Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, April 13, 2025:
-Sunog sa industrial area sa Dasmariñas, Cavite, inabot ng mahigit 10 oras bago naapula
-2 patay, 16 sugatan sa pagtaob ng jeepney sa Commonwealth Ave.
-100 pamilya sa Brgy. Obrero, Quezon City, nasunugan
-Iba't ibang simbahan, dinagsa ng mga katoliko ngayong Linggo ng Palaspas
-Ilang biyaheng probinsya sa PITX at ibang bus station, fully-booked na
-Baguio City, dinarayo na ng mga turista at bakasyunista lalo ngayong Semana Santa
-Ilegal na karera ng mga tricycle at motorsiklo sa Cogeo, iniimbestigahan ng Antipolo Police
-Siklista, dinukutan ng cellphone ng isang rider sa Sumulong Highway
-"Asia's Queen of Songs" Pilita Corrales, pumanaw na sa edad na 87
-87-anyos na lalaki, nasawi sa nasunog na bahay sa Mandaluyong
-Mga pasahero sa Batangas Port, patuloy ang pagdagsa
-Mga biyahero, patuloy ang pagdating sa Manila North Port
-Tent ng isang eskuwelahan, bumigay sa gitna ng graduation rehearsal
-Padre Pio Mountain of Healing sa San Jose Del Monte, Bulacan, dinarayo ng ilang debotong may mga hiling
-Benilde-LSGH Greenies, wagi kontra Perpetual Junior Altas, 95-91
-Abot-tuhod na baha, bumalot sa National Highway sa Maguindanao Del Sur
-Kapatid na nagpapatay umano sa negosyanteng si Dominic Sytin, nasa bansa na matapos mahuli sa Malaysia
-7 pulis na POI sa pamamaril kay Kerwin Espinosa, 'di puwedeng ma-inquest dahil walang direktang ebidensya, ayon sa Leyte PPO
-Mga senatorial candidate, pangangampanya at paglalatag ng plataporma at adbokasiya
-Cast ng "Samahan ng mga Makasalanan", nag-ikot sa mga sinehan
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Sunog sa industrial area sa Dasmariñas, Cavite, inabot ng mahigit 10 oras bago naapula
-2 patay, 16 sugatan sa pagtaob ng jeepney sa Commonwealth Ave.
-100 pamilya sa Brgy. Obrero, Quezon City, nasunugan
-Iba't ibang simbahan, dinagsa ng mga katoliko ngayong Linggo ng Palaspas
-Ilang biyaheng probinsya sa PITX at ibang bus station, fully-booked na
-Baguio City, dinarayo na ng mga turista at bakasyunista lalo ngayong Semana Santa
-Ilegal na karera ng mga tricycle at motorsiklo sa Cogeo, iniimbestigahan ng Antipolo Police
-Siklista, dinukutan ng cellphone ng isang rider sa Sumulong Highway
-"Asia's Queen of Songs" Pilita Corrales, pumanaw na sa edad na 87
-87-anyos na lalaki, nasawi sa nasunog na bahay sa Mandaluyong
-Mga pasahero sa Batangas Port, patuloy ang pagdagsa
-Mga biyahero, patuloy ang pagdating sa Manila North Port
-Tent ng isang eskuwelahan, bumigay sa gitna ng graduation rehearsal
-Padre Pio Mountain of Healing sa San Jose Del Monte, Bulacan, dinarayo ng ilang debotong may mga hiling
-Benilde-LSGH Greenies, wagi kontra Perpetual Junior Altas, 95-91
-Abot-tuhod na baha, bumalot sa National Highway sa Maguindanao Del Sur
-Kapatid na nagpapatay umano sa negosyanteng si Dominic Sytin, nasa bansa na matapos mahuli sa Malaysia
-7 pulis na POI sa pamamaril kay Kerwin Espinosa, 'di puwedeng ma-inquest dahil walang direktang ebidensya, ayon sa Leyte PPO
-Mga senatorial candidate, pangangampanya at paglalatag ng plataporma at adbokasiya
-Cast ng "Samahan ng mga Makasalanan", nag-ikot sa mga sinehan
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
01:00Walang nasawiyo na sagatan sa insidenteng patuloy na iniimbisigahan.
01:03Nasa isang daang pamilya o limandaang residente ang walang tirahan na masundog ang kinilang mga bahay sa barangay Obrero, Quezon City.
01:12Ang tinitignan umanong sanhi, nakasinding kandila.
01:17Nakatutok si Bea Penlac.
01:19Binalot ng apoy at makapal na usok ang bahaging ito ng Makabayan Street sa barangay Obrero, Quezon City, pasado alas 11 kagabi.
01:30Sa laki ng sunog, umakyat ito sa ikatlong alarma.
01:36Kaliwat kanan ang dating ng mga bumbero.
01:40Ang mga apektadong residente, hindi magkanda o gaga maisalba ang kanilang mga kaanak, alagang hayop at kagamitan.
01:48Wala kami naligtas.
01:50Kiniligtas namin dalawang aso.
01:53Wala damit.
01:55Parang panaginip o bangungot lang, kakapanghinay.
01:59Naabong kahoy at gamit at sirasirang pader.
02:02Ito ang iniwang bakas ng sunog na tumupok sa mga bahay sa barangay Obrero, Quezon City.
02:09Ang ibang residente, kahit hindi na sunog ang bahay, nagpa siyang lumikas na.
02:14Malapit na yung apoy, kaya nag-ano na kami ng mga gamit namin.
02:20Hindi-nervous po ako. Takot na-takot na po ako.
02:23Ayon sa Bureau of Fire Protection, tatlong lalaki ang naitalang sugatan sa sunog na agad namang nilapatan ng paunang lunas.
02:29Iba po na napako at nagkaroon ng iba, laceration, abrasion.
02:34Hindi bababa sa 24 na fire truck ang rumesponde sa sunog.
02:39Tumulong na rin ang mga residente sa pag-apula ng apoy.
02:42Alas 4 na ng madaling araw nang tuluyang maapula ang sunog.
02:46Yung mga structure ngayon, syempre, dawa nga sa light materials, kaya yung pagkalata po ay mas mabilis.
02:52Digit-digit po yung mga kabahayan.
02:54Sa tala ng barangay, nasa isandaang pamilya o nasa limandaang katao ang nasunogan.
03:00Inaalam pa ng BFP ang tinatayang halaga ng pinsala at sanhinang sunog.
03:04Pero ayon sa barangay...
03:06Meron kaming isang residente na bumili daw ng kandila at iniwanan na nakasindi kandila.
03:15Doon nagumpisa yung apoy.
03:16Pansamantalang nasa lumang himpilan ng barangay obrero at sa Don Alejandro Roses High School ang mga nasunogan.
03:22Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak nakatutok 24 oras.
03:30Kahit may mga online booking na, dagsapa rin sa Paranaque Integrated Terminal Exchange ang mga nagbabakasakali sa mga biyahe ng bus.
03:37Ganyan din po ang sitwasyon sa ilang bus station.
03:40Ang latest sa mga terminal sa live na pagtutok ni Darlene Kai.
03:46Darlene?
03:47Pia, marami-rami na rin yung mga pasaherong walang masakyan.
03:52Hindi lang dito sa P-TEX kung hindi pati sa ibang bus terminal gaya sa Cubao.
03:56Doon nga may ilang biyahe na hanggang Sabado de Gloria na fully booked.
03:59Kaya yung pag-asa na lang ng mga pasahero na hindi nakapag-advanced booking ay mag-chance, passenger o walk-in.
04:09Hindi lang marami ang pasahero sa PITX o Paranaque Integrated Terminal Exchange.
04:13Hirap na rin makakuha ng ticket, lalo na sa mga biyahe pa Bicol.
04:18Nagpapare-sab sana po ako hanggang sa 19 na po ay alis namin.
04:21Full booked na po daw lahat.
04:23Wala na, i-adjust na lang po namin talaga yung date na pag-uwin.
04:27Si Jessa, umatras at babalik na lang daw bukas.
04:31Naiinis lang kasi ano nga, sobrang kanina po kami nakapila, ay alas 8 pa lang nakapila na.
04:36Si Rina, tila di na raw na-excite magbakasyon sa masbate,
04:40pero tsatsagain na lang daw kaysa umuwi pa ng Laguna.
04:43Parang sabi ko, parang ayaw ko na, pero gusto ko na din po.
04:48Kasi marami na rin po ako nakita ang taong nakapila.
04:51Sa tansya ng PITX, sumabot na ng 160,000 mga pasahero sa terminal kahapon.
04:56Ganito rin daw karami ang inaasahan at pinaghahandaan nilang dami ng mga pasahero ngayong araw.
05:01Marami na po yung mga nakapag-advanced booking.
05:04Pero hindi naman po ibig sabihin nun ay wala na po tayong guide sa PITX.
05:09Marami pa rin naman po available tips dahil nagdagdag po ng mga buses or supply ang mga bus company.
05:16Sa bus station na ito sa Cubao, Quezon City, fully booked na ang mga aircon bus pa Camarines Norte hanggang Sabado de Gloria, April 19.
05:24Parang nalungkot lang po kasi nagahabol din po kami at mag-graduation po yung anak ko eh.
05:29Si Mang Roberto na kahapon pa nakapila, baka raw din na umabot sa graduation ng anak bukas sa Labo Camarines Norte.
05:37Magandang sitwasyon, maglagay na lang sila ng tag number.
05:41Todo paypay rin dahil sa init ang mga pasahero sa estasyon.
05:45Palala ni Transportation Secretary Vince Dizon sa mga bus terminal, tiyaking maayos ang kanilang pasilidad para sa mga pasahero.
05:52Itong mga luma na ating mga terminal ng bus sa iba't ibang lugar sa Metro Manila eh talagang hindi maayos.
06:01Regardless, whether may bayad, walang bayad, kailangan marinis ang ating mga CR no.
06:07Eh kailangan talagang mag-impose ng mga standards dito.
06:09At kung hindi sila mag-meet ng standards, either papasara yung mga terminal nila o isususundin muna.
06:16Tuloy raw ang pagbabantay nila sa iba't ibang terminal pantalan at paliparan ngayong Semana Santa.
06:21Naka-high alert po lahat ng ating mga transportation facilities ngayon.
06:27Papasok na ngayong nagsimula na ang Semana Santa.
06:30Sa Naiya lang, baka inestimate na abuti ng 150,000 kada araw ang dadagsapo sa ating mga airport.
06:39Inaasahan ng NNIC o new Naiya Infra Corporation na mas mataas ang bilang ng mga pasahero ngayong taon kumpara noong Semana Santa 2024.
06:49Kanina, hindi pa ganoon karami ang mga pasahero sa Naiya Terminal 3.
06:53Pero naniguro na si Francis at kanyang anak.
06:5510am na sila dumating sa Naiya para sa 4pm nilang biyahe pag-imaras.
06:59Iyan ang extraction sa amin kasi baka nga yung exodus na ng mga papuntang probinsya.
07:06Baka maraming kasabay.
07:07Pia, nandito rin ako sa exact same spot na ito kahapon.
07:15At hindi tulad kahapon na nakakita tayo ng mga pasaherong nakasalampak sa sahig.
07:19Ngayon ay mas marami ng upuan at mas komportable na silang naghihintay.
07:23At dito sa P-TEX, bukod sa mga biyaheng pabikol, nagsisimula na rin maging punuan yung mga biyahe pa Tuguegaraw at Olongga po.
07:31Pero sabi naman po ng pamunuan ng P-TEX ay pwede pa rin naman daw mag-walk-in yung mga pasaherong wala pang ticket.
07:36Iyan ang latest mula rito sa Paranaque.
07:38Balik sa iyo, Pia.
07:40Maraming salamat, Darlene Kai.
07:44Karaniwang dinarayo tuwing Semana Santa ang Baguio City para magnilay at tumakas sa alinsangan ng tag-inil.
07:52Mula sa Summer Capital ng Bansa, nakatutok live si Mab Gonzalez.
07:57Mab!
08:01Ivan, hindi pa ganoon karami yung tao na dumayo dito sa Baguio City.
08:05Pero meron nga mga nauna na route para hindi nila naabutan yung rush ng Holy Week.
08:13Maluwag ang biyahe pa norte sa NLEX, SETEX at T-PLEX kaninang umaga.
08:18May kaunting traffic lang sa ilang bahagi ng Cannon Road na ginagawa.
08:22Siyempre, pit stop para sa mga turista ang Lion's Head.
08:26Seselebrate ko lang po yung birthday ko dito sa Baguio.
08:29Kasama po yung family.
08:31Mabilis pa rin ang biyahe paakyat ng Baguio City, nasa apat na oras mula Metro Manila.
08:37Kahit tri kang araw, maraming namamasyal sa Mines View Park.
08:41Dito, may mga masisilungang gazibo at mga puno.
08:44First time kasi namin dito makarating.
08:46Sinasabi kasi nila kasi lamig daw sa US.
08:49Hindi naman ganun ka-init, hindi naman dun kalamig.
08:51Sa Manila, grabe. Talagang mapapaso pa.
08:54Konti pa lang yung traffic.
08:55Ma-e-enjoy mo ang panoramic view sa Mines View sa entrance fee na 5 o 10 pesos.
09:01Marami rin tindahan at photo stops.
09:03Pwede pang humiram ng igurot costume.
09:05Pero isa sa mga bida rito sa Mines View, ang mga asong St. Bernard.
09:1017 years. Matagal na.
09:12Pang ilang generosyon na po sila?
09:14Pang lima. May tubig naman.
09:17Bukas ang Mines View Park mula alas 5 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
09:21Ivan, dahil hindi pa nga ganun karami yung tao dito sa Baguio City,
09:29ay hindi pa rin naman dumibigat yung daloy ng trapiko sa paligid.
09:32Sa ngayon ay nasa 22 degrees Celsius tayo,
09:35kaya nagsisimula na magsuot ang jacket yung mga tao.
09:37Kaninang tanghali kasi hindi pa eh.
09:39Pero mamaya, ang low natin ay 17 degrees Celsius.
09:42Yan ang latest dito sa Baguio City. Balik sa Ivan.
09:45Maraming salamat, Mav Gonzalez.
09:46Viral ang video na yan ng iligal na karera ng mga tricycles sa Kogyo sa Antipolo Rizal.
09:56Sa isa pang video, mga motorsiklo naman ang nag-drag race.
10:00Ang uploaded videos, binura rin daw kalaunan ng mga sangkot na mag-imbisiga na ang Antipolo Police.
10:06Nakukuha ng polisya mga plate number at nakikipag-ugnay na sila sa LTO
10:10para mapadalahan ng show cost order ang managkarera.
10:13Nakamanman din ang mga polis sa lugar.
10:16Babala nila.
10:17Tigilan ang iligal na karera na posibleng magdulot ng disgrasya.
10:22Habang pumapadyak ang isang siklista,
10:25dinukutan siya ng cellphone ng isang rider sa sumulong highway sa Antipolo City.
10:29Ang nahulikam na highway robbery sa pagtutok ni Bea Pinlak.
10:33Normal lang ang takbo ng mga sasakyan sa sumulong highway sa Antipolo Pasado alas 7 ng umaga kahapon.
10:42Maya-maya, ang motorcycle rider na ito, unti-unting lumapit sa isang siklista.
10:48Nang makachempo, biglang tinangay ng rider ang cellphone na nakasuksok sa may likuran ng siklista.
10:54Napaka-delikado yung ginagawa ng my snatcher na ito.
10:58Dahil kung nagkatao ma-outbalance yung biktima niya or kahit siya mismo,
11:02posible na maging malala, magiging kalalabasan.
11:06Agad, ibinulsa ng rider ang cellphone at mabilis na tumakas.
11:10Nayak na lang ang 16-anyos na biktima ng balikanang nangyari.
11:14Sa tagal raw kasi niyang siklista.
11:17Ngayon ay takot na raw siyang makipagsabayan sa mga motorsiklo at iba pang sasakyan sa kalsada.
11:22Na-traumatize po kasi ako dun sa...
11:25Nung bago ko po siya habulin, parang may bubunotin po siya.
11:30Kaya, ngayon po.
11:32Nung kinuha po talaga, hindi ko na po alam ko anong gagawin ko.
11:36Kung ira-risk ko po ba yung buhay ko or what.
11:39Ang nasnatch na mamahaling cellphone, birthday gift pa raw sa kanya ng magulang niya.
11:45Buti cellphone lang nawala sa'yo.
11:46Paano kung aksidente ka?
11:48Naiiyak ako.
11:50Siyempre makakatakot.
11:51Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang rider na makaharap sa reklamong theft.
11:56Yung kanyang motorsiklo na ginamit, mayroon naman tayong inisyal na pagkakakilanlan.
12:01Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
12:09Asia's queen of song sa mga umiidolo sa kanya sa pag-awit.
12:12Sa mga malapit naman at mahal sa buhay, kilala siya bilang mamita.
12:16Yan ang mga tawag sa icon ng Philippine showbiz na si Pilita Corrales na pumanaw sa edad na 87.
12:23Narito ang report.
12:23Ang iconic na pagliyad sa pag-awit, nakatatak na sa mundo tuwing nababanggit ang pangalang Pilita Corrales.
12:46Ang tinaguriang Asia's queen of songs na mahigit anim na dekada na sa Philippine showbiz.
12:54May dugong Kastila.
12:56Proud Cebuana.
12:57Mula sa pag-aaral sa Spain, pumasok sa pag-awit si Pilita nang bumalik sa Pilipinas.
13:05Namayagpag siya sa musika at nakapag-record ng nasa 130 singles at albums.
13:13Nagtanghal siya kasama ang mga kilalang artista sa buong mundo at front act sa mga konsert.
13:19In town doon, buhay pa itong papa nitong ako mga anak.
13:23Isa ring magaling na aktres si Pilita.
13:26Sa pelikula o telebisyon.
13:28Sa pagpapaiyak o pagpapatawa.
13:32Napamahal sa mga manunood at kapwa artista.
13:35Si Pilita o Mamita.
13:38Ang bote natin ng asukal,
13:42ang naisulat ko ay asen.
13:46Para huwag lang gamin.
13:51Pumanaw kahapon sa edad na 87, si Pilita Corrales.
13:55Kinumpirma ito sa Instagram post ng aponyang si Janine Gutierrez na inalala ang kanyang lola.
14:02Hindi pa isinasa publiko ang dahilan ng pagpanaw.
14:06Dalawa ang kanyang anak na nasa showbiz din na sina Jackie Lublanco at Ramon Christopher Gutierrez.
14:13Sa Instagram stories ng actress TV host na si Isa Liton,
14:18kitang emosyonal si Jackie Lublanco sa curtain call ng stage play na The Factstrap.
14:24Nireshare ito ni Jackie Lublanco at inalay ang performance sa kanyang pumanaw na ina.
14:29Isang senior citizen ang nasawi sa sunog sa Mandaluyong.
14:54Yan at iba pang isendente ng sunog sa pagtutok ni Darlene Cai.
14:59Halos hindi na makilala ang katawan ng lalaking senior citizen na na-trap sa sunog kahapon sa Barangay Barangka,
15:09itaas sa Mandaluyong City.
15:10Ang 87 daunggulang na biktima hindi nakalabas mula sa ikalawang palapag ng paupahang bahay.
15:15Natagpuan natin siya malapit doon sa may pintuan.
15:18So may indication na mukhang lalabas siya ng bahay niya.
15:21So maaring nasupukit na siya ng usok at din doon na siya inabutan.
15:24Sabi ng isang anak ng biktima, mag-isa lang noon ang kanilang ama sa itaas ng bahay ng magkasunog.
15:31Nasa trabaho ko nun, sir.
15:33Dumating ako dito, sunog niya.
15:36Apektado ang walong pamilya kabilang ang ilang nangukupahan.
15:40Nasa 150,000 piso ang tinatayang danyos ng sunog na iniimbisigahan pa ang sanhi.
15:45Kita naman sa drone video ang lawak at tindi ng forest fire sa Abra-Kalinga Road
15:50na bahagi ng sityo pasikad sa Likwan, Baay, Abra kahapon.
15:53Magkatuwang ang mga bumbera TNR Senro Bantay-Gubat sa pag-apula.
15:57Tuluyang napuksang sunog kaninang alas 8.30 ng umaga.
16:02Motorcyclo naman ang nagliyab sa gitna ng isang motocross event sa Alabel, Saranggani noong biyernes.
16:07Lupa at putik ang ginamit ng ilang rider at saksi sa pag-apula ng apoy.
16:11Rumesponde rin ang safety personnel sa lugar.
16:14Ang rider agad nakalayo sa sunog.
16:16Ayon sa isang barangay kagawad, nag-overheat ang motorcyclo kaya umapoy ito.
16:19Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok 24 oras.
16:26Dagsa na rin ang mga pasahero sa Batangasport.
16:29Problema nga lang ng mga pasahero ang ubusang tiket.
16:32Wala sa Batangas City, nakatutok live si Dano Tingcunco.
16:36Dano!
16:37Ivan, gaya nga nang inaasahan, habang umuusad ang araw ngayong Linggo ng Palaspas,
16:45eh lalong napupuno ng mga pasahero, itong Batangasport.
16:52Pahaba ng pahaba ang pila ng mga pasahero sa Batangasport papunta sa Mindoro, Romblon at Visayas.
16:59Si Lisa, napapuntang Odjongan, Romblon, laking pasasalamat daw na nag-advance booking siya ng tiket online.
17:05Dati kasi, bali, Wednesday, ganon, sobrang dami.
17:10Eh ngayon po, Sunday pa lang, so wala na pong tiket.
17:13Medyo kampante ka lang yan.
17:15Yes, kasi nga po, may tiket na lang.
17:18Kasi kung hindi, kinakabahan talaga pagkagod.
17:21Pero si Janet, na nagahabol makarating ng Romblon para sa moving up ceremony ng Apobukas,
17:26nakapila kanina pang umaga para pala sa biyahing 5pm bukas pa Ujongan.
17:32Ang biyahe pala kasi ngayong araw, kanina pang 10am ang cut-off.
17:36Hindi nga kasi inaasahan na ganito.
17:38At saka may trabaho, syempre, kasi ang graduation nga eh Monday pa ng hapon.
17:42Sa palara na nga lang, yung pila namin dito.
17:46Pag hindi inaabot, yung mangyayari?
17:48Hindi, sorry na lang sa aking apo.
17:50Napansin nga ng pamunuan ng Batangasport na mas maagang umalis ang mga pasahero ngayon
17:55kumpara sa Semana Santa nung isang taon.
17:58Nayikipag-ugnayan na raw sila sa marina, shipping lines at sa DOTR
18:01para makapag-issue ng special permit para mapunan ang backlog sa mga biyahing pa Ujongan.
18:07Tinatrabaho rin daw na madagdagan pa ang ship calls o yung mga biyahe ng barko.
18:12Kung hindi mapabawasan ang pasahero na tatawi papuntang Ujongan,
18:16tuloy-tuloy yan para kulang tayo ng isang barko palagi hanggang Hueve Santo.
18:20Sa tala ng Batangasport, nasa labing siyam na libo ang mga pasaherong dumaan sa pantalan kahapon.
18:26Tanghali ngayong araw, nakakasampun libo na.
18:28Malaking bagay raw ang mas malaking passenger terminal na mas komportable para sa paghihintay ng mga pasahero,
18:34lalo na yung mga maiiwanan ng barko.
18:36Nasa 8,000 passengers at any given time ang kapasidad ng passenger terminal.
18:42Hindi katulad nung araw, nasa labas sila ng port kasi wala maupon.
18:46Fully completed siya last November.
18:53At ibang tulad kanina, dalawa magkaibang sitwasyon yung nandito sa Batangasport.
18:59Maluwag at halos walang pila dun sa mga pabiyahing Mindoro,
19:02particularly yung Calapan at Occidental Mindoro area.
19:06Pero ang mga papuntang o djongan, nandun ang mahabang pila at pati na rin sa ibang bahagi ng Romblon.
19:14Sa datos ng Batangasport, nasa 15,000 na inabot ngayong araw yung mga disembarking passengers
19:21o yung mga paalis papunta sa iba't ibang lugar mula rito sa Batangasport.
19:25Nasa 5,000 naman yung embarking o yung mga parating dito mula sa ibang lugar.
19:30Ivan.
19:32Maraming salamat, Dano Tingkungko.
19:34Naka-code white ngayon na Department of Health bilang alerto sa mga emergency sa Semana Santa.
19:41May mga biyahero na rin sa Manila Northport para sa mahal na araw at sa eleksyon.
19:47Mula sa Maynila, nakatutok la si Jamie Santos.
19:51Jamie?
19:52Pia, may mang ilang ilang na tayong kababayan ang nagtungo rito ngayong linggo ng Palaspas dito sa Manila Northport.
20:03At kahit mainit ang panahon, hindi nila ito alintana, makauwi lang sa kanika nilang probinsya.
20:08Ngayong Semana Santa, bukas, luna santo, inaasahan ng unti-unti ang dagsa ng mga pasahero.
20:14Kaya naman naka-high alert na ang lahat ng transportation facility sa bansa.
20:22Sunod-sunod na ang dating ng mga pasaherong pauwi ng Dumaguete, Dipolog at Zambuanga ngayong hapon.
20:28Ilan sa kanila, piniling mauna kaysa sumabay sa dagsa ng mga pasahero sa Mierkoles Santo.
20:34Bakas yun sa mga baapo.
20:36Iiwas sa gulo.
20:37Pagkaman mamayang gabi pa ang biyahe ng barko, maagang pumunta ang mga biyahero sa port para iwas hasel.
20:44May ilan March pa lang bumili na ng tiket.
20:46Susuliti na raw nila ang pag-uwi sa probinsya para sa Semana Santa at Makasyon at Eleksyon.
20:53Sama-sama, Holy Week at saka bubuto po doon.
20:55Fiesta rin po.
20:56Todo bantay ang security officials sa palibot ng port.
20:59Panay din ang ikot ng kawali ng Philippine Coast Guard.
21:02Gamit ang canine, may at maya ang ikot at inspeksyon sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.
21:08May nakaantabay ding ambulansya.
21:10May apat na shipping lines na hindi pinahintulutan ng marina bumiyaheng ngayong Semana Santa
21:15dahil sa ilang paglabag tulad ng walang life jacket at mga sirang sirena ng barko.
21:20Patuloy ding minomonitor ang mga kolorum.
21:22Kaya pakiusap ni DOT or secretaries sa publiko.
21:26Sana, huwag na natin gawin yun.
21:28Kasi ano yan, very risky yung ganyan.
21:32At your own risk po yan sa mga kababayan natin.
21:37Sinusugog nila ang buhay nila.
21:38Kasi syempre, unang-una, pagka kolorum, huwag ang insurance yan.
21:44Wala siga makukuha kahit anong-ano kung may mangyari.
21:46Mas istrikto rin ang pag-checheck sa mga barko para maiwasan ng overloading.
21:51Paalala naman sa mga pasahero ng ilang ferry operator.
21:54I-check ang inyong tiket at dumating ng maaga o apat na oras bago ang departure time support para sa maayos na boarding process.
22:03Ang cut-off time daw ay isang oras bago ang biyahe.
22:06No physical ticket, no entry.
22:09Samantala, ang Department of Health nagdeklara ngayong araw ng Code White Alert para sa Semana Santa
22:15bilang paghahanda sa mga posibleng insidente na maaring mangyari habang marami ang bumibyahe.
22:24Pia, tuloy-tuloy din naman ang operasyon dito sa Manila Northport ngayong Semana Santa.
22:30Maliba na lamang sa Biernes Santo na may temporary suspension sa yard, gate, and vessel operation.
22:35Pero tuloy-tuloy ang operasyon ng disembarkation and embarkation ng mga pasero.
22:40Balik ang kanilang 24 oras na operasyon sa Easter Sunday.
22:44At yan ang latest mula rito sa Manila Northport. Balik sa Iupia.
22:49Maraming salamat, Jamie Santos.
22:56Biglang bumigay ang malaking tent na yan sa isang eskulahan sa Davao del Norte sa gitna ng graduation rehearsal.
23:02Ayon sa school principal, bumuhon sa malakas sa ulan at naipon daw ang tubig sa tent na bigay ng LGU.
23:08Agad pinalikas ang mga estudyante sa paligid kaya walang nasugatan sa pagbagsak ng tent.
23:14Inayos at pinatibay na raw ng LGU ang tent at gagamitin daw ulit ito sa practice sa graduation.
23:19At sa mga magbibisita iglesia kayong Simana Santa, isa sa mga maaaring dayuhin ang Padre Pio Mountain of Healing sa Bulacan.
23:34Ipinatayo raw ito ng mag-asawang nakatanggap ng biyaya sa tulong ni Padre Pio.
23:39Tinutukan niya ni Bon Aquino.
23:40Sa San Jose del Monte, Bulacan, maaaring mag-milay at mag-simana santa sa Padre Pio Mountain of Healing.
23:52Kailangan maakit ang 115 steps ng hagda nito para maakit ang rebulto at kapilya sa taas.
24:00Naging tradisyon na raw ng mga pilgrims dito sa Padre Pio Mountain Healing na bumili ng dalawang rosaryo.
24:06Yung isa ilalagay nila doon sa paana ng rebulto ni Padre Pio at yung isa naman ay iuwi nila sa bahay.
24:14Habang pakya at saglit kaming humihinto para manalangin sa Stations of the Cross.
24:19Kahit may mga edad na, hindi nila alintana ang init para sa kanilang pamamanata.
24:25Sa tukto kung nasa ng higanteng rebulto ni St. Padre Pio, nakamamangha ang kabundukan at lunti ang tanawin sa paligid.
24:34Sobrang saya, sobrang saya talaga kasi parang naheel, naheel kami.
24:40Yung fulfillment na mararamdaman mo.
24:42Yes, God is good all the time.
24:46Si St. Padre Pio ay isang paring Italyano na kilala sa kanyang paiti at charity.
24:52Nagkaroon siya ng stigmata o mga sugat sa mga kamay at paa,
24:56nakatulad ng mga sugat ni Yesu Cristo nang siya'y ipaku sa Cruz.
24:59Mismo ang mag-asawang nagpatayo ng Mountain of Healing, nakatanggap daw ng biyaya mula sa Diyos
25:06nang humiling sila ng intercession ni St. Padre Pio.
25:10After nilang humiling na masundan yung panganay nila, naging deboto po sila ni Padre Pio.
25:16Naisipan nilang ipatayo ang imahe ni Padre Pio.
25:20Iba't ibang hiling na mga nagpumunta rito.
25:22Nanay namin may sakit na hindi siya makakalakan na hiling namin sa kanya sana pagaling niya.
25:29Hindi na mag-struck na rin po ako.
25:31Hap na body ko paralyzed.
25:34Kaya pinupuntahan ko talaga itong ganitong mga lugar.
25:39Libo-libong rosaryo ang nakasabit sa paanan ng reboto ni St. Padre Pio.
25:44Sa Kapilya sa Tuktok, nakalagak ang third class relic ni St. Padre Pio.
25:49Ipinahid daw ito sa incorrupt heart relic ni St. Padre Pio.
25:54May souvenir shops at mga kainan din sa lugar.
25:59Sa mahal na araw, bukas ang Padre Pio Mountain of Healing, 6am hanggang 5pm.
26:05Para sa GMA Integrated News, for na kino na kututok, 24 oras.
26:09Naging intense ang Game 2 ng NCAA Season 100 Juniors Basketball Finals.
26:21Ngayong araw po yan.
26:23Waghi po ang Benil Lasal Greenhills, Quanta Perpetual Health Junior Altas.
26:30Nakahabol sila ilang segundo bago matapos ang fourth quarter ng laro at nanalo sa score na 95-91.
26:35Kaya may pigis ang panalo ang Greenhills at ang Altas.
26:40Ang magiging kampiyon sa NCAA Season 100 Juniors Basketball, malalaman sa do or die game sa April 15.
26:47Halos abot tuhod ang baha sa National Highway sa Sharif Aguac, Maguindanao del Sur dahil sa lakas ang ulan.
26:58Pahirapan ang pagtawid ng mga sasakyan habang sinuon ng mga residente ang baha.
27:03Pinasot na rin ang tubig ang maraming asablisimiento at bahay.
27:06Bansalan, Davao del Sur, nagkalat ang mga putik at bato sa isang kalsada.
27:12Dahil yan, sa naging landslide matapos ang malakas sa buhos ng ulan, may mga nabual na puno at poste.
27:18Agad nagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.
27:22Ayon po sa pag-asa, easerly sa nagpapaulan sa Zamboanga Peninsula, Barm at Palawan.
27:28Nagdadala kayong araw na maulap ng panahon na may kasamang pagulan sa Batanes at Mabuyan Islands ang frontal systems.
27:34Yan din ang nakaapekto sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
27:40Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng makaranas bukas ng light to moderate rains sa Mountain Province, Isabela, Ifugao at ilang lugar sa Palawan.
27:49Light to intense rains naman ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Mindanao.
27:54Mataas din ang tsansa ng pagulan bukas sa Metro Manila.
27:56Matapos mahuli sa Malaysia, nasa Pilipinas na ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa isang negosyante sa Olongga po noong 2018.
28:08Patutunayan niya raw sa korte na hindi siya ang nagpapatay sa sariling kapatid.
28:13Nakatutok si Jomer Apresto.
28:15Naibalik na sa bansa ang 51 anyos na si Alan Dennis Setin, ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid na presidente at founder ng United Auctioneers Incorporated na si Dominic Setin oong 2018.
28:32Kabilang sa mga sumundo sa NIA Terminal 3, si Police Brigadier General Jean Fajardo, ang hepe ng Police Regional Office 3 at tagapagsalita ng PNP.
28:40Ayon kay Fajardo, napagalaman nilang nagtatago siya sa Malaysia at gumagamit pa ng iba't ibang pangalan.
28:46Agadaan niya silang nakipag-ugnayan sa Police Attaché doon at sa Royal Malaysia Police kaya nahuli si Setin noong March 22.
28:53Meron pong violation po ng immigration laws po ng Malaysia so he has to pass through the normal channel po.
29:00And tinulungan po tayo ng ating imbahada sa Malaysia para bigyan po siya ng travel documents kasi wala po siyang passport kasi kinansel na po natin.
29:09Sabi pa ni Fajardo, iniimbestigahan na ng PNP kung paano nakalabas ng bansa noon si Setin.
29:15Una nang naaresto ang gunman sa crimen na si Edgardo Luib na itinuro ang nakababatang Setin bilang mastermind sa crimen.
29:22March 22 ng mahuli si Adrian Rementilla na tumatayong middleman at kasabwat.
29:26Well, ang kwento ng gunman pati na rin itong middleman, di umano, allegedly, ay may kinikimkim na galit di umano itong si Dennis Setin sa kanyang kuya na doon sa kumpanya nila.
29:40Iti nangginis si Setin ang krimen.
29:42Huwag patunahin namin sa trial.
29:45Huwag patunahin namin.
29:46Sa trial, kung gusto niyo malaman, pumunta ko kayo.
29:50Umiwas naman si Setin sa tanong kung paano siya nakalabas ng bansa noon.
29:53Dinala sa Camp Oliva sa Pampanga si Setin habang hinihintay ang commitment order ng Korte na nag-issue ng arrest warrant para sa kanyang kasong murder.
30:01Nakatakda rin siyang ipresenta sa Campo Crame sa lunes.
30:04Ito po ang pagpapatunay na sa kapila ng mahabang pagtatago ay mahahanap at mahahanap po rin po sila.
30:11Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
30:17Pusibling itaas sa orange category ng PNP ang Albuera Leyte.
30:22Kasunod ang pagbaril kay Albuera Mayoral Candidate Kerwin Espinosa ayon sa COMELEC.
30:26Nakatutok si Ian Cruz.
30:28Hinihintay pa ng Leyte Provincial Police ang resulta ng forensic investigation sa 7 police or MOC na tinukoy nilang persons of interest
30:39sa pamamaril kay Albuera Leyte Mayoral Candidate Kerwin Espinosa.
30:43Pero sabi ng Leyte PPO, hindi pwedeng idaan sa inquest proceedings ang mga POI.
30:50Base raw ito sa konsultasyon ng Special Investigation Team sa legal team ng pulisya.
30:54Technically, wala sila sa crime scene at wala pong directang evidence sa atin ngayon
31:01at wala rin pong directang testimony na magturo kung sino sa kanila ang involved sa crime.
31:07Inaasahang lalabas bukas ang forensic results gaya ng ballistic examination at parafin test.
31:13Magiging gabay ito sa posibling pagsasampan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition
31:20at Frustrated Murder laban sa mga POI.
31:24Nagpapagaling pa si Espinosa na nahagip ng bala sa itaas ng dibdib na lumabas sa kanang balikat.
31:30Tinitiyak naman ang Police Regional Office 8 at Leyte Police Provincial Office
31:34na walang whitewash sa pagsisiyasat na ginagawa nila.
31:39Leyte Police Provincial Office is committed to thorough evidence-based and impartial investigation based on established policy.
31:49Sinagot ni Espinosa ang sinabi ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez
31:54na scripted at ambush miraw ang nangyari at hindi maganda ang kanyang acting.
32:00Hindi naman ito acting, hindi naman ako tulad sa kanya na artista eh.
32:05Bakit nandoon ang mga kapulisan niya, City Director pa ang nandoon at ang mga intel?
32:14Sagutin mo yung Richard Gomez. Bakit nandoon? Inutuusan mo ba?
32:18Wala raw komento si Congressman Gomez sa pahayag na ito ni Espinosa
32:22pero una na niyang sinabing nangangalap siya ng mga impormasyon
32:26at inaalam ang timeline o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
32:31Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng Malacanang.
32:34Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.
32:4027 na araw, bagong eleksyon 2025.
32:43Tuloy ang pag-iikot ng mga kandidato sa pagkasenador.
32:46Nakatutok si Dano Tingcunco.
33:16Suporta para sa mga magsasaka ang itutulak ni Sen. Lito Lapid.
33:22Hanap buhay para sa may hirap ang isinulong ni Congressman Rodante Marcoleta.
33:27Pagprotekta sa kababaihan at OFW ang binigyang DIN ni Lisa Maza.
33:32Mas mababang singil sa utilities ang itinulak ni Sen. Francis Tolentino.
33:36Nag-motorcade sa Kaloocan, malabon at nabota si Benher Abalos.
33:42Universal Social Pension for Senior Citizens ang isusulong ni Bama Kino.
33:47Isusulong ni Mayor Abibinay ang libreng maintenance medicine.
33:52Promotion ng MSME isang isa sa mga advokasya ni Ping Lakson.
33:57Kasama nila si Namanie Pacquiao at Tito Soto.
34:00Si Rep. Bonifacio Bosita ay pagtatanggol daw ang tricycle drivers.
34:07Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
34:12Para sa GMA Integrated News, Dano Tingcunco nakatutok 24 oras.
34:19This whole week, I will be with my family.
34:22Tuwing Semana Santa, nakaugalian na raon ni Samaha ng mga makasalanan star David Licaco
34:28at ng kanyang pamilya na magbisita iglesia.
34:31We will do the seven churches, bisita iglesia.
34:38Yun kasi yung family tradition namin the past years.
34:42Bisita iglesia rin with Julian San Jose.
34:45Ang planong gawin ni Rayber Cruz.
34:47Bisita namin magbisita iglesia and spend time lang with the family and her family.
34:55Si Betong Sumaya sa Beach and Destination kasama ang pamilya.
35:00Usually kasi ang ginagawa namin, nagsas-staycation kami sa hotel.
35:03Pero ngayon, beach naman for the family.
35:06Magkakasama naman ang Dante Squad ngayong Holy Week.
35:09Nalala pang plano masyado.
35:11So, alam mo, mahili kami sa last minute.
35:13So, tignan natin kung saan kami dadalhin ng mga bagay-bagay.
35:18Ganyan din ang Holy Week plans ni Camille Prats.
35:21Na-excited ng makasama ang kanyang buong pamilya.
35:25This coming Holy Week, we've made plans with my family.
35:28So, it's a big family.
35:30Si Barbie Fortesa naman, susulitin ang quality time this Holy Week.
35:36Ima-maximize ko ang Holy Week break ko and I'll spend time with my family sa bahay lang.
35:40Out of the country naman ang balak ni Lise Lopez.
35:43I'm planning to go sa Bali.
35:46Mas malapit sa beach para mas relaxing.