• 4 months ago
Panayam kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea RADM. Roy Vincent Trinidad kaugnay sa pagdami ng Chinese vessels sa West Philippine Sea
Transcript
00:00Pagdami ng Chinese vessels sa West Philippine Sea, ating pag-uusapan kasama si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea.
00:13Rear Admiral Trinidad, magandang tanghali po.
00:16Yes, magandang tanghali ninya and asik Dale, at sa mga takasubaybay ninyo, magandang tanghali sa ating lahat.
00:24Sir, iniulat niyo po na nasa mahigit isang daang Chinese vessels ang na-monitor sa West Philippine Sea.
00:31Saan pong partikular na mga lugar nakita ang maraming bilang ng Chinese vessels?
00:36Yes, ninya ano, data sa ating monitoring, 129 ang total number of maritime militia, PLA Navy and Chinese Coast Guard within the EEZ of the Philippines.
00:50Ito ay mas mataas kumpang sa 92 last week.
00:53Ang marami nito ay nasa Ayungin Shoal at sa Pag-asa Island.
00:57Karamihan nito ay mga maritime militia, 41 sa Ayungin at 30 naman sa Pag-asa Island.
01:06Sir, dumami po ba ang Chinese ships mula sa huli ninyong monitoring?
01:11Kung dumami po, ilan po ang itinaas sa bilang ng Chinese ships sa West Philippine Sea?
01:18Yes, dumami ito ng 37 from 92 to 129 last week.
01:24Last week, 92. This week, yesterday, 129. So mas mataas siya ng 37.
01:31Medyo significant increase po ba ito sa tingin ninyo?
01:35Ito po ba bilang na ito ay masasabi nating nakakabahala?
01:39At ano po ba sa tingin ninyo ang dahilan sa pagdami na naman po ng Chinese ships sa West Philippine Sea?
01:47Hindi naman ito nakakabahala ninyo sapagkat ang range naman ng mamonitor natin over the past 3 months is from a low of 80s up to 156.
01:59So nagpapakwit doon depende sa ibat-ibang bagay like the weather, yung climate sa area, depende kung anong nais gawin nila.
02:08So hindi pa ito nakakabahala sapagkat they could project more.
02:11Sapagkat ang total number naman ng maritime militia, Chinese Coast Guard and PLA Navy ay mas mahigit pa.
02:17Pero itong number na ito ay within acceptable limits pa naman sa atin.
02:22Sir, ano naman po ang ginagawa ng Philippine Navy ngayong marami ang Chinese ships sa West Philippine Sea?
02:29Yes, maliban sa pagpamonitor natin, meron naman tayong regular na patrol areas, patrol plan,
02:35ang Naval Forces West at the Western Command na ginagam pa na naman atin mga barko at may mga air surveillance flights,
02:42ang Philippine Air Force at yung Philippine Navy na rin.
02:45So tulu-tulu lang yung ating pag-conduct ng ating mga patrol activities doon.
02:51Okay. Sir, inihayag po ninyo na sa kabila ng naganap na insidente sa Escoda Shoal,
02:57ay hindi naman ito nakikita ang panibagong flashpoint sa tensyon sa West Philippine Sea.
03:02Ano po ang paliwanag ninyo dito?
03:05Hindi naman, hindi naman ito bakong flashpoint sapagkat kung bakita natin,
03:09bago lang naman nangyari yung girian na yun ng dalawang barko ng Coast Guard natin at ng Chinese Coast Guard.
03:16When we say a flashpoint, ito yung matagal na, number two, the potential for escalation is great.
03:22Yun ay talagang parameters na pwede maging flashpoint.
03:25Ito is not another flashpoint.
03:28Ito ay kasama sa mga panibagong dynamics, panibagong challenges na hinaharap natin
03:33ng Philippine Navy at ng AFP when it comes to the West Philippine Sea.
03:37Sir, nakikita po ba ng AFP or ng Navy na posibleng magkaroon din ng ganitong insidente
03:43sa ibang lugar pa sa West Philippine Sea?
03:46Ibang bahagi?
03:47Ayun naman, we do not anticipate.
03:49But we are prepared for any contingency na pwede mangyari.
03:52We are in close coordination with the Philippine Coast Guard and the BFAR,
03:56the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, para kung sakaling kailangan naman tayo,
04:01e nandyan lang tayo.
04:02Bagamat we do not anticipate what they could possibly do, we are prepared for any eventuality.
04:09Sir, bilang panghuli, baka meron po kayong paalala or mensahe sa ating mga kababayan mula po sa Philippine Navy?
04:17Yes, sa ating mga kababayan, sa mga tagasubaybay ni Ninia at ni Asick Dale.
04:22Rest assured that your armed forces, not only the armed forces but para yung ating coast guard and BFAR,
04:28we are doing everything to ensure the safety and security, the integrity of the national territory,
04:35lalong-lalong sa IEC natin sa West Philippine Sea.
04:38Tayo ay magpapatuloy sa pagkandak ng patrolya, sa tapakitan ng ating flag.
04:43We show the flag para lang masabi natin sa buong mundo na ito ay atin at handa natin litensyon ang mga lugar na ito.
04:49Maraming salamat po sa inyong oras, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea.

Recommended