• 5 years ago
KONDISYONG HERMAPRODITISM O PAGKAKAROON NG PAREHONG ARI NG BABAE AT LALAKI NOON NI JONALYN, MATANGGAP KAYA NG AMERIKANONG NOBYO?

"Ang sabi ko, kung tanggapin niya ako, tanggapin niya. Pero pag hindi, it’s okay. Pero siyempre, nandoon pa rin 'yung kaba. Siyempre, na-fall in love ka na sa kanya, tapos aaminin mo na 'yung sikreto mo sa kanya".

Ipinanganak si Jonalyn Bulado na may kondisyong Hermaproditism o ang pagkakaroon ng ari ng parehong babae at lalaki. Habang lumalaki, nakaranas ng diskriminasyon at pangbu-bully si Jonathan, ang dating pangalan ni Jonalyn. Pero pagtungtong niya sa edad na 16, doon na napagdesisyunan ng kanyang pamilya na siya'y i-register bilang female matapos niyang magkaroon ng menstruation.

Hindi naging madali ang buhay ni Jonalyn dahil sa kondisyong ito at maging sa kanyang buhay pag-ibig. Matapos makarating sa Thailand, nakilala ni Jonalyn ang amerikanong si Donald Pratt at hindi nagtagal ay naging magkasintahan ang dalawa. Nakatakda na sanang pumunta sa US si Jonalyn para doon na manirahan kasama si Donald pero naudlot ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil sa takot, anim na buwan nang itinatago ni Jonalyn ang sikreto sa nobyo. Ngayong malapit na silang magpakasal, matanggap kaya ni Donald ang kanyang sikreto? #RTx

Category

😹
Fun

Recommended