• 10 years ago
Kotse at pasaherong lumubog, naiahon matapos ang 40 na taon

Sa gabi ng ika-dalawampung araw ng Nobyemre, 1970, tatlong magkakaibigan mula sa Sayre, Oklahoma, ay papunta sa isang football game, sakay ng bagong Camaro ni Jimmy Williams. Hindi na sila muling nagpakita, at walang nakakaalam kung anong nangyari.

Pero dalawang linggong nakalipas, habang nagte-training ang mga Oklahoma Highway patrolman sa Lake Foss, ay nahanap nila ang dalawang kotse sa ilalim ng lawa, sa pamamagitan ng bagong sonar equipment.

Nang maiahon ang mga kotse ay nadiskubre nila na ito'y isang 1957 Chevy, ay sa loob ay ang puting damit ng may-ari ng kotse na si Jimmy, at mga pantaong labi.

Tatlong katawan ang nasa loob ng Camaro, at tatlong katawan ang nasa loob ng Chevy. Naniniwala ang pulis na kabilang dito ang katawan ni Alvi Porter, na nawala noong 1969.

Hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan ng mga katawang nahanap, at maraming spekulasyon kung bakit nauwi sa ilalim ng lawa ang mga ito. Ayon sa mga internet users, posibleng naaksidente ang mga ito dahil ang daan na malapit sa lugar na kung saan nadiskubre ang mga kotse, ay delikado lalo na pag masama ang panahon o masyadong mabilis ang pag-andar ng sasakyan.

Recommended