Sultan Kudarat Adventure | DigiDokyu

  • last year
Ating i-explore ang isa sa mga pinakamagandang kapitolyo sa Pilipinas, ang Sultan Kudarat!

Tunghayan ang mga magagandang tanawin at masasarap na pagkain na iniaalok ng lalawigan. #DigiDokyu
Transcript
00:00Mga kapuso, biyaheng Mindanao ulit tayo.
00:04Pero this time, ang probinsya ng Sultan Kudarat ang ating i-explore.
00:11Dito lang naman matatagpuan ang isa sa pinakamagandang kapitolyo sa Pilipinas.
00:19Wow!
00:23From mountain climbing, sobrang ganda ng view.
00:29To chasing waterfalls,
00:38at bird watching ang ating SK Adventure.
00:46Cool!
00:49Siyempre, hindi mawawala ang food trip.
00:53Grabe, ang sarap!
01:04Dahil certified nature lover ako,
01:06ang ating first stop, ang La Palmera Mountain Ridges sa bayan ng Columbio.
01:12Don't worry, kahit bundok ang ating aakyatin, hindi ka hihingalin.
01:18Bago marating ang mountain ridges, madadaanan muna
01:21natin ang malawak na palm plantation. Sulit na sulit
01:25na ang 100 pesos na entrance fee sa ganda ng tanawin.
01:35Diba nga pandemic, e medyo lumuwag. Pupunta yung mga tao dito
01:39hanggang saan discover nila maganda pang picturan. Bukod sa sightseeing,
01:43mas enjoy kung maglalakad ka mismo sa trail ng kabundukan.
01:53Alam niyo ba na ang Sultan Kudarat ang isa sa may pinakamalawak
01:56na palm tree plantation sa Pilipinas? At dito nagmula ang pangalan
02:00ng La Palmera Mountain Ridges.
02:09Sobrang ganda ng view. Puro green ang makikita kaya perfect ito para sa mga nature
02:14lover katulad ko. You know the drill, picture taking
02:17muna sa best spot ng La Palmera.
02:29Sa ganda ng La Palmera, hindi na katakataka kung bakit
02:34ito ang favorite destination ng mga turista. Tulad
02:37ng mag babarkadang ito na galing pa sa Manila.
02:40Actually this is our first time to visit the place.
02:44So beautiful, very relaxing at hindi po siya yung lugar
02:48na makikita natin sa araw-araw natin na pamumuhay.
02:52Napakaganda po. Tsaka kakaiba po yung ridges
02:56dito. So very green tsaka malamig yung hangin.
03:00So very fresh po yung environment. Kung gusto mong masulit
03:04ang peaceful environment, pwede ring mag-overnight.
03:08Ang accommodation dito nasa
03:101,200 pesos hanggang 1,500 pesos per night.
03:22From mountain, let's go chasing waterfalls naman sa bagumbayan.
03:27Maswerte tayo dahil isa tayo sa mga unang turista na bibisita sa bagong diskubreng talon na matatagpuan sa isang malawak na family farm.
03:38Matarik yung daan kaya kailangan dahan-dahan lang tayo sa paglalakad para hindi tayo madulas.
03:43Ang talon may taas na 60 feet at napalilibutan ng iba't ibang klase ng puno.
03:56Talagang nakaka-refresh ang lamik ng tubig. Instant tanggal ang iyong stress.
04:04Hindi pa tapos ang ating SK Adventure. Ang ating next stop, bird watching.
04:10Dito sa Tacurong City, dinarayo ang Baras Bird Sanctuary. 20 pesos lang ang entrance fee.
04:17Ang bantay na si Mang Anecito, sinamahan na kung libutin ang paraiso ng mga ibon.
04:31Noon, paminta ang tanim ng may-ari,
04:35black pepper.
04:37Noong 1969, may tumira na black-crowded night heron, apat sila.
04:44Aalis sila sa gabi then babalik sa umaga.
04:49Tapos dito na sila namugad.
04:53Kalaunan dumami na sila.
04:55Ang egret nataong 2000 sila nagsimulang dumami, sama-sama na sila dito ng ibang ibon.
05:02Nasa mahigit dalawang ektarya ang lawak ng bird sanctuary na nagsisilbing tahanan ng nasa 55,000 na ibon.
05:11Kabilang na diyan ang endemic black crown night heron at egret.
05:16Sir, ano klaseng ibon yung nakikita natin ngayon? Yung puti? Sa ano saan? Egret?
05:22Egret yan. Wow, ang dami nila. Igret niya, tripit.
05:26Ang lalawigan ng Sultan Kudarat ay dating parte ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na ngayoy isa ng Bangsamoro o BARMM.
05:35Taong 1995 nang ilipat ang probinsya sa Region 12 o SOCCSKSARGEN.
05:40Mayroon itong labing isang munisipalidad at isang lungsod.
05:44At para mas lalo kong maintindihan ang kanilang kasaysayan,
05:51binisita ko ang kanilang kapitolyo na matatagpuan sa bayan ng Isulan.
05:56Take note, ito lang naman ang isa sa pinakamagandang kapitolyo sa bansa, inspired by Islamic architecture.
06:06Sa harap nito, matatagpuan ang statue ni Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat kung saan ipinangalan ang probinsya.
06:14Isa siyang Muslim leader na namuno sa Sultanate of Maguindanao sa loob ng mahigit limang dekada mula 1619 hanggang 1671.
06:24January 13, 1975.
06:27Idiniklara siya bilang isa sa ating mga national hero.
06:30Dahil sa kanyang angking galing at tapang bilang leader,
06:34matagumpay niyang naitaboy noon ang puwersa ng mga Kastila sa pagpasok sa rehiyon ng Cotabato.
06:40Sa loob ng kapitolyo, nakadisplay ang tinatawag nilang Usungan na sinasakyan ng mga datu at bae noong unang panahon.
06:56Ito rin ang sinasakyan ng mga bride at groom sa kasal,
07:00simbolo na nagmula sila sa maharlikang pamilya.
07:13Sunod kong inikot ang Sultan Hall.
07:18Pagpasok ko dito sa Sultan Hall, halos puro gold yung nakikita kong kulay, including itong kanilang upuan.
07:25So feeling ko naman parang isang maharlikang bisita na pumasok dito.
07:35Matapos maglibot sa kapitolyo, food trip naman tayo.
07:42Kung ang iba, inaayawan ang durian dahil sa kakaiba nitong amoy,
07:46hindi ko ito uurungan. Ang presyo ng durian dito
07:50nasa 100 pesos per kilo. Ito na ang Golden Puyat,
07:54ang pinakamasarap daw na variety ng durian. Mabuksan na natin.
07:59Wow! Ang laki ng laman.
08:06Grabe, ang sarap. Ang sarap nitong golden puyat,
08:10ang creamy nitong laman, ang sarap, promise.
08:14Mas try din ang kanilang durian shake. Sa halagang 70 pesos,
08:18matitikman na natin ang pinakamalaki nilang durian shake.
08:23Ate ang sarap. Thank you!
08:26Ang probinsya ng Sultan Kudarat
08:30hangon sa pangalan ng isa sa ating mga bayani. Hindi lang ito
08:34isang magandang pasyalan, dahil may mahalaga rin itong papel sa ating kasaysayan.
08:39Mula rito sa Sultan Kudarat, ako si Lillian Tiburcio para sa
08:43DG Docu ng GMA Integrated News. Thank you!

Recommended