Lyrics:
Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas
Pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo?
Sa'n na 'ko patungo?
Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
"Ako naman muna"
Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok
Walang malinis, halos puro polusyon
Parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip, sa'n ba lulugar kapag nagkamali?
Grabe sila manghusga
Bakit? Perpekto ba sila?
Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan
Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
"Ako naman muna"
"Ako naman muna"
Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok ang puso mo
Sa ibabato sa 'yo ng iba
Tandaan mong sapat ka
Dahan-dahang tanggalin ang maskara
At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang tumingin sa salamin
At tanggaping minsan ayos lang maging mahina rin
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
"Ako naman muna"
"Ako naman muna"
source https://youtu.be/U9T3F62bf9g

Category
🎵
Music