Hot Stone Massage, Hot Springs at BBQ sa Taiwan Mid-Autumn Festival

  • 9 years ago
Hot Stone Massage, Hot Springs at BBQ sa Taiwan Mid-Autumn Festival

Ito ay ang itinatawag na hot stone massage -- napaka-relaxing, hindi ba? Lalo na kung ikaw ay naka-bikini with matching bunny ears!

May isang hot springs hostel sa maliit na bayan ng Jiaoxi, sa Yilan County sa Taiwan, na sikat para sa kanilang hot springs. Itong taon ay sinimulan nilang mag-offer ng hot stone massage para sa darating na apat-na-araw na Mid-Autumn Festival holiday. Ang holiday na ito ay karaniwang sine-celebrate sa pamamagitan ng BBQ, kaya naisipan ng hostel na magbigay ng "Full Body BBQ Service: sa kanilang mga customer.

Ayon sa manager, ang mga hot stones na ginagamit sa massage ay nililinis at iniinit ng kanilang massage therapists sa loob mismo ng hot springs.

At siyempre, ayon sa tradisyon ng Mid-Autumn Festival, mayroon ring espesyal na "beauty pomelo hot springs," na pwede nating subukan. Relaxing na, mabango pa!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended