• 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, samang-sama pa rin tayo sa pagsaksi sa iba't-ibang bahagi ng bansa habang ipinagdiliwang ng mga Pilipino ang Pasko.
00:09At kasabay po ng mga reunion at pagsasaya, hindi pa rin po na iwasan ang mga aksidente,
00:14gayun din ang masamang panahon na patuloy pa rin naka-aapekto, particular na sa Bicol at Southern Luzon.
00:21Baha at landslide pa rin ang namemerwisyo sa Camarines Sur, Albay, Quezon Province, at Laguna.
00:28Sa Marinduque, hinahanap ang isa sa mga sakay ng kotseng tinangay ng lumagasang tubig.
00:33Saksi si Jamie Santos.
00:41Imbis na maging abala sa pag-asikaso ng Noche Buena,
00:44nagmadaling mag-akyat ng gamit ang ilang residente sa Ligaspi, Albay, matapos pasugi ng baha ang kanilang mga bahay.
00:53Buong araw nakaranas ng matinding ulan doon.
00:58Ang kalsada sa bayang Santo Domingo, nagmistulang ilog na.
01:03Ayon sa pag-asa, shear line o ang pagsalubong ng malamig na hangin galing northeast
01:08at yung maingit na hangin galing silangan ang nagpapaulan sa Bicol Region.
01:13Kaya naman inirekomenda ng DOST FIVOX ang iba yung pagbabantay
01:17at paghahanda ng mga komunidad sa mga predetermined zone ng lahar sa Bulkang Mayon.
01:23One, two, three!
01:25Nagtulong-tulong naman ang mga rescuer at volunteer na iaho ng kotse ito sa Santa Cruz, Marinduque,
01:32matapos tangayin ang rumaragasang tubig habang tumatawid sa spillway.
01:38Isang pamilya ang sakay ng kotse.
01:40Rigtas ang driver at anak nito, pero pinagahana pa rin ang isa pang sakay.
01:45Baha rin sa ilang lugar sa Camarinesura.
01:48Sa bayan ng Lupi, inilipat sa mas mataas na lugar ang mga alagang baboy.
01:53Ang fire station na ito sa bayan ng Ragay, pinasok rin ang tubig.
01:58Kabi-kabilang landslide ang naitala sa iba't-ibang lugar sa Katanduanes.
02:02Lumambot ang lupa, kaya gumuho kasama ang mga bato.
02:06Naantala ang mga biyahe, patuloy ang mga clearing operation.
02:10Wala, lalo na nasira yung korsada.
02:12Oo, kanina yung kaljad dyan ah!
02:15Nagkabitak-bitak at lumubog ang Sampaloc-Lutban Road sa Quezon
02:19dahil sa malakas at walang tigil na pangulan.
02:21Nakaantabay ang Sampaloc MDRRMO para maiwasan ng aksidente.
02:26Nai-report na ito sa DPWH.
02:30Binaha rin ang ilang bahagi ng Santa Cruz, Victoria at Los Banos sa Laguna.
02:35Sa kalsada na, sinalubong ng ilang motorista ang Pasko
02:38dahil stranded sa bahas at didasag Aurora.
02:41Tumaas ang tubig sa ilog dahil sa maghapong ulan
02:44kaya umapaw sa kalsada.
02:46Ilang puno rin ang natumba sa kalsada na agad tinanggal ng mga otoridad.
02:50Ayon sa DSWD, mahigit dalawang daang libong individual na
02:54ang naaapektuhan ng shearline sa buong bansa.
02:57Ayon sa tag-asa, ibat-ibang weather system
03:00ang nagpapaulan sa bansa ngayong Pasko.
03:03Ito yung kanyang convergence area.
03:05Doon nagkakaroon ng mga kalat-kalat na mga pagulan
03:08at posible yung ma-isolated na mga thunderstorm.
03:11Nariyan din daw ang northeast monsoon o hanging amihan
03:14na nagpapaulan sa northern Luzon.
03:16At itong hapon daw, nakakaapekto na rin
03:19ang intertropical convergence zone sa eastern part ng Mindanao.
03:23Inaasahang magiging maulan pa rin hanggang bukas
03:25sa malaking bahagi ng central Luzon, southern Luzon
03:28at Metro Manila dahil sa shearline.
03:31However, posible kasi umangat yung axis ng shearline
03:34at inaasahan nga natin na posible na ito makaapekto
03:38sa eastern section ng northern Luzon.
03:41So, aasahan natin mga Cagayan Valley.
03:43Sa mga susunod na araw, posible yung maging maulan na rin dyan.
03:46And then, sa southern part naman, yung ITCZ,
03:50posible rin na magdala ng mga paulan kahit mga bukas
03:54and titinan natin kung abot ba sa mga succeeding days.
03:56Magiging maulan pa rin daw bukas sa Bicol Region.
03:59Asahang bubuti na ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
04:03Para sa GMA Integrated News,
04:06Jamie Santos ang inyong saksi.
04:09Mga kapuso, maging una sa saksi!
04:12Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
04:14para sa ibat-ibang balita.

Recommended