K-pop group Girls Generation, nasaktan ng sariling bodyguard sa HK!

  • 9 years ago
K-pop group Girls Generation, nasaktan ng sariling bodyguard sa HK!
Si Jessica, ng Girls Generation, sinaktan ng sarili niyang bodyguard!

Kababalik lamang ng popular na K-pop girl group Girls Generation mula sa kanilang Hong Kong tour, kung saan may nangyaring maliit na insidente.

Isa sa miyembro ng GG na si TaeYeon, ay natagpuan sa isang Lan Kwai Fong nightclub. Habang tinataguan nito ang paparazzi, ay nahulog siya sa isang tambak ng basura! Tinakpan sya ng payong ng kanyang bodyguard, at dineny ng kanyang agency ang mga pangyayari, pero a picture is worth a thousand words!

Kinabukasan, nasa airport sila paalis na ng Hong Kong, nang sabayan sila ng mga fans sa isang escalator...Nang napagkamalan ng isang bodyguard bilang isang crazy fan si Jessica, at hinampas ang singer sa bakal na handrail! May mga saksing nagsabing isang minutong nawalan ng malay si Jessica.

Hindi na siguro kayo magugulat na malamang hindi ito ang unang bayolenteng pagkilos ng mga Korean bodyguards. Alam namin na ang mga Koreana minsan ay mahirap kilalanin kapag walang makeup, pero ang pagkamalang fan ang isang sikat na pop idol? Exagg naman!

Pero huwag kayong mag-alala -- ayon sa agency, okay naman na si Jessica.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended