- Guwardiyang nagwala, sugatan nang manlaban habang inaaresto sa Cebu City
- SUV na nakabangga ng ibang sasakyan, paatras na humarurot
- Construction crane, bumagsak sa mga kawad; 3 barangay, nawalan ng kuryente
- Rider na nakainom umano, patay matapos tumama sa barrier
- 20 Pilipinong tripulante, iniimbestigahan kung may kinalaman sa nakuhang cocaine sa kanilang barko habang nasa South Korea
- Ashfall at grass fire, idinulot ng explosive eruption ng Bulkang Kanlaon na nasa alert level 3 pa rin
- Senatorial candidates, patuloy sa paglatag ng kanilang mga plataporma at adbokasiya
- Manuel Masalva, nagka-bacterial infection; Caitlyn Stave, nahulog mula sa kabayo; Madonna x Elton John
- 'Di bababa sa 18, patay sa pagbagsak ng kisame ng isang nightclub
- Mga bagong visa processing center ng Japanese Embassy, dagdag sa pagpapadali ng visa application sa Japan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- SUV na nakabangga ng ibang sasakyan, paatras na humarurot
- Construction crane, bumagsak sa mga kawad; 3 barangay, nawalan ng kuryente
- Rider na nakainom umano, patay matapos tumama sa barrier
- 20 Pilipinong tripulante, iniimbestigahan kung may kinalaman sa nakuhang cocaine sa kanilang barko habang nasa South Korea
- Ashfall at grass fire, idinulot ng explosive eruption ng Bulkang Kanlaon na nasa alert level 3 pa rin
- Senatorial candidates, patuloy sa paglatag ng kanilang mga plataporma at adbokasiya
- Manuel Masalva, nagka-bacterial infection; Caitlyn Stave, nahulog mula sa kabayo; Madonna x Elton John
- 'Di bababa sa 18, patay sa pagbagsak ng kisame ng isang nightclub
- Mga bagong visa processing center ng Japanese Embassy, dagdag sa pagpapadali ng visa application sa Japan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06Naghabulan sa Osmeña Boulevard sa Cebu City
00:18ang ilang polis at SWAT team
00:20na corny nilang lalaking security guard
00:22at nang ambang mananaksak ang guard
00:25binalit siya sa bintit
00:26Ayon sa polisya, nagwala ang lalaki sa pinagtatrabahuan
00:30Kinatakin daw nito palabas ang kasamahang babae
00:33Sinusubukan mong makuha ang panig ng sospek
00:36na naka-hospital arrest at maharap sa patong-patong na reklamo
00:40Bago ngayong gabi, tukoy ng isang retired U.S. Navy personnel
00:45ang driver ng SUV na nag-viral ang pag-atras sa Quezon City
00:50Nakabangga ito, nakapinsala pa ng gasolinahan
00:53May report si Rafi Tima
00:56Parang drifting o stunt driving sa pelikula
00:59Ang ginawa ng SUV na ito
01:02Patras ang harurot at sa gasolinahan nagpaikot-ikot
01:05Viral ang video na yan sa North Fairview sa Quezon City
01:08Pero bago yan
01:10Sa di kalayuan, kitang nakahinto ang SUV
01:13Kausap ng polis ang driver dahil binangga pala nito
01:16ang nakahintong van sa unahan
01:17Maraming tao naglabasan at sinasabi na binabangga na daw po yung sasakyan namin
01:21Tapos tinignan ko sa likod, ay oo nga, binabangga na tayo
01:25Ang driver ng van, kinatok mula ang SUV driver bago tumawag ng polis
01:29Tinapi ko yung tagiliran niya
01:31Tapos sabay silip ko, siya lang mag-isa at nakaganon siya sa manubila
01:35Eh nung ano sabi ko, pag ikot ko doon sa kabila
01:39Sinabihan ko si sir, sir katukin ko na lang
01:41Sabi naman ni sir, huwag mo nang katukin baka may baril daw
01:44Dalawampung minuto silang naghintay, pero hindi lumabas ang SUV driver
01:48Pero bahagya raw umatras ang SUV nang dumating na ang mga otoridad
01:51Doon na neto muling binangga ang van hanggang matuling umatras
01:57Nakausap naman daw nilang SUV driver na humupan na ang sitwasyon
02:01Pero tila, wala itong ideya sa nangyari
02:03Eh sabi ko, sir ano po ba ang nararamdaman niyo?
02:06Sir, alam niyo ba ba yung nangyari?
02:08Hindi ko alam eh
02:09Ang alam ko lang may tumama na sa akin dito, masakit nga eh
02:12Wala namang nasaktan
02:13Ang driver, ayon sa Quezon City Police
02:16Ay lalaking 68 years old na retired na US Navy
02:18Sinusubukan pa namin kunan siya ng pahayag
02:21Sasampahan daw siya ng reklamang reckless imprudence
02:23Resulting in damage to property
02:25Dahil nabanggan nito ang tatlong sasakyan
02:27At nasira rin ang protective bar ng gaso dinahan
02:30Kuha naman ito sa rantapan mukid noon
02:33Nag-warning siya at ang mga polis
02:36Nang aktong aatras ang sinitang itim na SUV
02:39Ilang saglit lang, nailabas ang SUV driver at pinadapa
02:42Ayon sa mga polis, ilang oras na nilang hinahabol ang suspect
02:46Dahil nakahit ang run ng 6 ng sasakyan sa Valencia City
02:48Naabutan siya ng mabarilang kanyang gulong
02:52Nakuha sa loob ng SUV ang nasa mahigit 34,000 pesos na halaga
02:56Nang hinihinalang shabu, drug paraphernalia at mga bala ng kalibre 40
03:01Accordingly sa suspect, sir
03:03Tapag utusan lang siya ng may-ari sa fortunes
03:05Siya na i-drop ng mga items
03:07So, ito nga, sir
03:09Na-involve niya sa traffic accident
03:11Not knowingly na may dala pala siyang drug items
03:13Mahaharap siya sa patong-patong na reklamo
03:16Iimbisigahan din ang may-ari ng sasakyan
03:18Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News
03:22Bumagsak at sumabit sa mga kawad na mga kuryente
03:26Ang crane sa isang construction site sa Paco, Maynila
03:29Hanggang ngayon, hindi pa rin naalis ang crane sa lugar
03:32Wala pa rin kuryente sa tatlong barangay ngayong gabi
03:35Laking perwisyo ito sa mga residente
03:37Lalo't sumabay pa ang rotational water interruption
03:41Puspusan ang pagkukumpuni ng mga taga-meralco
03:48Patay matapos masagasaan ang isang babaeng tumatawid sa EDSA busway
03:52Dalawang rider naman ang nasa wisang magkahiwalay na aksidente sa norte
03:55Yan ang mga spot report ni Marisol Abduraman
03:58Sugatan at walang malay ang isang rider na matagpuan sa taniman ng Kalamansi sa San Fabian, Pangasinan
04:06Ayon sa pulis siya, tumilapon ang biktima matapos tumama sa barrier sa pakurbang bahagi ng kalsada
04:12Namatay sa ospital ang biktima dahil sa severe head injury
04:16Nakainumumano ang rider na pauwi na sana
04:19Patay rin ang isang nagmumotorsiklo sa Solsona, Ilocos, Norte
04:24Matapos bumangga sa puno ng nara
04:27Sa lakas ng impact, tumilapon siya at tumandusay sa kalsada
04:31Dead on arrival ang 16-anyos na babaeng rider
04:34Sa Quezon City, tinakpan ng karton ang babaeng ito na nasagasaan ang bus sa bahagi ng ELSA busway sa Cubao
04:44Nakita niyo po nula siyang patawid
04:46Opo, dala niya yung kalakal niya, tumawid po siya
04:49Tapos po biglang may kumalabog
04:50Nung pagkalabog, napatingin ako sa bus, suminto po yung bus
04:55Iniwasan na niya yung mga sasakyan dyan, para tumakbo siya
04:58Tapos patumakbo siya, yun din ang dating ng bus, hindi na makontrol kasi bigla siyang sumulpot
05:02Ang nakabanggang bus may basag sa windshield
05:05Gayet ng driver, hindi mabilis ang kanyang takbo
05:08Hindi niya siya napansin sa malayo?
05:11Hindi na po, ano po ma'am, medyo traffic po po dyan
05:14Natakpan siya sa mga sasakyan dyan, bigla siyang tumawid
05:18Napansin ko na, ma'am, nasa harapan ko na ma'am
05:23Ayon sa nakuha naming informasyon, ma'am, galing sa bus driver
05:27Ang kanya pong takbo ay 30 kilometers per hour
05:32Pero aming pa pong aalamin sa CCTV po namin na makukuha, ma'am
05:37Ayon po sa kanyang salaysay, ma'am, ay yung babae daw po ay bigla pong sumulpot
05:42Nakakulong ng driver ng bus na humingi ng pasensya
05:46Nagsasampahan pa rin po ng kaso na reckless imprudence resulting in homicide po
05:52Mahigit isang oras nang hindi madaanan ang busway na ito sa bahagi ito ng Kubaw
05:57Kaya naman ang mga bus sa regular lane na dumadaan
05:59Kaya kapansin-pansin ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan dito sa EDSA
06:04Bawal na bawal po talaga tumawid po dito
06:06Kasi po bawal po ito, delikado po talaga ito
06:08Bawal po talaga, marami po tumatawid
06:11Kila besa po sinabihan namin, ayaw po rin talaga
06:13Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News
06:18Iniimbisagahan kung may kinalaman ng 20 Pilipinong tripulante
06:23sa nakuhang hinihinalang cocaine sa kanilang barko habang nasa South Korea
06:28Hindi sila inaresto pero di pinababa ng barko
06:31Per report, JP Soriano
06:35Wala kapitan, hanggang sa ibang staff
06:38Kinumpirma ng Department of Migrant Workers
06:40na 20 Pilipino sa kabuan ang tauhan ng MV Lunita
06:45Ito ang cargo vessel na dahil sa tip ng US authorities
06:48ay nahulihan ng mga otoridad sa South Korea
06:51ng dalawang toneladang umano'y cocaine
06:54Nasa loob pa sila ng barko ayon sa DFA
06:56at inaalam kung may kinalaman sila sa mga droga
07:00Sabi ng JJ Oglant Companies
07:19ang kumpanya sa Norway na may ari ng MV Lunita
07:22tinutulungan na ng kanilang abogado ang mga tripulanting Pilipino
07:25Hinihintay rao nila ang resulta ng investigasyon at aaksyon batay rito
07:30Sineseryoso rao nila ang isyong ito
07:33at hindi nila kinukunsinte ang anumang iligal na gawain
07:37Hinihintay pa namin ang tugon ng manning agency sa Pilipinas
07:41na mga Pilipinong tripulante
07:42Sabi ng BMW, nakausap na rao nila ang mga ito
07:46May nakuha namang abogado ang Department of Foreign Affairs
07:50para sa tatlong Pilipinong inaresto sa China
07:52dahil hinihinalang espya
07:55Dati silang eskolar ng Hainan Government Scholarship Program
07:59na naghanap ng trabaho sa China
08:01nang matapos ang pag-aaral
08:03We're strongly requesting the Chinese authorities
08:06for this lawyer at least to allow to see them
08:09in their detention in Hainan
08:11But for that, kailangan din ng approval ng provincial governor
08:14Muling giit ng DFA, hindi espya ang tatlo
08:18taliwas sa iniulat ng Chinese media
08:20Sabi naman ng AFP, wala silang natanggap na opisyal na report
08:24tungkol sa pag-aresto sa mga Pinoy sa China
08:27Naunda nang sinabi ng National Security Council
08:30na tila scripted ang pag-amin ng tatlo
08:32Sabi naman, ang Foreign Ministry ng China
08:35may detalyadong impormasyon ng Chinese authorities
08:38tungkol saan nila'y mga espiyang Pinoy sa China
08:41Naayon daw sa facts at sa batas ang paghawak nila sa kaso
08:45at poprotektahan ang karapatan at interes na mga arestado
08:49Tiniyak naman ng ating embahada sa Beijing
08:53na ginagawa nito ang lahat para maprotektahan
08:55ang karapatan at kapakanan ng mga Pinoy
08:58JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News
09:03Ashfall at grass fire
09:06Yan ang idinulot ng explosive eruption
09:08ng bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong umaga
09:11Halos isang oras tumagal ang pag-aalboroto ng bulkan
09:14Ang inilabas nitong mainit at nagmabagang mga bato
09:18nagpasiklab ng grass fire sa paligid ng bulkan
09:21Halos walang maaninag sa mga kalsada ng kalapit na mga bayan
09:25dahil sa abong bumalot sa mga bahay at sasakyan
09:28Natakot naman ang mga residente sa epekto ng naamoy na asupre
09:32Nasa evacuation centers ang ilang residente
09:35Nag-issue ng notice to airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines
09:39Ang ibig sabihin, pinaiiwas sa bulkan ang mga flight
09:43Nasa alert level 3 pa rin ang Kanlaon
09:4634 na araw bago ang eleksyon 2025
09:57patuloy sa pagsuyo sa mga butante
10:00ang mga kumakandidato sa pagkasenador
10:02Ang kanilang mga aktibidad at plataforma sa report ni Mark Salazar
10:06Ayuda para sa agricultural workers na apektado ng climate change
10:13ang isusulong ni Bam Aquino
10:15Nakipagpulong si Senator Pia Cayetano sa local leaders
10:18at iba't ibang sektor sa Valenzuela
10:20Social justice ang isa sa binigyang diin ni Alan Capuyan sa Dumaguete
10:25Regularisasyon ng barangay health workers
10:28ang isinulong ni David D'Angelo
10:30Nasa senatorial forum din si Nakalyode de Guzman, Teddy Casino, Arnel Escobal at Ernesto Arellano
10:37Children with special needs ang binisita ni Angelo de Alban sa Pampanga
10:42Pagkakaroon ng Super Health Center sa buong bansa ang isinusulong ni Senator Bongo
10:47Inilatag ni Ping Lakson ang kanyang advokasya kontra korupsyon sa pagtitipo ng isang business group
10:53Bumisita naman sa Butuan City si Congressman Rodante Marcoleta
10:57Binigyang diin ni Senator Aimee Marcos ang pamamahagi ng mga track at kagamitan sa mga magsasaka
11:03Libreng pabahay sa mga mahihirap ang ibinida ni Manny Pacquiao
11:08Ibinida ni Kiko Pangilinan ang mga naipasang batas para sa sektor ng agrikultura
11:14Iginiit ni Ariel Quirobin ang importansya ng mabuting pamamahala para labanan ng insurgency
11:19Mahalagang papel ng LGU ang iginiit ni Sen. Francis Tolentino
11:24Dagdag proteksyon sa mga OFW ang ipinangako ni Congresswoman Camille Villar
11:30Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025
11:36Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News
11:41Narcos Mexico actor Manuel Masalva isinailalim sa medically induced coma
11:51Dahil sa bacterial infection na nakuha raw matapos magbakasyon sa Pilipinas noong Pebrero
11:57Ayon sa kanyang manager, nang makarating si Masalva sa Dubai noong March 18
12:02Hindi na maganda ang pakiramdam niya
12:04Sumailalim siya sa emergency surgery noong March 26
12:08At ngayoy stable na ang lagay
12:11Mga batang realist star Caitlin Stave
12:15Nahulog mula sa kabayo
12:17Habang nasa kaamulan horse show and competition
12:20Sa Malay-balay City Bukidnon
12:22First time daw niyang mahulog at mabalian ng buto
12:25Sa loob ng pitong taong pagsakay ng kabayo
12:28Sa kabila nito, feeling positive pa rin siya
12:31At looking forward sa susunod na kompetisyon
12:34Madonna at Elton John, bati na
12:39Kwento ng Queen of Pop
12:40Kinumprontan niya ang British singer-songwriter sa backstage
12:44Ng isang show nitong weekend
12:45Pero ang una raw nitong sinabi sa kanya ay
12:48Forgive me
12:49Doon na raw bumagsak ang tila pader sa pagitan nila
12:53Nagpasalamat naman si Elton John sa pagkapatawad ni Madonna
12:57Sa ulat ng People Magazine
12:59Nagsimula ang tensyon sa dalawa noong 2002
13:03Nang sabihin ni Elton John in public
13:05Na hindi niya gusto ang kanta ni Madonna
13:08Para sa isang James Bond film
13:10Inakusahan din niya si Madonna ng lip-syncing
13:13Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News
13:18Nahulog ang chandelier sa nightclub na yan
13:26Sa gitna ng isang concert sa Dominican Republic
13:29Sa isa pang video, tinukuha na na ng isang dumalo
13:32Ang kisame habang unti-unting umaalis sa mga concertgoer
13:36Ilang sandali lang, bumigay na ang kisame
13:39Di bababa sa labing walo ang kumpirmadong nasawit
13:43Batay sa paunang ulat, patuloy na hinahanap ang singer
13:46Naipit naman sa debris ang kanyang anak na babae
13:49Habang dead on the spot ang saxophonist
13:52Mahigit isang daan ang sugatan
13:54Patuloy ang search and rescue operation
13:56Destination Japan ang halos isang milyong turistang Pinoy last year
14:07At kung pangarap mo rin pumunta o kaya'y bumalik sa Land of the Rising Sun
14:11Dagdag na susi sa paggamit ng Japan Visa
14:14Ang mga bagong bukas na pasilidad ng Japanese Embassy
14:17Gina sa Japan kasama si Katrina Son
14:19Pag sinabing travel goals, isa sa mga top of mind na destination ang Japan
14:27Mula Tokyo, pati sa mga makasaysayang lugar sa Hiroshima at Pukoka
14:32Hanggang sa Hokkaido na puntahan tuwing winter
14:36All year round ang funds sa Land of the Rising Sun
14:39Itong 2024, mahigit 800,000 ang mga turistang Pinoy sa Japan
14:45Noong December, may pinakamaraming bumisita
14:48Mahigit 108,000
14:50Si Lane, tatlong buwang bumisita sa mga kamag-anak sa Pukoka last year
14:55Talagang na-fall in love siya sa Japan
14:58Kaya ngayong taon, muli siyang nag-apply ng tourist visa
15:01Gusto po ma-explore pa yung mga ibang lugar doon na hindi ko po napunta na
15:06Si Jessamy naman, next month planong magbakasyon sa Japan
15:11Makapunta po sa mga lugar na gusto ko like pupunta po ako sa Disneyland
15:16Or makaano rin po sa Cherry Blonde
15:19So makita ko rin po yung pag-bloom
15:22Ilan sila sa naunang nag-apply ng Japanese visa
15:25Sa isa sa limang branch ng Japan Visa Application Center
15:29Na binuksan itong April 7 ng Japanese Embassy
15:32Layon daw nitong mabigyan ng mas malali at mas magandang servisyo
15:37Ang mga Pinoy na nag-apply ng Japanese visa
15:40Maganda yung mga nila, parang places po na pwedeng pasyalan
15:44Kaya madabi pong taong nangangarap na pumunta doon
15:48Gusto ko siya kasi mataas yung sahod sa Japan
15:51Kaya tapos makaganda rin yung tanawin, yung lugar
15:54Katrina Zorn, nagbabalita para sa GMA Integrated News
15:59Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon
16:04At para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
16:07Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News
16:10Ang News Authority ng Pilipino
16:12Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman
16:16Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
16:21Musik