• 10 years ago
Taiwanese na estudyante, nagpakamatay dahil sa isang pyramid scheme

Ang 19 year old na college dropout na si Lui ay nagbigti sa kanyang apartment sa New Taipei City, matapos mabiktima ng isang pyramid scheme. Hindi makapaniwala ang mga magulang nito.

Ayon sa ina ni Lui, nag-recruit si Lui ng dalawampung kaibigan para sumali sa pyramid scheme, kung saan nagbayad ng 170 US dollars ang bawat isa sa kanila. Binigay ni Lui ang pera sa isang Mr. Huang, na mabilis na tumakas. Idinemanda si Lui ng kanyang mga recruit.

Sinabi raw ni Lui sa kanyang ina na gusto niyang magpakamatay dahil sa sobrang takot niya, at sinabihan siya ng kanyang ina na nagkamali siya, ngunit hindi siya dapay magpakamatay.

Sinubukan din siyang kausapin ng kanyang ama, pero hindi nakayanan ni Lui ang stress -- at siya ay nagpakamatay. Sabi ng ama ni Lui, napakaliit ng halaga ng perang nawala, para kunin ng Lui ang kanyang sariling buhay.

Ayon sa report, bumili raw ng tali at isang bote ng nitrogen si Lui. Hinigop niya ang gas, at nagbigti sa may bubong ng isang building na malapit sa kanyang bahay. Ayon sa mga awtoridad, ang pagbigti ang ikinamatay ni Lui, at hindi ang paghigop ng gas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended