• last year
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong WEDNESDAY, FEBRUARY 14, 2024
• Opisyal ng Department of Agriculture: Imbes na bulaklak, bigas ang ipanregalo ngayong Valentine's Day; ilang Pilipino, sumang-ayon | SINAG: Bigas, nananatiling mahal dahil mataas ang presyo ng palay
• WHO: Pilipinas, isa sa 30 bansang nagtala ng cholera cases noong 2023 | Pilipinas, tanging bansa sa Western Pacific Region na nagkaroon ng cholera outbreak nitong 2023
• VP Sara Duterte, hindi raw nababahala sa pag-iimbestiga ng ICC kay dating Pangulong Rodrigo Duterte | VP Duterte, nasa malaysia para sa pulong ng seameo; bumisita sa ilang classroom at laboratory
• Ilang paaralan at opisina ng gobyerno, binulabog ng bomb threat sa e-mail - Panayam kay CICC Exec. Director Alex Ramos
• Ritwal sa pagsusunog ng mga palaspas, isinagawa sa mga simbahan ng Cebu kagabi | Cebu archbishop Jose Palma, nanguna sa pagbabasbas ng mga bagong mural painting sa archbishop residence | Ilang katoliko, maagang pumunta sa Cebu Metropolitan Cathedral ngayong Ash Wednesday | Iba't ibang bulaklak, ibinebenta sa harap ng simbahan ngayong araw ng mga puso
• Ilang katoliko, maagang nagsimba para sa Ash Wednesday | Mga pang-regalo ngayong Valentine's Day, mabibili sa labas ng Quiapo Church
• Heart-shaped parol at iba pang Valentine-themed decorations, tampok sa Angeles, San Fernando, at Porac | Kakaibang gift ideas, mabentang negosyo ngayong Valentine's Day
• Atty. Abad, iginiit na hindi siya miyembro ng grupong pirma kundi tumutulong lang sa aspetong legal | Sec: Grupong PIRMA, 20 taon nang hindi rehistrado | Oñate: Mga donor ng "EDSA-Pwera" TV ad placement, nag-invoke ng right to privacy | Ilang grupo, nanawagan na unahin ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa kaysa sa cha-cha
• Perpetual Altas Guard Carlo Fererras, aalis na rin sa team
• Andrea Torres, nakikipag-date na ulit
• Picture ni Megan Young, inakala ng netizens na si Blackpink member Lisa | Blackpink member Lisa, makakasama sa 3rd season cast ng "The White Lotus"
• PCG: Assertive transparency o pagsasapubliko ng mga insidente sa WPS, itutuloy ng gobyerno | Maritime security expert: kulang ng mga reporter sa mga bagong misyon sa WPS | PH Navy: Hindi magiging kampante ang gobyerno kahit tila bumabait ang China

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

🗞
News
Transcript
00:00 [Music]
00:14 Good morning. Here are the first news brought to you by GMA Integrated News.
00:20 [Music]
00:36 Bigas o Bulaklak para sa Valentine's Day.
00:39 Bigas po talagang preferred ko. Bigas. [Laughs]
00:44 Siguro yung bibigay ko nalang bigas kasi mas nakakabusog yun eh.
00:51 Kung dati sana ulang sigaw ni Sheila tuwing araw ng mga puso sa dami ng nakikitang nakatatanggap ng Bulaklak,
00:57 ngayon all rice nalang muna rao.
01:00 Bulaklak, mahal, mahal pa. Bigas nalang.
01:04 Practical naman daw kasi kung tutuusin. Ayon kay Kat.
01:07 Because bigas is life. Love will not keep us alive. So, tsaka yung Bulaklak po hindi siya makakain. So, hindi po kayo mabubusog.
01:18 Bigas nalang siguro, sir.
01:20 Okay lang po yun. Sa daming gastusin ngayon may pang-gatas pa ng anak namin.
01:24 Bigas, syempre. Kasi sa hirap ng buhay ngayon.
01:28 Paano Valentine's Day?
01:30 Okay lang po. Lagi lang naman naman Valentine's sa araw-araw namin.
01:35 May nandoon na rin yung love. Syempre pag nakabili ng bigas sa sawar mo, may love na rin yun.
01:40 Ganyan din ang minumungkahi ng Department of Agriculture.
01:43 Ang dapat irigalo natin sa Valentine's Day sa ating mahal na buhay, ang mahal sa buhay, bigas.
01:50 Huwag na yung flowers kasi hindi makain yun. Matinik pati. Kasi ang rusas ay matinik. Bigas pa more.
01:59 Pero may iba na gusto pa rin ng Bulaklak dahil minsan lang naman daw ang Valentine's Day.
02:04 Kapag flowers, it's really meant to be given by someone.
02:08 Ang bigas naman kasi it's a necessity and we really need it.
02:13 So no choice but we can really give it to ourselves naman.
02:18 Ganyan din ang pulso ng ilang kapuso netizens, lalo't isang beses lang naman daw sa isang taon ng Valentine's.
02:24 Habang mas marami pa rin choice ng bigas para maihain sa hapagkainan.
02:28 At meron din namang nagsabing pareho na sanang ibigay.
02:31 Sige nga, pagkumparahin natin ang presyo.
02:34 100-150 pesos kada stem ang bentahan ngayon ng Bulaklak sa Dangwa.
02:40 At depende sa klase at dami ng Bulaklak, 500-3,500 pesos ang kada buke.
02:46 Ang bigas sa Kamuning Market nagrirange ng 52 pesos hanggang 90 pesos ang kada kilo.
02:51 Bumaba raw yan ang piso kada kilo.
02:54 Dati lang sinabi ng DA na sa kabila ng efekto ng El Niño, sapat ang supply ng bigas sa bansa para sa unang bahagi ng taon.
03:01 Mura man ang bigas kesa sa Bulaklak, mahal pa rin daw talaga kung tutuusin ang bigas ayon sa grupong sinag.
03:07 Mahal din daw kasi ang palay.
03:09 Kakaroon ng competition even sa mga mailers at traders natin kasi yung mga dating nag-import or yung mga involved sa importasyon,
03:17 sumasama sila sa pagbili ng palay. Kaya po mataas ang presyo. Yung dapat saan magponon ng pansin.
03:25 Ayon pa sa DA may mungkahi ring bigas sa halip na cash ang ipamahagi sa mga kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps.
03:34 The president is saying that we will consider the proposal and we will take a look on how to implement this proposal.
03:45 Ito ang unang balita, Niko Juaje para sa GMA Integrated News.
03:51 Morning health check mga kapuso. Mag-iingat sa mga kumakalat na sakit gaya ng cholera.
03:58 Ayon sa World Health Organization, Pilipinas ang tanging bansa sa Western Pacific region na nagtala ng cholera outbreak nitong 2023.
04:06 Kabilang po Pilipinas, sa 30 bansang nagkaroon ng cholera cases nitong nakaraang taon.
04:11 Sa kabuuan, may git pitong daang libong kaso na ang naitala.
04:15 Tumaas mula sa bilang na yan noong 2022 na may git apat na raang libo. May git apat na libo naman ang nasawi.
04:22 Sa uling datos ng ating Department of Health, may git tatlong libo ang cholera cases sa bansa nitong 2023 at labing siyam sa kanila ay namatay.
04:31 Hindi raw nababahala si Vice President Sara Duterte sa pag-imbestigan ng International Criminal Court sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:41 Sabi ng Vice Presidente, may nakakausap ng mga abogadong kanyang ama at alam niya ang legal implications ng imbesigasyon ng ICC.
04:49 Kaunay naman sa pagdawid sa kanya sa Oakland, Tukhang, sa Davao City,
04:53 ng dating polis at nagpakilala mga miyambro ng Davao Death Squad na si Arturo Lascañas,
04:58 hindi raw magsasampat ng kaso si VP Sara.
05:04 Wala akong balak magsampat ng kaso sa kanya. In fact, siya yung chine-challenge ko na magsampat ng kaso sa akin ng murder doon sa Pilipinas.
05:15 Samantalang, ang Minister of Education ng Malaysia ang sumalubong sa pagbisita ni Duterte sa Tropical Medicine Center doon.
05:26 Pinasalamatan ng Vice ang Minister of Education para sa suporta sa kanya bilang Pangulo ng South East Asian Minister of Education Organization.
05:34 Nag-ikot sila sa ilang classroom at laboratory. Nakipagkita rin ang Vice Presidente sa Filipino community sa Malaysia.
05:40 Sa isang punto, may isang tumawag sa kanyang Presidente.
05:43 Ngumitin lang ang Vice Presidente at natanungin tungkol sa kanyang balak sa 2028 National Elections.
05:49 Sinabi niya malayo pa ang 2028 para magdesisyon.
05:55 Masyado kasing malayo ang 2028 para masabi natin kung anong mangyayari sa 2028 dahil araw-araw nagbabago yung buhay natin.
06:07 Sunod-sunod binulabag ng baong threat sa pamamagitan ng email, ang ilang paaralan at tanggapan ng gobyerong kamakailan.
06:15 Kaunay niya ang mga panayam po natin si Undersecretary Alex Ramos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC.
06:23 Magandang umaga po.
06:25 Magandang umaga.
06:27 Mga government agency at mga eskwelahan ang naging target itong si Takahiro Karasawa.
06:34 Possible bang may data breach po ito o leak sa mga naapektong ahensya o eskwelahan ngayon?
06:40 Clarification po, hindi po itong data breach. Ito hoy isang fast email.
06:50 So nagpapadala sa email po ng bomb threat?
06:53 Apo. Parang mass email lang siya.
06:59 Ito ho bang si Takahiro Karasawa? Hapon ho ba ito o nagpapanggap siyang hapon?
07:05 As of itong ating investigation, yung pangalan na po yan ay totoong nag-exist.
07:15 As to the real sender, ina-asserting pa natin kung sino talaga ito.
07:23 Kasi earlier, two years ago, nagkaroon ng katulad na insidente at natuntun siya ng Japanese authorities, binidenay na siya rao.
07:40 Sinasabi niya na may nag-assume ng identity niya or identity theft.
07:46 Ano daw motibo ni Yusec nitong taong ito?
07:51 Dito sa atin, wala pa tayong exactong matupoy kung bakit ito pinapadala.
08:01 Maraming kuro-kuro tungkol sa pag-sulpot na kanya mga mass email na tinatiming sa maraming insidente na regional in nature.
08:12 Pero bago po yan, di mo ba may monitor din tayong mag-hack sa ating government agencies Yusec?
08:23 Yung pag-hack ng government agencies, constant yan.
08:28 Lagi tayong ina-attack. Not only government agencies but private corporations attempts to steal personal data or files.
08:42 Regular natin experience yan.
08:45 May kaugnayan ba yung dalawang yan Yusec?
08:49 Yan ang isa sa mga angulo na tinitingnan natin. Kasi tulad sa question namin na may re-resolve kahapon in the interagency meeting, bakit ang mga employado na ganito napapadala?
09:05 Bakit yung iba wala? Anong pagkakaiba?
09:08 Bakit specific na yung mga tao pinapadala, hindi natin masasagot ngayon. Kinupopirpa natin yung mga datos natin.
09:19 Mangyari there are 118 schools and government offices that were affected the other day.
09:28 Pero yung email...
09:30 Yusec Ramos, source ng email niya natukoy na ba kung saan galing?
09:36 As to yung mail server, ito yung kung saan nag-originate sa Japan. Natukoy na po natin maaga pa noong lunes. Nakita na natin, na-trace na natin.
09:51 Saan na nga galing sa Japan.
09:54 Sa Japan. Marami salamat. Good luck po sa investigation na yan Undersecretary Alex Ramos of CICC. Ingat po Yusec.
10:02 Ingat po. Ayigan.
10:04 Maga pa lang marami ng katoliko ang dumating sa mga simbahan ngayong Ash Wednesday. Live mula sa Cebu City.
10:09 Mayo na balita si Nico Sereno ng GMA Regional TV. Balitang bisda. Nico, good morning.
10:16 Mayong buntag Susan. Gaya nga ng buong simbahang katolika, ginugunita na mga Cebuano ngayon ang pagsisimula ng Lenten season sa pamamagitan ng Ash Wednesday.
10:28 Sa mga simbahan dito, maagang nagsimba ang mga Cebuano.
10:33 Kagabi naman, sa bispiras nitong Ash Wednesday, pagkatapos ng last mass sa iba't ibang simbahan dito sa Cebu, isinagawa ang ritual sa pagsusunog ng mga palaspas.
10:42 Ang mga nakulektang abo matapos ang taimtim na seremonya, ang siyang gagamitin sa lahat ng mga misa ngayong araw at ilalagay sa noo ng mga deboto.
10:52 Sa Archdiocesan Shrine of San Pedro, Kalungsod naman, pinangunahan kagabi ni Cebu Archbishop Jose Palma, ang pagsusunog ng mga palaspas para ngayong araw.
11:01 Pinasinayaan din ang obispo ang blessing sa mga bagong mural paintings sa labas ng compound ng Archbishop's residence.
11:08 Maliban sa beautification sa paligid at sa kalsada, layunin ng proyekto ang pagpapakita ng talento ng mga Cebuano
11:16 at gabay na rin para sa mga deboto sa mga naging sakripisyon ni Jesus na siya rin ginugunita ngayong kwaresma.
11:23 Dito naman sa Cebu Metropolitan Cathedral, na siyang sentro ng mga simbahan sa buong Cebu,
11:28 maaga pa lang nagsidatinga na mga tao na magsisimba ngayong araw.
11:32 Alas-ais ng umagang unang misa na nagpapatuloy pa sa mga oras na ito.
11:37 At dahil Valentine's Day ngayon, hindi lang makandilang ibinibenta sa tapat ng simbahan.
11:42 Maraming mga vendors din ang nag-aalok ng mga bulaklak, panregalo sa mga mahal sa buhay ngayong araw.
11:49 Susan sa lahat ng mga simbahan dito sa Cebu,
11:52 nagdagdag ng oras at schedule ng mga misa para ma-accommodate ang dagsa ng mga deboto,
11:58 lalo na ngayong gabi o ngayong hapon na magsisimba ngayong araw na nataon din na Valentine's Day.
12:04 Susan?
12:05 Maraming salamat!
12:06 Nico Sereno ng GMA Regional TV, Balitang Bisdak.
12:10 Silipin naman natin ang pagunita sa Ash Wednesday sa Simbahan ng Quiapo
12:17 at live mula sa Maynila, may unang balita sa Jomer Apresto.
12:21 Jomer, good morning!
12:23 Maris, ngayong Ash Wednesday, hindi pa ganun karami ang mga nakita natin
12:31 nagtutungo dito sa Simbahan ng Quiapo sa Alongsud ng Maynila.
12:34 Pero ilan sa mga nakita natin ay mga pamilya.
12:37 May ilan din magkasintahan na magsisimba muna bago mag-date ngayong Valentine's Day.
12:47 Maagang pumadyak mula Valenzuela papuntang Quiapo sa Maynila ang magkapatid na ito para magsimba.
12:54 Inagahan daw talaga nila para makapagpasalamat sa puong itim na Nazareno
12:58 ngayong Ash Wednesday, ang pagsisimulan ng Quaresma.
13:01 Good health lang. Maayos ang mga bata, mga anak namin. Trabaho.
13:08 Hing lang o para maging maayos ang lahat. Yung kalusugan ng higit sa lahat.
13:13 Ang estudyante namang si Jocele, galing ng Pureza at mag-isang nagsimba.
13:18 Ang Diyos daw ang kadate niya ngayong Ash Wednesday kasabay ng Valentine's Day.
13:22 Importante din po kasi. Ash Wednesday kaya kailangan po natin magsimba at manalangin po.
13:31 Para naman sa mayroong kadate o reregaluhan pagkatapos magsimba,
13:35 maraming nagtitinda ng bulaklak at teddy bear sa gilid ng simbahan.
13:39 Nasa P100 ang flower arrangement ng sunflower at rose.
13:43 Habang nasa P20 hanggan P200 naman ang teddy bear depende sa laki at diseño.
13:49 Meron din ditong chocolate na hugis puso na mabibili naman ng P50 hanggan P250 depende sa laki.
14:03 Maris, para sa mga magsisimba dito sa Quiapo, ngayong para sa morning masses,
14:08 oras-oras po yan hanggang alas 11 ng umaga.
14:11 Para naman sa afternoon at evening mass, meron ditong 12-15pm, 3pm, 4, 5, 6 at 7pm.
14:19 Yan munang latest wala dito sa Maynila.
14:21 Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
14:24 Mga naganap ng mapapasyalan ngayong araw ng mga puso tampok sa Pampanga,
14:29 ang ilang Valentine themed destinations.
14:32 Live mula sa Dagupan City, may unang balita si Russell Simonyo
14:35 ng GMA General TV 1 North Central Luzon.
14:38 Russell!
14:40 Igan, ibat-ibang gimmick at ibat-ibang pakulo,
14:47 ang inihanda ng marami para sa pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine's Day.
14:53 Love is in the air sa lalawigan ng Pampanga.
15:00 Binihisa ng Angeles City LGU na mga heart-shaped parol na may ribbon at bulaklak ang Abacan Bridge.
15:07 Sa City of San Fernando, highlight sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue,
15:13 ang mga helera ng heart-shaped lantern.
15:15 Sa Porac naman, pinuno na mga pang-Valentine's na dekorasyon ng harap ng munisipyo,
15:22 Porac Bridge at Porac Baywalk kung saan pwedeng mamasyal ngayong Valentine's Day.
15:28 Mga kakaibang gift ideas naman ang handog ng negosyanteng si Archie.
15:32 Ngatiak daw na maganda na, sulit pa.
15:35 Featuring practical bouquet, may fruit bouquet, mayroon ding pinakbet at chapsoy bouquet.
15:42 Pizza bouquet naman ang swak para sa love life na food is life.
15:46 Kung may budget naman, sakto ang mga dried flower bouquet na long-lasting ang effect.
15:52 So mga practical na meansies, minsan napapagalitan pa kasi minsan pagmahan yung bouquet eh,
15:58 yung imported flowers.
15:59 So kaya meron tayong mga wastable fruits and chapsoy bouquet na naka-display dyan.
16:05 Baguette's vibe naman ang dala ng bouquet ideas ni Kath at ng kanyang kapatid.
16:10 Mula sa cleanser, toner, cream at sunblock, all in.
16:15 Our team decided to create the vape bouquet po para maiba naman siya.
16:19 Maaaring mabili ang mga customized at practical bouquet sa halagang 500 pesos hanggang 12,000 pesos.
16:25 Tandaan, isa lang ang regalo sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
16:30 Iba pa rin ang pagbibigay ng oras at tapat na pag-ibig.
16:35 Igan, kahit maaga pa lang marami na ang namimili ng bulaklak sa mga pwestong ito.
16:45 Dito yan sa Dagupan City, tiniyak naman nila na sapat ang supply ng bulaklak na inaangkat pa sa lalawigan ng Benguet.
16:52 Mabenta ngayon yung mga imported na bulaklak pero may kamahalan nga lang ang presyo.
16:57 Alam mo, sabi ng isa sa mga nakausap ko rito,
16:59 ang Valentine's Day hindi lamang daw para sa magkasintahan o para sa mag-asawa.
17:04 Kaya kung single ka man ngayong araw, wala ka raw dapat ikalungkot o hindi ka raw dapat magmukmuk.
17:10 Dahil maaring mo pa rin bigyan ng bulaklak ang iyong mga mahal sa buhay,
17:13 o kung wala ka mang budget, ipadama mo ang iyong pagmamahal.
17:18 Yan ang latest mula rito sa Dagupan City. Balik sa iyo, Igan.
17:22 Happy Valentine's Day. Maraming salamat.
17:24 Russell C. Morion, GMA Regional TV 1 North Central Luzon.
17:28 Sa gitna naman, ang mainit na usapin tungkol sa People's Initiative para sa Charter Change.
17:34 Napagalaman ng Senado na matagal lang hindi reistrado sa Securities and Exchange Commission ng grupong nagsusulong nito.
17:41 Abanga na mumuno sa grupo, hindi rin nakalista bilang incorporator.
17:46 May unang balita sa Ian Cruz.
17:49 Matapos ipasubina, humarap na sa Senado si Atty. Anthony Abad,
17:55 ang nasa signature form para sa People's Initiative para baguhin ang konstitusyon.
18:00 Anya, pangalan niya ang nasa form dahil alphabetical ang pagkakasulat ng mga petitioners.
18:05 Pero hindi umano siya miembro ng pirma o People's Initiative for Modernization and Reform Action
18:11 at uma-assist sila pag dating sa mga bagay na may kinalaman sa aspetong constitutional at legal.
18:16 It's just problematic to me because I actually have the transcript of Mr. Oñate's testimony during the last hearing
18:24 during which he said, "Si Anthony Abad ay isa sa mga volunteer sa aming professional sector."
18:30 Noong Nobyembre rao, noong una niyang nakapulong ang mga kasama sa pagsusulong ng People's Initiative.
18:35 Decembere naman ang makaharap nila ni na Oñate at ilang kongresista si Speaker Martin Romualdez.
18:41 Si Oñate ang lead convener ng grupong pirma na nagpakilala rin na sa likod ng patalastas na Ed Sapuera
18:48 para isulong ang charter change.
18:50 Grupong, dalawampung taon naman nung hindi reistrado sa Securities and Exchange Commission o SEC.
18:55 In fact, pirma no longer exists as of February 10, 2004. Is that correct?
19:02 Yes, Madam Chair. Their certificate of registration has been revoked since February 10, 2004.
19:08 Since the time of their incorporation, they have not submitted any reportorial requirements with the SEC.
19:15 Ayon pa sa SEC, hindi kasama sa grupong pirmasin na Oñate at Abad nang isumiti ang incorporation nito.
19:21 Git naman ang abogado ni Oñate, inaayos pa ang corporate registration ng pirma sa SEC, pero nagsumiti sila ng dokumento online.
19:29 February, just this February, Madam Chair.
19:32 So, pakatapos lang ng hearing?
19:34 Yes, yes Madam Chair.
19:36 Wala na to. Multo na to.
19:38 The process is Madam Chair, we submitted…
19:40 Wala na ng pirma. 20 anos na.
19:42 Naguguluhan lang ako Atty. Abizada dun sa timeline niyo.
19:46 Initiate kayo ng People's Initiative, pero hindi pa pala ayos yung documentation ng pirma niyo.
19:54 Bago niyan, mainit na ang diskusyon ng muling hingin ng mga senador kay Oñate,
19:59 ang listahan ng mga donors para sa P55 million peso TV ad placement na Ed Sapuera.
20:05 For additional information of the committee, our contributors were also invoking their right to privacy.
20:13 Ibinalik na umano niya ang mahigit 27 million pesos ng donationg inilagak daw sa tatlong bank account niya.
20:20 Inusisa rin ang DSWD okol sa mahigit 26 billion pesos sa programang ACAP na kabilang umano
20:27 sa'y pinapangako sa mga pumipirma sa People's Initiative.
20:31 Pero hindi ito maipaliwanag ng DSWD.
20:34 Madam Chair, ACAP is just as foreign to us technically as Senator Bato.
20:41 As it is provided in line item.
20:44 Yes, you said in Mapuro, I understand.
20:46 Sahod i taas! Chacha i atlas!
20:50 Ilang grupo ang nagprotesa sa harap ng Senado kasabay ng pagdinig.
20:55 Itigil na raw ang pagdinig sa Chacha at sa halip ay bigyang pansin ang dagdag sahod para sa mga manggagawa.
21:02 Ito ang unang balita Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
21:07 Sports hero po, aalis na rin sa perpetual altas si Carlo Ferreras.
21:19 Nilipat siya sa Coleo de San Juan de Letran kung saan siya dating player ng Juniors Basketball Team.
21:26 In '99, nag-average si Ferreras ng 3 points, 4 points, 2.2 rebounds at 1 assist.
21:35 Sa Letran, makakasama niya ulit ang perpetual teammate na si Mark Denver Omega.
21:40 Si Ferreras ang ika-apat na alta na umalis sa team.
21:45 Back to dating game, ang kapuso-akresa si Andrea Torres.
21:52 Sabi niya yan sa podcast na updated with Nelson Canlas.
21:56 Sabi na, actress, mga kaibigan niya ang nagpapakilala sa kanya ng mga kadate.
22:01 Wala raw siyang dinidate na tagaibang bansa dahil sa tingin niya hindi para sa kanya ang long distance relationship.
22:08 Ngayon, inienjoy lang niya muna ni Andrea ang pagiging single at pag-explore sa buhay.
22:14 Maraming netizens naman ang napa-second look sa latest Instagram post
22:20 si kapuso-akresa Megan Young.
22:22 Is that you, Blackpink member Lisa?
22:25 Yan, nakakala ng ilang fans nang ipost ng akresa ang kanyang pictures sa recent trip niya sa South Korea.
22:31 Sabi nga ng isang netizen, the resemblance is uncanny.
22:36 Sa photo na yan, minisita ni Megan ang hubby na si Mikael Daez
22:40 na nandasa taping ng second season ng Running Man Philippines.
22:43 And speaking of Lisa, actress Lisa is coming!
22:47 Makakasama siya sa third season ng 11 Emmy winner American comedy drama series na The White Lotus.
22:55 Ngayong Pebrero, sisimulan ang production ng TV series sa Thailand.
22:59 Exciting for Blinks!
23:01 Yay! Congrats Lisa!
23:03 Kahit tila bumabait daw ang China Coast Guard sa mga barkon ng Pilipinas,
23:08 hindi daw magiging kampante ang mga autoridad ayon sa Philippine Navy.
23:12 Tuloy rin ang pagkaroon ng assertive transparency ng Marcos administration
23:17 tungkol sa mga nangyayari sa West Philippine Sea.
23:20 May unang balita, si Chino Gaston.
23:24 Ang pagsa sa publiko ng pagbuntot at ang kangpagharang ng China Coast Guard
23:31 sa barkon ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinlok nitong weekend,
23:35 bahagi pa rin ang assertive transparency ng administration Marcos
23:39 sa pagmamalupit ng China sa West Philippine Sea
23:42 na hindi daw ititigil kahit may mekanismo para pag-usapan ng mga ganyang insidente.
23:47 The main objective of this current administration
23:50 to make the Filipino aware of what's really happening.
23:53 And then the second really was for the international community to be aware of the bullying behavior.
23:59 We're going to sustain this approach.
24:01 We believe that it has gained so much effect.
24:05 Pero ang maritime security expert na si Ray Powell
24:08 may napansing kulang daw simula 2024
24:11 kumpara sa mga naunang regular rotation and resupply mission.
24:15 Where there were embedded reporters on every mission,
24:19 this time there were none.
24:21 Again, the government, as Commodore Jay said, makes strategic decisions.
24:25 But I think it would help to sort of regularize it
24:28 if there were written policies that says this is how we're going to do embedded reporting.
24:33 Sagot ng Coast Guard, nilalabas naman lahat ng impormasyon
24:36 kahit walang kasamang mamamahayag.
24:38 Bukod sa pakikipagpatintero sa karagatan,
24:40 hamon din ngayon ang inilunsad na propaganda campaign ng China
24:44 sa social media at academic community.
24:46 Pinabulanan ng National Task Force on the West Philippine Sea.
24:49 Ang bahayag ng China Coast Guard,
24:51 nang itinaboy-umano nila ang barko ng PCG pula sa baho ni Masinlo.
24:55 Meron po kasing nangyayaring battle of the narratives.
24:58 Meron pong nangyayaring information warfare ngayon
25:01 na kung saan meron pong mga statements na kinukontra
25:06 ng statements na nanggagaling sa Chinese Foreign Ministry
25:10 at sa kanilang mga supporters nila na mga Pilipino din.
25:15 Panalangin naman ng ilang analysts,
25:17 di rin sana mawala ang supporta ng mga politiko kahit sino pa ang umupong presidente.
25:22 It's resonating.
25:24 That's why you see, in the words of Joyce, politicians,
25:28 it's election season next year.
25:30 Hindi naman masabi ng Philippine Navy kung bumait na nga ba ang China
25:34 kahit pa hindi pinigilan ang mga huling Rory mission
25:37 na roon pa rin ang mga barko ng China.
25:40 We don't see any interference.
25:42 It doesn't mean that we have changed their general direction.
25:45 We may have changed their action or their behavior, but not their character.
25:49 Ito ang unang balita.
25:51 Chino Gaston para sa GMA Integrated News.
25:54 Mga kapuso, para una ka sa mga balita,
25:58 mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
26:01 Sa mga kapuso abroad, subaybayan niyo po kami sa GMA Pinoy TV
26:04 at sa www.gmanews.tv.
26:09 (music)
26:13 (music)
26:16 [MUSIC PLAYING]

Recommended