Daliri ng isang babae, nakagat at naputol ng kerida ng kanyang asawa!

  • 9 years ago
Daliri ng isang babae, nakagat at naputol ng kerida ng kanyang asawa!

Isang 45-year-old na babaeng nagngangalang Chang, mula sa Suzhou, Jiangsu Province sa China, ang nadiskubre na ang kanyang asawa ay may kerida. At itong linggo, ay inasulto si Chang ng kerida, na kinagat at pinutol ang daliri ni Chang!

Si Chang, na naninirahan sa malapit na siudad ng Nantong itong dalawang taon, dahil doon nag-aaral ang kanyang anak, ay bumalik sa kanilang bahay sa Suzhou para kumuha ng mga damit para sa tagginaw.

Doon niya nakita ang kerida ng kanyang asawa, na naninirahan sa kanilang bahay! Mag-isa itong nasa bahay pagdating ni Chang noong Lunes.

Naging bayolente ang away ng dalawang babae, at tinangkang paalisin si Chang ng kerida sa pamamagitan ng isang bakal na poste na ginagamit niya bilang sampayan. Sa gitna ng away ay kinagat ng kerida ang daliri ni Chang, na naputol.

Buti na lang at naikabit pa ng mga doktor ang daliri ni Chang sa kanyang kamay. Nang siya ay nakaalis mula sa ospital, ay nag-file na para sa divorce si Chang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended