

Ang kauna-unahang Krispy Kreme sa Taiwan ang nagbukas itong buwan, at ang mga residente sa Taiwan ay nasobrahan sa excitement, at matagal na pinilahan ang mga donuts na sa tutoo lang, ay hindi naman ganun kasulit.

Isang Amerikanong nakatira sa Taiwan ang nagpaliwanag ng reaksiyon ng publiko sa pagbukas ng Krispy Kreme doon, at ang kanyang paliwanag ay mapapanood sa YouTube. Ayon sa kanya, bagamat ang Krispy Kreme donuts ay masarap, hindi naman sila ganun ka-espesyal. Pero dahil ugali ng mga Taiwanese na sumakay sa mga uso, pipila at pipila ang mga ito kahit na hindi nila sigurado kung masusulit ang kanilang oras.

Tutoo man ang paliwanag na ito, o hindi, tingnan na lang natin ang napakahabang pila ng tao sa harap ng kabubukas lang na Krispy Kreme sa Taiwan!

Nagsimula raw pumila ang mga tao noong alas diyes y medya, at apat na oras na naghintay para matikman ang mga donuts. Ayon sa isang customer, masarap ang donuts pero hindi siya siguradong nasulit ang kanyang paghihintay. At dahil maraming hindi pa nakakatikim ng Krispy Kreme, at maraming nagbabanggit sa kasarapan nito sa internet, ay maraming nakumbinsi na pumila ng matagal para sa mga donuts na ito.

Ang pagpila ng matagal, na para lang sa mga donuts, ay hindi na bago para sa mga Taiwanese.

Pero may mga netizens na nagalit sa video ng Amerikano, at sinabi nila na ang pagiging curious tungkol sa bagong produkto ay parte lamang ng human nature; nabanggit din nila na ang paglabas ng bagong iPhone ay pinipilahan din naman sa Amerika.

Ano sa tingin niyo? Ang pagpila ba ay sulit, o sayang ang oras? Mag-iwan ng opinyon, sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended