• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, October 4, 2022:

- Hiling na taas-singil sa kuryente ng Meralco, SMEC, at SPPC, ibinasura ng Energy Regulatory Commission

- ES Bersamin: Dating Executive Sec. Vic Rodriguez, hindi na bahagi ng administrasyong Marcos; hindi rin itatalagang Presidential Chief of Staff

- Palaboy-laboy na mga bata sa Road 10 sa Tondo, Maynila, pina-rescue ng MPD; dadalhin sa MDSW kung saan daw sila pansamantalang kukupkupin

- Mga hindi pa nababakunahan kontra-tigdas, dumami dahil sa mga paghihigpit nitong pandemya; puwede raw mauwi sa outbreak sa susunod na taon

- Ilang negosyanteng handa at gusto raw mamuhunan sa Pilipinas, nakilala raw ni Pres. Marcos sa panonood niya ng Singapore Grand Prix

- DTI: Presyo ng mga produkto mula sa ibang bansa na mabibili online, apektado ng paghina ng halaga ng piso kontra dolyar

- Pagsasara ng bahagi ng Meralco Ave. sa Pasig para sa subway project, nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko

- Petisyon para itaas ang sweldo ng mga guro, inihain sa Kamara

- Korte Suprema, pinagpapaliwanag si dating NTF-ELCAC Spokesperson Badoy kung bakit hindi siya dapat i-cite in contempt kaugnay sa umano'y banta niya sa isang Manila RTC Judge

- Radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si "Percy Lapid", patay sa pamamaril

- P1.04-B pondo para sa SRA ng mahigit 55,000 healthcare workers, inilabas na ng DBM

- Kasong graft laban kay EX-FG Mike Arroyo kaugnay sa P62.6-M PNP chopper deal noong 2009, ibinasura ng Sandiganbayan

- COVID-19 cases sa NCR, posibleng bumaba na ayon sa OCTA Research

- 8-anyos na bata sa Albay, hinangaan sa galing maglaro ng chess

- Pulis na hataw kung sumayaw, hinangaan

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended