• 3 months ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update po tayo sa pagubantayan ng PHIVOX sa vulkang Canlaon sa Negros Island, kausapin natin si PHIVOX Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief, Maria Antonia Bornas.
00:09Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:12Ang magandang umaga po sir Rafi.
00:14Opo, pakipaliwanag lang po yung sinasabi ng PHIVOX na anomalous yung mga nangyayaring aktividad ngayon ng Canlaon at posible itong humantong sa magmatic eruption.
00:23Pwede po mula po nang nagtaas tayo ng aleto noong June 3 matapos po sumabog ang vulkan ay marami na po tayong natatala ng mga volcano tectonic earthquakes.
00:33At meron na pong pagtaas na ng sulfur dioxide emissions sa vulkan.
00:39Mas mataas po than yung normal dahil ang background po natin na seismicity o yung tala ng lindol ay nasa 0 to 5 earthquakes per day lamang po.
00:49At ang sulfur dioxide po ay nasa 300 tons per day.
00:52So ngayon po kahapon ay nakapagtala po tayo sa loob ng 24 oras ng karagdagang 79 VT earthquakes.
01:01At noong mga dalawang nakaraang araw ay daan-daan po yung ating record, kabit-kabit na po na volcano tectonic earthquakes.
01:08At kahapon din po kumalo ng 11,556 tons per day ang sulfur dioxide emissions.
01:15At ito po ang pinaka mataas na nasukat na natatala po natin para sa vulkan.
01:19Ngayon ano ba po yung ibig sabihin nito kapag meron po tayong kabit-kabit na volcano tectonic earthquakes?
01:25At ito po ay nalolocate natin sa isang bahagi ng vulkan.
01:29Ito po ay maaaring naghuhudyat na gumagawa po ng daanan o pathway ang magma para po ito ay makaakit sa taas ng vulkan.
01:39At kapag meron po tayong pagtaas ng sulfur dioxide, ito po isa sa mga maraming volcanic gases na nakapaloob sa magma.
01:48Hindi po ito nakakatakas sa magma masyado kapag ang magma po ay malalim.
01:53Pero kapag ang magma po ay bumababaw, nakakawala na po ang sulfur dioxide.
01:58Kaya po ang mga volcanologist po ay nagbabantay ng volcanic gas na ito.
02:04Dahil ito po ay isang indikasyon na nagkakaroon po tayo ng pagbabaw ng magma.
02:09At isa po ito sa parameters ng anomalies bago po pumutok ang vulkan.
02:15So ibig sabihin umaakyat dahan-dahan itong magma mula po dyan sa ibaba ng vulkan.
02:20Gaano po kasignifikan na 1902 pa, huling na iitala yung magmatic eruption dyan sa Canlaon,
02:27gaano kasignifikan in terms of strength nitong possible eruption niya?
02:32Hindi po natin masasabi. Marami po tayong mga vulkan na matagal po talagang matulog.
02:39Pero hindi po niyang kahulugan na pati matagal po itong matutulog ay mayroon po itong equivalent na strength.
02:47Ang Canlaon po ay isa po sa mga long-lived nating vulkan.
02:52Ito po ay nasa isang volcanic ridge dahil matagal na po itong pumuputok
02:57at napag-iwanan na po niya yung ibang centers o craters.
03:04Marami po yung craters sa ridge na yan.
03:06So nagmamigrate po yung crater papunta po ng timog, south.
03:13Kaya po mahaba siyang ridge niyo.
03:15So medyo matanda na po itong Canlaon, medyo malaki po siyang vulkan.
03:19At ang ibig sabihin po yan, matagal po talaga yung repose period niya.
03:23Kung titignan po natin yung geology ng vulkan,
03:27mas marami po itong lava flow kaysa dun sa yung nilalatag po ng explosive eruption.
03:33Pero capable po siya ng pareho.
03:36Nabanggit niyo po yung lava flow.
03:37Gaano o kadelikado yung magmatic eruption kapag nagflow na yung lava?
03:42Saang direction po ito papunta?
03:44Hindi po natin yan alam.
03:47Meron po tayong hazard map.
03:49At alam po natin na ang mga lava flows sa Canlaon volcano
03:54ay maaari pong umabot ng 6 to 16 kilometers.
04:01Pero meron pong mahahabang lava flows dyan sa Canlaon volcano.
04:05Mas mababa po yung panganib ng isang effusive eruption
04:10o yung pagluwa po ng lava kaysa dun sa explosive eruption.
04:14Kalit, meron pong tradeoff yan.
04:16Kapag lava flow eruption ang naranasin natin,
04:19matagal po ito.
04:21Matagal.
04:22So ang ating pong displacement ay mas matagal pa.
04:26Okay.
04:27Apo.
04:28Sige po. Well, abangan po natin yung update dyan po sa Canlaon.
04:32Kung itataas ba, uhuhu pa itong alert level ninyo.
04:35Maraming salamat po sa oras na binahagi ninyo po sa Balitang Hali.
04:38You're welcome po. Ingat po tayo.
04:40Si Maria Antonia Bornas ng DOST Fivox.
05:10.