Mga ahensiya ng pamahalaan, nagpulong para sa paghahanda sa epekto ng La Niña;
Flood at dam risk communications and protocols, isa sa natalakay sa paghahanda sa La Niña
Flood at dam risk communications and protocols, isa sa natalakay sa paghahanda sa La Niña
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Flood and downburst communications and protocols naman ang ati pag-uusapan, kasama si Assistant Secretary Joey Villarama,
00:06ang PCO spokesperson for natural calamities and disasters, at Assistant Secretary din para sa radio.
00:13Asik Joey, magandang tanghali po.
00:15Magandang tanghali, Asik Weng, Asik Dale, at sa inyo mga taga-subaybay.
00:19So Asik, simulan natin ano, kamakailan ay nagkaroon ng pagpupulong ang iba't-ibang ahensyo ng pamahalaan,
00:25bilang paghanda sa epekto ng lanin niya sa bansa, shortly or briefly, ano po ang ilan sa mga natalakay dito?
00:32So nagkaroon Asik Weng na nga isang conference, ang DILG, sa Clark Freeport Zone noong Lunes, August 12.
00:39Para malaman kung ano yung kailangan gawin para mapaiting yung komunikasyon between relevant agencies
00:45sa tuwing nagpapalabas ng tubig ang mga dam o kaya bumabaha.
00:49So alinsuno dito sa direktiba ng Pangulong Ferdinando R. Marcos Jr. na ibinigay niya noong situation briefing
00:55noong kasagsaga ng habagat na ilintensify ni Bagyong Karina noong July 24.
01:02So pinangunahan nito ng DILG, nandito yung mga relevant agencies gaya ng dam operators,
01:08at saka po yung PCO dahil na komunikasyon ay mahalaga sa tuwing may mga ganitong kalamidad.
01:17Asik, so we natalakay din ang flood and dam risk communication protocol sa pagpupulong na ito.
01:23Maaaring niyo po bang ipaliwanag sa ating mga kababayan
01:26kung gaano kahalaga ang risk communication pagdating sa usapin ng kalamidad at sakuna?
01:32Importante ito Asik Dale, kasi di ba palagi kapag may ginagawa or undertaking ang gobyerno,
01:38sinasabi ng Pangulo yung whole of government approach.
01:41Pero in this case, key agencies lamang yung responsible.
01:46So may tinatawag tayong interoperability.
01:49So dito pumapasok, halimbawa, ang nangungunang ahensya ay pag-asa kasi sa kanila nanggagaling yung weather report.
01:55Kapag sinabi ng pag-asa na ganito ang amount of rainfall na bubuhos sa isang lugar,
02:01dito napapasok yung pagmumonitor ng mga dam operator.
02:05At may existing protocols naman kasi sila na pag sinabing magpapakawala po ng tubig,
02:12magbabaha sa mga inhabitants o sa mga komunidad sa baba ng mga dam na ito,
02:18eh dito talaga mahalaga yung hindi lamang yung abiso mula sa pag-asa, abiso mula sa dam operator,
02:25pati na rin, pati yung local government units, pati yung mga kasama natin sa media.
02:31So Asik, bilang bahagi ng paghahanda sa efekto ng laninya,
02:35ano po ba yung mga binabantayan natin sa pagbaha maging sa sitwasyon ng mga dam?
02:39Kasi mauulit at mauulit ito, Asik, hanggang may papasok na bagyo at tag-ulan.
02:45So ang binabantayan talaga natin, as per directive na rin ng Pangulo,
02:49aside from yung communication, yung maayos na kumunikasyon ng mga relevant agencies,
02:54ay yung talagang aktwal na paglikas ng mga kababayan natin na masasagasaan dun sa pagpapakawala ng dam
03:01o dun sa mga flood-prone areas.
03:03So titignan natin kung saan pwedeng i-improve yung sistema o yung protocol.
03:09So nabanggit ko, kunyari nag-ulat ang pag-asa, matatanggap ito ng dam operators,
03:14tapos pag sinabi ng dam operator na, oh, papakawala ng tubig at magbabaha dun sa lugar ninyo,
03:20dapat yan, intensive yung communication.
03:24Hindi lamang sa SMS, hindi lamang sa pagpapadala ng mga alerts sa telepono,
03:30kundi pati na rin yung actual na pag-iikot.
03:33Kasi ang naging instruction ng Pangulo noon is,
03:35kung kailangan niyong ilikas yung mga maa-apektohang kababayan natin,
03:40e ilikas niyo magdalakay ng mga sasakyan.
03:42So yun talaga yung tututukan natin para ma-reduce yung pinsala o sakuna.
03:48As in, Joey, sa existing protocol ba,
03:50anong ahensya ang in-charge sa information dissemination hinggil sa mga dam at water discharge nito?
03:56Magkakaroon din ba ng pagbabago sa protocol matapos yung naging pulong noon nes?
04:02Oo, doon natin nakita dun sa pagpupulong ng DILG.
04:06At actually, ang PCO nag-initiate din siya ng inter-agency consultative meetings
04:12sa mga relevant agencies para malaman kung saan yung pwedeng areas of improvement.
04:18So, dito natin makikita na yung pag-asa nga yung naglalabas ng impormasyon,
04:26pero pwede nating ipasok yung state media organs gaya ng PTV, Radyo Pilipinas,
04:33Philippine News Agency, pati na rin ng PIA para makatulong.
04:39So, ang nakikita natin ngayon, pag-asa lang pala ang clearinghouse ng impormasyon.
04:45Pero, ang palagi nating binabanggit sa communication is yung pag-amplify ng message.
04:52Maganda na makulit tayo, maganda na redundant tayo.
04:56So, hindi lamang sana sa pag-asa manggagaling yung warning,
05:00kundi ma-amplify ito ng mga relevant agencies.
05:03Pero, there's a risk na kung masyadong maraming nagsasalita, malito yung tao.
05:08So, yan yung in-identify din sa pagpupulong na pinungunahan ng DILG.
05:14Halimbawa, kung ang utos ay galing sa Pangulo, PCO ang manguna kasi presidential directives yan.
05:22Kung ang impormasyon na ipalalabas ay tungkol sa amount of rainfall,
05:27siyempre ang expert d'yan, DOST, pag-asa.
05:30Pero, yung pagpapalabas ng tubig sa specific dams naman, dam operator.
05:36So, may in-identify na hierarchy.
05:38At saka, siyempre, this is a work in progress.
05:41So, hindi pa ito yung final.
05:43Meron pang further consultations na gagawin para ma-streamline talaga yung protocol at yung communications process.
05:51Yan yung sinasabing mong communications process, diba?
05:53Sabi mo, dapat makulit tayo.
05:55At sa ating mga kababayan, dapat din eh, kung makulit ang mga balita,
06:00paulit-ulit yung instructions, paulit-ulit na nire-remind na lumikas na,
06:05or eto na yung sundin nila yung alert status.
06:08Kasi diba, yung bagay na pag-usapan natin last time na nagbibigay ng alert status,
06:12hindi pa rin umaalas yung mga tao sa kanilang mga bahay dahil hindi nila maiwan yung properties nila.
06:18So, sa tingin nyo, paano naman natutukoy ang magiging role ng state media assets or communication sa dam status pagdating sa bahay?
06:27Ito yung sa mga areas na talagang sinasagasaan ng tubig kapag nagpakawala ng tubig yung dam.
06:32At gaano kalaking tulong ang social media pages ng mga state media assets
06:37para makapagbigay ng mas malawak na informasyon hinggil sa mga sakunahin?
06:41Actually, si Queng, dun sa pagpupulong na pinangunahan ng PCO,
06:46ang Philippine Information Agency ay nag-request doon sa mga relevant agencies
06:53gaya ng mga dam operators pati ng pag-asa na magkaroon sila ng direct access.
06:57Kumbaga, kasi syempre tatawag tayo, uy, pag-asa, ano na ba yung latest situation dito sa nasasakupan namin?
07:05Minsan kasi dahil sa sobrang busy talaga at overwhelmed yung DOST pag-asa sa pagpapalabas ng informasyon,
07:11ay hindi makatawag yung mga state media assets.
07:14So, gusto nila ng direct line na isa lamang yung kausap pagpanahon ng ganitong mga calamities.
07:22So, ang magiging role nila kung nalaman na, kasi ang PIA, as we know, meron talaga silang regional offices,
07:28para na rin siyang DILG, kaya mahalaga din yung local government unit dito sa ganitong communications protocol.
07:36So, kung sino yung mga nasa grassroots level, sila yung mas madaling makaka-assess ng situation,
07:42ng specific situation ng lugar, at sila yung makakapagsabi na ito yung kailangan gawin in the next few minutes,
07:49in the next few hours, at doon ipapalabas yung information.
07:54So, maa-amplify yan kasi meron tayong PTV, meron tayong Radyo Pilipinas, may Philippine News Agency,
08:00at meron ding PIA na hindi lamang, syempre, in broadcast and print, pero may social media pages as you mentioned.
08:09So, maa-amplify yung message at mas maraming makakatanggap ng mensahe.
08:15Yun nga lang, we also identified that there will also be a network problem, lalo na kung bagyo.
08:20So, nag-e-explore din ang other means of communication, kasi paano kung hindi gumana yung SMS,
08:27hindi gumana yung network, yung social media platform.
08:30So, yun talaga yung kailangan ma-identify para mas maging effective yung communications protocol in times of disasters and calamities.
08:40Asic Joey, alam naman natin na this is a whole-of-government approach,
08:44pero ano ba yung magiging role o bahagi ng mga local government units sa mga sakonatris communication?
08:50Sila kasi yung nandun talaga sa grassroots level, Asic Dale.
08:53So, as I mentioned, sila yung nakakaalam ng particular and specific situation at a certain given time.
09:01Sabihin natin may bagyo.
09:03So, napakahalaga talaga ng kanilang role na gagampanan kasi sila yung pwedeng maglikas ng mga tao,
09:10sila yung pwedeng mag-mobilize ng personnel and equipment.
09:14Let's say, may kailangang ilikas, may kailangang irescue.
09:18So, kaya nga patuloy itong consultation na ito na ginagawa ng DILG, ng PCO, ng dam operators
09:26para talaga ma-identify kung saan pwedeng ma-improve pa yung communications protocol.
09:32Ito Metro Manila tayo.
09:34Sa usapin naman ng flood control projects, isa sa mga matagal nang binabanggit ni Pangulong Marcos, ang Paranaque Spillway Project.
09:40Ano na ba yung update sa proyekto nito?
09:42Yan ang hinohope na masimulan soon ng DPWH kasi ang Paranaque Spillway Project will prevent the flooding of low-lying areas,
09:53particularly sa southern Metro Manila.
09:56So, ang konsepto nito is ikokonekta yung Laguna Lake sa Manila Bay para kung umapaw yung Laguna Lake,
10:05ay pwedeng mapakawala yung excess water directly to the Manila Bay.
10:11So, meron niyang inlet, I believe, siguro mas magandang DPWH yung mag-explain,
10:18pero yung magiging inlet niyan ay sa Bandang Sukat at yung magiging outlet ay sa Zapote River.
10:25So, meron siyang above ground component at meron siyang tunnel.
10:30Ang goal talaga nito is hindi ma-flood yung Metro Manila, particularly dun sa mga areas na nasasakupan o may saklaw din sa Laguna Lake.
10:42Pero as in Joey, linawin lang natin, kung matutulong ito, gaano kalaking tulong ang proyektong ito para maibsa ng matinding pagbaha, lalo na sa Metro Manila?
10:51Actually, hindi lang kasi yung Laguna Lake, yung area within the vicinity of Laguna Lake yung matutulungan.
11:00Kasi if I remember correctly, sa isang panayam kaya Secretary Bonoan ng DPWH,
11:05yung tubig mula sa Sierra Madre, syempre kapag may bagyo, may pag-uulan, may maiipon sa Sierra Madre watershed at bumababayan sa Metro Manila,
11:15whether dry season or kung may bagyo halimbawa. Not dry season, regular rainy season at kung may bagyo.
11:24So, ang layo nito, yung tubig na nangagaling sa Sierra Madre watershed,
11:29iipunin muna sa Laguna Lake at kapag may magandang pagkakataon, may magandang time para pakawalan sa Manila Bay,
11:39yung tubig na naipon sa Laguna Lake, ito yung gagawin at directly lalabas nga ito sa Manila Bay.
11:46So, hindi lamang yung southern part ng Metro Manila ang makikinabang, kundi yung buong Metro Manila na rin.
11:52Okay. So, mensahin niyo na lang po sa ating mga kapabayan as in Joey.
11:56Okay. Gaya nga nangasabi na ng ating Pangulo na dapat paghandaan natin yung mga susunod pang bagyo,
12:03dahil wala pa tayo sa La Niña, actually 70% chance na yung La Niña ay mangyayari sa September, October, November,
12:10at syempre may papasok pa rin ang bagyo.
12:12So, kailangan talagang paghandaan natin at pagtulungan natin para hindi mangyari yung worst case scenario na tinatawag in terms of flooding.
12:21Maraming salamat po sa inyong oras, Assistant Secretary Joey Villarama, PCO spokesperson for Natural Calamities and Disasters.