Taiwanese sexy actress, nagpakamatay matapos tanggihan ng film producers!

  • 9 years ago
Taiwanese sexy actress, nagpakamatay matapos tanggihan ng film producers!

Isang Taiwanese na sexy actress, nagtangkang magpakamatay matapos matanggihan ng mga film producers!

Ang erotic actress na si Yu Jie, ay nagtangkang tumalon mula sa balcony ng isang hotel sa Beijing itong nakaraang linggo.

Si Yu Jie ay nagkaroon ng interview kasama ang iilang mga Japanese film producers, at inaasahan daw nila na si Yu Jie ay mala-Sharon Stone ang dating.

Pero nang pumasok sa kuwarto si Yu, sinabihan siya ng mga producers na matanda at pangit, at sinabi pa nila na hindi ito magaling umarte. Agad namang nai-translate para kay Yu ang mga sinabi nila.

Nasaktan at na-depress si Yu. Ang kanyang manager ay kinailangang maunang bumalik sa Taiwan, kaya naiwang mag-isa sa kanyang hotel room ang aktres.

Kinabukasan, nagtangkang magpakamatay si Yu. Nakita siya ng mga tao na nakatayo sa balcony, at siya ay napigilan ng isang hotel staff.

Buti na lang at nahatak siyang pabalik sa kanyang kuwarto.

Si Yu ay sumikat sa kanyang mga erotic na photo shoots, noon pang 1999. Siya ay na-harass ng kanyang ex, at kinailangang magpunta sa psychiatrist noong 2009. Siya ay nagpakitang nag-aabot ng mga flyers sa mga tao itong nakaraang Hulyo. Malamang ay dahil sa mga pangyayaring ito, kaya niya ginustong magpakamatay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended