• 10 years ago
Bloomberg news, binabawasan ang investigative reporting sa China

Ang mga reporter sa Bloomberg ay sanay na magtrabaho nang mahabang oras. Ito ang dahilan kung bakit lagging may pagkain sa kanilang opisina.

Pero ngayon, balita namin ay marami sa mga news stories sa China ang masyadong sensitibo, at hindi pinapayagang mai-report ng mga journalist.

Balita namin, itong nakaraang mga linggo, pinatay ng Bloomberg ang iilang istorya na kung saan iniimbestigahan ang corruption at mga kompanyang pinag-mamay-ari ng gobyerno, na maaring kasangkutan ng mga high-level na opisyales.

Malapit nang bumaba bilang Mayor ng New York City ang may-ari ng Bloomberg News, na si Michael Bloomberg, at balak nitong dumalaw sa Beijing para pag-usapan ang kanyang negosyo.

Sa isang conference call, nabanggit ng Editor in Chief na si Matthew Winkler na ang China ay pwedeng ikumpara sa Germany, noong ito ay okupado ng mga Nazis -- at kailangang maghanap ng paraan ang mga reporter ng Bloomberg na mag-report ng balita sa China, gaya ng mga reporter ng AP sa Germany.

Base lamang sa mga subscriptions, ay may 20,000 US Dollars na pumapasok sa Bloomberg. Pero karamihan ng kanilang customer sa China ay ang mga pinansyal na institusyon na pinagmamay-ari ng gobyerno. Ito kaya ang dahilan kung bakit nilalagyan nila ng limitasyon ang sarili nilang reporting?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended