24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Matagumpay ang makasaysayang flight papuntang kalawakan na binubuo ng anim na kababaihan.
00:08Kasama ang pop star na si Katy Perry.
00:12Ang kanilang out of this world journey sa pagtutok ni Salima Refrain.
00:21Cosmic and on another level ang latest achievement ng pop star 80s singer na si Katy Perry.
00:26Na kabilang sa trailblazing women na sumakay sa rocket na binuo para sa space tourism at nilaunch kahapon sa West Texas, USA.
00:35Bago ang kanilang trip to space, ipinahagi ni Katy ang kanyang excitement sa social media, lalo't labing limang taon daw niya itong pinangarap.
00:43I'm gonna show you the capsule that we have been training in for the last few days.
00:53Here I am.
00:56Seat number two.
00:59Kasama ni Katy sa space flight ang film producer na si Kerian Flynn, host na si Gayle King,
01:05former NASA rocket scientist Aisha Bao, human rights activist Amanda Nguyen,
01:09at Lauren Sanchez na fiancé ng billionaire na si Jeff Bezos.
01:14Ang first all-female space flight sa may git-anim na pung taon, nag-lift-off.
01:19Pasado alas 9 ng umaga.
01:21Lift-off.
01:22328,000 feet, 100 kilometers. Welcome to space, ladies, or shall I say, astronauts.
01:30Habang nasa space,
01:33Katie loves space!
01:35Nakarana sila ng near-zero gravity sa loob ng apat na minuto.
01:39In-enjoy din nila ang breathtaking view ng Earth mula sa loob ng capsule.
01:44Matapos magpalutang-lutang sa space, ligtas ding nakabalik sa Earth ang buong crew.
01:49Tumagal ng 11 minutes ang space flight.
01:57Sa tuwa ni Katy, hinalikan pa niya ang ground paglabas ng capsule.
02:01I don't know if any other pop stars have been to space, but I thought, I wasn't sure if I was gonna sing or if I wasn't,
02:09because I just wanted to honor my fellow astronauts and just, you know, hold the space in space.
02:19Profound is like the one word I would use.
02:22And you look back at Earth and it's like this beautiful jewel.
02:27It was quiet, it felt like it was breathing, it was so alive.
02:36And that's kind of what I felt, just this aliveness of Earth.
02:40Para sa GMA Integrated News, Salima, na Fran, nakatutok, 24 oras.
02:48Mga kapuso, kaya pa ba ang matinding init?
02:52Pumalo po sa 50 degrees Celsius, ang pinakamataas na heat index ngayong araw,
02:57naitalayan kanina sa Los Baños, Naguna.
03:00Sabi na pag-asa, iyan ang pinakamataas na temperatura ang naitala mula nang mag-umpisa ang monitoring ng heat index ngayong taon.
03:06Pinakamataas din mula nang ideklara ang dry season o tag-init noong March 26.
03:1148 degrees Celsius naman ang naitala sa San Ildefonso, Bulacan.
03:15Labing limang lugar na iba pa ang nakaranas ng danger level na init.
03:20Bukas, posibleng ganito rin katataas ang abutin ng heat index sa iba't ibang bahagi ng bansa.
03:25Ingat po mga kapuso sa banta ng heatstroke, lalo na po kung hindi talaga maiwas ang lumabas kahit tirik ang araw.
03:33Aabot naman hanggang 41 at 42 degrees Celsius sa Metro Manila.
03:36Sa mga bibiyake naman o may lakad ngayong Holy Week, naritong muli ang special weather outlook ng pag-asa.
03:43Mula po Merkweles Santo hanggang Easter Sunday.
03:46Magtutuloy-tuloy ang mainit at maalinsang ang panahon pero hindi pa rin inaalis ang tsansa ng ulan dahil sa localized thunderstorms.
03:54Kung titignan naman ang datos ng Metro Weather, may mga pag-ulan din sa ilang bahagi ng bansa.
03:59Madalas po yan bandang hapon o gabi kaya magdala pa rin ng payong at magmonitor ng advisories ng pag-asa.
04:05Hindi lubos na nagamit sa kasagsagan ang sunog nitong weekend ang isang fire hydrant sa Quezon City.
04:13Halos dikit kasi sa isang pader.
04:15Ang aksyon dyan matapos mag-viral sa pagtutok ni Rafi Tima.
04:22Ito na raw ang isa sa pinakamalaking sunog sa lugar na ito sa Barangay Obrero sa nakalipas na pitong taon.
04:28Mas malaki sa sunog na nangyari dito noong 2018.
04:30175 pamilya ang nawala ng tirahan sa sunog na tumagal ng 6 na oras.
04:36Kaya nag-viral ang isang post kaugnay sa fire hydrant malapit sa lugar.
04:40Na kung hindi umanudikit na sa isang pader, ay nakatulong sana sa pag-apulan ng apoy.
04:44Ayon sa Barangay Obrero, nakapagkabit naman ng tubo ang mga bumbero sa naturang hydrant ng gabing yun.
04:49Nagamit naman po yun, sir.
04:52Ang nangyari lang po, sir, yung isang side niya, talagang nakapasok doon sa pader.
04:58Ayon sa BFP, naantalang ang bahagyang paggamit nila sa fire hydrant dahil nga dikit ito sa pader.
05:04Sa kanilang pag-iimbestiga, hindi naman daw doon talaga nakalagay ang naturang fire hydrant.
05:08Nasa mismong kali daw ito noon pero inilipat ng water concessionaire malapit sa pader nang ayusin ang bangketa.
05:13Sila po kasi yung na-authorizing na gumalaw doon at maglipat.
05:18So nagkataon lang na bakit doon na itikit sa may pandang pader ng property.
05:22Ang mga dokumentong ito, ipinadala rin ang may-ari ng compound sa GMA Integrated News sabay paglilinaw na sila man matagal lang hiniling na ilipat ang fire hydrant para hindi ito nakadikit sa kanilang pader.
05:34Ngayong araw, naiusog na ang kontrobersyal na fire hydrant at natanggal na sa pagkakadikit sa pader.
05:40Mismang water concessionaire daw ang nag-ayus nito.
05:43Paalala ng BFP sa mga nakatira malapit sa mga fire hydrants.
05:47Kung maaari po, huwag po nilang harangan, sasakyan, huwag po nilang galawin dahil kinakailangan po functional po lahat ng hydrant.
05:56Just in case na gamitin po ng Bureau of Fire, ay madali po makakuha ng tubig doon.
06:00Ininspeksyon na rin ito ng BFP laging handa at pasado na raw ito sa kanilang standard.
06:05Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok,
06:0924 Horas
06:10Nakikinig niya ang Philippine National Police sa panawagan ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption
06:19na pag-isipan ang strategiya nito kontra krimen.
06:23Ayon sa PNP, napag-usapan nila ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry
06:30na bumuo ng PNP Chinese-Filipino Community Help Desk.
06:36Tutugunan niya ito sa mga sumbong ng Filipino-Chinese tungkol sa kanilang kaligtasan.
06:42Bukod dyan, pinalalakas din ayon sa PNP ang kanilang anti-kidnapping group.
06:48Naglatag ng mga alternatibong daanan o bakasyon lanes sa Baguio City
06:54para sa mga turistang darayo roon ngayong Semana Santa.
06:57Bukod sa mismong Baguio, may iba pang pwedeng pasyalan sa Benguet Province.
07:02Alamin natin sa live na pagtutok ni Mab Gonzales.
07:05Mab!
07:09Emil, medyo dumarami na nga yung mga turista dito sa Baguio City
07:13pero kung naikot mo na itong Baguio, pwede kang mag-daytrip naman sa Atok Benguet.
07:21Pang-postcard na tanawin, natahimik at mas malamig ang simoy ng hangin?
07:26Kung yan ang trip mong bakasyon, pwedeng bumisita sa Atok Benguet
07:29dalawang oras lang mula sa Baguio City.
07:32Isa sa mga dinarayo rito ang Northern Blossom Flower Farm.
07:36Kahit saan kalumingon, hili-hilera ang makukulay na bulaklak.
07:39Sikat dito ang kakaibang cabbage roses.
07:42May view deck at mga photo spot din para sa mga turista.
07:46Bukod sa balamig yung hangin,
07:47ang ma-e-enjoy mo talaga dito sa Flower Farm ay yung view ng nature.
07:51At isa sa mga makikita galing dito ay yung Mount Pulag,
07:54ang highest peak ng Luzon at isa sa mga paboritong hike spot.
07:58Holy week din naman, kaya dumiretso na kami from Baguio.
08:01Kondi pa lang, kaya hindi pa ganun ka-traffic.
08:03So beautiful, very colorful at saka very healthful ang mga tao dito.
08:09Tinarayo rin dito ang highest point view deck,
08:12kung saan kita ang tatlong pinakamatataas na bundok sa Luzon
08:15at maliliit na version ng rice terraces.
08:18Kanina inabutan namin ang pamilyang ito mula Koron, Palawan.
08:21Naninibago po kasi sa amin po sa provinces,
08:25pabago-bago po yung klima tsaka mainit po.
08:28So parang nag-aada pa po kami sa lamig.
08:30Tinaray lang po namin ngayong Holy Week na may iba naman po
08:33para mountains naman po yung makita namin.
08:36May tour group din ang mga foreigner na mula rito ay tutuloy na sa Baguio.
08:40So I'm from the UK and we have like quite a large Filipino community in Leicester
08:44and where and everywhere else I've worked
08:47and all the Filipino people have absolutely lovely things to say about their country.
08:51They're obviously biased, but I had to come over here and check it out for myself.
08:56You were telling the truth as it turns out. It's fabulous.
08:59Is there anything you're looking forward to in Baguio?
09:01100% the shopping.
09:03First thing on the list is the shopping, but also I just want to try out the night markets.
09:07Definitely all the art and culture, the museums.
09:11Para sa mga plantito at plantita, dito mura ang mga halaman at bulaklak.
09:1520 pesos lang ang succulents, habang 50 pesos ang cactus at herbs.
09:20Pwede ka rin mag-uwi ng sarili mong maliit na pine trees sa halagang 400 pesos.
09:25Sa mismong Baguio naman, nagtalaga ng vacation lanes ang city hall.
09:28Mga pwedeng daanan para bumilis ang biyahe.
09:31Yung vacation lanes ma'am is yun yung mga alternate routes.
09:34So, if you do not have any business dito sa mismong sentro ng Baguio,
09:39you wanted to visit lang, yung pupunta ka ng strawberry farm o dun sa atok,
09:44you can make use of the vacation lane.
09:46Kung galing kayo ng Kennon Road papuntang Marcos Highway,
09:49pwedeng dumaan sa Balakboxer Conferential Road tapos sa Suelyo Santa Lucia.
09:54Pagpaakyat ka naman ng La Trinidad at Sagada,
09:56pwedeng dumaan sa Nagilian Road galing Marcos Highway.
09:59Emil, paalala lang no, medyo matarik po yung mga kalsada dun sa mga vacation lane,
10:07kaya siguruhin nyo na kondisyon yung sasakyan nyo kung doon kayo dadaan.
10:10Emil?
10:11Maraming salamat, Mav Gonzalez.
10:12Patay ang isa habang lima ang sugatan sa nahulikam na pagharurot ng isang SUV sa Makati.
10:21Walang permiso umano itong minaneho ng isang security guard
10:24na sa tingin ng polisya ay hindi marunong mag-drive ng sasakyang automatic.
10:30Panuorin po ang tagpo sa pagtutok ni Jonathan Andal.
10:33Pauwi na galing trabaho ang babaeng ito.
10:40Mag-aalas 5 ng hapon kahapon sa barangay Guadalupe, Nuevo, Makati.
10:44Ang hindi niya alam, may paparating na humaharurot na SUV.
10:49Napasampasahod ang babae.
10:51Isa pang babae ang halos tumapon sa ere at natumba kasama ang isang lalaki.
10:55Hindi kita sa angulo na ito pero may iba pa raw na hagip ang SUV.
10:59Sa isang cellphone video na iniimbisigahan na rin ang Makati Police,
11:03may dalawang babaeng nakabulag ka sa kalsada at hindi gumagalaw.
11:07Ang SUV naman wasak na pati ang tinamaan itong railings ng banketa.
11:11Ang lalaking may-ari ng SUV,
11:13dali-daling inilabas ang kanyang nanay na sakay noon sa likod.
11:16Pero paglilinaw niya, hindi siya ang nasa manibela noon
11:19kundi isang 60-year-old na security guard
11:22na basta raw minaneho ang kanyang SUV para ilipat ng parking kahit wala niyang permiso.
11:27P***** yung security ginalaw!
11:31Nag-ash siya sa mother ko kung iuurong niya yung sasakyan.
11:34Sabi ng mother ko,
11:35wag, antayin mo yung anak ko.
11:37Tawagin mo yung anak ko.
11:40Kaso, nag-insist yung security na marunong naman daw siya.
11:43Matagal na daw siyang driver.
11:45Paglabas ko ng pawn shop,
11:46nakita ko pa siyang papasok ng sasakyan ko.
11:48So, sinubukan ko siyang habulin.
11:50Sinubukan ko siyang pigilan.
11:52Pero hindi na.
11:53Hindi na ng ano.
11:54Kasi ang bilis eh.
11:55Na patakbo niya agad yung sasakyan eh.
11:58Ang sabi kasi ng driver,
11:59yun daw po ang mandato daw po sa kanya ng establishmento.
12:04Na once na meron naka-obstract o nakaharang dyan sa ating establishment
12:08at meron darating na kliyente natin na iba,
12:13ay iayos mo o ipaayos mo sa kanila.
12:15Sa tingin natin ay hindi niya alam imaneho
12:18dahil sabi nung security guard na nagmanagmanagmaneho
12:24nang pag-release pala ng lever ng handbrake,
12:30ay ito'y umandar na, padire-diretsyo.
12:32Ang sinabi niya sa akin,
12:34nakadrive na raon nung binaba niya yung lever ng handbrake.
12:39Lima ang sugatan,
12:41ang pasaherong nanay ng may-ari ng SUV,
12:44tatlong babae at isang lalaki.
12:46Isa naman ang patay,
12:47ang babaeng napasampas sa hood ng SUV.
12:50Siya si Amalyn Sim, 40 anos, single mom,
12:53may anim na anak.
12:55Hustisya ang panawagan ng kanyang ina.
12:58Ay, sakit-sakit po.
13:02Ay, sakit na wala ng anak.
13:04Ang ginawa nga ng guardia na yan,
13:08napaka walang hiya niya,
13:09hindi malang niya tinignan
13:11o may masasagasaan siya.
13:14Ang anak ko pa,
13:15kung may magbibigay ng tulong
13:18para sa mga apo ko na lang.
13:20Sinubukan namin maha pa na yan
13:21ang suspect na 60-year-old security guard,
13:24pero tumanggi ito.
13:25Yung security guard,
13:26halos malaki pagsisisi niya
13:29sa nagawa niya.
13:32Ang sabi niya,
13:33ang nakita ko lang kasi, sir,
13:36is kaya ko,
13:40pero hindi ko pala kinaya, sir,
13:42sabi niya,
13:43pero aksidente talaga, sir.
13:45Tinanong ko kasi,
13:46ano ba nangyari, sir?
13:47Bakit mo naman ginawa yun?
13:49Bakit mo pinaka-elaman?
13:51Sabi lang niya,
13:52yun nga, sir,
13:53na wala na rin ako sa,
13:55parang nawala daw siya sa WISO.
13:57Hindi rin niya,
13:58ano, bakit niya pinaka-elaman agad?
14:00Nakakulong na rito sa
14:01Makati Police Station
14:02yung suspect na security guard
14:04na in-inquest na rin
14:05para sa reklamong
14:06reckless imprudence
14:07resulting in homicide,
14:08multiple physical injury,
14:10and damage to property.
14:11Para sa GMA Integrated News,
14:13Jonathan Andal,
14:14nakatutok,
14:1524 oras.
14:16Magandang gabi mga kapuso.
14:22Ako pong inyong Kuya Kim
14:23na magbibigay sa inyo ng trivia
14:24sa likod ng mga trending na balita.
14:27May-inspire tayo sa mga kabataan
14:29sa isang barangay sa Laguna.
14:30Sa murang edad kasi nila,
14:31tila napakalalim na
14:33na kanilang pananampalataya.
14:34At pinapakitan na ito
14:36sa sinasagawa nilang prosesyon.
14:37Ang malalim na pananampalataya
14:44ng mga bata sa barangay na ito
14:45sa Pangil Laguna,
14:46pinapamalas nila
14:47sa prosesyon ito.
14:48Ang mga pinaparadang mga imahen
14:50nakasakay sa mga karu-karuhan
14:51o munting karo
14:52na sila mismo gumawa.
14:55Ito ang karu-karuhan prosesyon
14:56sa barangay na Tididad.
14:58Ang nasa likod ng prosesyon ito,
14:59ang 14 anyos na si Kyle.
15:00Meron pa pong mas nauna sa akin
15:02yung pinsan ko po.
15:03Na-inspired po kasi
15:04nakiyutan po ako kasi
15:05ang liit po.
15:06Parang ako lang po
15:07nung dati po nung bata ko.
15:09Gawa po siya sa kahoy.
15:10Ito pong latag na to,
15:12fly hood.
15:12Yung mga gulong po namin,
15:14binibili lang po namin siya
15:15sa hardware.
15:18Ang hilib niyang ito,
15:19suportado ng kanyang tatay Dennis.
15:21Dati po din po ako
15:22naglilinggo sa simbahan.
15:23Sa akin po,
15:23todo suporta naman po ko
15:24kasi nakakahikahit po po sila
15:26ng ibang kabataan.
15:28Mula nung nakarang taon,
15:29linggo-linggo raw
15:29nagsasagawa ng karu-karuhan
15:31prosesyon ng kanilang grupo.
15:32Na ngayon,
15:32meron ng mahikitaktong po kasapi.
15:34Ginagawa lang po namin siya
15:35tuwing linggo.
15:36Pag po merong okasyon
15:38o kapistano,
15:39hindi lang po yung linggo yun.
15:41Meron din pong special na
15:42prosesyon.
15:43Meron po kami page din.
15:44Meron po masasabi na
15:46gusto din ng anak ko.
15:47Nakikita ko po na
15:48mas dadami pa po kami.
15:50Marami po mga kabata
15:51ang mas lalapit pa po
15:52sa hanginoon.
15:53Ang mga prosesyon,
15:54impluensya sa atin
15:55ng mga Espanyol.
15:56Ginamit ito ng mga misyonero.
15:57Bilang bahagi,
15:58ebanghelisasyon
15:59o pagpapalaganap
16:00ng pananampalataya noon.
16:02Sa pamamagitan ng makukulay
16:03na prosesyon ito,
16:04pinapakita nilang buhay,
16:05hirap at sakripisyo
16:06ni Yesus at mga santo.
16:08Ang tradisyong ito,
16:09niyakap natin mga Pilipino
16:10at ginagawa natin
16:12hanggang ngayon,
16:12lalo na tuwing mahal na araw.
16:14At alam niyo ba
16:15kung saan sinasagawa
16:16ang kinuturing na
16:16longest length and possession
16:18sa Pilipinas?
16:19Kuya Kel,
16:21ano na?
16:22Ang prosesyon to Inbyernes Santo
16:29ng St. Augustine Parish Church
16:31sa Baliwag, Bulacan
16:32ang tinuturing na
16:33longest and grandest
16:34length and procession
16:35sa Pilipinas.
16:36Noong 2023,
16:37150 karosa
16:38ang pinarada.
16:40100 na 27 karosa
16:41naman ang nakilahok
16:43noong nakaraang taon.
16:44Ang mga karo,
16:45malalim na nilalarawan
16:46ng iba't ibang santo
16:47at ang mga huling sandali
16:49ni Yesus Cristo
16:50bago ang kanyang
16:51muling pagkabuhay.
16:52Samantala,
16:53para malaman ng trivia
16:54sa likod ng viral na balita,
16:55ipost o i-comment lang
16:56hashtag Kuya Kim.
16:57Ano na?
16:58Laging tandaan,
16:59kimportante ang mayalam.
17:01Ako po si Kuya Kim
17:01at sagot ko kayo
17:0224 hours.
17:05Dumating na sa Pilipinas
17:06ang isa pang missile system
17:08mula po sa Amerika.
17:09Yan ang Nemesis
17:10on Navy Marine
17:11Expeditionary Ship
17:13Interdiction System.
17:15Ayon sa AFP,
17:16kaya umabot ang missile nito
17:17ng hanggang 200 km.
17:19Mas malapit yan
17:20sa kaya ng
17:21Typhoon Medium Range
17:23Capability Missile
17:24o MRC ng Amerika
17:25na naonang ipidadala
17:26sa Pilipinas.
17:27Hindi naman sinabi
17:28ng AFP kung saan
17:29dinala sa Pilipinas
17:30ang Nemesis.
17:31Pero,
17:32kinumpirma nitong
17:33magiging bahagi ito
17:34ng balikatan exercises
17:35ng Amerika at Pilipinas
17:36na magsisimula po
17:37sa April 21.
17:39Nakatagdang sagutin
17:42ng kampo ni Masbate,
17:44gubernatorial candidate
17:45Richard Koh,
17:46ang show cause order
17:48na inisyo sa kanila
17:49ng COMELEC.
17:50Kagna yan sa paggamit
17:51ng emergency alert message
17:54sa pangangampanya
17:55ni na Koh,
17:56Fernando Talisic,
17:58kandidato para vice governor,
18:00Elisa Koh,
18:01congressional candidate,
18:02at Olga Koh,
18:03kandidato bilang city mayor.
18:05Pero,
18:06ayon sa provincial legal officer
18:08ng Masbate,
18:09dahil may show cause order na,
18:12ay hindi na sila
18:13pinapayagang talakayin pa
18:14ang isyo.
18:16Sinusubukan pa namin
18:17kunin ang panig
18:18ng iba pang nabanggit
18:19na kandidato.
18:22History in the making
18:24ang panalo ng
18:24perpetual junior altas
18:26kontra Benil Dlasal
18:27Greenhills Greenies
18:28sa finals ng juniors basketball
18:31sa NCAA season 100.
18:33First quarter pa lang,
18:34yamado na agad
18:35ang junior altas.
18:36Patuloy ang pagpapaulan nito
18:38ng puntos
18:39hanggang sa second quarter.
18:40At sa third quarter,
18:42ay tila
18:42hindi na makahabol
18:43ang Greenies.
18:44Tuluyan ang lumayo
18:45ang score sa fourth quarter
18:47at magtapos ang laban
18:48sa final score
18:49na 101-67.
18:52Emosyonal naman ang grupo,
18:53lalot ito
18:53ang unang championship nila
18:55sa loob ng
18:56apat na pung isang taon.
19:00Inspirasyon ang hatid
19:01ng dalawang bagong graduate
19:03na hindi nahadlangan
19:04ang edad
19:05at katayuan sa buhay
19:06sa pagkamit
19:07ng kanilang pangarap.
19:09Ang isa,
19:09diretsyo sa kanyang inang
19:11nakakulong
19:11habang nakatoga
19:13bilang pagtupad
19:14sa pangarap nito.
19:16Ang nakakaantig na tagpo,
19:17panuorin po
19:18sa pagtutok
19:19ni Mark Salazar.
19:23Importante para sa mga estudyante
19:25ang graduation ceremony.
19:27Pero ang limang taong gulang
19:30na batang ito,
19:31pagkakuha ng kanyang
19:32moving up certificate,
19:34nagmamadaling bumaba
19:35ng stage
19:35at saka umalis.
19:37Kasama ang kanyang tiyahin,
19:38bumiyahi sila
19:39ng isang oras
19:40dahil may mahalagaan
19:42nilang pupuntahan
19:43sa Agusan del Norte.
19:46Naroon pala
19:47ang nanay ng bata
19:48na nakapiit
19:49sa isang kulungan doon.
19:50Nagsabi yung mama niya
19:53na sa 8 daw,
19:54kung pwede,
19:55after daw ng graduation niya,
19:57bumalik daw kami doon
19:59at dapat daw sana
20:01nakasuot pa daw siya
20:03ng pang-graduate na damit.
20:07Yung teacher din po niya,
20:08pinayagan na lang din po kami
20:09na dalhin muna yung toga
20:11para makita din
20:12ang nanay niya.
20:14Masyado pa raw maaga
20:15para sa visiting hours
20:16kaya ang bata
20:17tumayo sa labas ng piitan.
20:20Mapagbigyan lang
20:20ang wish
20:21ng kanyang mama.
20:22Pagbaba pa lang po namin
20:23ang tricycle,
20:24hindi din naman po namin alam
20:26na nandoon na din po
20:26sa bintana
20:27nakaabang yung mama niya.
20:29Marahil hindi pa
20:30nauunawaan ng bata
20:31kung bakit nakapiit ang ina.
20:33Ang alam lang ng batang
20:34ikatutuwa ng ina
20:35ang kanyang toga
20:36at certificate.
20:38Nakita ko siya doon
20:39sa taas
20:40sa may bintana
20:41na nagsasalita siya
20:44kinakausap niya
20:45pero napansin ko po kasi
20:46na panay po na siya
20:47sa luwa niya
20:48kaya hindi po po na
20:49umiiyak pala siya
20:50habang tinakausap niya
20:52yung anak niya
20:53na nakita niya
20:54tinatanong niya
20:54kung ano daw yung
20:55ginawa niya
20:56pag-akyat sa page.
20:59Marami pang milestone
21:00na maaabot ang bata
21:01kaya't umaasa
21:02ang kanyang pamilya
21:03na darating ang araw
21:04na kasama niya
21:05ang ina
21:06sa hinaharap.
21:08Sa kagaya naman
21:09kahangahanga rin
21:10ang ginawang
21:11pagsusumikap
21:12ng 57 anyos
21:13na ina
21:14na nagtapos
21:15sa senior high
21:16ng Ballesteros
21:17National High School.
21:19Siya si
21:19Armeline Ariola
21:20may asawa
21:21at tatlong anak na.
21:23Itinaguyod niya raw
21:24ang pag-aaral
21:25ng vocational course
21:26na dressmaking
21:27sa pamamagitan
21:28ng pagtanggap
21:29ng labada
21:30at paglalakad
21:31ng kilo-kilometro
21:32papasok ng eskwela.
21:34Nairaos naman niya
21:35ng may outstanding award pa
21:37mula sa paaralan.
21:39Para sa GMA Integrated News,
21:42Mark Salazar,
21:43nakatutok 24 oras.
21:46Nabulabog
21:47ang ilang residente
21:48at turista sa Buracay
21:50dahil sa rambulan
21:51ng mga kabataan.
21:57Sa kuha ng CCTV,
21:59madaling araw
21:59nitong Lunes Santo
22:00makikita ang pagwawala
22:01ng ilang lalaki
22:02habang pinipigilan
22:04ng mga kasama.
22:05Ilang beses
22:06nagsuguran
22:07at naghatakan
22:08ang mga kabataan.
22:10Ayon sa nabulabog
22:11ng mga residente,
22:12naparaan lamang sa lugar
22:13ang mga hindi nakikilalang kabataan
22:15habang
22:15lashing umanok.
22:17Sa isang cellphone video,
22:18makikitang
22:18napapalibutan
22:19ng mga kabataan
22:20ang isang babae
22:21na umiiyak.
22:22Agad nagpulasan
22:23ang mga kabataan
22:23ng marinig
22:24na may paparating ng pulis.
22:26Nagpaalala naman
22:27ang munisipyo ng Malay,
22:28Aklad,
22:29na bawal magparty
22:30sa Buracay
22:30sa Biernes Santo.
22:32Bawal magpatugtog
22:33ng malakas na musika
22:34mula alasayistang umaga
22:35ng Biernes Santo
22:37hanggang alasayistang umaga
22:38ng Sabado de Gloria.
22:41At yan ang mga bagita
22:42ngayong Martes.
22:43Ako po si Mel Tianco.
22:44Ako naman po si Vicky Morales
22:45para sa mas malaking misyon.
22:47Para sa mas malawak
22:48na paglilingkod sa bayan,
22:49ako po si Emil Sumangin.
22:50Mula sa GMA Integrated News,
22:53ang News Authority ng Pilipino,
22:55nakatuto kami
22:5624 oras.
23:04S Fairytio