Lalaking napilitang sumayaw sa isang job interview, na-trauma at napahiya

  • 9 years ago
Lalaking napilitang sumayaw sa isang job interview, na-trauma at napahiya

Isang aplikante ang nagpa-interview para sa isang posisyon sa kompanya na itinatawag na "Curry's," sa United Kingdom. Matapos siyang pilitin na sumayaw na parang robot sa harap ng employado ng naturang kompanya, ay siya namang nakapanayam ng media.

Ang aplikante na si Alan Bacon ay dumating sa kanyang job interview na nakasuot ng pormal na pananamit. Inasahan niyang ito ay isang normal na panayam para sa trabaho na nais niyang pasukin.

Sa naturang interview, lahat ng aplikante ay inutusang panoorin ang music video ng grupong Daft Punk, at gayahin ang sayaw sa tugtog ng "Around The World."

Ayon kay Alan, lubos na nga siyang napahiya dahil sa insidente - hindi pa siya nabigyan ng trabaho.

Humingi naman ng paumanhin ang kompanyang Curry's, at sinabing ang pagsayaw ay bahagi ng team building sa loob ng kanilang opisina.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended