• 2 days ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, Pebrero 10, 2025:

-Lalaking naingayan umano sa busina ng isang motorista, nag-amok

-Suspek, itinangging nanuntok siya ng pulis at nagtangkang mang-agaw ng baril

-Oil price rollback, ipatutupad bukas

-Ilang bahagi ng Palawan, nalubog sa baha

-WEATHER: PAGASA: Epekto ng Shear Line, posibleng magtagal hanggang Miyerkules

-Pinoy pole vaulter EJ Obiena, wagi ng gintong medalya sa Meeting Metz Moselle Athlelor sa France

-Mga tauhan ni dating Sen. Pacquiao, huli-cam na dumaan sa busway; kampo ng dating senador, humingi ng tawad

-PNP-HPG convoy, sinita nang dumaan sa EDSA Busway

-Motorcycle rider, patay matapos masagasaan ng trailer truck

-79-anyos na lalaki, patay matapos saksakin ng sariling anak; suspek, nagsisisi raw sa nagawa

-Gabbi Garcia na dating nag-audition sa Pinoy Big Brother, official host sa upcoming "PBB Celebrity Edition Collab"

-Campaign period para sa national positions, magsisimula na bukas

-Lalaking nagbebenta ng ilegal na droga, arestado; mahigit P200K halaga ng umano'y shabu, nasabat

-NFA, Wala pang inilalabas na buffer stock ng bigas dahil wala pa raw nagre-request na LGU

-Lalaki, nanghablot ng bag mula sa kotseng nakabukas ang bintana

-Habal-habal driver, sugatan matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa gitna ng kalsada

-Lalaki, sumalasi at ninakaw ang cellphone na nagkakahalaga ng P8,000

-Senate Pres. Escudero: Magkaka-special session lang para sa impeachment ni VP Duterte kung magpapatawag ang pangulo

-INTERVIEW: JONATHAN GESMUNDO, EXEC. ASSISTANT TO THE SECRETARY, DOTR | PNP-HPG convoy, sinita nang dumaan sa EDSA Busway

-Cast ng "Lolong: Bayani ng Bayan," "My Ilonggo Girl," at "maka," naghatid ng saya sa Kapuso Chill Fest

-Pope Francis, nahirapang huminga sa gitna ng isang misa sa Vatican

-Letran Lady Knights, wagi kontra Lyceum Lady Pirates sa NCAA Season 100 Beach Volleyball Tournament Women's Division

-House Speaker Martin Romualdez at 3 mambabatas, sinampahan ng mga reklamo ukol sa pagsingit umano ng P241B na pondo sa 2025 National Budget

-Lalaki, patay nang makuryente sa alambreng nadikit sa open wire

-Resort, nasunog; 14 na guest, nakaligtas

-Pambato ng Pilipinas na si Dia Mate, kinoronahang Reina HispanoAmericana 2025

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang tanghali po! Oras na para sa mai-init na balita!
00:13Magandang tanghali po! Oras na para sa mai-init na balita!
00:18Oras na para sa mai-init na balita!
00:29Nag-amok sa Maynila ang isang dating secure na nagpakilala pa ang polis.
00:34Ang suspect na ingayan daw sa busina kaya nagwala.
00:38Balitan natin ni Bea Pinlac.
00:41Sa gitna ng mataong kalsada sa Divisoria sa Tondo, Maynila linggo ng madaling araw,
00:47tila eksena sa pelikula ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
00:51Ang lalaking naka blue na t-shirt, hinabol ng suntok ang isa pang lalaki.
00:56Paulit-ulit pa niyang pinabagsak ang motorsiklo na pag-aari ng kanyang nakaalitan.
01:01Ang dahilan ng gulo, naingayan umano sa busina ang lalaking naka blue.
01:07Ang suspect po natin ay naingayan po sa busina ng motorsiklo saka ng mga jeep.
01:12Doon po nagsimula na makipag-away po siya sa mga motorista sa Divisoria.
01:18Para naman po sir, gawa ng jeep na una sa kanyang sinasakyan kong jeep,
01:24ay busina po ng busina.
01:26Sinabihan ko po, gusto mo bang magmadali?
01:28Lagyan mo ng pakpak at paliparin mo.
01:30Doon po siya nagalit.
01:32Tapos pinakaagyan niya po, hinahamon niya ako.
01:35Agad namang rumesponde ang pulisya pero tila hindi natinag ang suspect.
01:39Nagtangkaparawang suspect na agawin ang baril ng pulis.
01:43Sumulat din niya ang isa pang motorista na itatabilang sana ang nakatumbang motor.
01:47Nakasingit ng suntok at sipa ang ilang motoristang nasa lugar kabilang ang nakaaway ng suspect.
01:53Kalaunay na aresto ang lalaki.
01:55Doon naman po, sinuntok niya sa muka yung pulis natin.
02:00At yun naman po ang dahilan kung bakit pinagtanggol ng ating pulis ang kanyang sarili.
02:06Hanggang sa presinto, agresibo pa rin daw ang suspect.
02:11Hindi ka mga tunay na pulis pala?
02:13PK kayo?
02:14Di ba PK? Sinuduran niyo ng muka mo?
02:17Sinusugod pa rin po siya sa mga pulis natin.
02:21Dinuraan po niya yung demesa natin.
02:23Nung nasa investigation section na siya, sinusugod pa rin po niya yung arresting officer natin.
02:28Napagalaman na ang suspect ay dating security guard na nagpapakilalang pulis.
02:34Kaya nga po, kung mapapansin ninyo, hindi po gumaganti ng suntok yung mga motorista sa kanya.
02:44Natatakot sila dahil nagpakilala nga siyang pulis.
02:47Nung naging kalmado na po ang suspect natin, nasabi po niya na meron po siyang family problem.
02:53Itinanggi ng suspect na sinuntok niya ang pulis.
02:56Hindi rin daw niya sinubukang agawin ang baril nito.
02:59Hindi ko po sir sinuntok. Sabi ko, sir, bariling nyo na kasi ako yung magpupulis din.
03:06Sabi ko, sir, sabi ko pa ganyan ko, sir. Sabi niya, agawin mo ang baril ko ah.
03:11Kasi kung inagaw ko po yun, agaw ko po talaga. Kunyari lang po para maging alertos yan ah.
03:16Sa kanya ako. Akala ko po ako ang kakampihan niya, pero mali po.
03:20Hindi pa nagbibigay ng pahayag sa pulis siya ang mga biktima.
03:23Patong-patong na reklamo ang kakaharapin ng suspect.
03:27Alarm in scandal.
03:29Resistance and disobedience to a person in authority.
03:32Usurpation of authority.
03:34At direct assault.
03:35Bea Pinluck, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:45Beep, beep, beep!
03:46Sa mga motorista, may rollback sa ilang produktong petrolyo simula po bukas.
03:50Batay sa anunsiyo ng ilang kumpanya,
03:52may 10 centavos na bawas sa kada litro ng diesel at gasolina.
03:56Habang 30 centavos naman ng bawas presyo sa kada litro ng kerosine.
04:01Pangat ng linggong rollback na yan sa diesel at kerosine,
04:04habang panibagong rollback naman yan para sa gasolina matapos ang taas presyo noong nakaraang linggo.
04:15Inulan ng husto ang ilang bahagi ng Oriental, Mindoro at Palawan ito pong weekend.
04:20Kaya may mga lugar na binaha.
04:22Balitang Hatied di James Agustin.
04:27Ayan po, ito pang sitwasyon niyo.
04:29Sa gitna ng dilim na iligtas ang isang batang pasahero ng isang van sa barangay Isaub sa Aborlan, Palawan, kagabi.
04:35Ayon sa mga rescuer, tinangay na rumaragas ang baha ang van habang binabagtas ang highway.
04:39Dahil napaka-dilim, hindi pa matukoy kung ilan lahat ang sakay ng van.
04:44Sa barangay Plaridel na lunod sa baha ang ilang alagang bibi at kalabaw,
04:47ayon sa ulat ng Superadio, Palawan.
04:50Ito yung area na may garden.
04:52Sa iba pang lugar, sa Aborlan, mistulang dagat ng ilang taniman dahil sa baha.
04:56Ayon sa kanila Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
05:00may ikitsan libong residente ang inilikas sa mga evacuation center.
05:04Sa bahay naman ng Nara, halos syok na ranggit residente ang lumikas dahil sa baha.
05:11Sa barangay San Manuel sa Puerto Princesa, pahirapan ng paglikas.
05:14Dahil hanggang dibdib ang lalim ng baha.
05:16Sinoong na mga sundalo ang rumaragas ang baha para tumulong sa paglikas.
05:20Ang ilang bata isinakay sa rescue boat ng Philippine Red Cross.
05:24Sa barangay Siksikan, gumamit ng lubid ang mga residente para makalikas.
05:28Ayon sa Puerto Princesa CDRMO, siyem na barangay ang lubog sa baha at patuloy ang paglikas ng mga residente.
05:34Ayon sa pag-asa, shearline ang nagpaulan sa Palawan kahapo.
05:39Sa Baco, Oriental Mindoro, critical level na ang alag river.
05:42Dahil din sa malakas na ulang dala ng shearline at hanging amihan.
05:45Patuloy itong minomonitor ng mga otoridad.
05:48Ayon sa MDRMO, may mga barangay ring hindi maadaanan ng lahat ng klase ng sasakyan dahil sa malalim na baha.
05:54James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:18Bukas ay ganyang klase rin po ng ulan ang mararanasan sa Aurora, Quezon, Oriental, Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at Sorsogon.
06:30Sa miyerkulis, ang kagayan Isabela Aurora, Quezon, at Camarines Norte ang posibil pong makaranas ng moderate to heavy rains.
06:38Uuulanin din ang Metro Manila ngayong araw at bukas, pero mas maayos na po ang panahon sa miyerkulis.
06:45Basi po yan sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:48Malaking bahagi pa rin ang Luzon, kasama ang Metro Manila,
06:51ang apektado ng hanging amihan, habang shear line naman ang umiiral sa Southern Luzon at Visayas.
06:57Ngayong Lunes, naitala ng pag-asa ang 14.8 degrees Celsius na minimum temperature sa City of Pines, Baguio,
07:0516.3 degrees Celsius sa La Trinidad, Benguet, habang 23.9 degrees Celsius dito sa Quezon City.
07:16Nagwagi ng kanyang unang gintong medalya ngayong 2025, si Pinoy Paul Volter at Olimpian, EJ Obiana.
07:23Mula yan sa katatapos lang na torneo sa France nitong weekend.
07:26Nalampasan ni EJ ang taas na 5.70 meters sa isang attempt lang para manguna sa laban.
07:32Second place naman ang pambato ng The Netherlands, habang third ang USA.
07:37Congratulations EJ!
07:40Bawal po yan dito sir!
07:46Nasita ang konway niyan nang dumaan sa EDSA busway, isang van na may hindi otorizadong blinkers at wang-wang,
07:53at isang SUV na walang plate number sa likod.
07:57Pakilala ng driver ng van, security detail sila ni dating Sen. Manny Pacquiao.
08:02Sabi naman ng kasama niya, itatabi ang mga sasakyan para makipag-usap pero parehong tumakas.
08:08Bumalik kalauna ng van at tumanggap at tinanggap ang paninikit para sa disregarding traffic signs at illegal use of blinkers.
08:15Umamin ng security chief ni Pacquiao na driver nila ang nasita, nakasama ang ilang helper.
08:21Hindi raw alam ng dating Senador ang nangyari.
08:24Kinausap na raw ang mga tauhan para hindi na maulit.
08:28Bago pa yan, nasitaring dumaan sa EDSA busway noong biyernes,
08:32ang isang konway ng TNP Highway Patrol Group at isang SUV sakayang dalawang tagay U.S. Embassy.
08:38Balitang atin ni Niko Wahe.
08:45Dumaan ang konway na ito sa EDSA bus lane sa may bahagi ng Ortigas Northbound.
08:49May escort ng mga tagay Highway Patrol Group ang isang puting van at isa pang sasakyan.
08:55Nang makita mga tagay Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC, sinubukan itong lumabas sa bus lane.
09:02Pero pinara at pinatabi ng mga tagay SAIC.
09:05Sa incident report ng SAIC, HPG ang nagmamay-ari ng van at ng kasunod nitong sasakyan.
09:11Ayon umano sa enforcer, mataas ani ang opisyal ng HPG ang nasa loob nito.
09:16Minumura pa nga yung mga enforcer na parang sinasabi nga taga-traffic lang naman kayo eh.
09:23Sa isa pang video, maririnig ang isa pang tagay HPG nakausap ng enforcer at pinatitigil ang kanilang operasyon.
09:29Lahil pinuputakpigay sa social media, baka pwede natin pagpigyan muna na concert.
09:34Kasi yung nagre-request pa ni si CPNP naman.
09:36Kung pwede na...
09:38Hindi kasi, wala rin kasi akong contact sa office yun.
09:40Ngayon request ni si CPNP na kung pwede pagpigyan nalang muna.
09:45Habang natitigil, may isa pang sasakyan na dumating na pinapaalam ko sa market sa vehicle ng PNP.
09:55Basta may isa pang sasakyan na ang sabi sa mga enforcer ay utos ni PNP chief na ipatigil na ang operasyon ng SAIC.
10:05Sabi ng SAIC, walang kapangyarihan ng PNP na ipatigil ang kanilang operasyon.
10:09It has to be a written instruction from the DOTR secretary because the PASRE is a DOTR project.
10:16Tinikitan pa rin ang sangkot sa insidente na kinumpirman ng PNP ay taga HPG.
10:21Hinihingihan pa namin ang pahayag ng PNP at si PNP chief General Romel Marbil.
10:25Sa gitna ng paninigat sa mga taga HPG, saka nahuli rin ang isang SUV na lula ng dalawang dayuhan.
10:31Nanghingan ng lisensya ang driver, nagbigay ito ng diplomatic passport.
10:35At nangkunan ng litrato ng mga taga SAIC, nagalit ang nagpakilalang taga U.S. Embassy.
11:00Kasunod ng saguta, nagpatikit din ang American nationals.
11:04Hindi kasama ang mga diplomat sa pinapayagan sa EDSA busway.
11:07Batid ng U.S. Embassy ang nangyari.
11:09At iniutos sa staff na sundin ang mga batas sa Pilipinas kabilang ang mga traffic regulations.
11:14Ang Chinese Embassy sinabing nakatanggap na rin ang informasyon okul dito na kanilang ikinabahala.
11:19Wala rin daw basea ng naratibo ng Umanoy, pang ESPN ng China.
11:23Samantala, nice daw nilang makatanggap ng resulta ng investigasyon hinggil dito.
11:27Nikuwahe, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:33Ito ang GMA Regional TV News.
11:38Mainit na balita sa Luzon, hatid naman ang GMA Regional TV.
11:42Hulikam sa Olongapo City, isang motorcycle rider ang sumemplang sa highway sa barangay Old Cabalan.
11:49Chris, ano nangyari sa rider?
11:55Boni, nasawi ang rider matapos na masagasaan ng kasabi nitong trailer truck.
12:00Yan at iba pang mainit na balita hatid ni Glam Kaligtang Dizon ng GMA Regional TV.
12:08Binabaybay ng trailer truck na yan ang highway sa barangay Old Cabalan sa Olongapo City.
12:13Makikita rin sa bandang kaliwa ang isang motorcycle rider na halos kadikit na ng truck.
12:19Ilang saglit pa, biglang sumemplang ang rider at nasagasaan ng truck.
12:24Patay ang rider.
12:25Imbes na huminto, dumirecho sa pagmamaneho ang driver ng truck.
12:29Nagsasagawa na ng backtracking ang polisya para matukoy kung sino ang driver o may-ari ng truck.
12:35Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
12:41Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa magalang pampanga.
12:46Isa-isa ang inilabas ng polis na nagpanggap na buyer sa sling bag.
12:50Ang mga pakete ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 410 grams
12:55o katumbas ng mahigit 2.7 million pesos.
12:59Nasabat din sa 30 anyos na sospek ang 10,000 cash at cellphone.
13:03Wala siyang pahayag.
13:07Makalipas ang mahigit isang taon, natunto ng kinaroro ona ng mag-inang Chinese National
13:13na kabilang sasyam na biktimang dinukot ng mga armadong lalaki sa Muntinlupa noong October 30, 2023.
13:20Nadiskubri ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group
13:24ang kanilang mga labi sa garahin ng isang bahay sa isang subdivision sa General Trias Cavite nitong February 7, biernes.
13:32Ayon sa pulisya, posibleng hindi nakapagbigay ng ransom ang mga kaanak ng mga biktima,
13:38kaya pinatay sila.
13:40Wala pang pahayag ang kanilang mga kaanak.
13:42Patuloy ang investigasyon sa kaso.
13:45Glam Calik Dan Dizon ng GMA Regional TV,
13:48nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:54Patay naman ng isang lalaking senior citizen sa Marcos Ilocos Norte,
13:58matapos siyang pagsasaksakin ng sariling anak.
14:01Sa investigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama at nauwi ito sa pananaksak.
14:06Ayon sa kanilang kaanak, madalas mag-away ang mag-ama kapag nakainom ang sospek.
14:11Agad naaresto ang sospek at na-recover ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.
14:16Nagsisisi raw siya sa kanyang nagawa.
14:18Gayunpaman, desidido ang iba pang mga anak ng biktima na kasuhan ang kanilang kapatid.
14:29Happy Monday mga mare at pare!
14:31Mula sa pagiging auditionee 13 years ago,
14:34makakasama na as host sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab,
14:39si Gabby Garcia.
14:43Looking forward ako.
14:44Una sa lahat, makatapak sa bahay ni Kuya.
14:47I'm excited to see the confession room, to hear his voice.
14:50Our Kapuso It Girl back!
14:52Kakasama na rin ni Kuya sa pagkuwento ng totoong buhay.
14:56Trending si Gabby kasunod ng announcement at excited na rawang sparkle star
15:01na maging bahagi ng historic collab na magsisimula na this March.
15:06Makakasama ni Gabby ang kapamilya hosts na sina Robby Domingo at Bianca Gonzalez
15:11na may pawelcome greeting na sa Kapuso Star.
15:17Kapuso Star
15:2491 days bago ang eleksyon 2025, simula na nga po bukas ang campaign period.
15:30Ang Commission on Elections o COMELEC paiigtingin ang Committee on Kontrabigay
15:35o yung Pagsugpo sa Vote Buying at Selling.
15:38Balitang hatid ni Vaughn Aquino.
15:41Simula na ng campaign period para sa National Position sa Martes, February 11.
15:46Tatagal yan hanggang May 10.
15:48Sa panahong ito, opisyal ng kandidato ang mga aspirant at pwede ng mga mpanya.
15:53Sasabay riyan ang paghihigpit ng COMELEC sa kanila mga regulasyon
15:57sa paglalagay ng campaign materials.
15:59Meron kami mga operation baklas.
16:01Yung mga local COMELEC natin ay magcoconduct lagi ng mga pagtatanggal
16:04ng mga campaign materials upang masigurado na
16:08susunod sila sa size limitation.
16:11Doon lang sila pwede maglagay sa mga public places na inaalaw natin.
16:15Pero yung private properties hindi namin pwede galawin.
16:18Paiigtingin din ang COMELEC ang Pagsugpo sa Vote Buying at Selling.
16:22Pweding magsumbong sa Committee on Kontrabigay
16:25o magpasa ng litrato o video ng Vote Buying and Selling.
16:28Sabi ng COMELEC, pwede na nilang ipagpalagay na sangkot sa Vote Buying ang kandidato
16:33kapag siya mismo o mga tauhan niya nakitaan ng mga kahinahinalang kilos
16:38na maaaring may kinalaman sa pagwili at pagwibenta ng boto.
16:42Yung bahay ni mayor may mga mahabang-mahabang pila.
16:46Paglalabas may mga plastic na kung ano-ano goods.
16:49Ipi-presume namin si mayor engaged sa Vote Buying.
16:51We have to make presumptions. It's up to them to defend themselves.
16:55Maglalabas ng show-cost order ang COMELEC sa kandidato
16:59para pagpaliwanagin kung bakit hindi siya dapat ma-disqualify o makasuha ng election offense.
17:04Pati ang posibleng pagbili ng boto gamit ang e-wallet.
17:08Mahigpit din na imu-monitor ng COMELEC katuang ang mga e-wallet platform.
17:12Nakamonitor kasi kaya naman ng mga platform na imonitor yan.
17:15San ka naman nakakita dalawang araw bagong mag-election,
17:17nagpapadala ng mga tatlong daan, apat na daan, limang daan tao.
17:20Medyo doon pa lang, napaka-unusual yun.
17:23Sampung araw bagong eleksyon, ipagbabawal ang pamimigay ng ayuda.
17:27Sa COMELEC Resolution 11104, may tuturing na abuse of state resources
17:32kung ginawa ito ng opisyal na kasalukuyang nakaupo,
17:35kung may control siya sa government resources at kung meron siyang beneficyo mula rito at iba pa.
17:40Election offense ang magbigay at tumanggap ng bayad sa boto.
17:44Sino mang maaktuhan, pwedeng arestuhin ang walang warant.
17:48Kabilang ang mga yan sa mga tinalakay sa GMA Masterclass, Road to the 2025 Elections,
17:54isang election briefing na bahagi ng paghahanda ng GMA Integrated News para sa election 2025.
18:00Ang election watchdog na Legal Network for Truthful Elections o LENTE
18:04ibinahagi ang mga naobserbahan sa nakarang eleksyon at kung ano ang dapat bantayan sa Mayo.
18:10If you have more than two watchers per polling place, you are presumed to be committing vote-buying.
18:16Hindi pa po namin yan nakita implemented.
18:19And we hope to see that implemented in the May 2025 National and Local Elections
18:25because that's one way politicians and their candidates skirt over this election offensive vote-buying.
18:33Ang GMA Integrated News Research nagpresenta ng mga datos kaugnay sa mga nakarang eleksyon
18:38at sa darating na 2025 elections para bigyang konteksto ang election coverage.
18:44Mahalaga rin makita ang voter turnout dahil ang pagiging vote reach na isang probinsya o orihyon
18:49is only half the story and becomes an advantage if registered voters actually vote.
18:55Much is at stake this May and we will do our best with the help of our partners and friends
19:00to live up to our commitment to an honest and truthful election coverage
19:05with stories we write, with the content we produce for all Filipinos, for the Philippines.
19:12Dapat totoo.
19:13Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:18Eto na ang mabibilis na balita.
19:22Arestado sa bybus na operasyon ng isang lalaki dahil sa pagbebenta umuno ng iligal na droga sa kainta Rizal.
19:28Pumigit kumulang 30 gramo ng umunoy Shabu na nagkakahalaga ng mahigit 200,000 piso ang nasabat sa kanya.
19:36Batay sa embesigasyon sa taging nanggagaling ang supply ng droga.
19:39Aminad ang suspect sa krimen.
19:41Paliwanag niya, gipit siya kaya nagawa niyang magbenta ng iligal na droga.
19:46Maaharap ang suspect sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
19:52Arestado ang isang lalaki sa bybus matapos mahulihan ng iligal na droga at baril sa baranggay laon sa Abucay, Bataan.
19:59Nasabat sa kanya ang siyam na gramo ng Shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa 60,000 piso.
20:05Nakuha rin sa kanya ang isang baril at mga bala.
20:08Maaharap sa kaukulang reklamo ang suspect na walang pahayag.
20:22Isang linggo na mula nang i-deklara ang Food Security Emergency sa bigas
20:26pero wala pang inilalabas ng buffer stock ang National Food Authority.
20:30Sabi po ng NFA Administrator Larry Lacson sa panayam ng Super Radio DZBB,
20:36wala pa kasing LGU na nagre-request sa kanila ng bigas.
20:40Mahigit 700,000 asako ng milled rice daw ang pupwede nang i-release.
20:45Posibly rao na natatagalan ang mga LGU dahil may kanya-kanya silang pondo at proseso.
20:51Nakikipag-ugnayan rao ang NFA sa mga LGU at sa Food Terminal Incorporated
20:56para maibenta na ang mga buffer stock ng bigas sa hanggang 35 pesos kada kilo.
21:02Ayun naman kay Department of Agriculture Spokesperson Arnel Demesa,
21:06hindi lahat ng lugar ay mamabentahan ang NFA rice.
21:11Prioridad daw ang mga lugar na may hindi pangkaraniwang taas presyo sa bigas
21:15gaya sa Central Visayas at dito sa Metro Manila.
21:19Sa latest monitoring ng DA sa ilang pamilihan sa Metro Manila,
21:23hanggang 63 pesos ang kada kilo ng local rice.
21:26Depende po yan sa klase.
21:28Ang pinakabababang presyo ng lokal na bigas na 37 pesos,
21:32makikita lang sa Pasay Public Market.
21:35Sa imported naman, hanggang 60 pesos kada kilo ang pinakamahal na presyo ng bigas.
21:41Ang pinakamurang imported rice na 38 pesos kada kilo,
21:45mabibili lang sa Malabon Central Market.
21:57Tinarget ng lalaking yan ang pulang kotse sa Rojas Boulevard, southbound sa Manila.
22:02Mula sa bukas na bintana, mabilis niyang hinablot ang bag ng sakay nito.
22:06Nahuli ng polisya ang lalaking ng hablot na isa palang menor de edad.
22:11Nasa kustudiyan na siya ng DSWD.
22:14Itinuro naman niya ang isang kasamahan na sunod na inaresto ng polisya.
22:18Nakuha sa 24 na taong gulang na suspect ang baril na pang self-defense daw niya.
22:24Pero sabi niya, ikinagulat niya ang ginawang pagnanakaw ng kasamahan menor de edad.
22:29Nakaharap sa patong-patong na reklamo ang nakatatandang suspect.
22:33Naibalik na rin sa may-ari ang ninakaw na bag.
22:37Ito ang GMA Regional TV News.
22:42Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
22:47Sugata na isang habal-habal driver, matapos pagsasaksaki ng isang lalaki sa Cebu City.
22:52Sarah, paano nangyari iyon?
22:55Raffi, nag-away raw ang dalawa matapos lapitan ng suspect ang biktima
23:00at kunan ng litrato habang naghihintay ng pasahero.
23:04Yan at iba pang mainit na balita, hatid ni Alan Domingo ng GMA Regional TV.
23:11Sa video nag-kunan, na-uploader na si Arcilo Oswaldo,
23:14kita nakaandusan sa kalsada ang 33-anyos na habal-habal driver na si Alfredo Pariha.
23:20Dinaganan kasi siya at pinagsasaksak sa gitna ng kalsada sa banagay Kinasangan sa Cebu City.
23:26Batay sa paunang imbisigasyon, naghintay ng pasahero ang habal-habal driver
23:30nang lapitan siya ng lalaking suspect at kunan siya ng litrato sa cellphone.
23:35Nagalit ang biktima at humantong sa away at kalaunay pananaksak.
23:40Nagpapagaling sa ospital ang biktima ang nagtamu ng masugat satyan.
23:45Inaalam pa ng polisya ang pagkakakilanlahan ng suspect na agad tumakas.
23:52Abalang nag-aasig kaso ng mga customer ng isang kahera sa isang tindahan sa Kabakan, Kutabato.
23:58Maya-maya, bigla na lang, nag-alisan ang customers ng lapitan ng isang lalaking may bit-bit na baril ang cashier.
24:05Hinila ng lalaki ang kaha at kinuha ang pera.
24:08Sa isa pang video, makikita ang pag-alis ng suspect at kanyang kasama.
24:13Ayon sa nangangisiwa sa shop, halos P180,000 ang kabuang halaga ng natangay ng mga suspect.
24:21Kasama rin ang sampung cellphone units. Hindi raw nila regular customer ang mga suspect.
24:27Matagal pa sila sa labas. Tinimingan po talaga nila na wala yung nagamonitor ng CCTV namin at wala rin yung mga staff namin ng mga lalaki.
24:37Patuloy mano ang hot pursuit operation ng polisya sa mga suspect.
24:42Allan Domingo ng GMA Regional TV nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:49Hulikam ang pananalisi ng isang lalaki sa isang tindahan sa Iloilo City.
24:54Habang na sigasan ng cashier ang transaksyon, chempong kinuha ng lalaki ang cellphone sa ilalim ng counter.
25:00Sa tulong ng CCTV, nakilala at naaresto ang suspect makalipas ang ilang oras.
25:05Yun lang, hindi pa nare-recover ang ninakaw na cellphone na nagkakahalaga ng 8,000 piso.
25:11Wala pang desisyon ng pamunuan ng tindahan kung magsasampa sila ng reklamo.
25:16Pinuntahan ng GMA Regional TV ang sospek pero hindi dinatnan dahil isinama sa follow-up operation ng polisya.
25:26Iginiit ng isang nagbalangkas sa 1987 Constitution at ilang mababatas na dapat umusad na agad ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
25:36Sabi naman ni Senate President Cheese Escudero, masisimulan lang ang impeachment trial kung magpapatawag ng special session ang Pangulo.
25:45Balitang hatid ni Bev Gonzales.
25:50Kung si Pangulong Bongbong Marcos daw ang magpapatawag ng special session para mapagusapan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, wala raw magagawa ang Senado kung dito malima.
26:01Pero...
26:03"...Manggagaling ba sa amin ang kagustuhan yan o sa akin ang kagustuhan yan? Hindi nim pa. Dahil ulitin ko ayokon tra toing espesyal."
26:11Wala naman daw siyang natatanggap na tawag mula sa Pangulo o Kamara Kaognay Rito. Naon nang sinabi ni Escudero na hindi kailangan ng special session para masimula ng impeachment trial.
26:22"...Wala akong balak. Ano ba yung rason bakit kailangan? Dahil ba espesyal siya? Dahil ba minamadali natin? Dahil ba galit na galit yung ilang sektor at gustong mag-trial na agad?
26:31Papaniniwala ko dapat maging patas para hindi magdulot ng instabilidad at para hindi magdulot ng duda kaognay sa magiging pasya ng impeachment court pagdating ng panahon."
26:43Kaya tanong ni Escudero sa mga kongresista, bakit pinatagal nila ang proseso ng reklamong impeachment?
26:49"...May trabaho kaming kailangan at dapat gawin kaognay ng legislasyon na hindi kailangan inaabangan isang bagay na ulitin ko mahigit dalawang buwan nilang inupuan.
26:59Ang pangalawa para sa akin may mga kailangan panggawing hakbangin ng Senado bago pa kami makapag-trial."
27:08"...Wala kaming sinisisi, wala kaming sinasabing magsimula agad. Constitution lang naman ang nagsasabi noon at walang condition na nakalagay sa ating constitution kung kailan pwede magsimula. Ang nakalagay lang ay sa labing madaling panahon."
27:23Sabi ni Senate Minority Leader Coco Pimentel, kung may special session, mapapabilis ang impeachment proceedings pati ang pagpasa sa mga prioridad na batas ng administrasyon.
27:33Dapat daw may sense of urgency. Bagaman hindi daw ibig sabihin ay dapat aksyonan agad pagkatanggap ng impeachment complaint, hindi naaniya forthwith kung tatlo at kalahating buwan ang palalampasin.
28:04Noong impeachment ni nadating Chief Justice Renato Corona at Ombudsman Merceditas Gutierrez, inabot ng mahigit isang buwan bago nag-trial ang Senado.
28:13Ayon naman kay Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio, pwedeng magpatawag ng special session ng Pangulo para sa isang urgent bill at doon matalakay na rin ang impeachment.
28:24Siguro isang session day lang yun. Kahit na 20 days kaya na yun eh. So they can now convene as impeachment court dahil they are in session."
28:35Kahit mag-resign daw ang vice bago ang impeachment trial, sana raw ituloy pa rin ang paglilitis.
28:41If morally, mentally or psychologically unfit ang isang mataas na opisyal sa gobyerno ay dapat matuloy maprohebahan at makonvict siya ng perpetual disqualification from holding public office."
28:54Pero para kay Retired Associate Justice Adolfo Ascuna, na isa sa framers ng 1987 Constitution,
29:01"...The Constitution doesn't say that. Yung disqualification parang incidental na lang yan after removal. E kung walang removal, I don't think you can have disqualification."
29:13Posible ngang hindi rong matanggal sa puesto ang vice kahit hatulang guilty ng impeachment court.
29:18"...Removal from office and disqualification from holding any office under the Republic. Yun po ang maximum. Mahari pong kahit na i-convict nila na hindi nila impose yung maximum na yan, maharing pagalitan lang. Sinasabi na censure or reprimand."
29:40Ang malinaw raw, dapat umpisahan na ng 19th Congress ang impeachment trial bago matapos ang termino nila sa June 30.
30:10"...Yung one-third, hindi na kumple ito. Pinagbabawal ng saliging batas na magkaroon ng panibagong complaint within one year."
30:21Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
30:25Kaugnayin ng panibagong insidente ng de-autorizadong pagdaan sa EDSA busway at iba pang issue sa transportasyon.
30:31Kawusapin natin sa Executive Secretary to the Secretary of the Department of Transportation at SAIC spokesperson, Jonathan Esmundo.
30:38Maganda umaga at welcome po sa Balitang Hali.
30:41Yes, Balitang Hali Rocky.
30:44Marami na po nauhuling unauthorized vehicle na dumaraan sa EDSA busway. May hakbag na po ba kayo naiisip para mabawasan pa ito?
30:53Patuloy pa rin ang pagsapag ng mga tungkulin ng enforcers ng SAIC kahit high profile.
31:01Huling na huhuli namin from employado ng US Embassy, mga escort ng official ng PNP-HPG at escort ni former Sen. Manny Pacquiao,
31:16hindi kami titigil na tikitan kung ikaw ay hindi authorized gumamit ng busway.
31:24Ito naman para magpananitili namin efficient itong busway dahil gusto namin higayatin ng mga car owners na gamitin nalang ang bus o MRT para makabawas tayo sa traffic ng EDSA.
31:37Saan po kaya nagkukulang pagdating sa information dissemination?
31:40Kasi araw-araw kinokover din po namin ito, lumalabas lagi sa aming mga newscasts at kahit sa mga diyario.
31:46Saan po kaya nagkulang para malaman ng taong bayan na talagang bawal dumaan?
31:51Hindi lahat ay pwedeng dumaan sa EDSA busway?
31:54Kami ay naniniwala sa tulong ninyo, mga media ay nakakalat na namin kung sino lang pwedeng gumamit ng busway.
32:06Pero talaga lamang maraming mga pasaway.
32:09So ngayon may katungkulan ang nakikita namin ngayong pinipilit nila na sila i-exempted sa regyamento ng busway.
32:21Kaya itong mga huling-huling pinipilit nila na sila i-palagpasing, i-exempt sa batas ng busway na yan.
32:31Maganda po nabawasan ang mga sibilyan. Ang nadagdagan naman ang person in authority na alam dapat nila na bawal dumaan sa EDSA busway.
32:39Tama. Dahil kahit yan sinasabi nila, tawagan nyo si ganon, tawagan nyo si ganon.
32:46Nagnilane-drop sila. Ay hindi pa namin pinanulusot doon.
32:50Kahit pa magsabi sila may kakilala sila sa DOTR o PNP, ay hindi namin sila pinanulusot. Titikitan pa rin namin sila.
33:00Q1. Ano pang lay-tas sa mga kakitaasan ang multa sa mga pasaway na dadaan po sa EDSA busway?
33:05Ang basic na multa ito ang paggamit mo ng busway na P5,000 for first offense.
33:10Pero marami pang patong-patong na yan na maidadagdag kung kunyari yung paggamit ng blinker o kaya yung sa convoy ni Sen. Pacquiao ay walang plaka sa likuran ng sasakyan.
33:26So maraming pang ipatong doon.
33:29Q1. Sa inyo pang investigasyon, may lumabas na ba sa incident na may convoy ng PNP-HPG na dumaan sa EDSA busway at inadawid pa ang pangalan ng PNP chief Marville?
33:40Ngayong maga nagpalabas ng statement na ang tanggapan ni PNP chief Marville at sinabi nga hindi.
33:50Tinanggi niya pinatitigil niya ang operation ng saik at nalulungkot siya sa incident din yan.
33:58At hindi niya pinahihintulot na ganoon na magamit ang kanyang pangalan.
34:02Kaya ganoon pa man ay tinuloyan namin ang pag-issue ng ticket at kahit pinagbabantaan nga ang aming enforcers.
34:10Q1. Gano ba ka-efficient ngayon itong EDSA busway at gano ka-importante ito para sa mga motorista? At gano kaabala yung mga dumadaan na hindi otorosado sa EDSA busway?
34:22A1. Tulad ng nasabi ko, very efficient itong busway sa kasanayang ginagaya ito sa Cebu at Dabao.
34:31At ganoon din ang pamahalang ng kabite gusto nilang gumawa ng sarili ng busway.
34:36Yan ay hindi maduduplicate, hindi pwede magkasalungat ang MRT3 at busway.
34:47Mas maiksi ang MRT, mas mahaba ang busway. Kaya maraming itong natutulong ng mag-commute, mga commuters, na hindi gumamit ng private masasakyan ay mag-public transport na lang.
35:00Kaya sa palagay namin i-modernize pa namin, i-expand pa namin, pagagandahin pa namin ang operation ng busway hindi na ito ay alisin o kaya i-limit ang paggamit.
35:16Paano kayo naiisip para mabawasan ang mga hindi-autorizadong dumani at lalo pang mas maging efficient ang operation ng EDSA busway?
35:23Ang nakikita lang namin ngayon ay damihan namin ang mga operations ng saik sa iba't ibang estasyon, hindi lang sa isa, dalawang mga points ng busway para makahuli pa kami ng mga hindi-autorizado.
35:38Para ipakita kahit lumusot kayo sa iba ay iniisip niyong makakalusot kayo sa walang mga nag-ooperate sa isa't istasyon.
35:48So talagang enforcement ang inyong pagtutunan ng pansina. Sana po may videocamera lahat ng inyong enforcers para mailabas natin kung may mga pasaway.
35:56Tama po ginagamitin namin ng cellphone video lahat ng mga encounter at kami kasanukuyan naghahanap ng bibilihan noong body camera para mabigyan ng protection itong aming enforcers na sila ay sumusunod lamang sa dapat silang gawin.
36:56na sina Yasser Marta, Lian Valentin, Aras San Agustin, Vince Maristela, Jay Omana together with Arman Salon.
37:03Hindi syempre nagpahuli ang mga Bida at February Babies na sina Jillen Ward at Michael Seger.
37:10Nakipagkulitan naman sa games ang makakast, members na sina Zephanie, Shanti, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, May Anbasa, Olive May, John Clifford at Sean Visagas.
37:26Pagkud sa mga show nila, dagdag sa mga aabangan simula mamaya ang Kapuso series na Binibining Marikit.
37:33Balik GMA Afternoon Prime si Harleen Budol bilang si Ikit, isang dumagat remontado tour guide na mahuhulog ang loob sa isang afam na scammer pala.
37:44Paano kaya mababago niyan ang buhay ni Ikit?
37:48Mamaya na ang world premiere ng Binibining Marikit, 2.30pm sa GMA Network at Kapuso Stream.
37:55Pansamantalang nahirapang huminga, si Pope Francis sa gitna po ng isang Misa sa Vatican.
38:08Hindi na natuloy ni Pope Francis ang pagbabasa ng kanyang mensahe sa Misa para sa Armed Forces, Police at Security Personnel doon.
38:16Iniabot niya sa isang aide ang kopya ng talumpati para ipabasa.
38:20Talauna, naging maayos din po ang lagay ng Santo Papa at nakapagbasa ng Angelus Prayer para sa kapayapaan.
38:27No isang linggo nang i-annuncio ng Vatican na may bronchitis si Pope Francis pero tuloy pa rin ang kanyang mga aktividad.
38:38Naging mainit ang championship sa NCAA Season 100 Beach Volleyball Tournament sa Subic Bay Freeport Zone.
38:44Ang sports bites hatid ni Niko Wahe.
38:51Kasabal mong hiyawan ng crowd, napalohod na lang habang lumuluha ang letran Lady Knights 2-1 na si Gia Makilang at Lara Silva.
39:01Yan ay matapos makuha ang kampinato sa NCAA Season 100 Beach Volleyball Tournament Women's Division na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone.
39:10Tinalo nila sa championship game ang Lyceum Lady Pirates 2 sets 2-1.
39:16Historic ang panalong nito ng letran dahil naka-three-pitch sila o tatlong sunod-sunod na season silang kampiyon.
39:32Itinanghal ng most valuable player si Gia Makilang na siya rin MVP last season.
39:46Sa men's division naman, bagong kampiyon ang tinanghal.
39:52From rank 7 last season to champion this season 100.
39:56Ang EAC Generals na tinapos ang laban 2 sets 2-0 versus Binl Blazers.
40:03Parehong rookie pa ang kanilang manlalarong si na John Ruther Abor na tinanghal na MVP
40:08at Paul Jasinsay na siya namang rookie of the year sa men's division.
40:12So totoo lang po, super hirap po talaga.
40:15But as our coach said, wala naman po expectation sa amin eh.
40:19Since bago lang po kaming tandem, rookie po kami ngayon sa SANS.
40:23So ayun lang po yung pinahawakan namin na no expectation, just enjoy the game lang po every week.
40:27Ginawa lang po namin inspiration yung last season na nangyari po sa team namin.
40:32And ginawa po namin yun para po iangat po yung team namin.
40:37Sa juniors division, Arellano Braves ang nagwagi.
40:41Matapos talunin ng defending champion na EAC Brigadiers 2 sets to 1.
40:46Nakaulang set ang tandem ng magkapatid na si Aljan at James Atdian ng EAC.
40:51Bago na kadalawang sunod si na John Olsen Robles, John Lester Kalura tandem ng Arellano.
40:57Ang pinahawakan lang po talaga namin laban sa EAC is tapang, lakas ng loob, sigada, tiwala po sa sarili.
41:03Ginawaran din ng MVP honor si Robles.
41:06Alam naman po namin sa sarili namin na kayang-kaya namin. Nagtitiwala po kami sa isa't-isa.
41:10This season is really unpredictable. We have new champions sa juniors, sa seniors.
41:16And of course sa women's, very competitive almost. Ganda ng laban.
41:22The team's really prepared for this 100th season of the NCAA.
41:27Ang ilan sa mga naglaro dito sa Beach Volleyball ay maglalaro rin para sa NCAA Season 100 Indoor Volleyball
41:34na magsisimula na ngayong February 20 sa San Sebastian Gym.
41:38Nick Guaje, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
41:43Twelve counts ng falsification of legislative documents at paglabag.
41:47Sa Anti-Graft and Crab Practices Act ay sinapangreklamo kay House Speaker Martin Rumaldes
41:51at tatlo pang mambabata sa Office of the Ombudsman.
41:54Detail din tayo sa ulit. On the spot, Jonathan Andal.
41:58Jonathan?
42:00Yes, Raffy. May kaugnayan sa mga blanco sa 2025 National Budget Bicam Report.
42:05Ang inihaing reklamo sa ombudsman laban sa liderato ng kamara.
42:09Pinakakasuhan sa ombudsman, sina House Speaker Martin Rumaldes, Majority Leader Manix Galipe,
42:15dating House Appropriations Committee Chair Congressman Zaldico,
42:18at ngayong Acting Chair Congresswoman Stella Quimbo,
42:21pati na ang ilang staff o technical working group na di umano nagpunan ng mga blanco sa Bicam Report.
42:30Ang mga tumayong complainant sa reklamo,
42:32sina Congressman Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte, Atty. Jimmy Bondoc,
42:37pati sina Diego Magpantay at Atty. Ferdinando Pascho ng grupong Citizens' Crime Watch
42:42at si retired Brigadier General Virgilio Garcia.
42:45Ang isinampang reklamo, pagrabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act
42:49at 12 counts of falsification of legislative documents
42:53para ito sa labing dalawang blanco sa 2025 Budget Bicam Report na nilagyan di umano ng halaga.
43:00Bago firmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang 2025 GAA,
43:04P241B daw ang kabuang halaga ng mga blanco na nilagyan ng amount.
43:11Rafi, sinusubukan pa nating makuha ang panig ng mga inerereklamo. Rafi?
43:16Maraming salamat, Jonathan Andal.
43:42Sinubukan pang i-revive bago nadalas ospital ang lalaki pero i-diniklarang dead on arrival.
43:48Ayon sa pamilya ng lalaki, matagal nang hindi umuuwi sa kanila ang bitima.
43:52Nananawagan sila ng tulong sa Iloilo City LGU para maipalibing ang lalaki.
43:58Tinitiyak naman ang Iloilo City Engineer's Office na maayos ang pagkakakabit ng mga wire ng street light.
44:05Nasunog ang isang resort sa barangay Saud sa pagod po sa Ilocos Norte.
44:10Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang ilang kwarto roon.
44:16Kabilang sa mga natupok ng apoy, ang gamit ng 14 na guests na naka-check-in sa resort.
44:21Mabuti na lamang daw at nasa dagat sila na mangyari ang insidente.
44:25Ayon sa BFP, aabot sa maigit sa 900,000 pesos ang pinsalan ng sunog.
44:30Inaalam pa ang sanhinang apoy. Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
44:40Pilipina ang bagong reina Hispano-Amerikana. Yan ang pambato nating si Dia Mate mula sa Cavite.
44:47Kinuranahan si Dia sa pageant night sa Bolivian itong Sunday oras doon.
44:52Noong isang linggo nang magwaging Best in National Costume si Dia,
44:57matapos irampa ang modern Filipiniana na inspired sa mga simbahan dito sa bansa.
45:02Si Dia ang ikalawang Pilipina na nag-uwi ng title.
45:052017 nang magwagi si Sparkle star Win-Win Marquez sa nasabing pageant.
45:10Congratulations, Dia!
45:13Nag-rally ang Eco Waste Coalition sa harap ng Komisyon ng Eleksyon sa Maynila.
45:17Yan po ay para isulong at ipanawagan ng paggamit ng eco-friendly na campaign materials.
45:22Isang araw bago ang simula ng kampanya para sa national positions ngayong Eleksyon 2025.
45:27Mag-rally ang Eco Waste Coalition sa harap ng Komisyon ng Eleksyon sa Maynila.
45:31Yan po ay para isulong at ipanawagan ng paggamit ng eco-friendly na campaign materials.
45:36Isang araw bago ang simula ng kampanya para sa national positions ngayong Eleksyon 2025.
45:42Kabilang sa mga mungkahi ng grupo, ang paghikaya at sa mga dadalaw ng campaign rally
45:47na magbao ng kanikanilang mga kubyertos at lagyan ng tubig,
45:51imbis na gumamit ng mga plastik.
45:53Bukas na nga madaling araw, magsasagawa po ng oplan baklas ang COMELEC sa pagsisimula ng campaign period.
46:00Sisiguraduhin dyan na dapat nasa common poster area lamang
46:04at dapat nasa tama sa sukat ng mga campaign materials.
46:08Panawagan po ng COMELEC sa publiko, isumbong sa local COMELEC office ang mga lumalabag.
46:14Tungkol naman po sa mga kandidatong magwi-withdraw ng kanilang kandidatura,
46:18ayon sa COMELEC, ongoing na ang pag-iimprenta ng balota kaya mananatili sa balota ang pangalan nila.
46:25Hindi na lamang bibilangin ang mga boto nila.
46:32Buenaman ang good vibes ngayong linggo.
46:34Quel ang eksena ng isang bata at furbaby from Laguna.
46:38Tapatan na in 3, 2, 1.
46:42Sukatan ang cuteness ang batang si Mikey at pusang si Ash.
46:45May pagturo ang 2-year-old boy pero chill lang ang pusa.
46:49Eh, literal na breathtaking pala ang gwepo ng alagang pusa.
46:53Isang hinga lang ni Ash at ras agad ang bata sabay sabing,
46:56Baho!
46:57Be good at wag judgmental sa amoy dahil katatapos lang daw kumain ni Ash ng catfood noon.
47:03Benta sa netizens ang reaction ni Mikey with 3 million views.
47:07Trending!
47:09Galit tuloy si pusa.
47:10Ito po ang Balitang Hali. Bahagi kami ng mas malaking mission.
47:15Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampe, para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:19Mula sa GMI Integrated News, ang news authority ng Filipino.

Recommended