• 10 years ago
Jersey Shore, nasunog matapos tamaan ng Hurricane Sandy

Nasunog ang Seaside Park sa New Jersey, ilang linggo lamang nakalipas matapos makumpleto ang muling pagtatayo ng naturang lugar -- na nasira dahil sa Hurricane Sandy.

Ayon sa mga saksi, may tumilamsik na apoy mula sa kawad ng kuryente sa ilalim ng daanan, na gawa sa kahoy.

Nagsimula ang sunog sa isang ice cream stand, at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin, hanggang sa mala-impyerno na ang dating ng apoy.

Nasira pati ang makasaysayang tsubibo, na inayos matapos ang Hurricane Sandy, at walumpong porsyento ng boardwalk ang nasunog. Sinubukan ng mga bumbero na itigil ang pagkalat ng apoy sa pamamagitan ng paghukay ng tanggulan.

Nawasak nitong napakalaking sunog ang isang komunidad na kailan lamang nakabalik at nakabawi mula sa pinsalang idinulot ng Hurricane Sandy.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended