Maghapon ang rescue ops sa Araneta Ave.; nanganak habang baha, kabilang sa nasagip | 24 Oras

  • 3 months ago
Update na tayo sa Araneta Avenue. Bukod sa stranded na bus na iniulat natin, maghapon ang pag-rescue sa mga residente kabilang ang isang nanganak habang baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update po tayo sa Araneta Avenue, bukod sa stranded na bus na iniulat natin kanina, maghapon ng pagrescue sa mga residente, kabilang ang isang nanganak habang baha.
00:11Live mula ro'n, nakatutok si Ivan Mayrina.
00:14Ivan.
00:19Ato mga kapuso, mabilis na update dito sa Araneta Avenue, kanto halos ng Quezon Avenue.
00:25Sa nakalipas na isang oras o higit isang oras ay tumigil po ang pagulan.
00:30At sa ngayon ay nakakapansin tayo na bahagyan ang humuhupa ang pagbaha dito sa Araneta Avenue.
00:37Yun nga lang, brownout po ngayon dito dahil pinatay mo ng kuryente dahil nga marami mga kabahayan dito ang lubog sa baha.
00:43At hindi pa rin madaanan itong bahangi ito ng Araneta Avenue.
00:47At dahil nga po sa walang tinggil na pagulan, mula pa kagabi hanggang sa buong maghapon, ay isinara po ang north ramp ng skyway.
00:56Tulad ng ito, medyo madilim na dito, hindi na natin naipakita pero sarado pa rin po ang north ramp ng skyway.
01:04At ayon sa mga residente na nakausap natin, kahit yung mga dekada na naninirahan dito,
01:10sinasabi nila na isa marahil ito sa pinakamatinding pagbahang nakita nila dito sa kanilang lugar sa Araneta Avenue.
01:17At alam mo naman tayo, Atom, itong mga pagbaha ay sinusukat natin sa parte ng ating mga katawan,
01:23abot-tuhod, abot-lewang, abot-leeg.
01:26Pero itong mga taga rito ang sukat na nila ngayon, dalawang tao o di kay kalahating poste ang taas ng baha.
01:33At bukod sa baha, may malakas din pong current o yung agos ng tubig.
01:37At yan ang naging hamon kanina, nang i-rescue ang 18-anyos na nanay, na si Micaela Bravo,
01:44na inabutan ng panganak bago magalas dias ng umaga kasagsagan ng pagtaas ng baha dito.
01:49At inabot ng ilang oras bago na-rescue itong si Micaela dahil na kailangan muna siyang ilagay sa spineboard.
01:56At sa ngayon naman po, ang mabuting balita ay naidala ng si Micaela at ang kanyang baby boy
02:01sa East Avenue Medical Center at lingtas na po sila pareho.
02:05Samantala sa kasalukuyon nga po ay nagpapatuloy pa ang search and rescue operations.
02:11Wala namang search operations dahil all accounted for, wala namang tayong nakukuhang ulat na may reported missing.
02:17Pero patuloy po ang hiling para sa rescue sa ilang mga taga rito dahil marami po,
02:24lalo na dun sa pinakamalalim na punto ay umabot ng hanggang 15 talampakan ang lalim ng baha
02:30at umabot na halos daw sa ilang mga bahay sa kanilang mga third floor, ikatlung palapag.
02:35At yan ang latest mula sa Araneta Avenue para sa GMA Integrated News.
02:39Ivan Mayrina, Nakatutok, 24 Oras.
02:42Maraming salamat, Ivan Mayrina.
02:54For more UN videos visit www.un.org

Recommended