• 9 years ago
Batang inaabuso ng yaya, niligtas ng aso

Isang yaya sa South Carolina, Estados Unidos, ang ikinulong - matapos maalerto ng aso sa magulang ng bata, na ang bata ay sinasaktan at inaabuso ng yaya.

Ilang beses pa lamang nagbe-babysit ang yaya, ngunit kapansin-pansin na ayaw ng aso na si Killian sa kanya, dahil bayolente ang pagtrato nitong yaya sa bata.

Ang hindi magandang pagtingin ni Killian sa yaya ay napansin ng magulang ng bata, at naisipan nilang maglagay ng rekorder sa ilalim ng sopa.

Ang inaasahan nila ay makitang inaabuso ng yaya ang aso -- ngunit ang kanilang nakita ay ang pagpalo at pagsigaw ng yaya sa kanilang anak, at nagtawag na sila ng pulis.

Ang yaya na si Alexis Kahn, dalawampu't dalawang taong gulang, ay sintentensiyahan ng tatlong taong pagkabilanggo, at ang kanyang pangalan ay inilagay sa listahan ng mga child abusers.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended