Pulis, na-raid ang isang underground marijuana at cockfighting ring sa Miami!

  • 9 years ago
Pulis, na-raid ang isang underground marijuana at cockfighting ring sa Miami!


Marijuana at cockfighting operation, nahuli sa Miami!

Isang bahay sa Florida ang natagpuang naglalaman ng isang malaking grow house, at cockfighting ring. Consistent talaga ang mga taga-Florida!

Doghouse ito, diba? Hindi! Isa pala itong marijuana grow house!

Base sa isang tip, kumuha ng search warrant ang Miami-Dade police noong Lunes, at pinuntahan ang isang bahay sa NorthWest 6th Street. Nadala ng mga pulis ang 50 pounds ng marijuana, at 64 na halaman na marijuana.

Ang pekeng doghouse ay harapan lang pala, ng isang hagdanan, na nagtutungo sa isang crawl space, na kasing-haba ng kalahati ng bahay. Mga kulungan na may mga patay at buhay na manok ang natagpuan sa bakuran, na ginagamit para sa cockfighting.

Ayon sa pulis, dahil sa bulok na electrical system at mga kemikal na ginamit para magpatubo ng marijuana, ang bahay ay maaring sumabog sa kahit na anong oras.

Ang bail ni Lazara Lopez at Julio Valdes ay nasa 43,000 USD -- at siniguro ng judge na naintindihan nila, na ang kanilang pambayad ay kailangang manggaling sa legal na paraan. Mukhang mahirap iyan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended