• 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Marami parin ang humahabol sa pamimili ng pangmedyanoche sa Divisoria sa Maynila.
00:05At may ulat on the spot si Darlene Cai.
00:08Darlene!
00:14Rafi, dagsana yung mga tao rito sa Divisoria.
00:16Marami kasi yung nagla last minute shopping ng mga bilog ng prutas at iba't ibang mga pampaswerte.
00:21Sa nalalabing oras ng 2024, siksikan at gitkitan ang mga pamimili rito sa kalya ng Carmen Plana sa Divisoria.
00:31Tabi-tabi kasi rito ang mga nagtitinda ng mga bilog na prutas na pinaniwala ang pampaswerte sa pagsalubong sa bagong taon.
00:38Bagsakan ang prutas ng Divisoria kaya dinarayo ng marami tulad ding Emmy na galing pang Plaridel Bulacan.
00:44Kailangan daw makumpleto ang labing dalawang klase ng bilog na prutas sa kanilang tapagkainan tuwing sasalubong sa bagong taon.
00:51Pero kanya-kanya ng paniniwala ang bawat pamilya.
00:55Sina April, labing tatlong klase naman ng bilog na prutas ang iniahanda.
00:59Para sa mag-asawang sina Elizabeth naman at Rommel, limang klase lang ng bilog na prutas, sapat na.
01:06Inaasahan raw nilang darag sa mga tao rito kaya nagdala sila ng walkie-talkie para sa mas madaling komunikasyon.
01:12Narito ang bahagi ng ating mga panayam sa kanila.
01:42Pero ayon sa mga nagtitinda, kahit dagsa pa rin ng mga tao, mas kakaunti raw ang mga mamimiling ngayon kumpara noong nakaraang salubong sa 2024.
02:02Halos doble din daw ang presyo ng ibang klase ng prutas kaya hirap daw sila sa supply dahil sa mga nagdaangbagyo.
02:10Kaya ang diskarte ng ilang mga mamimili, paisa-isang peraso na lang ang binibili basta makumpleto ang ihaain sa pagkainan.
02:18Bukod sa mga bilog na prutas, meron din ditong iba't-ibang klase ng pampaswerte na P25-P35 ang isa.
02:26May iba't-ibang klase rin ng turotot na P20-P80 ang isa.
02:32Raffy, para sa mga kapuso natin, nakahabol sa pamimili, marami pang iba't-ibang klase ng prutas na mabibili dito sa Divisoria.
02:40Yun nga lang, mabigat na yung daloy ng trapiko sa palibot nitong Divisoria, kaya huwag na ko kayong magdala ng sasakyan.
02:47Sabi ng mga nagtitinda dito, hanggang 3pm, pwede pang humabol at meron pa rin mga vendor ng prutas dito.
02:54Yan ang latest mula rito sa Divisoria Manila. Happy New Year, Raffy!
02:58Marami-salamat at Happy New Year, Darlene Kai!

Recommended