• last month
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, 48 araw na lang, Pasko na, at kung medyo busy, eh wag po kayong magalala dahil meron po isang Christmas pasyalan sa Marikina
00:12kung saan pwede namang pagsamahin ang pagsashopping, pagkain, at paglalaro.
00:17At saksi ron live, si Jamie Santos. Jamie!
00:22Pia, naghahanap ba kayo ng pasyalan ngayong Christmas season kasama inyong pamil at barkada
00:31nang hindi lumalayo sa Metro Manila, hindi na kailangan lumayo dahil dito sa Marikina, may all-in-one pasyalan.
00:39Pwede nang simulan ang pamimili ng mga regalong pamasko sa bazaar na ito sa Marikina.
00:49Mula sa damit at mga laruan, meron dito sa abot kayang halaga.
00:53Pag malapit na yung Christmas, medyo marami ng tao.
00:56Ngayong time, medyo onti lang kasi.
00:58Nag-onti-onti na tayo?
00:59Yes, nag-onti-onti na para sa aking mga apong makikute at saka sa mga inaanak.
01:04Bukod sa pagkikristmas shopping, maraming aktividad pa ang pwedeng gawin dito sa Marikina Riverbanks.
01:10Kung ang hanap nyo ay thrill at adrenaline rush, iba't-ibang rides ang pwedeng subukan dito kasama inyong friends at family.
01:20Nakakalula!
01:25Php 50 to Php 100 ang presyo ng tiket para sa rides.
01:29Ang pamilyang ito, inabutan naming nagdiriwang ng birthday ng bunsong anak.
01:33May enjoy naman po yung mga bata, lalo po yung anak ko. Birthday po.
01:37May enjoy din dito ang ilang larong perya tulad ng hagis piso.
01:41Kung mapagod sa pamimili, no problem. Maraming food stalls na pagpipilian dito.
01:50Bida naman ang hikanteng Christmas treeng ito sa Bonifacio Global City.
01:56Hitik ito sa ilaw at ornaments gaya ng agaw pansing white bear na ito.
02:01Sa paana ng Christmas tree, may iglo na entrada pala papunta sa isang magical mirror room na IG-worthy para sa holiday photos.
02:10May Christmas tree na pwedeng sakyan para libutin ang high street.
02:14Tampok naman ang iba't-ibang animated Christmas scenes sa kanilang fully integrated displays.

Recommended