• 2 years ago
Ngayong araw, September 26, ginugunita ang "Save the Sierra Madre Day"— Itinaon sa anibersaryo ng pagtama ng Bagyong Ondoy, at paalala sa lahat na huwag hayaang makalbo ang kabundukan. Ang tinaguriang backbone o gulugod ng Luzon, nagagawang masalag at mabasag ang lakas ng mga bagyong tatama sa lupa, at nasisipsip din ng kagubatan nito ang tubig-ulan
para hindi bumaha sa kapatagan.
At sa pagtama ng Bagyong Karding, muling napag-usapan ang halaga ng Sierra Madre.

Recommended