Unang Balita sa Unang Hirit: JULY 5, 2024 [HD]

  • 7 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong Biyernes July 5, 2024:

- DBM: Mahigit P27B na health emergency allowance para sa healthcare workers, ilalabas ngayong araw | Dept. of Agriculture: P29/kilo ng bigas, sisimulang ibenta ngayong araw sa ilang Kadiwa stores sa NCR at Bulacan | DA Price Monitoring sa ilang isda at gulay

- Mahigit P1 milyong pabuya, alok para sa impormasyon sa nawawalang pageant contestant at nobyong Israeli | PNP-CIDG: 7 ang persons of interest sa pagkawala ng pageant contestant at kaniyang nobyo | PNP-CIDG, walang nakikitang indikasyon na patay na ang nawawalang magkasintahan

- Alyansa ng Pilipinas at Japan para sa kapayapaan sa Indo-Pacific Region, binigyang-diin ng AFP | Paggiit ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea, pinuri ng Japan | Reciprocal Access Agreement, nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at Japan | Mga agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea, muling kinondena ng Japan | Mga isyu sa depensa at seguridad, sentro ng 2+2 Meeting ng Pilipinas at Japan sa July 8

- P60M na danyos, sinisingil ng AFP sa China para sa mga nasirang gamit sa harassment sa Ayungin Shoal noong June 17

- Mga deboto sa Quiapo Church, dagsa pa rin kahit maulan

- "Running Man Philippines" runners, OPM, at P-Pop performance ang ibibida sa "Run 2 U" concert bukas

- Petisyon para ipatigil ang pagbaba sa taripa ng ilang imported na produkto kabilang ang bigas, inihain ng ilang grupo | NEDA, handa raw sagutin ang petisyon laban sa bawas-taripa sa imported na bigas | Babala ng Dept. of Agriculture: May epekto sa mga importer at rice stocks kung ipatitigil ang bawas-taripa sa bigas

- Misting at anti-dengue caravan, layong mapababa ang kaso ng dengue | Talisay LGU, tututukan ang paglilinis ng paligid lalo na sa mga paaralan bago magpasukan

- Sen. Gatchalian: Pagkakaroon ng 2 Alice Guo, walang epekto sa mga posibleng kaso laban sa alkalde kaugnay sa pagkakasangkot umano niya sa operasyon ng POGO | NBI, hinimok na imbestigahan ang tunay na pagkatao ni Alice Guo sa Quezon City | Resulta ng fingerprint matching ng NBI sa iba pang kapatid ni Mayor Guo, inaabangan | Sen. Gatchalian, nanawagang suriin ng Philippine Statistics Authority ang datos ng late registration of birth sa bansa | Kampo ni Guo: Mayor Guo at pamilya, wala pang pasabi kung makakadalo sa Senate hearing

- Dagdag na cash grant para sa 4Ps beneficiaries, pinag-aaralan ng DSWD at NEDA | Automatic adjustment sa mga benepisyo ng 4Ps batay sa inflation, pinag-aaralan din

- Paghahain ng ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-aaralan ng kampo ni Sen. Nancy Binay | Kabuuang halaga ng ipinatatayong new Senate building, pinagtalunan nina Sen. Binay at Sen. Cayetano | Facade ng new Senate building na hindi pa nasisimulan, isa sa mga kinuwestiyon ni Sen. Cayetano | Sen. Cayetano, tumanggi raw makipag-usap kina Sen. Binay at dating Sen. Ping Lacson kaugnay sa new Senate building | Contractor ng new Senate building, ipapatawag sa susunod na pagdinig

Recommended