• last month
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Wagi ng Gintong medalya ang Pinay athlete na si Tatjana Mangin sa World Taekwondo Junior Championships sa South Korea.
00:11Nanalo si Mangin ng Gintong medalya sa finals ng Females 49kg Division laban sa pambato ng Korea.
00:18Makasaysayan ang pagkapanalong iyan dahil si Mangin ang unang Pinay na nanalo sa naturang kompetisyon.
00:24Iyan palang din ang ikalawang gintong ng Pilipinas sa loob ng 28 taon ng kompetisyon.
00:30Ang una ay nakuha sa inaugural game noong 1996 sa Barcelona, Spain.
00:38Mula sa makasaysayan laban niya sa World Taekwondo Junior Championships kung saan nakuha niya ang gold medal,
00:43kausapin natin fresh from South Korea si World Taekwondo Junior Championships gold medalist, Tatjana Mangin.
00:49Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
00:53Magandang umaga po.
00:54Anong pakiramdam na historic win, ang panalo mo?
00:56First Pinay at first gold medal in 28 years sa World Taekwondo Junior Championships.
01:03Unang-una po is sobrang tuwa ko po and mixed emotions po yung naramdaman ko po noong time na iyon
01:09dahil after 28 years po nanalo po ulit yung Pilipinas ng gold medal sa World Junior Championships.
01:18Gano katindi yung pressure sa iyo na South Korea mismo yung kalaban mo sa finals?
01:23Alam natin unang-una sa kanila nagsimula yung sport na iyan at sila yung isa sa pinakamagagaling sa larangan ng Taekwondo.
01:30For me po, parang inisip ko na lang po na nandyan naman po yung teammates ko,
01:35ang mga coaches ko po na nagsusupport din po sa akin.
01:38Kaya hindi po ako ganun na pressure nung nasa court na po ako and parang inaano ko lang po yung mind ko na maging kalma.
01:46Gawin ko po yung dapat kong gawin.
01:49Pero na-scout niyo na ba yung kalaban mo bago yung finals?
01:54Opo, pinanonood ko na po yung laban niya noong semis po kaya nabasa ko na rin po yung galaw niya.
02:03So medyo naging confident ka.
02:05Pero anong naging biggest challenge mo sa pagsalit sa competition?
02:09Two weeks, three weeks po before ng competition, naka-injury po ako sa hamstring ko.
02:15And nagdadoubt po ako na baka hindi ko magawa yung best ko sa competition.
02:19And almost two weeks po ako no Taekwondo activity, puro strength and conditioning, puro rehab po.
02:27Nagpapasalamat po ako kasi nagawa ko naman yung best ko and maganda po yung naging resulta.
02:33Noong mismong competition ba nag-recur ito? Naramdaman mo ba yung old injury mo?
02:39Sa awa po ng Diyos wala naman po.
02:42So maganda yung naging conditioning mo at no Taekwondo activity bago yung competition.
02:47Pero gaano katindi yung training mo para dito sa World Taekwondo Junior Championships?
02:52After po nung namili po ng mga ipapadala po sa Korea para sa World Championship,
02:59naggawa na po ng program yung coaches ko na 3-4 times, 2-3 times a day po yung training namin.
03:06Minsan po 4.
03:10Ano susunod para sa iyo? Of course may mga competition ka pa after this.
03:16For this year po, siguro ito po yung last international competition ko for this year.
03:21And next year po hopefully po mapili po rin ko i-represent yung Philippines po sa senior team.
03:27Dahil marami pong competition next year.
03:29Sana po na yung SEA Games World Championships.
03:32So sa senior ka na?
03:34Opo.
03:35Okay, good luck sa'yo at maraming salamat at congratulations.
03:38World Taekwondo Junior Championships gold medalist, Tatiana Mangin.
04:05World Taekwondo Junior Championships

Recommended