• 2 days ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, Enero 21, 2025:


-Halos P300,000 halaga ng gadgets at cash, natangay sa isang guro sa printing shop


-Ilang gas station, dinagsa ng mga motorista para magpakarga bago ang oil price hike


-2 toneladang unregistered at smuggled umanong karne ng manok, nasabat sa isang truck/ Driver ng truck, hawak na ng NMIS at NBI


-D.A. monitoring: Ilang rice retailers, nagbebenta pa rin ng imported rice na higit sa maximum SRP na P58/kilo; bibigyan ng palugit


-Donald Trump, nanumpa na bilang ika-47 presidente ng Amerika


-Motorcycle rider, sugatan nang sumalpok sa pampasaherong jeep


-Stockroom ng isang simbahan, nasunog; libo-libong halaga ng ari-arian, kabilang sa mga napinsala


-Lalaki at kanyang live-in partner, patay sa pananaksak; suspek na kapatid ng lalaking biktima, arestado


-Pilot episode ng "Lolong: Bayani ng Bayan," siksik-liglig sa aksyon; ipinakilala na rin ang ibang karakter


-SUV, bumaligtad matapos tumama sa center island; driver, nakaidlip umano


-DBM, iginiit na walang blangko sa pinirmahang 2025 National Budget ni PBBM


-WEATHER: Ilang bukirin, nalubog sa tubig dahil sa mga pag-ulang dulot ng Amihan


-BFAR-MIMAROPA: Debris mula sa Chinese rocket launch, posibleng bumagsak sa mga dagat na sakop ng Rozul Reef at Palawan


-USGS: Magnitude 6 na lindol, yumanig sa southern Taiwan


-Viral na guwardiyang nagtaboy sa sampaguita vendor, humingi ng paumanhin


-Lalaking senior citizen, patay matapos hampasin ng tubo ng kanyang kapitbahay; suspek, sumuko


-Lalaking 28-anyos, sugatan matapos tagain ng lagaraw o mahabang machete ng kapitbahay


-Culinary icon Gordon Ramsay, na-meet ng ilang Kapuso stars at social media influencers


-Presyo ng itlog, bumaba sa ilang pamilihan


-Interview: DOE-OIMB Dir. Atty. Rino Abad


-WEATHER: Ilang pananim sa Benguet, nabalot ng andap


-Tattoo artist na ginahasa umano ang isang kliyenteng menor de edad, arestado


-4 Filipino cyclists, nagwagi sa 2025 UCI Thailand Mountain Bike Cup


-Ballot face template, ipinakita ng COMELEC; muling pag-imprenta ng mga balota, inaasahang masisimulan bukas


-U.S. Pres. Donald Trump, nagbigay ng pardon sa mahigit 1,500 sangkot sa U.S. Capitol attack noong Jan. 6, 2021


-8 sakay ng tricycle, nahulog sa irigasyon; 4 na sakay at 2 rescuer, nasawi


-Babae, natagpuang patay sa gilid ng kalsada; boyfriend niya, person of interest


-Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy: Mga insidente ng pamimirata sa Asya, nabawasan


-Asong hindi napansin ng paborito niyang lola, todo sa pagda-drama


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang tanghali po! Oras na para sa maiinit na balita!
00:13Policam High!
00:29Policam na sa Lisi Modos sa Maynila.
00:32Natangayan po ng libo-libong pisong halaga ng gadgets at cash
00:36ang isang guru habang nagpapa-photocopy sa isang shop.
00:39Arestado ang suspect na ipinamigay paumanuang perang ninakaw.
00:44Balita natin ni Jomara Presto.
00:48Sa unang tingin, aakalain mong customer din ang lalaking ito sa isang printing shop sa Tondo, Maynila.
00:55Pero, ang lalaki magnanakaw pala.
00:59Natangay niya ang gadgets at cash na aabot sa halos 300,000 pesos ang halaga ng babaing nakapula.
01:06Ang biktima, isang high school teacher at nagpapa-photocopy noon ng grades ng kanyang mga estudyante.
01:13Actually po, nung ako'y magbabayad na, napansin po yung bag ko wala na sa aking tabi.
01:19Doon na po nagsimula na parang natuyuan na ako ng laway.
01:24Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para may himatay ako na talagang mingina ako ng tulong kung saan saan.
01:31Sa loob lang ng halos isang minuto, natangay ng suspect ang dalawang mamahaling cellphone, laptop,
01:37mga credit card, ID at halos 40,000 pesos na pambayad sana sa tuition ng kanyang anak.
01:43Isa gawa ng follow-up operation ang Manila Police District hanggang sa natunto ng lalaki sa Bukawi, Bulacan,
01:49kung saan nagnakaw din umano siya.
01:51Yung chuhin niya mismo sa kaluokan na pinuntaan namin, sinusukan na siya kasi nga ultimo sila yung nanakawan din.
01:58At talagang kilala rin siya sa lugar nila na ganun talaga yung pagnanakaw talaga sa lisi.
02:04Na-recover mula sa kanya ang mga ID at iba pang dokumento ng biktimang teacher.
02:08Lumaba sa embestigasyon na matapos ang pagnanakaw sa biktima sa Maynila,
02:13umuwi siya sa kaluokan at namigay umano ng pera sa mga residente.
02:18E binigay niya rin daw sa kanyang kapitbahay ang isa sa dalawang cellphone ng biktima.
02:23Namigay ng pera dun sa mga taga doon.
02:26Dahil nagtataka ka rin sila, ba't ang daming pera?
02:28Allegedly, yung base sa informasyon na yung pinuntahan niya daw doon na bahay,
02:34ang sinasabi ay pwestuhan daw ng illegal na droga.
02:37Nabawi naman nila sa kapitbahay ang cellphone,
02:40ga hindi ng isa pang cellphone na naibenta sa isang mall sa kaluokan.
02:43Hindi na nabawi ang pera, ga hindi ng laptop ng biktima na ginagamit pa naman daw niya sa klase.
02:49Nahihirapan po ako ngayon.
02:51Almost two days na nga po akong hindi masyado makapagturo kasi nga po nandun yung mga files ko.
02:57Ayon sa biktima, tuloy ang pagsasampanya ng reklamong robbery laban sa suspect.
03:01Sinusubukan pa namin makingan ang pahayagang suspect na nasa kustodiya ng Bukawe Police Station.
03:08Joe Merapresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:18Pila-pila ang mga motorista ang nagpapag-gas sa mga gasolinahan bago ipatupad ang big-time na taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.
03:26Tulad sa gas station sa Coronadal South Cotabato,
03:28pumabot pa ang pila sa kalasada kaya naglulod din ito ng pagbagalang daloy ng traffic roon.
03:35Dahil din sa dami ng motorista, naubos pa ang supply ng ilang uri ng produktong petrolyo roon.
03:40Nakatakda namang mag-resupply doon ngayong araw.
03:43Para sa mga magpapakarga pa lang, 2 pesos and 70 centavos po ang dagdag sa kada litro ng diesel.
03:501 peso and 60 centavos naman para sa gasolina, habang 2 pesos and 50 centavos ang taas presyo sa kerosene.
03:58Lahat po yan ay pinakamataas na dagdag ngayong Enero.
04:04Mga kapuso, laging mapanuri sa binibiling mga karne.
04:08Sa kalookan po kasi, 2 tonelad ng smuggled o manong karne ng manok ang nasabat.
04:13Balitang hatid ni Bam Alegre.
04:17Kumpiskado ang refrigerated truck na ito matapos malambat sa operasyon ng pinagsamang pwersa
04:23ng National Meat Inspection Service at National Bureau of Investigation.
04:26Nakita sa operasyon ang mga karne ng manok na walang mga kaukulang dokumento.
04:31Nang buksan na itong refrigerated na sasakyan, ito ang tumambad.
04:34Tinatayang 2 tonelada ng unregistered at hinihinalang smuggled na food items.
04:40Sa visual inspection ng mga operatiba, mga chicken breast ang nakalagay sa freezer.
04:44Nasa kustudian na ng NMIS at NBI ang driver ng truck.
04:48Hindi na siyang iniharap sa media.
04:50Hindi pa rin muna sila nagbigay ng karagdagang informasyon sa pagkakailanlan niya.
04:53Ayon sa otorinad, kasalukuyan pa sila nagkakasan ng follow-up operasyon
04:57sa mahigit 40 tonelada pa ng smuggled na karne na nais ipakalat sa publiko.
05:02Malaking peligro raw ito sa kalusugan ng taong bayan kung aabot sa merkado ayon sa NMIS.
05:07Siyempre ito undocumented to. Undocumented.
05:10Karaniwang kasi naman ito, hindi natin malaman kung ayos ang pinanggalingan nito.
05:16Pagka-undocumented yan, yung mga may papel, nanggaling yan sa mga compliant na mga accredited gamit establishment.
05:25Na-inspect yan, maayos, palinis, safe. Pagka-undocumented, karaniwang mga hotmeat yan.
05:31So, hindi natin alam kung anong proseso, paano inihandle."
05:36Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:40Sa monitoring ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ngayong araw,
05:45ilang rice retailers ang nagbibenta pa rin ng imported na bigas na higit sa tinakdang maximum suggested retail price na sinimulang ipatupad kahapon.
05:54Paliwanag ng mga retailers, ito raw yung mga nauna pang stock na nabili nila sa mas mataas na presyo,
06:00pero pa-ubos na raw, kaya ibababa na rin nila ang presyo.
06:04Bukod dito sa trabaho market, may namanito rin daw sa mga mga mga retailers
06:07na nagpas sa MSRP sa Pasay Public Market at sa Guadalupe Market.
06:11Ayon kay Assistant Secretary Arnel De Mesa, ang tagapagsalita ng Department of Agriculture,
06:16bibigyan nila ng pagkakataon ng mga retailers na i-renegotiate ang kanilang mga kontrata para ma-ibabana ang presyo.
06:23Samantala, nananatili pa rin mataas ang presyo ng baboy na umaabot sa P450 per kilo ang liyempo.
06:29Ayon sa DA, patuloy naman ang kanilang repopulation efforts,
06:32sa pamahalaan para bumaba ang presyo ng baboy.
06:35Connie, ngayong linggo ay muli raw iikot ang Department of Agriculture
06:40para ma-monitor ang compliance MSRP ng mga retailers.
06:44Yes, Bernadette, itong mga nag-sabi nga nila, talagang nananamantala,
06:50sinasabi na dahil may tinakda na nga ang suggested retail price na P58 sa kada kilo ng bigas,
06:55ano ang kakaharaping parusa naman daw kung saka-sakali?
06:59Dahil ayaw nating matularan pa sila.
07:05Connie, sa ngayon, medyo lenient pa yung Department of Agriculture
07:10at hindi muna sila padadalahan ng notice of violation
07:13dahil naungunawaan naman daw nila na maaari nga na may ibang mga retailers
07:17na nagpapaugus pa ng mga retailers.
07:20Pero the moment daw na maglabas na sila ng guidelines
07:23at meron ang nakalagay doon kung kailan dapat sila makapag-comply
07:27ay magiging mahikpit na raw ang Department of Agriculture sa pagpapatupad ng MSRP.
07:31Bernadette, kailan daw yung ipapatupad?
07:36Sa ngayon, Connie, wala pang nabigay na tiyak na patch sa Department of Agriculture
07:41sa pagpapatupad ng MSRP.
07:44Sa ngayon, Connie, wala pang nabigay na tiyak na patch sa Department of Agriculture
07:49kung kailan yan, pero tinitingnan nila, maybe in two weeks time daw,
07:53so sa buwan ng Pebrero, tinitingnan nila kung makakapaglabas na sila ng guidelines
07:58para maging gabay din sa mga retailers.
08:00At ito, paalala lang natin na, Bernadette, yung Php 58, yan ang SRP
08:05para sa mga imported lamang na bigas.
08:07Pero may mabibili tayong mga mas mababa dyan, na lokal na bigas.
08:10O, tama ka dyan.
08:13Yes, Bernadette.
08:15O, tama ka dyan, Connie. Itong Php 58 ay para dun sa mga imported na bigas lamang.
08:20Pero may iba't iba't mga options din naman yung mga mabibili.
08:23Bukod dun sa mga available na mga lokal na well-milled at regularized,
08:27ay meron din silang mabibili pa na iba't pa mga bigas dito sa mga pamilihan.
08:31Connie?
08:32Maraming salamat, Bernadette Reyes.
08:34Ormal na ang nagbalik sa White House si U.S. President Donald Trump
08:39na magsisilbi ng kanyang ikalawang termino.
08:41Sa kanyang pananumpa, nangako siyang sisimulan ng mass deportation
08:45ng mga illegal immigrant, pati ang pagbuo ng pulisiya
08:48na kikilala lamang doon sa dalawang kasarihan.
08:51Balita natin ni Bob Malegre.
08:55I, Donald John Trump, do solemnly swear
08:58I, Donald John Trump, do solemnly swear
09:01that I will faithfully execute
09:03that I will faithfully execute
09:05the office of President of the United States.
09:08So help me God.
09:09So help me God.
09:11Nanumpa na bilang ika-apatnaputpitong presidente
09:14ng United States of America, si Donald Trump.
09:16Pinalitan niya si Joe Biden na kasunod niya naging presidente
09:19matapos ang kanyang unang termino mula 2017 hanggang 2021.
09:23Sa pagbabalik ni Trump sa White House,
09:25kabilang sa mga pulisiyang ipinangako niya ipatutupad
09:28ang pagpapatalsik sa tinatawag niya ang criminal aliens.
09:30Sisimulan ni Trump ang mass deportation ng mga illegal immigrant
09:34na umaabot sa labing apat na milyon sa Amerika
09:37batay sa pag-aaral ng ilang eksperto.
09:39Magpapadala rin daw siya ng mga sundalo sa US-Mexico border
09:42para mapigilan ang iligal na pagpasok sa kanilang bansa
09:45na kanyang idineklara bilang isang national emergency.
09:48Kaugnay nito, nais din ni Trump na hindi nakilalaan
09:50ng US citizenship ng mga isinilang sa Amerika
09:53sa mga magulang na nakapasok doon ng iligal.
09:56Bumuurin ang pulisiya si Trump na kikilala lamang sa dalawang kasarihan.
10:00As of today, it will henceforth be the official policy
10:05of the United States government that there are only two genders,
10:09male and female.
10:11Sa ilalim nito, ipatitigil na ang paggamit ng pondo ng pamahalaan
10:15sa mga programang nagsusulong sa diversity, equity, at inclusion.
10:19Kabilang sa iba pa niyang ipinangako ang pagdedeklaraan
10:22ng national energy emergency na layang maparami
10:24ang kanilang produksyon ng langis.
10:26Pagpapalit ng pangalan ng Gulf of Mexico sa Gulf of America.
10:28Pati na rin ang pagpapadala ng mga American astronauts
10:31sa planetang Mars at itayo ang watawat ng kanilang bansa roon.
10:35Sa kasaysayan ng Amerika, si Trump ang kauna-unahang presidente
10:38na nakatulang guilty sa isang felony case.
10:40Kawag na iyan sa pamemeke niya ng mga dokumento para pagtakpan
10:43ang pagwabayan niya ng hush money sa isang dating adult film actress
10:47para itago-umano ang kanilang naging relasyon.
10:49May iba pa siyang mga nakabimbing kaso tulad ng pamemeke umano
10:52ng kanyang kumpanya ng business documents at bank statements.
10:55Pati ang pagtatangkauman ng baligtari ng pagkapanalo ni Biden
10:58ng 2020 presidential elections.
11:00Para kay Trump, hindi naging madali ang kanyang pagbabalik sa pwesto
11:03lalo't marami aniyang sinubukan pumigil sa kanya.
11:06Those who wish to stop our cause have tried to take my freedom
11:11and indeed to take my life.
11:14I was saved by God to make America great again.
11:19Sa kanyang pagbalik sa pagkapresidente, pangako ni Trump
11:22magiging malaya, bukas, at malakas muli ang Amerika.
11:25From this moment on, America's decline is over.
11:30The future is ours and our golden age has just begun.
11:36Thank you. God bless America. Thank you all.
11:40Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:46Dagdag sa mga unang hakbang ni Trump bilang US President
11:48ang pagpardon sa mahigit 1,500 sangkot sa pagatake sa US Capitol noong 2021.
11:55Pinirmahan din niya mga utos para kumalas sa World Health Organization
11:59pati nasa Paris Climate Agreement.
12:01Italiyan, ihatid namin maya-maya lang.
12:04Nasunog ang bahagi ng isang eskwelahan sa Malabon.
12:08Kanselado tuloy ang face-to-face classes doon.
12:10Balita nga tin ni James Agustin.
12:13Ikinagulat ng mga residente ng biglang sumiklabang sunog
12:16sa bahagi ng Tinajeros Elementary School sa Malabon,
12:19bad ng alas 11 kagabi.
12:24Itinasang unang alarma.
12:26Tatlong firetruck ng Bureau of Fire Protection ang rumisponde.
12:29Walo naman ang fire volunteer group.
12:32Tumagal ng halos 30 minuto bago tuloy ang napulang apoy.
12:36May narinig po akong sumisigaw, then sabi tulong daw.
12:39Noong lumabas po ako, nagtulong ako.
12:42Nagano na po ako, nagtawag na po ako dyan sa mga tao
12:45para magtawag po ng rescue.
12:47Then yun po, yung pinuntaan ko na po, nakita po malaki.
12:50Ang security guard ng eskwelahan na si Mark.
12:53Muntik pang mabagsakan ang kisamin ng nasusunog na classroom.
12:56Tinulungan siya ng barangaytano na nakatalaga sa lugar.
12:59Nagulat na lang po kami may bigla po kasi sumabog.
13:02Tapos biglang ano na lang po yung apoy.
13:05Sinubukan po namin apulayin po yung apoy,
13:08kaso po malaki na po talaga.
13:10Hindi na po namin nakagaban.
13:12Yung muna yung lahat na mabrekit, ako lang baala sa gate
13:15para diba't yung lahat na mabomber, papapasukin natin.
13:17Ayon sa BFP, natupok ang dalawang classroom,
13:20isang storage room at isang comfort room
13:23sa ikatong palapag ng veterans building.
13:25Inalan pa nila ang sanhinang apoy.
13:27Under investigation pa siya ng ASHA natin para at least safe tayo po.
13:31Medyo nahirapan dahil pagdating namin,
13:34totally burned na yung isang room.
13:37Kaya, pero nakaya naman namin.
13:40Sabi ng BFP, kailangan na muna masuri ang electrical system ng Gusali,
13:45kung saan nangyari ang suno.
13:47Dahil naman sa insidente,
13:49kansiladong face-to-face classes ng mga studyante ngayong araw
13:52sa Tinejeros Elementary School.
13:54Modular learning na muna ang ipatutupad.
13:56Close muna natin yan dahil
13:58papacheck pa natin yung electrical system nila kung ano yung naapektuhan po.
14:02James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:07Ito ang GMA Regional TV News.
14:12Balita mula sa GMA Regional TV,
14:15isa pong stockroom ng simbahan ang nasunog sa Dagupan Pangasinan.
14:20Cecil, gaano katagal inabot yung sunog?
14:24Connie, halos isang oras ang tinagal ng sunog sa stockroom na yan sa Dagupan Pangasinan.
14:30Yan at iba pang may init na balita atid ni CJ Tolida ng GMA Regional TV.
14:35Ikinagulat ng ilang residente sa Barangay 4 sa Dagupan Pangasinan
14:40nang makita ang usok na iyan nitong linggo.
14:44Maya-maya, maririnig na rin ang pagdating ng mga bumbero
14:48mula ang usok sa nasusunog na stockroom ng isang simbahan doon
14:52na nasa ikalawang palapag ng isang gusali.
14:55Tumagal ang sunog ng halos isang oras bago ideklara ang fire out.
14:59Walang nasaktan sa insidente.
15:00Inaalam pa ang sanhinang apoy.
15:02Sa paunang imbesikasyon ng mga otoridad,
15:05inatayang na sa 800,000 pesos ang halaga ng danyo sa sunog.
15:11Huli naman sa Bayan ng Mangaldan ang dalawang lalaking
15:15nagnakaumanon ng air conditioning unit sa isang simbahan noong nakaraang linggo.
15:20Mismong ang pastor ng simbahan ang nakakita sa mga sospek na napagalamang magkapatid.
15:25Ayon sa pastor ng simbahan,
15:27nakarinig siya ng kaluskos nang biglang bumagsak ang takip ng aircon.
15:31Dalidali raw siyang lumabas para hulihin ang mga sospek.
15:35Nasa kustodian na sila ng pulisya.
15:37Depensa na mga sospek na pagbintangan lamang daw sila.
15:41Nahawakan lang daw nila ang aircon sa sobrang kalasingan kaya nahulog.
15:46Nahaharap sila sa kaukulang reklamo.
15:56Sa Angono, Rizal, halos 3,000,000 pisong halaga ng hinihinalang droga
16:02ang nakuha mula sa limang tao sa operasyon ng pulisya nitong linggo.
16:06Nakuha mula sa kanila ang labing isang sachet ng Umanoy Shabu,
16:10cash at ilan pang drug parafernalya.
16:12Nahaharap sila sa karampatang reklamo.
16:15Wala silang pahayag.
16:17CJ Torrida ng GMA Regional TV,
16:20nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:23Sa Angeles, Pampanga, patay sa saksakang isang lalaki at kanyang live-in partner.
16:29Ang sospek sa krimen, ang mismong kapatid ng lalaking biktima.
16:34Ayon sa pulisya, nagtalo ang magkapatid hanggang mauwi sa pananaksak.
16:38Hindi paalam ang dahilan ng alita nila.
16:41Walang pahayag ang sospek na nasa kustodian ng mga otoridad.
16:45Disidido siyang sampahan ng reklamo ng kanyang mga kaanak.
16:53Mga mare at pare,
16:55pilot episode pa lang ng Dambuhalang Kapuso action series
16:59na Lolong Bayani ng Bayan kagabi,
17:02siksikliglig na agad ang aksyon.
17:05Dahil ang malahapi ending na kasal ni na Lolong at Elsie,
17:09mapapalitan ng pait?
17:18Yan ang makapigil hiningang
17:22Close combat na eksena ni na Lolong at Leo
17:26played by Ruru Madrid and Michael Roy-Hornales.
17:29Nangyari yan sa mismong araw ng kasal ni na Lolong at Elsie
17:33played by Shaira Diaz.
17:35Naantala ang kasal sa pagpasok ng armadong grupo
17:38ni na Leo, Franco, Kalid at Tigreal
17:41na ginagampana ni na Pancho Magno, Rob C. at Marcos Madrigal.
17:45Palaisipan din kung sino ang mystery masked rider na umeksena.
17:49Sa dulo ng episode, lahat sila ay may koneksyon kay Ivan
17:54played by Martin Del Rosario.
17:56Bukod sa mga bagong kalaban,
17:58may pasilip din sa iba pang kalahi ni Lolong
18:01na nabibilang sa lahing Atubao
18:03at sa alter ego ni Ruru bilang ang bayaning si Bankil.
18:07Of course, to the rescue rin sa pilot episode, si Dakila.
18:11Pero ang tanong, happy ending na nga ba si na Lolong at Elsie?
18:16Abangan niyan sa Lolong 8pm sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
18:22Mapapanood din ang series sa Kapuso Stream
18:25habang 9.40pm naman ang delayed telecast dito sa GTV.
18:32Eto na ang mabibilis na balita.
18:36Bumaliktad ang isang SUV sa bahagi ng Quezon Avenue sa Quezon City
18:40matapos nitong bumangga sa Center Island.
18:42Pag-amin ng driver, naka-edlip siya habang nasa biyahe.
18:46Papasok daw siya noon sa kanyang eskwelahan sa Maynila.
18:49Hindi naman siya nagtamunang sugat sa katawan.
18:52Dadalhin ang kanyang sasakyan sa traffic sector ng QCPD.
18:58Buling nagsagawan ang Bantay sa Gabal at MMDA sa Maynila.
19:02Kanina umaga, may tatlo na silang sasakyan na nahatak.
19:05Nakahambal lang kasi ang mga ito sa mga kanto ng kalsada.
19:08Handa naman daw ang mga may-ari na isa sa mga sasakyan na bayaran ng multa mula sa MMDA.
19:16May nilinaw ang Department of Budget and Management
19:19kasunod po ng mga aligasyon ni nadating Pangulong Rodrigo Duterte
19:23at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab
19:26tungkol sa pinirmahang 2025 National Budget.
19:29Sa hawak po ni na Duterte at Ungab na kopyaan nila
19:33ng Bicameral Conference Committee o Bicam Report,
19:35may mga blanco raw sa halaga ng nakalaangpondo para sa ilang programa.
19:41Si Ungab ay minsang naging chairman ng House Appropriations Committee.
19:45Sabi ng DBM, hindi Bicam Report, kundi General Appropriations Bill o GAB
19:51ang ipinadala sa Pangulo para pirmahan o i-veto.
19:55Alinsunod po yan sa Saligang Batas.
19:57Gitpa ng DBM, walang blanco o kulang-kulang na detalya sa bill na ipinadala
20:03at kalaunay pinirmahan ng Pangulo.
20:06Para naman kay dating Chief Presidential Legal Counsel na si Attorney Salvador Panelo,
20:11nagbigay lamang lang nga legal opinion.
20:14Si dating Pangulong Duterte, batay sa mga napunan nila sa Bicam Report.
20:19Kung totoo nga ang mga sinabi ni Congressman Ungab na pinirmahan ang GAA
20:24kahit may mga butas ito, pwede raw makulong ang mga responsable.
20:28Una ng kinontra kahapon ng Pangulo at sinabing nagsisinungaling
20:31si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsabing may mga blanco
20:36sa pinirmahang 2025 National Budget.
20:45Lubog sa tubig ang malawak na bukirin sa Aliakampal, Pagayan.
20:50Nagmistulang ilog ang lugar na naging paliguan ng mga alagang itik ng ilang residente.
20:56Ang pagkalubog sa tubig ng mga bukiring iyan ay epekto ng ilang araw ng ulan dulot ng hanging amihan.
21:03Apektado pa rin iyan ang kagayan hanggang ngayon,
21:06pati po sa iba pang bahagi ng Luzon ayon sa pag-asa.
21:10Shear Line naman ang nakakaapekto sa eastern section ng Visayas.
21:14Base sa rainfall forecast ng metro weather,
21:17uuulanin ang ilang panig ng northern at southern Luzon, Aurora, Visayas at Mindanao sa mga susunod na oras.
21:24Pusible ang heavy to intense rain sa ilang lugar, kaya maging alerto ko mula sa baha o landslide.
21:31Mababa naman ang tsansa ng ulan dito sa Metro Manila.
21:36Pusible raw bumagsak sa Rosal Reef at Puerto Princesa, Palawan,
21:40ang debris mula sa inaasa ang rocket launch ng China.
21:43Magpapatupad ng no-sail at no-fishing policy sa mga naturang lugar mula January 25 hanggang 27.
21:50Tuwing 5pm hanggang 9pm po iyan.
21:52Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Mimaropa,
21:55at Philippine Space Agency bilang possible drop zones,
21:58ang humigit kumulang 106 nautical miles mula sa Rosal Reef.
22:0334 nautical miles naman mula sa Puerto Princesa, Palawan.
22:09At 39 nautical miles mula sa Haji Muktamad, Basilan.
22:14Magubantanan before, pusible ng makasira ng anumang sasakyang pandagat ang babagsak na debris.
22:20Kung lumutang at ano rin dawang mga ito sa baybayin, huwag lalapitan at ipagbigay alam sa mga otoridad.
22:29Nianig ng magnitude 6 na lindol ang southern Taiwan kaninang madaling araw.
22:34Nakunan pa sa CCTV ang paglubo o paghulog ng mga gamit sa isang pamilihan dahil sa lakas ng lindol kaninang 12.17am.
22:42Ayon sa United States Geological Survey,
22:44naitala ang epicenter ng lindol 12 kilometers north ng Yujing District sa Tainan City.
22:50Hindi patukoy ang kabuang pinsalang idinunod ito at kung ilan ang nasaktan.
22:55Pero ilang residente ang kinailangan i-rescue matapos matrap sa loob ng bahay o gusali.
23:00Marami ang panandaliang pinilikas mula sa mga gusali,
23:03kabilang ang isang OFW sa Taiwan na si Marcy.
23:06Kwento niya sa panayam ng unang balita,
23:09nasa pinagtatrabuhan siyang pabrika nang mangyari ang lindol.
23:13Nasa tatlong daang Pinoy rin daw ang nagtatrabaho roon.
23:16Nang lumabas sila ng gusali,
23:18may mga nakahanda ng ambulansya para sa mga kakailanganan ng atensyong medikal.
23:23Nakabalik din naman daw sila sa pabrika kalaunan.
23:26Nung pag-lindol po sir, lahat po kami ay lumabas po kami ng aming pabrika po.
23:33Nung that time talaga nang nag-lindol sir, garabe, super lakas po.
23:37Dito po kasi tumamahalaga mismo dito po sa patayinan po, yung lindol po talaga.
23:43Update sa nag-viral na insidente po sa harap na isang mall sa Mandaluyong.
23:48Humingi ng paumanhin ang security guard na nagtaboy sa sampagitan.
23:51Sa pagharap ng lalaki sa pulisya kasama ang ilang opisya ng kanyang security agency,
23:56inamin niyang nangyari ang pagtaboy dahil napuno na siya sa babae.
24:00Paglilinaw naman ang agency, hindi tinanggal sa trabaho ang gwardiya.
24:04Naka-off detail lamang daw,
24:06upansamantalang hindi pinapapasok habang gumugulong ang kanilang investigasyon.
24:11Sabi para security agency,
24:13magdadagdag sila ng mga programa at training para sa kanila mabuti.
24:16Sabi para security agency,
24:18magdadagdag sila ng mga programa at training para sa kanila mga empleyado
24:22para hindi na maulit ang insidente.
24:33Malita mula sa GMA Regional TV,
24:35patayang isang lalaking senior citizen sa Misamis Oriental matapos hampasin ang tubo.
24:40Sarah, tukoy na ba yung suspect?
24:43Rafi, mismong kapitbahay ng biktima ang suspect sa krimen.
24:48Sumuku naman siya sa mga otoridad.
24:51Balitang hatid ni Alan Domingo ng GMA Regional TV.
25:12Malita mula sa GMA Regional TV,
25:14patayang isang lalaking 73 anos pala ang hinahampas ng lalaki gamit ang tubo.
25:42Sumuku kalaunan ang suspect na napagalamang kapitbahay ng biktima.
25:47Di na siya nagbigay ng pahayag.
25:49Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa krimen.
25:56Sa Lapulapo City, sabuho tatlo ang patay at isa ang kritikal sa pamamaril.
26:01Unang binaril ng suspect ang nakaalitan niyang lalaking kapitbahay.
26:05Sunod na binaril ang nakasalubong na babaeng kolektor ng isang lending company.
26:10Pangatlong biktima ang isa pang kapitbahay na bumili ng gamot para sa dalawang taong gulang na anak na may sakit.
26:18Isa pang biktima ang kritikal.
26:20Aristado ang suspect na umamin sa krimen.
26:24Aminado rin siyang gumagamit ng ilegal na droga.
26:41Allan Domingo ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:48Sa Cagayan de Oro City, sugata ng isang lalaki matapos pagtadagain ng kanyang kapitbahay gamit ang lagaraw isang mahabang machete.
26:58Ayon sa pumunta kasama ng biktima ang kanya mga kaibigan nang bigla raw siyang lapitan ng suspect at pinagtataga.
27:04Agad dinala sa pagamutan ng biktima na nagtamon ng malalaking sugat sa ulo at kaliwang braso.
27:11Agad naaresto ang suspect sa tulong ng mga residente at barangay tanon.
27:15Narecover din ang ginamit niyang lagaraw.
27:18Base sa imbesigasyon, nakainom noon ang suspect nang tagain niya ang kapitbahay.
27:23Umamin din daw ang suspect sa pulisya na meron silang lumang alitan ng biktima.
27:28Maharap ang suspect sa reklamang frustrated homicide.
27:31Sinisika pa na GMA Regional TV na makuha ang kanyang pahayag.
27:39Mga mare, Gordon Ramsay is in the Philippines!
27:43Binisita ng multi-Michelin-starred chef ang kanyang restaurant sa bansa.
27:48May pakulo rin siya ng mini-masterchef competition kahapon.
27:53Kabilang sa nagpaandara sa pagawa ng halo-halo, ang Pinoy content creator na si Ninong Ry.
27:58Enjoy ang viewers kasama ang kapuso star na si Christian Bautista,
28:03pati na si na chef elite manaig at chef Jose Serasola.
28:07Si lumpia queen Abby Marquez na nakachikahan na natin dito sa Balitang Hali.
28:12Kumasa rin sa hamo ni chef Gordon.
28:15Ang signature dish niyang Beef Wellington, ginawan ng lumpia version.
28:20Mukha namang approved yan sa taste buds ng culinary icon.
28:29Sa mga mamimili po ng itlog, abay bumaba na po ang presyo niyan sa ilang pamilihan sa bansa.
28:36Sabi ng silang nagtitinda sa Marikina Market, mas mababa ang demand ngayon at may sobra pang supply noong holiday season.
28:436 pesos and 50 centavos ang kada piraso ng extra small na itlog,
28:48habang 10 pesos naman ang pinakamalaki o yung jambo.
28:52190 hanggang 280 pesos naman kada tray, depende po yan sa size ng itlog.
28:56Hindi naman nalalayo sa presyo ng itlog sa iba pang pamilihan sa Metro Manila,
29:01batay sa huling monitoring ng Department of Agriculture.
29:05Sa ibang palengke, may mabibiling kiwi egg na 6 pesos hanggang 8 pesos kada piraso.
29:119 hanggang 10 pesos kada piraso naman ang jumbo size.
29:14Bahagyang hong mas mahal ang brown eggs.
29:179 hanggang 13 pesos ang kada piraso niyan, depende kung medium, large o extra large.
29:23Sa General Santos City, bumaba ng 10 hanggang 20 pesos ang kada tray ng itlog.
29:28220 hanggang 250 pesos ang presyo kada tray, depende rin po yan sa size.
29:35Update tayo sa panibagong big time oil price hike.
29:38Kausapin natin si DOE Oil Industry Management Bureau Director Attorney Rino Abad.
29:42Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
29:45Magandang itang hali sa Rafi, sa inyong programa at sa ating mga kababayan.
29:51Ano pa yung pinakadahilan ng magkakasunod na oil price hike?
29:55Ito sa Rafi, immediate onset effect.
29:59Nung kalalabas lang na panibagong US sanction against Russia.
30:07Ang estimate ko kasi, 180 ang nakalist doon na shadow tankers.
30:14Ito mga tankers na ito, ito yung na-sanction.
30:17Hindi makapag-deliver.
30:19At ang estimated affected supply na dini-deliver ng mga tankers na ito would be around 1.6 million barrels of oil per day.
30:31So ito yung destination nila usually sa China and India.
30:36At mayroon hung products na affected din, meaning refined products, around 180,000 to 200,000 barrels per day.
30:46So itong oil na lang na 1.6, this is around 1.6% to 2% ng global supply.
30:55So immediate ang impact niyan.
30:58Naglabas na rin ang confirmation sa mga reports, naglabas ang confirmation ng China na in-advised lahat ang mga refined report sa China na huwag tatanggap ng mga tankers na nakasama dito sa list ng sanction ng US.
31:19So in other words, mabigat ang effect niyan.
31:22Ibig sabihin kahit China, most likely India susunod yan kasi si China nga sumunod na.
31:29Mukhang hindi makakadeliver ang mga tankers na ito affecting immediately yung supply nitong estimated 1.6 million barrels of oil.
31:40Later on si Rafi, makaka-adjust ng market niyan, makakaroon niyan ng replacement gaya ng OPEC plus na may delay na ginawa.
31:53April 2025 ang target na ibalit yung 2.2 million barrels but that is still speculative.
32:00Hindi pa natin alam kung maibabalit yan earlier or even doon sa April.
32:07Kasi 2.2 yun mukhang kaya niyang i-offset itong estimated affected supply.
32:15Yan ho ang sitwasyon kaya on the onset ito ho ang nangyari sa atin.
32:20Tumasho ang price.
32:22Effectively 1.6 million nawala sa merkado, yun ang immediate effect.
32:26Yan ho ang in the coming days kung hindi na ito makakapaglayag yung mga tankers.
32:34Effectively reflecting yung hindi pakalabas ng Russian oil to the global market, definitely makakaroon ng supply tension, shortfall doon sa supply.
32:50In fact ating 1st quarter last year ang projection ay makakaroon ng oversupply ng around 800,000 to 1 million barrels.
32:59But because of this sanction, naburahul sana yung effect ng oversupply vis-a-vis magandang price sana.
33:07Pero dahil biglang linabas itong sanction na ito, parang nawala na rin yung maganda sana ng outlook sa price.
33:16Sa inyong projection hanggang kailan po? Posibling magtaas pa yung presyon ng produktong petrolyo. May tataas pa ito in the coming weeks and months?
33:25Yan ho ang tendency until, sabi ko pa nga, makalabas yung replacement volume like 2.2 million barrels ng OPEC plus.
33:36At ngayon recently nag-announce si President Trump kasama yung canilang sanction na yan, sinunda nila ang US daw mag-boost ng supply.
33:48So kung titingnan nyo parang pinigilan nila yung Russia pero may bumabawi naman sila na maglalabas sila ng additional supply.
34:00So parang pang-replace din. So OPEC plus plus itong sinasabi ng US na pang-replace.
34:07Effectively parang ini-eliminate nila yung Russian oil pero magsusupply ang US ng mas malaking volume at hoping pati din ng OPEC plus makasupply din.
34:20But these are speculative at this point in time kaya mukhang magkakaroon talaga ng speculation until na magkaroon talaga ng replacement supply.
34:30Yan nga sinasabi po niya, drill, drill, drill. Pero gaan po kaya kabilis na mangyayari ito kapag sila nag-boost na at pinaiting yung canilang drilling operation?
34:39Well mabilis yung OPEC plus. Anytime pwede sila mag-decide. Monthly naman ang meeting nila so instead of April pwede agahan nila.
34:49But again sir Rafi hindi natin talaga masabi yan. Ang US would definitely take time, hindi ganong kabilis kasi ang OPEC nakaready ang supply, pinigilan lang nila meaning nagkaroon lang sila ng production cut.
35:04Pero itong US have to come up with an additional supply. Hindi available yan. Kailangan ilabas po yan kung kakayanin pa nila maglabas beyond what they are producing today. Yan mo ang sitwasyon natin.
35:34Good morning po.
36:04Arestado ang isang tattoo artist sa Valenzuela dahil sa panggagaha sa Umano.
36:34Ang kanyang panig sa balitang hatid ni James Agustin.
36:43Isinilbi ng polisya ang warrant of arrest sa 22 anyo sa tattoo artist sa barangay Marolas, Valenzuela.
36:50Inireklamo ang lalaki ng panggagaha sa Umano sa minoridad niyang kliyente.
36:54Nauna rito ayon sa polisya, nagtago ang lalaki at nagpalipat-lipat ng lugar sa Quezon City at Valenzuela.
37:01The operation is intelligence-driven in cooperation sa victim's family. So nagkaroon kami ng operation at nadala-dala itong warrant of arrest.
37:12August 2022 na mangyari Umano ang krimen. Pero June 2023 pa nakapagsampa ng reklamo ang 16 anyos na biktima.
37:21Itong biktima ay isa sa mga customer niya lagi. So after that siguro nagkaroon ng hindi inaasahan, parang na-rape at sabi parang gang-rape pa.
37:33So nag-post throwing na isang pa yung kaso at itong accused naman ay siguro hindi niya inaasahan at nabuntis pa itong biktima.
37:44Ikatlo sa most wanted persons list ng polisya ang na-arrest ng tattoo artist.
37:48Nakukulong siya ngayon sa Valenzuela City Police Station.
37:52Hindi ko po ginawa kayo. May hirap po, may hirap po magsalita. Kasi po kami, hindi lang. Dalawa po kami na sinampahan niya.
38:04Nauna ng na-arresto ng polisya ang isa pang lalaki, nakapwa-akosado ng tattoo artist.
38:10James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:19Good job ang Pinoy cyclist na nagwagi sa 2025 UCI Thailand Mountain Bike Cup.
38:24Gold podium finish para kay Alexandra Dormitorio sa Women Junior Cross Country.
38:29Silver medals naman para kina Adrian Nacario at Thirdie Manaay.
38:34Habang bronze medal para kay John Andre Aguja sa kanikanilang division sa men's category.
38:40Fifth place naman ang nakuha ni Justin Anastasio.
38:44Good job din para sa Pinoy Q player na si Michael Buanan sa CPBA 99 Tournament 2025 sa Hanoi, Vietnam.
38:52First runner-up si The Dark Phoenix sa kompetisyon.
38:55Nag-champion ang Chinese Type-A player na si Ko Ping Ha sa score na 4-13.
39:01111 days bagong eleksyon 2025.
39:05Umaasa po ang Comelec na masisimulan bukas ang pag-iimprenta ng mga bagong balota.
39:10At may ulit on the spot si Sandra Aguinaldo.
39:13Sandra?
39:15Yes Connie, sumamang na tayo sa Comelec dun sa kanilang Vidyan Laguna Warehouse
39:20at ipinakita po ng Comelec ang bagong balota.
39:23Yes Connie, sumamang na tayo sa Comelec dun sa kanilang Vidyan Laguna Warehouse
39:28at ipinakita po ng Comelec ang bagong balot face template
39:32kung saan kasama na ang sham na pangalan na idinagdag nila
39:36matapos makakuha ng temporary restraining order ang mga aspirants na ito sa Supreme Court.
39:42Isang senatorial aspirant at walong local aspirant ang kasama na sa balota.
39:47Inaasaan ng Comelec na iimprenta na nila ang balota simula bukas.
39:51Pero aminado ang Comelec na may TRO na ilabas sa SC kung mangyari yan.
39:57May additional feature daw ang election management system.
40:04Ibig sabihin na ito pwede magdagdag ng pangalan.
40:08Pero kailangan muling gumawa ng bagong balot face
40:11at kung may naimprenta ng balota ay mababasura muli ang mga balotang ito.
40:15Sa kabila nito ay tiniyak ng Comelec na kaya nilang maimprenta ang balota sa oras
40:21at hindi maaantala ang eleksyon.
40:23Sa tulong daw ng apat na additional printer ng National Printing Office.
40:28Posible rao na kaya nilang magimprenta ng 1.5 million na balota sa isang araw.
40:35Yan muna po ang pinakauling ulat mula dito sa Laguna.
40:38Connie?
40:40Marami salamat, Sandra Aguinaldo.
40:45Update tayo sa mga bagong pulisian ni U.S. President Donald Trump.
40:49Kabilang dito, ang pagbibigay ng pardon sa may git isang 1,500 sangkot
40:53sa pag-atake sa U.S. Capitol noong January 6, 2021.
40:57Layo ng riot noon na pigilan ng kongreso na isertify
41:00ang pagkapanalo ni dating U.S. President Joe Biden
41:03laban kay Trump noong 2020 presidential elections.
41:06Kasama sa mga pinirmahang kautusan ni Trump,
41:09ang pagpapababa sa sentensya ng ilan sa mga kinasuhan dahil sa insidente.
41:12Pinirmahan din ni Trump ang isang executive order
41:15na mag-aalis sa kanila bilang miyembro ng World Health Organization.
41:20Ayon kay Trump, hindi inaasikaso ng maayos ng WHO
41:24ang COVID-19 pandemic at iba pang international health crisis.
41:28Amerika ang piinakamalaking financial backer ng WHO
41:32at dahil sa kautusan,
41:34hindi na sila magpupondo sa organisasyon simula sa 2026.
41:39Wala pang sagot dito ang WHO.
41:41Nag-withdraw din si Trump sa Paris climate deal
41:44na may layong pigilan ang climate change.
41:47Batay sa dokumentong inilabas ng White House,
41:49tututok na lang dawang Amerika sa pagluluwag ng regulation
41:53sa produksyon ng langis.
41:56Dati nang tinawag ni Trump na isang hoax o peke lang
41:59ang global warming.
42:01Kabilang din sa mga pinirmahan ni Trump,
42:03ang pagbabalik sa Cuba sa listahan ng mga bansang
42:05itinuturing na sponsor ng terorismo.
42:07Isang linggo lang yan matapos itong alisin ni Biden sa listahan.
42:11Tinawag naman itong pambabastos at pang-abuso
42:14ng Presidente ng Cuba.
42:24Nahulog sa isang irigasyon ang walong magkakamag-anak
42:28na sakay ng isang tricycle sa Santo Domingo, Nueva Ecija.
42:32Base sa investigasyon,
42:33natanggal ang turnilyo na nagdudugtong
42:36sa sidecar at motociclo ng tricycle
42:39kaya nakulog ang mga bitima.
42:41Sinubukan silang i-rescue ng ilang residente,
42:44pero nasawi kalaunan ang tatong sakay nito
42:46na mga minor de edad
42:48at ang 34-anyos na driver na kanila ring kaanak.
42:52Patay din ang dalawang residente
42:54nakabilang sa mga nag-rescue sa iba pang mga nakulog.
42:57Batay sa ilang residente,
42:59naging mahirap ang pagsagip sa mga bitima
43:01dahil sa lakas ng agus ng tubig
43:04at malalim ang irigasyon.
43:06Naiwi naman sa kanika nilang mga pamilya
43:09ang mga labi ng mga nasawi.
43:13Natagpuan patay ang isang babae
43:15sa Talisay City, sa Negros Occidental.
43:18Natagpuan ng polisya ang bankay ng bitima
43:21sa damuhan sa gilid na isang kalsada
43:23sa Bargay Matabaang.
43:25Isa sa mga person of interest
43:27ang boyfriend ng bitima
43:29na kasama raw niya ilang oras
43:31na pumatay.
43:33May nakuha ng CCTV footage ang polisya
43:35kung saan nakitang magkaangkas
43:37ang magkasintahan,
43:39pero hindi muna isinapubliko.
43:41Sabi raw ng lalaki sa mga polis,
43:43nag-away sila ng bitima
43:45kaya umuwi siya ng mag-isa.
43:47Patuloy ang investigasyon para matukoy
43:49kung sino ang pumatay sa babae.
43:53Wala na umanong insidente
43:55ng pamimirata sa Asia
43:57ayon sa Regional Cooperation Agreement
43:59on Combating Piracy.
44:01Here's the spot ni Oscar Oida.
44:03Oscar?
44:31Rikaap.
44:33Lalo't may mga bansa na
44:35may mga magkatunggaling pananaw
44:37gayang Pilipinas at China.
44:39Simply ang nag-usagot ng Rikaap,
44:41apolitical daw ang grupo
44:43at nakatuon lamang ang kanilang atensyon
44:45sa pagsugpo sa piracy
44:47at wala ng iba.
44:49Sa natura press conference
44:51na anong din si Philippine Coast Guard
44:53Admiral Ronnie Hill Gaban
44:55kung sapat na ba raw ang puwersa
44:57ng Philippine Coast Guard,
44:59sumagot siya ng hindi.
45:01At sa katunayan,
45:03marami raw silang takong papatingin.
45:05Kasanuntuyong nagsasaguhan
45:07ng clustering sa bansa ang Rikaap
45:09at tatagal ito hanggang January 23.
45:11Connie?
45:13Maraming salamat Oscar Oida.
45:20Diba the best feeling
45:22kapag naghihintay na loved ones,
45:24diba?
45:26Yung pagdating mo palang sa bahay,
45:28nandoon.
45:30E, paano kapag hindi napansin
45:32ang sweet gesture?
45:39Emote-emote na lang
45:41ang shih tsu na si Asher
45:43from Pulilan Bulacan.
45:45May pag-stretch pa na parang
45:47nasa isang nagdramang pelikula nga naman.
45:49E, hindi pa na napansin
45:51ng lolang dumating,
45:53kaya ang cute na alaga,
45:55e, diretso sa acting.
45:57Don't worry,
45:59si Asher,
46:01ang best outdoor performance.
46:03Mahigit 360,000 na ang views,
46:06kaya trending!
46:09Kayo naman,
46:11ang sweet naman yan talaga.
46:13Oo, may pa-stretching na.
46:15Pansinin niyo siya.
46:17Ako naman, sabi niya.
46:19Mukhang paborito niya si Lola,
46:21lalo siguro pag dumarating
46:23at buwi-bisita lang,
46:25talaga gumihintay niya.
46:27Nagpapakarga yan.
46:29Diba?
46:31At ito po ang Balitang Hali,
46:33bahagyan mo yung mas malaking mission.
46:35Ako po si Connie Cesar.
46:37Kasama niyo rin po ako,
46:39para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:41Mula sa GMA Integrated News,
46:43ang news authority ng Filipino.

Recommended