• last year
Mga Kapuso, posibleng masundan pa ang naunang landfall ng Bagyong #MarcePH. 3:40 p.m. kanina nang mag-landfall ang bagyo sa Sta. Ana, Cagayan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, binabantayan ngayon ang bagyong Marse na posibling maglandfall muli sa Cagayan.
00:10Alamin natin ang update sa lagay ng panahon kasama si Amol Larosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amol?
00:18Salamat, Ms. Mel. Tama po yan mga kapuso, posibling masundan pa ang naunang landfall ng bagyong Marse.
00:263.40 ng hapon kanina na maglandfall po yan dito sa Maysantaan na Cagayan.
00:30Nakataas ngayon ang signal number 4 sa northern portion ng Cagayan kasama po ang Babuyan Islands,
00:35ganoon din sa northern portion ng Apayaw at pati na rin sa northern portion ng Ilocos Norte.
00:41Dito po pinakadalikado at pinakamataas ang panganib ng pinsala dahil dito po pinakaramdam yung mga matitinding hangin na daladala ng bagyong Marse.
00:50Signal number 3 naman, diyan po yan sa Batanes, natitirang bahagi po ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayaw at ng Ilocos Norte,
00:57ganoon din sa northern portion ng Abra at pati na rin sa northern portion ng Ilocos Sura.
01:03Isinailalim naman sa signal number 2, ang northern at central portions ng Isabela, natitirang bahagi ng Abra,
01:09Kalinga, Mountain Province, northern portion ng Ifugawa, northern portion ng Binggit, natitirang bahagi ng Ilocos Sura,
01:15at pati na rin ang northern portion ng La Uniona.
01:18Habang signal number 1 naman, sa natitirang bahagi po ng La Uniona, ganoon din sa Pangasinan,
01:23natitirang bahagi ng Ifugaw, ng Binggit at ng Isabela, pati na rin po dito sa Quirino, Nueva Vizcaya, northern and central portions ng Aurora,
01:31northern portion ng Nueva Ecija, at pati na rin sa northern portion ng Zambales.
01:36Asahan pa rin po sa mga nabagit na lugar yung malakas sa bugso ng hangin dahil po yan sa direct ng epekto ng bagyong Marse.
01:43Samantala meron din po ang storm surge warning o inaasahan din po natin yung daluyong na aabot sa hanggang tatlong metro o lagpas tao po ang taas.
01:51Diyan po yan sa may Isabela, Cagayan, kasama po ang Babuyan Islands, Ilocos Sur, ganoon din po sa may La Uniona, Batanes, at maging sa Ilocos Norte.
02:00Huling na mataan ang mata ng bagyong Marse. Diyan po yan sa may santaan, Cagayan, kung saan nga po ito nag-landfall kaninang hapon.
02:07Naglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kmph at yung pagbugso po niya na papalo naman sa 240 kmph.
02:16Pakaluran po ang paghilis ito sa bilis naman na 10 kmph.
02:21Hindi po inaalis ng pag-asa ang posibilidad na lumakas pa ito at maging super typhoon dahil nga po yan nasa 175 kmph
02:30at pag umabot na yan sa 185 kmph, posibly po na ito yung isang super typhoon na.
02:36Pero dahil po sa interaction nito dito po sa kalupaan ng Northern Luzon, e pwede rin naman na ito po ay humina dahil nga meron din po tayong tuyong hangin sa paligid
02:45at yan po ang patuloy po nating imamonitor sa mga susunod na oras kung ito nga ba ay patuloy na lalakas o di kaya ehihina po ng konti.
02:54Sa latest forecast track naman ng pag-asa mula po dito sa may santaan na Cagayan,
02:59posibly na ito po ay magkaroon ng isa pang landfall dito po yan sa may Northwestern portion ng mainland Cagayana.
03:06Tuloy-tuloy na po ang pagtawid nito hanggang sa makarating na dito sa may West Philippine Sea
03:11at inaasahan po natin posibly makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon o kaya naman ay bukas po ng gabi.
03:20Pero depende pa rin po yan sa magiging pagbabago sa paghilos.
03:24Basa naman sa datos ng Metro Weather, magdamagan pa rin po mamaya ang mga matitinding pag-ulan
03:29dito sa may Batanes and Babuyan group of islands.
03:31Ganun din sa Cagayan, Isabela, Apayaw, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at iba pang bahagi po ng Cordillera Region.
03:38At meron din dito sa ilang bahagi po ng La Union at ng Pangasinan.
03:42Babad na babad pa rin po sa intense torrential rains.
03:45Gaya po na nakikita ninyo dito sa ating mapa, yan po yung kulay red and kulay pink.
03:49Ibig sabihin po nito ay yung mga matitindi at halos walang tigil na mga pag-ulan
03:53kaya napakataas po ng chance na mga pagbaha o di kaya naman ay landslide.
03:58Magpapatuloy po yan hanggang umaga bukas at meron pa rin po dito sa may Santa Ana, Cagayan.
04:03Ganun din sa ilang bahagi po ng Isabela at pati na rin po sa may Ilocos Province, La Union, Pangasinan,
04:09at ganun din sa may Cordillera Region.
04:12May mga kalat-kalat din po ng mga pag-ulan.
04:14Sa iba pang bahagi po ng Central Luzon, ganun din po dito sa may Calabar Zone, Mindoro, Palawan,
04:20at pati na rin sa bahagi po ng Bicol Region.
04:23Dito naman sa Metro Manila, pwede pong maulit yung mga pag-ulan gaya po nang naranasan kahapon
04:29at pati na rin kagabi.
04:30Pero paglilino po ng pag-asa, ang mga pag-ulan po sa Metro Manila
04:34ay hindi po dahil sa Bagyong Mars, kundi po dahil sa localized thunderstorms.
04:40Posible rin po yung maranasan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao po
04:43saan may tsyansa na mga kalat-kalat na mga pag-ulan.
04:47At eto po mga kapuso, hindi pa man nakakalabas ang Bagyong Mars dito po sa farm.
04:52May bagong kumpol na mga ulap na naman na minomonitor po ang pag-asa.
04:56Dito po yan sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
05:00Sa inilabas sa datos po ng pag-asa ngayong araw, mataas ang tsyansa nito
05:04na pumasok din dito sa Philippine Area of Responsibility
05:08at patuloy po natin nga antabayanan yung updates sa pusibling sumunod na bagyong.
05:14At yan ang latest sa liganing ating panahon.
05:16Ako po si Amor Larosa.
05:17Ito ang GMA Integrated News Weather Center.
05:20Maasahan anuman ang panahon.

Recommended