Plastic surgery sa ilong, ikinabulag ng isang babae sa China!

  • 9 years ago
Plastic surgery sa ilong, ikinabulag ng isang babae sa China!

Isang operasyon sa ilong, naging dahilan ng pagkabulag ng isang babae!

Ang 24-year-old na si WenWen, mula sa Foshan City sa Guangdong province sa China, ay cute naman, pero hindi siya kuntento sa kanyang ilong. Sa rekomendasyon ng isa niyang kaibigan, nagpa-inject si WenWen ng hyaluronic acid sa kanyang ilong, sa isang beauty salon.

Sa panunulsol ng kanyang kaibigan, at ang may-ari ng salon na si Shen, nagpa-opera sa ilong si WenWen, at gumastos ng halos 1000 US dollars.

Sampung minuto matapos isagawa ni Shen ang injection, ay nakaranas ng hindi maitukoy na sakit si WenWen sa kanyang ilong, pero sabi raw ni Shen at normal lang na makaramdam ng sakit.

Matapos ang sampu pang minute, nanlabo na ang kanang mata ni WenWen, at ang kanyang ilong at noo ay naging kulay violet. Nagtawag na si Shen ang ambulansiya.

Nadiskubre ng mga doktor na ang acido ay na-inject sa isang ugat, at dahil dito ay nabulag ang kanang mata ni WenWen.

Nalipat sa isang ospital sa Beijing si WenWen, pero pagdating niya doon ay namatay na ang karamihan ng mga cells sa kanyang ilong, at kinailangan nang tanggalin ang kanyang kanang mata.

Ang beauty salon owner na si Shen ay nawala matapos ang insidente, na kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended