• 10 years ago
New York Knicks noong 1980s, gamon sa sugal at droga

May iilang Knicks players ang diumano'y kabilang sa isang point-shaving scheme kasama ang isang drug dealer sa East Coast noong dekada otsenta.

Ayon sa bagong libro ni Brian Tuohy, tatlong player ng Knicks ang gumon sa kokaina nang mga panahong iyon, at sinimulan nila ng kanilang drug dealer ang pagdaya sa kanilang paglalaro, mula 1981 hanggang 1982.

Ang kanilang drug dealer kasi ay mahilig magsugal, at mula sa 300 dollars kada laro ay nagsimula itong magpusta ng 10,000 dollars kada game -- at ang kanyang taya ay palaging nasa kalaban ng Knicks.

Ang mga player na kakontsaba ng drug dealer ay maaring sadyang hinaan ang kanyang paglaro, o damihan ang kanyang mga pagkakamali, para manalo ang mga nakataya sa kanilang kalaban na team.

Ilang buwan pa lamang at nanalo na ng anim sa labas ng pitong games ang drug dealer ng mga basketbolista, at lahat ng kanyang pusta ay nasa five figures kada game.

Ayon sa FBI, isinarado ang kaso sa 1986 nang walang naaresto.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended