• 2 months ago
Today's Weather, 4 P.M. | Sept. 21, 2024

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe

Visit our website at https://www.manilatimes.net

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital
Sign up to our newsletters: https://tmt.ph/newsletters

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#themanilatimes
#weatherupdatetoday
#weatherforecast
Transcript
00:00Magandang hapon, update na nga muna tayo sa lagay ng panahon ngayong araw ng Sabado, September 21, 2024.
00:08Sa kasalukuyan nga ay southwest monsoon o habagat parin yung nakakaapekto sa Luzon at sa may western section ng Visayas.
00:15Asahan nga natin dahil dito sa southwest monsoon, yung occasional rain sa may Batanes, pati na rin sa may Baboyan Islands.
00:22Maulap na papawiri naman at mga kalat-kalata pagulan, pagkilat-pagkulog ang ating aasahan sa Metro Manila, sa nalalabing bahagi ng Luzon at sa may western Visayas.
00:32Kayo ating mga kababayan na inuulan nung mga nakaraang araw pa, ay pinag-iingat nga natin sa mga banta ng pagbaha o paguho ng lupa.
00:40Sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa may Mindanao area, asahan natin yung partly cloudy to cloudy skies at may mga chance sa mga localized thunderstorms.
00:50Yung mga kasamahan natin sa Regional Services Division, patuloy na maglalabas sa mga rainfall advisory, thunderstorm advisory o hindi kaya heavy rainfall warning kung kinakailangan.
01:00May isa nga din tayong bagyo na nasa labas na ating Philippine Area of Responsibility na minamonitor.
01:06Itong bagyong ito ay yung dating nasa loob ng ating PAR na si Igme at kaninang alas tres ng hapon, ito ay nasa may layong 550 km hilaga ng Itbayat, Batanes.
01:19Wala naman na itong direktang efekto sa kahit na anong parte na ating bansa.
01:23And also wala na tayong namomonitor na low pressure area o bagyong na nasa loob ng ating Philippine Area of Responsibility.
01:32Para naman sa lagay ng ating panahon bukas, asahan pa nga rin natin sa may Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, pati na rin sa may Zambales area na magiging maulan pa rin, mga kalat-kalat na pagulan, pagkidlat, pagkulog at mga ulap na papaurin.
01:47Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, partly cloudy to cloudy skies at may mga chance sa tayo ng mga localized thunderstorms.
01:57Agot ng temperatura bukas sa Metro Manila ay 25-31°C, 18-22°C sa may Bagyo, 25-33°C sa may Tugigaraw, 25-32°C sa may Legazpi, 24-30°C sa may Tagaytay, 26-31°C sa Puerto Princesa at 26-31°C sa may Kalayaan Islands.
02:25Para naman sa may Visayas at Mindanao area for tomorrow, partly cloudy to cloudy skies na inaasahan natin at may mga chance ng mga localized thunderstorms.
02:34Agot ng temperatura bukas sa Cebu, Cagayan de Oro at Tacloban ay 26-32°C.
02:41Sa Iloilo naman at Zamboanga ay 25-32°C at sa may Davao ay 25-33°C.
02:51Meron pa nga rin tayong nakataas na Gale Warning sa may Batane, sa may Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union.
02:58Kaya ingat sa mga papalaot, lalo na sa mga maliliitas sa sakyang pandagat at motorbankas dahil magiging maalon hanggang sa napakaalon ng karagatan.
03:09Para naman sa 3-day weather outlook ng mga pangunahing syudad natin, so nakikita natin sa Metro Manila, Iloilo City, pati na rin sa Legazpi at sa malaking bahagi ng Luzon,
03:18wala nga tayong nakikita weather system na magdadala ng pangmalawakan o pangmatagalang pagulan, kaya mga chance sa lamang ng mga localized thunderstorms sa ating inaasahan.
03:28Sa Metro Manila, pinakamataas na temperatura ay 32°C, 17-23°C sa may Baguio at 26-32°C sa may Legazpi.
03:41Sa Visayas naman at mga pangunahing syudad nito, sa Metro Cebu, Iloilo City at Tacloban City, asahan pa nga rin natin sa mga susunod na araw ay fair weather conditions with chances of localized thunderstorms.
03:53Sa Metro Cebu, maglalaro ang temperatura mula 25-32°C, 26-32°C sa may Iloilo City at 25-33°C sa may Tacloban City.
04:06Para naman sa Metro Davao, Cagayan de Oro at Zamboanga City, pati na rin sa malaking bahagi ng Mindanao, nakikita nga natin na patuloy pa nga fair weather conditions, partly cloudy to cloudy skies with chances of localized thunderstorms.
04:19Pinakamataas na temperatura sa Metro Davao ay 34°C, 25-32°C sa may Cagayan de Oro at 25-33°C sa may Zamboanga City.
04:32Sa Kalakang Maynila, araw ay lulubog ng 5-53°C ng hapon at sisikat bukas ng 5-45°C ng umaga.
04:40Wag magpapahuli sa update ng Pag-asa, ifollow at delay ka aming ex at Facebook account DOST underscore Pag-asa.
04:47Mag-subscribe sa aming Youtube channel DOST-Pag-asa Weather Report at bisitahin na aming website para sa mas detalyadong informasyon pagasa.dost.gov.ph.
04:58At yan naman po muna ang latest mula sa Weather Forecasting Center ng Pag-asa. Veronica C. Torres, Nagulat.