• 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, August 22, 2022:

- Ilang guro at estudyante, napuno ng saya sa unang araw ng pagbabalik face-to-face classes; health protocols kontra COVID-19, mahigpit na ipinatupad

- DepEd Sec. Sara Duterte, bumisita sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan sa unang araw ng face-to-face classes

- Mga pasahero sa unang araw ng pagbabalik-eskwela, nahirapang makasakay dahil sa kakulangan ng mga bumabyaheng bus at mabigat na daloy ng trapiko

- Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng P2.60/L dagdag presyo sa diesel; P0.70/L sa gasolina at P2.80/L sa kerosene

- DSWD, pinababalik ang educational cash grant na natanggap ng ilang benepisyaryo ng 4Ps

- DA Usec. Panganiban: Artificial lang ang kakulangan sa supply ng asukal sa bansa

- 2 estudyante, nasugatan umano dahil sa butas sa daan; pamunuan ng paaralan at mga awtoridad, pinatakpan na ang nasabing butas

- DOH: 4 na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa Pilipinas

- Mga pamilya ng 35 nawawalang sabungero, sumulat na kay Pangulong Bongbong Marcos para mabigyang-pansin ang kanilang kaso

- Grade 3 pupil, kinagiliwan sa social media matapos sumulat ng liham sa guro at i-donate ang mga inipong school supplies

- Dating DA Usec. Sebastian at dating SRA Administrator Serafica, nagpaliwanag sa pagdinig sa Kamara kaugnay sa kinuwestiyong Sugar Order No. 4

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended