• last year
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, Nobyembre 25, 2024:


-PSC, dinoble ang seguridad ng Pangulo kasunod ng itinuturing nilang "active threat" matapos ang mga pahayag ni VP Duterte


-Pahayag ni VP Duterte laban kina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Romualdez, itinuturing na "Active threat" ng ilang ahensya ng gobyerno


-House Sec. Gen., itinanggi na hindi pinapasok ang abogado ni Lopez sa detention room; hindi rin daw kinuha ang cellphone ni Lopez


-National Security Council, hinamon ni VP Duterte na patunayang isang national security concern ang kanyang naging pahayag laban kay PBBM


-Lalaking 75-anyos, patay matapos mabundol ng 2 van/Mga plate number at driver ng 2 nakabanggang van, tinutukoy pa ng pulisya


-Mga nasunugang pamilya sa Isla Puting Bato, siksikan sa Delpan Evacuation Center


-Babae, nambato ng kotse; driver ng kotse, pinaghahampas naman ang bahay ng babae


-Babae, patay matapos tumilapon mula sa sinasakyang kolong-kolong na bumangga sa isang siklista


-P102M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust operation


-Mga tagasuporta ni VP Duterte, nagtipon-tipon sa labas ng Veterans Memorial Medical Center


-VMMC: OVP Chief of Staff Zuleika Lopez, nakatatanggap ng "highest medical attention"


-WEATHER: Amihan, nakaaapekto pa rin sa extreme northern Luzon


-Oil price hike, ipatutupad bukas


-2, nahulihan ng halos P300,000 na halaga ng marijuan oil at disposable vape


-Bag na may P40,000 cash, natangay mula sa loob ng isang kotse


-Lalaking ilang araw nawala, natagpuang patay sa isang irigasyon


-"Hello, Love, Again," mahigit P1B na ang gross sales sa worldwide box office


-Obra ni Jose Rizal na "Josephine Sleeping" at huling seal daw ng Katipunan, ipasusubasta


-Interview: HOR Sec. Gen. Reginald Velasco


-Dasmariñas, Cavite, isinailalim sa State of Calamity dahil sa 400% na pagtaas sa mga kaso ng dengue


-Mary Jane Veloso, masaya nang malamang makakauwi na siya sa Pilipinas


-Ilang South Korean superstars, present sa Day 2 ng Disney Content Showcase APAC 2024/South Korean superstars, ibinahagi ang kanilang experiences sa shooting ng kanilang shows


-Gilas Pilipinas, wagi laban sa Hong Kong sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pasay


-Bagyo, nagdulot ng malawakang baha; mahigit 200,000 bahay at establisimiyento, walang kuryente


-PNP, walang nakikitang banta sa pambansang seguridad kasunod ng pahayag ni VPSD laban sa Pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno


-Tricycle driver, huli-cam na nagnakaw ng cellphone


-Pagkukulay-kape ng Dalol River, inaalam kung may kinalaman sa ilegal na pagmimina


-OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, hindi dumalo sa pagdinig ngayong araw dahil sa acute stress disorder


-VP Sara Duterte: Sen. Bato Dela Rosa, naiwang nagbabantay kay OVP Chief of Staff Lopez


-Zia Dantes, nakatanggap ng "Guts World Tour" merchandise mula kay Olivia Rodrigo


-Cake na craving ng isang netizen, kinatuwaan online


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang tanghali po! Oras na para sa maiinit na balita!
00:12Magandang tanghali po! Oras na para sa maiinit na balita!
00:28Bagong-bagong balita, mas hinigpitan ng Presidential Security Command o PSC ang seguridad ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:36Kasunod yan ang itinuturing ng gobyerno na active threat sa buhay ng Pangulo matapos sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong Sabado.
00:44Sinabi kasi ng Vice Presidente na may inutusan na siya sakaling patayin siya at huwag daw tumigil hanggat hindi napapatay ang Pangulo,
00:54si First Lady Liza Araneta Marcos at si House Speaker Martin Romualdez.
00:58Nagkaroon daw ng special meeting ang PSC noong Sabado tungkol sa mga plano sa siguridad ng Pangulo.
01:04Ayon kay PSC Civil-Military Operations Officer Major Nestor Endozo, coordination at deployment ang ilan sa mga aspetong hinigpitan.
01:14Wala para utos kung babawasan din ang mga public engagement ng Pangulo.
01:18Hindi pa rin daw na pag-uusapan kung maglalagay ng mga bulletproof sa kanya mga podium katulad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:25Makikita nyo na lang po siya during sa mga engagement ni Presidente ma'am.
01:32Kasi ang backing sa amin dito na yung double natin yung security ni Presidente lalo sa mga upcoming activities niya,
01:41mas pinag-electing natin yung security. Kung sa personal ma'am, hindi natin masaya kung ilan pa yung IAL natin, re-revised ba namin yung...
01:54At the center of investigation ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte, laban kinang Pangulong Bongbong Marcos,
02:00First Lady Eliza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
02:04Maari kaya siyang kasuhan dahil dito? Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
02:12Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke.
02:20Ang pahayag na ito ni Vice President Sara Duterte, tinawag ng law enforcement authorities na active threat laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
02:28at ang TNP, pina-iimbestigahan na ito sa CIDG.
02:32Ang NBI, sinisiyasat na rin ang pahayag ng BC, pero para sa NBI, walang aktwal na banta ngayon sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:40Unang ginawa ng NBI ay check kung hindi yun deepfake, kung hindi yun AI generated. So we found out that the same is authentic.
02:53Ang rule natin, pag may threat sa life ng Presidente ng matataas na opisyan, even na kay VP Sara, hindi namin yang tine-take likely.
03:09Iimbitahan ba ng NBI ang BC para sa interrogation?
03:13Hindi po natin isinasan.
03:16Pinag-aaralan din daw ng NBI kung maaari bang makasuhan ang BC.
03:21Dagdag ng National Security Council, usapin ng Pambansang Seguridad ang anumang banta sa Pangulo.
03:27Nakikipag-ugnayan na sila sa law enforcement and intelligence agencies para imbestigahan ng banta, at kung sinong posibling gumawa nito at motibo nila.
03:35Ayon sa law expert na si Atty. Domingo Cayosa, maaaring kasuhan ang BC batay sa mga pahayag niya.
04:06Pwede rin libel kasi hindi lang naman yung pagmumura kundi inakusahan talaga niya ng malalalim at malalaking krimen o mga malya, yung First Lady.
04:19Para kay Sen. Cheese Escudero, nakakabahala at hindi angkop sa kanyang posisyon ang mga pahayag ng BC.
04:25Panawagan niya sa malalapit sa BC, payuhan siyang iwasan ang ganitong mga aniyay di angkop at posibling criminal statements na hindi omanong makatutulong kay Duterte at maging sa bansa.
04:41Nakatutok din tayo sa balita tungkol sa Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte.
04:46Itinanggin ang Kamara ang mga paratang ng Vice Presidente Kaugnay sa paglipat kay Atty. Zulaica Lopez sa Correctional Institution for Women.
04:53Kabilang diyan ang hindi pagpapapasok umano sa abugado ni Lopez sa detention room, pati ng pagkuaumano sa cellphone ni Lopez.
05:00Ayon kay Sec. Gen. Reginald Velasco, hindi totoo na hindi nila pinapasok ang abugado ni Lopez at ng kinuhang cellphone niya.
05:09Kusa raw isinurender ni Lopez at ng kanyang kasama ang mga cellphone, alinsunod sa security protocol.
05:15Kaugnay naman sa paratang na delayed ang responde sa medical emergency ni Lopez na nagsuka at may sinyalis ng panic attack,
05:22ayon din kay Velasco, wala itong basihan dahil 6 na minuto lang ay dumating na raw agad ang doktor ni Lopez.
05:29Dumating din daw ang ambulansya na nagsugud kay Lopez sa ospital wala pang kalahating oras.
05:34Wala pang pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa sinabi ni Velasco.
05:38Nasa Veterans Memorial Medical Center pa rin sa ngayon, si Lopez.
05:44Sinamo naman ni Vice President Sara Duterte ang National Security Council na patunayan isang national security concern.
05:51Ang mga ANIA ay maliciously taken out of logical context na pahayag ng isang Vice Presidente laban sa Presidente.
05:59ANIA gusto niyang makita ang notarized minutes of the meeting kung saan itinuling itong national security concern.
06:05Isama rin daw sana sa agenda ng susunod na pulong ang kanyang hiling na maipakita sa NSC ang mga banta sa kanyang tanggapan at tauhan.
06:15Sabi pa ng Vice Presidente, miyembro siya dapat ng NSC batay sa isang executive order pero wala siyang natanggap ni isang notice of the meeting mula June 30, 2022 o simula ng kanyang termino.
06:28Sa loob din ng 24 oras ay pinagpapaliwanag niya ang NSC kung bakit hindi siya miyembro ngayon ng NSC o bakit hindi siya naimbitahan sa mga pulong kung siya man ay miyembro.
06:41Wala pang komento ang NSC kaugnay nito.
06:46Sa iba pang balita, dead on the spot ang isang lalaki matapos ma-hit and run ng dalawang van sa Caintarizal.
06:53Ayon sa mga kaanak, kukuha lang sana noon ang biktima ng mga ibibenta niyang jariyo.
06:58Balitang hatid ni EJ Gomez.
07:03Nag-aabang para makatawid ang lalaking ito sa Ortigas Avenue Extension sa Caintarizal madaling araw nitong Webes.
07:11Pagdating sa center island ng highway, hinintay pa niyang dumaan ng isang SUV bago maglakad.
07:17Pero bago pa man niya marating ang kabilang kalsada, isang L300 van ang bumangga sa lalaki.
07:24Nasagasaan din siya ng kasunod na puting van.
07:28Nakita sa isa pang CCTV ang dalawang magkasunod na van bago maganap ang mga pagbangga.
07:34Dead on the spot ang biktima.
07:37Kitang-kita naman sa CCTV na mabilis yung dating noong L300 FB van na natumbok siya mismo.
07:45Tinamaan ng kanyang katawan na exactong nabundun noong harapan na L300 FB van na natumba siya, bumagok ang kanyang ulo, napuruhan ang kanyang ulo at nabali yung kanyang binte.
08:01Kinilala ang biktima na si Narciso Fernandez, 75 anyos na tindero ng diyaryo at residente ng Barangay San Tonino ka Intarizal.
08:10Kuwento ng mga kaanak ng biktima, kukuha lang sana sa palengke ng mga panindan diyaryo ang biktima, nang maganap ang aksidente.
08:31Alam naman ngayong binabangga kayo. Sana sumuko na kayo. Tatay ko po, breadwinner.
08:39Tapos po, wala po siyang sakit, wala po siyang maintenance na iniinom.
08:44Tapos bigla niyo pong iiwanan na lang po na ganyan.
08:47And bait-bait po nung tatay ko, di po kayo naawak.
08:52Sana mabigan ng katarungan sa tatay ko.
08:56Hindi pa matukoy ng mga otoridad sa ngayon ang plate number ng mga sasakyang nakasagasa.
09:02Patuloy naman ang backtracking at investigasyon ng pulisya para matukoy ang mga driver ng mga sasakyang nakabangga sa nasawing biktima.
09:11Pagka na-identify na natin yung suspect vehicle at saka yung driver na may dala ng sasakyan na yon noong time na naka-aksidente siya, siya yung ating sasampahan ng kasong reckless imprudence resorting to homeside.
09:28EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:33Siksikan sa Dalpan Evacuation Center ang mga pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila.
09:39Kabilan sila sa 2,000 pamilyang naapektuhan ng sunog na tumupok sa abot sa 1,000 bahay kahapon.
09:45Sa inisial na pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa 3,500,000 pisong halaga ang pinsala.
09:52Ayon sa mga tagapangasiwan ng evacuation center, may ilan pang nananatili sa pinangyarihan ng sunog.
09:57May mga pulis naman na naka-deploy sa evacuation center para matiyak ang siguridad at kayusan sa lugar.
10:04Nagbigay na rin ng hot meals at ilang relief goods ang city government.
10:12Huli ka mang pambabato ng kahoy ng isang matandang babae sa kotyang iyan na dumaan sa harap ng kanyang bahay sa Vintar, Ilocos Norte.
10:19Huminto ang kotse at bumaba ang driver neto at saka pinagpapalo ng bakal ang bahay ng babae.
10:25Nag-report ng matanda sa mga pulis siya.
10:28Ayon sa kanya, matulin ang takbo ng kotse at muntik pang mabangga ang mga aso sa labas ng bahay.
10:34Nagpablatter naman ang driver sa barangay dahil sa pambabato ng matanda na dati nang nasangkot sa parehong insidente.
10:41Inaalam pa kung nagkaayos na sila.
10:44Ito ang GMA Regional TV News.
10:49Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV kasama si Cecil Quibod Castro. Cecil?
10:58Salamat Connie!
11:00Patay sa pamamaril ang isang lalaking tricycle driver sa Dagupan, Pangasinan.
11:05Sa bayan naman ng Kalasyaw, isa ang patay matapos bumangga sa siklista ang isang kulung-kulung.
11:10Ang mainit na balita hatid ni Jeric Pasilyaw ng GMA Regional TV.
11:40Para ibenta ang kanilang mga panindang tuyo.
11:43Sinubukan umanong iwasan ang driver ang papatawid na babae sa pedestrian lane.
11:47Hindi yan nahagip sa CCTV pero ligtas naman daw ang babae.
11:51Nagkaareglo na raw ang driver ng kulung-kulung, siklista at ang pamilya ng babaeng papatawid noon sa kalsada.
12:00Sakay pa ng kanyang minamanehong tricycle ng pagbabarili ng isang lalaki sa barangay Tubang Dagupan City.
12:05Pabalik na, kasi ang paradahan nila sa looban. Nung pabalik yun na, hindi na nakarating dyan. Parang tinambangan na atas na dyan sa may kanto.
12:16Sa embestigasyon ng mga polis, matinding tama sa ulo at leeg ang dahilan ng pagkasawi ng biktima.
12:22Sinasabing sakay ng isang motorsiklo ang mga namaril.
12:25Naka-recover ng limang basyon ng hindi pa matukoy na kalibri ng baril ang mga polis sa crime scene.
12:30Inaalam pa ang motibo, pero posibleng insidente raw ito ng mistaken identity.
12:35Sa special interview natin sa kanila, wala naman siyang death threat.
12:39Accordingly, itong biktima natin ay mayroon siyang kapalit na nagradrive ng motor na yan.
12:47Jarek Pasilyaw ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:54Sa Lapalapo City naman, dito sa Cebu, mahigit sandaang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad.
13:01Nakuha ang mga hinihinalang iligal na droga na tinatayang may timbang na labing limang kilo sa bybus operations sa barangay Buaya.
13:09Isa ang naaresto.
13:11Ayon sa mga otoridad, naudyo ka ng mga kasama niya noon sa Rehabilitation Center ang drug suspect para pasukin ang pagbebenta ng iligal na droga.
13:19Tumanggi siyang magbigay ng pahaya.
13:23Andaraw si Vice President Sara Duterte na sumailalim sa psychological at neuropsychiatric test, pati drug test.
13:31Tumanggi niya na magpadrug test ang iba pang tagang gobyerno.
13:35Ayon sa Vice Presidente, ginagamit siya ng pamahalaan para pagtakpan ang mga anayay kakulangan nito.
13:41Wala pang komentoryan ang malakanyang.
13:44Balitang hatid ni James Agustin.
13:48Nagsagawa ng programa kagabi ang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte sa gate ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City,
13:55kung saan nakokonfine ang kanyang Chief of Staff, na si Atty. Solaica Lopez.
13:59Ang iba nagpalipas paro na magdama.
14:02Sa kanyang Facebook Live kagabi, pinasalamatan ng Vice Presidente ang kanyang mga taga-suporta.
14:29Sabi ng BC, handa siya magpa psychological at neuropsychiatric test, maging drug test. Hamon niya sa mga opisyal ng gobyerno, sumailalim din sa drug test.
14:59Sa lahat ng Senado, sa lahat ng opisina ng House of Representatives, sa lahat ng departamento ng ating bayan, ng ating pamahalaan.
15:14Giit pa ni Duterte ginamit umano siya para pagtakpan ang mga kakulangan ng gobyerno.
15:19Wala na kayong mapuna sa akin. Pinagtatakpan ninyo ang mga kakulangan ng pamahalaan.
15:34Ako ang ginagawa ninyong punching bag para hindi napapansin nakikita, naririnig ng mga tao ang kalukohan, ang korupsyon at ang katiwalian na ginagawa sa gobyerno.
15:55Sinisikap namin kunan ng pahayag ang malakanyang kaugnayan niya.
15:58Itong weekend, kabilang sa mga dumalaw kay Lopez sa VMMC, sina Sen. Bong Go, Sen. Bato de la Rosa, at Cong. Rodante Marcoleta.
16:08Bumisita rin kay Lopez si Sen. Aimee Marcos, ang kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos, at kilalang malapit kay Vice President Duterte.
16:16Nakausap na rin daw ni Lopez ang kanyang abogado.
16:19Dis oras ng gabi nitong biyernes ng puntahan ng mga tauhan ng Legislative Security Bureau ng Kamara, si Atty. Zulaika Lopez sa kanyang kuwarto sa House Custodial Center.
16:28Bit-bit nila ang kautosang ilipat siya sa Women's Correctional Facility sa Mandaluyok.
16:48I'm coming back. I'm so scared.
16:52Hindi lang to harassment. This is really a threat to my life.
16:58Dinala sa Veterans Memorial Medical Center sa St. Luke's Medical Center si Lopez.
17:03Matapos sumama ang kanyang pakiramdam, sa gitna ng sana ipaglipat sa kanya sa Correctional.
17:08James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:12Nagbigay ng update ang pamunuan ng Veterans Memorial Medical Center kaugnay sa lagay ni Office of the Vice President, Chief of Staff, Undersecretary Zulaika Lopez.
17:21Sa palayan ng unang balita kay VMMC spokesperson, Dr. Joan May Perez-Refarial, nakatatanggap daw ng highest medical attention si Lopez mula sa kanilang medical team.
17:30Nakakausap na rin daw siya na malaking tulong para makakuha ng informasyon sa pasyente.
17:35Pero dahil sa data privacy law at patient confidentiality, hindi nagbigay ng detalyang VMMC tungkol sa kondisyon ni Lopez at kung sino ang mga kasama niya sa loob ng kuwarto.
17:49Makaka-attend ho ba siya sa hearing? Kasi kailangan daw po ng clearance ng kanyang mga doktor kung siya ipapa-attendin sa hearing ng committee sa camera.
17:57Itong question na ito ay best answered by the appropriate office.
18:01Which is?
18:02Which is of course the Office of the Vice President. So mas maganda na i-direct ang question sa kanila.
18:13Mga kapuso, good news naman po muna tayo ngayong huling linggo na ng Nobyembre.
18:18Wala pong namamuta ang bagyo o kahit anong low pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.
18:25Ayon sa pag-asa, hanging amihan pa rin ang nakaka-apekto sa extreme northern Luzon.
18:30Intertropical Convergence Zone o ITZZ sa Mindanao habang posible muli ang mga local thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
18:39Sa mga susunod na oras, uulanin ang halos buong Mindanao at ilang panig ng Northern Luzon, Aurora, Southern Luzon at Visayas.
18:48Base yan sa rainfall forecast ng metro weather.
18:51Ngayong Lunes, 16.4 degrees Celsius ang naitalang minimum temperature sa City of Pines Bagyo.
18:57Habang 23.4 degrees Celsius dito sa Quezon City.
19:02Dahil sa amihan, maalon muli at delikado sa mga maliliit na sasakyang pandagat
19:07ang kumalaod sa hilagang baybayin ng Ilocos Norte at sa mga dagat-sakop ng Batanes at Labuyan Islands.
19:20Abiso sa mga motorista, may paggalaw sa presya ng mga produktong petrolyo simula po bukas.
19:25Batay sa anunsyo ng ilang kumpanya, tataas ng 1 peso at 15 centavos ang kada litro ng gasolina.
19:31Habang 1 peso at 10 centavos naman ang taas presyo sa diesel.
19:3580 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
19:41Samantala arastado ang isang babaya at isang lalaki sa tagig na nagbebenta raw online ng marijuana oil.
19:47Balita ng atin ni Jomera Presto.
19:54Sa kulungan ang bagsak ng dalawang ito.
19:57Matapos mahulihan ang mga disposable vape at cartridges na may laman palang marijuana oil.
20:02Matapos ang ikinasang drug by bust operation sa barangay Rizal sa Taguig City.
20:06Ayon sa polisya, karaniwang target ng dalawa ay mga teenager na umu-order online.
20:24Base sa investigasyon, target sa operasyon ang babaing sospek na si Alias Arby na runner down ng droga.
20:36Matapos mahuli, agad niyang ikinanta ang distributor na si Alias Jerome na isang motorcycle taxi rider.
20:42Ginagamit daw nito ang kanyang trabaho para magbagsak ng droga sa iba't ibang lugar.
20:47Nakuha naman sa operasyon ang mahigit 50 peraso ng disposable vape at 11 peraso ng cartridge na may lamang marijuana oil.
20:54Aabot daw ito sa halos 300,000 pesos ang halaga.
21:13Tumanggi magbigay ng pahayag sa media ang mga sospek.
21:16Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:21Ito ang GMA Regional TV News!
21:27Ang iba pang mainit na balita ng GMA Regional TV, aahatid ni Sarah Hilomen Velasco.
21:32Sarah?
21:41Salamat Rafi!
21:42Salamat Rafi!
21:46Sugata ng isang lalaki matapos barilin habang natutulog sa kanyang bahay sa Opol Misamis, Oriental.
21:53Sa Bacolod City naman, nahulikam ang panloloob ng dalawang lalaki sa isang kotse.
21:58Ang mainit na balita aahatid ni Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
22:04Kita ang pagpark ng pulang kotse ito sa tapat ng isang laundry shop sa barangay Villa Monte Bacold City.
22:09Lumabas ang driver na may dalang laundry basket at pumasok sa establishmento.
22:14Maya-maya pa, dumaan ang dalawang lalaking sakay ng puting motorsiklo at binuksan ang sasakyan.
22:19Hindi napansin ang biktima na hinahalugog na pala na umamagnanakaw ang kanyang mga gamit sa loob ng sasakyan.
22:26Ayon sa biktima, nakagawad ng barangay.
22:29Naghazard lang siya at hindi na nailak ang kotse dahil mabilis lang naman sana siya.
22:34Nakuha ng mga sospek ang bag ng biktima na may lamang perang aabot sa 40,000 pesos.
22:40Inaalam pa ang pagkakakalilaan ng mga sospek pero natrace na ang motorsiklong ginamit nila.
22:47Nagpapagaling ngayon sa isang hospital sa Davao City ang isang dalagitang 14 anos
22:52matapos siyang tagain mismo ng kanyang tatay sa loob ng kanilang bahay sa sulop Davao del Sur.
22:58Ayon sa polisya, nagtalong mag-ama dahil hindi na kinakausap ng nanay ng biktima ang sospek.
23:04Agad na-arrest ng sospek sa kanilang bahay, nasasampahan ng karampatang reklamo.
23:09Wala siyang pahayag.
23:12Binarel ang isang lalaki habang natutulog sa kanyang bahay sa Opol Misamis Oriental.
23:17Ayon sa kaanak ng biktima, katabi noon ng biktima ang kanyang 4 atong gulang na anak.
23:22Ligtas naman ang bata habang isinugod sa ospital ng biktima dahil sa tinamungtaman ng bala ng barel sa baywang.
23:29Tinutugis pang sospek habang patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.
23:33Adrian Prietos ng Gemay Regional TV, nagbabalita para sa Gemay Integrated News.
23:41Naagnas na ng natagpuan ng autoridad ang isang lalaki sa Bacaraing Locos Norte.
23:46Batay sa pag-asondaga Barangay 4 Santa Maria sa Vintar ang biktima na nagpaalam sa kanyang pamilya na pupunta sa Cagayan.
23:55Nakainunggaw ang biktima nang umalis noong November 16.
24:00Natagpuan siya sa isang irigasyon sa Barangay Buyon ilang araw matapos mag-report sa pulisya ang kanyang pamilya.
24:07Nakita rin doon ang kanyang motorsiklo.
24:10Ayon sa Municipal Health Office, hindi na matupoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
24:15Dahil sana naagnas na ang katawan nito.
24:23Happy Monday mga mari at pare!
24:25May panibagong achievement unlocked ang Hello Love Again ni Alden Richards at Kathleen Bernardo.
24:32More than 1 billion pesos na ang gross sales ng Hello Love Again sa Worldwide Box Office.
24:39Ito na raw ang first Filipino film na naka-achieve nito.
24:42Ang Hello Love Again ay produced by Star Cinema and GMA Pictures,
24:47kung saan ito ay sequel ng kwento ni Najoy at Ethan na karakter ni na Kath at Alden.
24:53Sa ngayon, bukod sa ongoing screening sa Philippine cinemas,
24:57showing na rin sa 1,100 cinemas sa Europe, North America, Southeast Asia at Middle East ang Hello Love Again.
25:06Thankful naman si na Alden at Kath sa achievement ng Hello Love Again
25:09at hindi raw nila inaasahan ang support ng Kans.
25:15Ipasusubasta ngayong one ang ilang obra at gamit na may kaugnayan sa mga bayani ng Pilipinas,
25:21kabilang po ang iskultura ni Jose Rizal.
25:24Kung magano ang inaasaang presyo ng mga yan, alamin sa Balitang Hatid ni Oscar Oida.
25:32Ito na marahil ang isa sa mga pinakamahalagang obra sa bansa.
25:36Pinamagat ang Josephine Sleeping.
25:39Nililok ito ni Kato Rizal habang naka-exile sa dapitan.
25:44Ang kanyang modelo, ang asawang si Josephine Bracken habang ito'y nahihimbing sa pagtulog.
25:51It does not only represent the last love of Jose Rizal with Josephine Bracken.
25:56Ito rin ay isang art na ginagawa niya out of love.
26:02Napakaganda yung form ng sculpture.
26:06And then yung folds ng kumot.
26:09So ito talaga makikita mo na si Jose Rizal nagkakaroon talaga ng formal training sa sculpture.
26:18Mga pagkagan niya si Olan Luna, Felix Resurreccion Hidalgo sa Spain,
26:24and lahat mga Ben Uria brothers.
26:26So natututo talaga siya.
26:28Ito na raw marahil ang huling obra ni Rizal bago ito namatay.
26:33Isusubasta ito sa Leon Gallery sa Makati sa initial bidding price na 5 million pesos.
26:40Mga descendants daw mismo ni Narcisa Rizal ang nagpapabenta nito.
26:45Ito yung mga apo ni Narcisa Rizal.
26:49Si Narcisa is one of the siblings ni Jose Rizal.
26:52And sila yung nakapagmana ng mga sculptures.
26:56Yung iba nabenta na natin in the past.
26:58Ito yung tinago nila.
27:00Sa tingin nila, ito yung pinaka-importanting sculpture na nasa kamay pa nila.
27:05Whoever will end up with this piece will have what will inarguably be
27:10one of the most important art pieces in this country.
27:14Ito na talaga.
27:16Kasabay rin ang pagkagan ni Rizal,
27:19Ito na talaga.
27:21Kasabay rin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa November 30.
27:26Isusubasta ang sinasabing huling seal ng katipunan
27:31na ginamit umunuo sa pagtatak ng mga mahalagang dokumento ng samahan.
27:36Nasa 1.5 million pesos daw ang opening bid para sa natatanghin selyo.
27:41Ipapa-auction din sa Bonifacio Day
27:43ang Bonifacio bust na lika ng national artist na si Guillermo Tolentino.
27:49Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:54Update po tayo sa siguridad sa kongreso matapos sa paglilipat
27:57kay OVP Chief of Staff Zulaica Lopez sa VMMC at iba pang issue.
28:01Kawusapin natin si House of Representatives Secretary General Reginald Velasco.
28:05Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
28:08Magandang umaga po. Kanyang lahat yan.
28:10Kapag kumusta ang siguridad ngayon sa House of Representatives?
28:15Well okay naman. Wala pa kasi si Vice President dito. We're waiting for her.
28:24Fewer advice kasi na pupunta siya sa committee on good government and public accountability.
28:35Kaya secure naman itong kongreso sa loob at sa labas sa tulong ng PNP.
28:45Yan po bang security blanket niyo extended sa VMMC kung saan na ron po ngayon si Lopez
28:51na nasa kustudian ng House of Representatives?
28:56Hindi po. Naka-confine po siya sa Veterans Memorial Hospital up to now.
29:01So wala pong siguridad doon ng House of Reps? Iba pong nagbabantay sa kanya doon?
29:08Pareho pong PNP. Mayroon ang bantay din galing dito sa House of Representatives.
29:17Wala po tayo informasyon kung hanggang kailan siya manunatili roon?
29:21Wala po kami pero doon nakatanggap po ng sulat si Chairman Joshua na hindi daw makakarating ngayon
29:30sa hearing si Atty. Lopez. Dahil nga doon sa prognosis nung taga Veterans Hospital na she is suffering from acute stress disorder.
29:47So kung opisyal hindi nakakarating si Lopez, nabangkit niyo kanina may informasyon kayo paparating si VP Sara Duterte diyan po sa camera.
29:57Mayroon po bang oras kung kailan siya inaasahan?
30:00Wala po. Wala pong sinabing oras. Basta ang in-advice lang sa amin ay darating siya sa atento meeting sa hearing ng committee.
30:12Opo. Kina-ordinate po ba inaasahang pagdating niya sa camera sa inyong office nila?
30:19Of course. Nakasama po. Nakanda po. Kasi this will not be the first time na pupunta siya rito sa isang hearing. Maraming beses na pumunta rito.
30:35Oo nga po. Ano po ba yung protocol kapag nagpunta siya dyan? Of course mayroon siyang PSG na kasama. Paano po ba yung protocol?
30:45May kasama po siya security, contingent niya. Tapos po, uupo siya rito tapos kailangan mag-oath siya. Last po na resource persons dito nag-sitake ng oath.
31:03Pero yun nga po ang naging issue noong unang pagdinig na ina-tinandi hindi siya nag-take ng oath. Ano mangyayari kapag hindi siya nag-take ng oath?
31:13That's a basic requirement sa mga committee hearing. Lahat ng resource persons nag-sitake ng oath bakit sila magsalita.
31:24Well in any case mayroon kayo coordination with PSG kung ano na magiging action ng House of Representatives, yung quad committee kung ano magiging action nila kay Vice President Sara Duterte?
31:34Opo. Nakare-ready naman po. Nakare-ready.
31:37Paano kang sabihin ng quad committee na siya isa-cite in contempt at siya ilalagay din dyan sa detention facility ng House of Representatives?
31:47Wala naman kong sinasite na contempt na ganoon.
31:51Pero kung sakali lang, nakahanda po kayo na isang sitting Vice President ay madiditin dyan sa House of Representatives?
31:59Hindi po gagawin.
32:02Kung hindi po gagawin, pero handa po kayo kung sakali man?
32:06Okay. Sige po. Marami salamat po.
32:10Come again?
32:12Marami salamat po.
32:14Nabanggage po parating na po siya, tama po ba?
32:17Okay. Sige po.
32:20Okay. Binabanggage po si Secretary General Reginald Velasco na may parating na. Kaya siya yung nagpaalam na sa ating panaya. Marami salamat po Secretary General Reginald Velasco.
32:50Umabot na sa mahigit 1,000 ang mga kaso ng dengue sa kanilang lungson. Mas mataas po yan ng 400% kumpara sa mahigit 200 kaso noong 2023.
33:01Pito ang naiulat na namatay. Ilan daw sa mga nakakaapekto sa pagtaas ng kaso ang malalang dengue virus strain, climate change at mga basura.
33:11Bilang tugon, nagpapatuloy po ang search and destroy operations ng Dasmariñas LGU. Gaya ng paglilinis, information drive, fogging at misting operations.
33:22Nagpapaalala naman sa publiko ang Department of Health, lalo na sa mga lugar na tinamaan po ng sunod-sunod na bagyo. Tandaan lamang ang limang S contra dengue.
33:32Search and destroy o alisin ang mga bagay na maaaring pagipuna ng tubig at pangitluga ng lamok. Self-protection o magpagsuot po ng mga mahabang damit, maglagay ng insect repellant at paggamit po ng kulambo.
33:47Seek early consultation kung may lagnat na ng dalawang araw at may rashes sa balat. Say no to indiscriminate fogging. Ginagawa lamang po ito sa mga lugar na may outbreak. At start o sustain hydration o minum po ng sapat na tubig.
34:05Hinihintay na ni Mary Jane Veloso ang kanyang pag-uwi sa bansa. Ayon sa kanyang kapatid, masaya si Mary Jane nang malamang makaka-uwi na siya sa bansa. Pero hindi pa raw alam ni Veloso na maaari pa rin siyang ikulong pagdating sa bansa.
34:19Panawagan naman ang kanyang pamilya, huwag siyang ikulong kung saan nakakulong ang kanyang recruiter na si Maria Cristina Serio.
34:26Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng GMA Integrated News, hinihintay pa ng Indonesian officials ang pagbabalik ng kanilang presidente mula sa overseas trip bago isapinal ang mga kondisyon para sa pag-uwi ni Veloso sa Pilipinas.
34:39Mga mary at pare, kilig overload ang hatid ng South Korean superstars na present sa Day 2 ng Disney Content Showcase Asia Pacific 2024 sa Singapore. Narito ang latest mula kay Lyn Ching.
34:59Kung sa Day 1 ng Disney Content Showcase APAC 2024 sa Singapore, may kilig hard hand moment ako with Oppa Joojee Hoon.
35:14Matapos ang showcase nila ni Park Boyoung para sa tindig balihibong show na Light Shop Keeper, sa Day 2, mas tumindi ang dilian at hiyawan.
35:45Dahil sa bigating Korean superstars, naroon na Park Eunbin for the medical drama Hyper 9, legendary actress Kim Ye-soo for the journalism dramedy Unmasked,
36:06Sina Son Suk-hoo at Kim Dami para sa Nine Puzzles, Ryu Seung-ryong for the action-packed show Lowlife, at Kim Soo-hyun at Cho Bo-ah for the action-romantic drama The Knockoff.
36:28Bukod sa content showcase, nagpa-presscon din ang bawat show kung saan shinere nila ang kanilang experiences in shooting their shows.
36:39Kabilang narito si Kim Ye-soo ng Unmasked na nagsabing enjoy siya makasama at makatrabango ang mga junior actors sa show.
36:48Nakakatawa namang punento ng co-star niya si Jung Seung-il na may lumanding na daga sa ulo niya habang nagsushoot mala ratatouille.
37:00Lien Ching, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
37:08Wala paring talo ang Gilas Pilipinas at 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.
37:12Yan ay matapos nilang talunin ang team Hong Kong sa laban kagabi sa Pasay.
37:17Pinangunahan nila Kai Soto at Karl Tamayo ang laban matapos magambag ng 12 at 18 points.
37:23Sa latest standing ng FIBA, top spot pa rin ang Pilipinas sa Group B na may 4 na panalo.
37:28Posible makapasok na sa FIBA Asia Cup ang Gilas kung matalo ng New Zealand ang Chinese Taipei.
37:33Nalubog sa baha ang ilang bahagin ng California sa Amerika.
37:37Nakaiwas ang California sa pangalawang bomb cyclo nitong nakaraang linggo.
37:41Pero hinagupit naman ito ang tinatawag na atmospheric river o bagyo na may bit-bitning matitinding ulan at hangin.
37:48Ayon sa Sonoma County, record breaking ang naranasang ulan doon.
37:52Nagmistulang mahabang ilog ang mga kalsada.
37:54Ilang talambakang snow naman ang idinulot ng atmospheric river sa matataas na parte ng California.
38:00Mahigit 200,000 bahay at establishmento ang walang kuryente.
38:05Nasa CREP Conference, ang Philippine National Police ngayong mainit ang usapin sa siguridad ng Pangulo.
38:11Detail niyo po tayo sa ulit on the spot ni Chino Gaston.
38:14Chino?
38:16Chino?
38:18Chino?
38:20Chino?
38:21Detail niyo po tayo sa ulit on the spot ni Chino Gaston.
38:23Chino?
38:52Katawang ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatibay ng seguridad ng Pangulo at kanyang pamilya.
39:00Sabi naman ni PNP CIDG Director of Police Brigadier General Nicholas Torrey III,
39:06focus ngayon ng ground investigation ng PNP ang sinasabing hitman na nababanggit ng Vice Presidente.
39:13Kailangan daw ma-establish kung totoo nga merong hitman o wala o kung figure of speech lamang ito.
39:18Nilinaw ni Torrey na ang insidente ang iniimbestigahan ng PNP at hindi ang mismong Vice Presidente.
39:26Motopropyo or on its own sinimula ng PNP ang investigation sa mga statement ng Vice President
39:33bilang anticipation sa gagawing request ng Presidential Security Command
39:38na siyang lead agency o nangunguna sa mga imbestigasyon sa mga banta sa buhay ng Pangulo.
39:44Patungkol naman sa mga rally, papayagan pa rin daw ng PNP ang peaceful assemblies
39:49sa loob ng mga nasabing Freedom Parks ng bansa,
39:52mga specially designated areas na pwedeng maghayag ng sa loobin
39:56ang sino man laban sa gobyerno o laban kung kanino man kahit walang permit mula sa LGU.
40:01Yun nga lang, magbabantay pa rin mga polis tuwing may pagtitipong ganito
40:05para tiyaking hindi magiging magulo o marahas ang nasabing pagtitipon.
40:09Pero Connie, oras na lumabas daw ang pagtitipon sa Freedom Park.
40:13Kailangan na sila magpakita ng permit mula sa LGU.
40:16Kung wala, hindi sila papayagang magpatuloy ng kanilang rally sa labas ng mga nasabing Freedom Park.
40:22At yan ang latest mula rito sa Kampo Krame. Balik sa inyo, Connie.
40:25Marami salamat, Chino Gaston.
40:40Sa video, kita ang sospek na namimili ng gulay.
40:43Doon niya nakita ang cellphone na nakalagay sa isang lalagyan.
40:47Lumapit siya habang pumipili ng gulay at pasimpling dinampot ang cellphone.
40:52Bumalik siya sa tricycle at iniwan doon ang kinuhang cellphone.
40:56Binalikan niya kalaunan ang biniling gulay at sakatuluyang umalis.
41:00Ayon sa mga empleyado ng palengke, tukoy na ang sidecar number ng tricycle at inireport na sa pulisya.
41:10Nababahala ilang residente sa Kolumbyo, Sultan Kudarat, dahil nagkukulay kape ang ilog doon.
41:17Kuha yan isang residente sa Dalol River noong isang ligo.
41:22Nangangamba sila na posibleng may masamang epekto ang kontaminanong tubig sa mga nakatira sa paligid ng ilog o sa mga isna.
41:30Ayon sa Tacorong City LGU, ang pagkukulay kape ng Dalol River ay posibleng epekto ng iligal na pagnimina malapit sa lugar.
41:39Iniimbestigahan na ito ng Department of Environment and Natural Resources, Region 12.
41:47Update tayo sa nangyayaring pagdinig sa kamera ukul sa confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd.
41:54May ulat on the spot si Jonathan Andal.
41:56Jonathan?
41:58Yes, Rafi. Itong kararating lang dito sa House of Representatives ng Convoy ni Vice President Sara Duterte.
42:09May kita na natin siyang papasok dito sa may lobby ng People's Center building kung sa po ginaganap ang hearing ng House Committee.
42:21May live feed po tayo ni VP Sara, kumakaway siya ngayon sa mga media sa top to baba.
42:28Paket na siya ngayon sa may hearing room kung saan po dinidinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability...
42:37... yung OVP funds at DepEd funds sa ilalim ng kanyang pamumuno.
42:44Samantala hindi po dumating dito sa hearing si Atty. Zulaica Lopez dahil mayroon siyang acute chest disorder.
42:52Yan po yung sinabi ni Lopez sa ipinadala niyang excuse letter sa committee, kalaki pang isang certificate of confinement na firmado ng apat na doktor ng DMMC o Veterans Memorial Medical Center.
43:02Pero kuna ni Deputy Speaker J.J. Suarez wala naman sinabi ang mga doktor sa certificate of confinement na hindi physically capable si Lopez na dumalo sa hearing.
43:12Wala man si Lopez, sumarap naman na ang napitirang apat na ofisyal ng OVP o Office of the Vice President na ipinaresto ng committee matapos si contempt dahil sa ilang beses na hindi pagsipot sa mga hearing.
43:23Yan ay si Atty. Lemuel Ortono, Gina Acosta, Edward Fajarda at Atty. Sunshine Chary Fajarda.
43:29Samantala, dinoble na ang siguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa ayon kay House Secretary General Reginaldo Velasco.
43:36Ito ay kasunod nang sinabi ni VP Sara Duterte na may sinontratas ng asasin na papatay si Speaker Martin Romualdez kung siya ay papatayin.
43:44Noong biernes, sinabi ni VP Sara na si Speaker Romualdez lang ang gustong pumatay sa kanya.
43:50Wala pang sagot si Romualdez.
43:59Takot pa rin daw si OVP Chief of Staff Undersecretary Zuleika Lopez.
44:05Ayon yan kay Vice President Sara Duterte sa kanyang presscon kanina lang sa VMMC.
44:10Naiwang nagbabantay kay Lopez si Sen. Bato De La Rosa dahil pumunta sa kamera ang Vice President para samahan ng OVP personnel na humarap na sa pagdinigkaugnay sa confidential funds.
44:22Extra special ang 9th birthday celebration ng pangalangin na kapuso of Primetime King and Queen, Ding Dong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia.
44:38Pretty in her black and white outfit si Ate Zee sa kanyang popstar themed party.
44:43Pero ang highlight ng celebration, ang surprise ni mommy yan kay Zia nang iabot ang legalo mula sa kanyang favorite artist na si Oliver Rodrigo.
44:53Nakatanggap ang birthday girl ng GOTS World Tour merchandise gaya ng tumbler, shirt, at heartfelt letter mula sa Phelam Singer.
45:02Tila naging teary eyed si Zia sa surprise at napayakap pa sa kanyang mommy.
45:08Happy birthday Ate Zee!
45:14May tanong ako sa iyo partner, ano ba yung madalas mong kinikrave na pagkain?
45:19Nako! Marami!
45:21Wag ko nang banggitin isa-isa pero marami.
45:24Oo, ang craving ng isang netizen sa bago niya, Gross Occidental, winner for the night!
45:31Good evening to you! Good evening to you!
45:38Good evening to you!
45:43Kay kaibang nga ang atake ni Peter Andrew o Lakling Gamen.
45:47Yes naman, ang cake kasi na madalas lang inihahan datuing may birthday, abay inihaan niya lang for the night.
45:53Ayan kay Peter Andrew, nag-crave daw kasi siya ng something sweet, nang tanungin kung anong ilalagay sa dedication na pa good evening na lang siya.
46:01May 1.4 million views na online.
46:03Trending!
46:04Ang balitang hali, eksaktong 30 araw na lang Pasko na.
46:09Bahagi po kami ng mas malaking mission.
46:11Ako po si Connie Sison.
46:13Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampe.
46:15Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:17Mula sa GMI Integrated News, ang news authority ng Filipino.

Recommended