• last year
Tila pang-blockbuster na pila ng mga namimili ng hamon sa Quaipo. Sa Divisoria naman, pakyawan ang pamimili sa bagsak-presyong panregalo, bagamat may ilan na ring bahagyang nagmahal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tila pang blockbuster na pila ng mga namimili ng hamon sa Quiapo.
00:06Sa Divisoria naman, pakiyawan ang pamimili sa bagsak presyong panregalo
00:12bagamat may ilan na ring bahagyang nagmahal.
00:14Nakatutog doon live, si Marine Zumani.
00:21Mel, mapapanregalo, pannoche buena talaga.
00:24Hindi ka na mag-iisip kung san dapat pumunta.
00:26Dalawa lang yan sa mga nice makamura.
00:28Quiapo at dito, sa Divisoria.
00:34Lalong pinapakiyaw ang mga tindang laruan sa pwestong ito sa Divisoria.
00:38Ngayon dalawang tulog na lang, Pasko na.
00:40Nakapaku na sa P25 ang kahit anong laruan.
00:43Kaya swak sa P400 budget ni Lola Liberty para sa walong apo.
00:48Ngayon na ang kasiyahan po ng mga bata na binibigyan sila tuwing Pasko.
00:52Tiga-tiga lawas sila.
00:54At kahit inulan pa, sige pa rin sa pamimili si Rowell.
00:57Wholesale a niya na makiyaw ng panregalong wallet, damit at iba pa
01:01para a niya mas makamura.
01:03Tig 100, makuha mo siya ng 60 pag wholesale.
01:07Parang na mamigay tuwing Pasko.
01:12It's better to give than to receive.
01:15Meron din namang ilang tindahang nagahabol ng kita bago magpasko.
01:18Kaya bahag yan ang nagmahal ng paninda.
01:21Matas na rin po yung mga presyo.
01:24Kasi ito dati yung bintahan namin P120.
01:27Ngayon P150 na lang.
01:30Kahit mahal, binibili pa rin.
01:32Mas mura po talaga dito sa Divisoria, ma'am.
01:35Kesa sa ibang lugar.
01:37Hile-hilera ang mga tindahan ng panregalo rito
01:39para sa mga bata at young at heart.
01:41Kaya sa totoo lang, di mo na kailangan lumayo
01:43para makompletong listahan ng reregaluhan mo.
01:46Maging sa Villa Lobo Street sa Quiapo,
01:48halos tabi-tabi rin ang mga mabibilhan ng mga murang panregalo,
01:52gaya ng mga mugs at baso, mga damit, cap, at kung ano-anong burloloy.
01:56Yun yung uso natin ngayon yung mga cellphone holder po.
01:59Kasi mura po sa banketa po eh.
02:01Same lang po sa mga mall, yung kalidad po.
02:05Pero kung isa sa mga star ng Noche Buena ang hanap mo,
02:08sa Bilihan ng Ham dito sa Palanca Street,
02:10ang punta ng mga tao, na gaya ng inaasahan,
02:13parang blockbuster sa dami ng nakapila.
02:15May lumuas pa galing bulakan,
02:17at may dumiretsyo rin dito pagbaba ng aeroplano mula Australia.
02:21My plane just landed.
02:23Dito na kami dumiretsyo para makabili ng ham.
02:26Christmas is not the same without the ham.
02:28Taong-taong kasi talaga lumuluas ako para bumili ng ham.
02:34Dati buwang nabibili ko eh.
02:36Ngayon, low budget na.
02:38Kaya okay lang kahit one port lang makatikim lang.
02:42Parang mas ramdam ko yung Pasko pag ito.
02:45Kahit naman isang linggo pa bago magbagong taon,
02:47marami na rin ang nagtitinda ng mga pantaboy malas,
02:50gaya ng torotot, golden coins, lucky charms,
02:53mga bilog na prutas, at mga papatok.
03:00Mel, sa mga hahabol dito sa Divisoria,
03:03ganito po ang sitwasyon ngayon sa palibot.
03:05Dito po, mabigat ang daloy ng mga sasakyan dito sa Mayhuana Luna.
03:10At dito na po sa aking likuran,
03:12makikita nyo napakarami pa pong mga tao
03:14dito po sa may Santa Elena, at pati sa Ilaya.
03:18Pero ayon po sa mga nagtitinda rito,
03:20may mga tindahan naman po na bukas hanggang madaling araw na.
03:24Bukas din daw po sila sa Pasko at bagong taon.
03:27At wag po kayo mag-alala,
03:28dahil kahit may mga ibang bahagyang
03:30nagtaas ang presyo ng mga paninda,
03:32e pwede pa rin daw pong tumawad.
03:34Mel?
03:36Maraming salamat sa'yo.
03:37Mahal na rin sumali.
03:48Subtitulado por Jnkoil

Recommended