Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Iginiit ni Pasig Congressional candidate Christian Sia ang kanyang freedom of speech sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa solo parents matapos siyang pagpaliwanagin ng COMELEC. Samantala, sinulatan naman ng komisyon ang tumatakbong konsehal sa maynila na si Mocha Uson dahil sa anila'y "sexually suggestive elements" ng kanyang campaign jingle.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ni Pasig Congressional Candidate Christian Sia ang kanyang freedom of speech
00:04sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa solo parents
00:08matapos siyang pagpaliwanagin ng COMELEC.
00:11Samantala, sinulatan naman ang komisyon ang tumatakbong konsihala sa Maynila na si Mocha Uson
00:15dahil saan nila'y sexually suggestive elements ng kanyang campaign jingle.
00:21Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:30Hindi pasok sa panlasan ng Commission on Elections ang campaign jingle na ito
00:36ng vlogger na si Mocha Uson, kandidato sa pagkakonsihal sa Maynila.
00:41Sinulatan si Uson ang COMELEC Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections
00:47at tinukoy ang mga sexually suggestive elements nito.
00:51Maring maging dahilan daw ito para hindi mapag-usapan ng seryoso ang polisiya,
00:55pamamahala at kinabukasan ng mga komunidad.
00:58Ang mga salitang may double meaning ay ginagamit daw sa kampanya
01:01pero sana raw ay hindi ito maging dahilan para mawala ang atensyon sa plataporma
01:07at maiwasan ang pagkakaiba ng katanggap-tanggap na pananalita at kabastusan.
01:12Sabi ng COMELEC, makabubuting ihinto na ni Uson ang paggamit ng natural jingle.
01:17Itigil na lang po muna yung pagpapalabas niyan.
01:19Kung nagkagastos po dyan, e ganun po talaga yung consequence niyan.
01:23Kasi sana po naman ay napag-isipan muna natin bago natin inilabas o bago natin ginamit yung isa pong materyales
01:30na maaari pong maka-offend sa sensitivities and sensibilities ng mga tao lalo na pong mga kababaihan.
01:36Sulat lang ang pinadala ng COMELEC kay Uson pero posible raw ito maging show cause order depende sa gagawing hakbang nito.
01:43May panawagan din ang COMELEC sa iba pang kandidato na maaaring nasa kaparehong sitwasyon.
01:47Ang totoo, magdi-disqualify pa talaga ang COMELEC, e di abangan nyo na lang po sa mga susunod na araw kung anong gagawin ng komisyon.
01:55Agad namang sumulat si Uson sa COMELEC para iparating na inutusan na niya ang kanyang campaign team na itigil ang paggamit ng jingle.
02:03Nire-review na raw nila ang lahat ng kanilang content para matiyak na pasok ito sa standard of decency at akma sa public discourse and electoral engagement.
02:12Kaugnay naman kay Atty. Christian Sia, congressional candidate sa Pasig City na inisyohan ang show cause order ng COMELEC dahil sa komentong ito,
02:22Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, pwede sumipin mo sa akin.
02:30Inilabas ng COMELEC ang paliwanag ng kandidato.
02:33Dito ay giniit niyang hindi umano nakadiscriminate o nakaharas ng babaeng solo parents ang payag niya.
02:39Dagdag niya, hindi nawalan ang solo parents ng fundamental human rights at freedom nila.
02:45Maari raw magaspang ang dating ng pagsasalita niya pero bahagi raw ito ng kanyang freedom of speech o kalayaang magpahayag.
02:54Pag-aaralan daw ng COMELEC ang paliwanag ni Sia.
02:57Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
03:09Sia.

Recommended