Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ngayong Semana Santa, puwedeng isabay sa pamamasyal ang pagninilay-nilay at pagdarasal. Ang ilang mapupuntahan para sa Visita Iglesia, meron din daw kakabit na himala! Silipin ang mga 'yan sa report ni Mav Gonzales.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ngayong Semana Santa, pwede isabay sa pamamasyalang pagninilay-nilay at pagdarasal.
00:05Ang ilang mapupuntahan para sa Visita Iglesia, meron din daw kakabit na himala.
00:09Silipin ang mga yan sa report ni Mav Gonzalez.
00:15Tradisyon tuwing Semana Santa ang Visita Iglesia.
00:18Sa Batangas, isa sa mga puntahan ang Mount Carmel Church sa Lipa.
00:23Pinaniwala ang nagpakita rito ang aparisyon ng Pirheng Maria
00:26kay Sister Teresita Castillo noong 1948.
00:30Pero hindi ito kinikilala ng Vatican.
00:32Sa kabila niyan, dinarayo pa rin ang simbahan.
00:35Sa mismong hardin kung saan nagpakita o mano ang aparisyon, bawal pumasok.
00:40May view deck naman para masilayan nito.
00:42Maaaring magdasal at magnilay sa kapilya at ilang silib nito.
00:46Mayimala rin daw ang dinarayong imahin ni Amang Hinulid sa Kalabanga, Camarines Sur.
00:52Nakakapagpagaling daw ang tubig na pinanghuhugas tuwing Miyerkules Santos sa imahin.
00:56Kilala rin ito bilang Kristong Patay o Santo Sepulcro na dinala parao sa bayan mula sa Espanya noong 19th century.
01:04Sa Badoc, Ilocos Norte, destination din sa Visita Iglesia ang Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist
01:10na nakatayo noong pang 17th century.
01:13Narito ang imahin ni Virgen Maria na tinatawag na Lavirgen Melegrosa de Badoc.
01:19Sa Pasukin, Ilocos Norte, may higanting krus na bato na nakakagaling daw kapag dinasalan at sinindihan ng kandila.
01:27Ang pagninilay-nilay, pwede rin sa bayan ng pahinga at paglilibang.
01:31Sa bayan ng Kurimao, perfect pang cool down sa mainit na panahon ang kayaking sa Barangay Victoria.
01:37Meron namang gagabay na trainer kaya okay lang kahit walang experience.
01:41Pwede rin magpalamig sa Baguio City.
01:44Maraming paraan para mag-relax, gaya ng boating sa Burnham Park at pagsakay sa go-kart at bike.
01:50Payo ng LGU sa mga aakit ng Baguio, huwag nang magdala ng sasakyan dahil matindi na ang traffic.
01:56Mas mainam daw kung mag-commute o maglakad.
01:58Inaasahang aabot sa 150,000 ang mga turistang aakit sa Baguio sa Webesanto at Biernesanto.
02:05Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:09Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:13Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended