• 9 years ago
Iran, magpapadala ng Persian cat sa space!

Noong 1949, si Albert the Second ay naging unang unggoy na nakarating sa kalawakan. Siya ay pinadala doon ng mga Amerikano. Noong 1957, pinadala ng Rusya si Laika sa Sputnik 2.

Ang bansang Iran naman ay balak na magpadala ng isang Persian cat sa kalawakan!

May mga nag-aalala at nagsasabi na hindi ito mabuting desisyon, dahil nang magpadala ang mga Iranian ng unggoy sa kalawakan itong taon, ang nagpunta na unggoy ay iba ang hitsura sa unggoy na bumalik! (whisper) Ilong pa lang eh ibang iba na!

Ayon sa mga report, ay nakapagpadala naman ang Iran ng daga, pagong at iilang mga bulate sa kalawakan noong 2010. Kaya baka kayanin nila na magpadala ng pusa. At malay natin, baka ang dati nilang pangulo na si Ahmadinejad ay matupad ang pangarap na maging kauna-unahang Iranian astronaut!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended