Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/17/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At the time of this time, it's been in Heritage, in Taguig,
00:12the Superstar Nora Honor, who passed on April 16, at the age of 71.
00:18Now, it's limited to the family's family, but it's been in the public on April 19 at 20,
00:26bagamat mula lang alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
00:33At marahil na nga sabik na ang mga noranya na masilip ang kanyang labi,
00:37lalot naging malapit siya sa mga ito at tumulong pa sa ilan sa kanila nung buhay pa.
00:43Tampok po yan sa isang dokumentaryo ng Eyewitness,
00:46kung saan ikinwento rin ang superstar, ang pagiging magkaibigan nila ng kababayang si Vilma Santos.
00:52Balikan po natin yan sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
00:56Kasama si Nora, nagpunta kami sa Mawalfan,
01:02kung saan nakadisplay ang ilang memorabilya niya.
01:05Sa isang litrato, kasama niya hindi lamang si Tirso,
01:25kundi ang dati niyang katambal na si Edgar Mortiz
01:28at maging ang kanyang karibal sa showbiz noon na si Vilma Santos.
01:33Ang tawag niyo po talaga kay Vilma ay mare.
01:38Mare ko talaga siya.
01:40Inanak niya siya yung anak ko si Kiko.
01:43Nakita rin namin dito ang ilang larawan nila ni Tirso,
01:47kasama ang manikang kilala noon sa tawag na Maria Leonora Teresa.
01:52Basta niregaluhan lang ako ni Pip noon ng manika,
01:55yung nga si Maria Leonora, October 6 yun.
02:01Binigay sa akin, pero hiniram nila sa akin,
02:05hindi nila sinukuli sa akin.
02:06Sa labas ng mobile phone, ilan sa mga tagahanga ni Nora ang naghihintay.
02:16Kapansin-pansing alam niya ang pangalan ng mga ito
02:19at tila ba mga kaibigan kung ito rin.
02:24Ilan lamang sila sa Noranyans na hanggang ngayon ay sumusuporta sa superstar.
02:30Si Denise Agador, tagahanga raw ni Nora mula pa noong pagkabata.
02:35Nora niyan din kasi ang nanay niya.
03:05Natugunan niya.
03:08Kami na yung nagkakaintindihan doon.
03:12Ikinuwento naman ang isa pang fan kung gaano katindi ang pagmamahal nila sa kanilang idolo.
03:18Lalo na nung panahong mahigpit ang rivalry nila ni Vilma.
03:22Kung ilang beses na kami nakakatagpunan sa mga awards night,
03:26pag talagang gulong nangyayari pag nagpapauna sila magparinig kung ano,
03:31talagang prangkahan, talagang susupaan, talaga,
03:35impronto mag ano talaga, huwag tasalo talaga.
03:37Yung mga fans to ha?
03:40Yung mga fans talaga.
03:41Yung so, yung Nora at Vilma, talaga nag-aaway.
03:44Ay talagang Nora, kainitan talaga, talaga nagbabatuhan talaga ng mga kung ano-ano dyan.
03:49Love you Atigay!
03:50Love you Atigay! Bye-bye!
03:52Atigay yun na!
03:53Bye-bye!
03:54Sa ibang balita, doble penitensya ang sinapit ng ilang taga-pasay na nasunugan kagabi.
04:00Aabot po sa apatapong bayan ng atupok, nakatutok si Jomer Aprezno.
04:09Sunog ang gumising sa mga residente ng San Juan Street sa Barangay 7 sa Pasay City, pasado alas 11 kagabi.
04:16Kabilang sa mga nasunugan ng 55 years old na si Carmela na natutulog na o mga oros na yon kasama ang kanyang apat na buwang gulang na apo.
04:24Narutulog po ako, naramdaman ko mainit eh.
04:27Yung pagbaba ko yun, nakita ko malaki ng apoy.
04:29Kaya lang siyempre yun ako niligtas, yung apo kong maliit.
04:32Tapos tulog, masigatas ng apo ko, wala akong niligtas.
04:36Ayon sa Bureau of Farm Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
04:40Ang struggle kasi natin is ang nasusunog mga light materials.
04:44And then dito sa nasunog ng light materials, meron tayong high rise sa tabi.
04:48Kinain ng apoy ang 7th floor yung may balkonahe nila.
04:52Agad din naman naapula ang sunog, dakong alauna 11 ng madaling araw.
04:56Umabot daw sa siyamnapung track ng bumbero ang rumesponde.
04:59Batay sa datos ng BFP, nasa apatnapung bahay ang tinupok ng apoy.
05:04Meron ding ilang sasakyan na nakaparada sa bakanting lote ang nabagsakan ng mga debris.
05:08Pero tumulong naman ang ilang residente para mailipat ang mga sasakyan.
05:14Maswerte at wala namang napaulat na namatay o nasaktan sa nangyari.
05:19Sa panayan ng GMA Integrated News sa Alcalde sa Lungsod,
05:22sinabi nito na nakahanda ng kanilang evacuation center para sa mga apektado.
05:26Nagbigay na ng pangayuda at suporta ang lokal na pamahalaan sa mga nasunugan.
05:31Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng aboy.
05:37Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
05:44Dead on the spot naman ang tatlong sakay ng isang motorsiklo sa Zamboaguita sa Negros Oriental.
05:51Kita sa kuha ng CCTV ang mabilis na takbo ng motorsiklo ng mga biktima hanggang sumalpok sa kasalubong na truck.
06:00Sa lakas ng impact, humailalim ang tatlong na dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.
06:07Ayon sa Zamboaguita Police, hindi magsasampan ng reklamo ang mga kaanak na mga biktima.
06:13Nangako naman ang tulong sa pagpapalibing nila ang may-ari ng truck.
06:18May mga bumiyahe pa rin ngayong araw mula Batangasport at kabilang dyan ang mga gustong sulitin ang Semana Santa Break sa Puerto Galera.
06:35Nakatutok si Dano Tingcungco.
06:36Hanggang ngayong Webes, marami pa rin naghahabol sa biyahe papunta sa Puerto Galera.
06:46At pagkarating dito, hindi na sila nagsayang pa ng oras sa kanya-kanyang trip.
06:51Mula sunbathing, langoy-langoy, banana boatman o jet ski.
06:55Si na Carla at Laika galing pang tagig at hindi muna natulog para makaabot sa biyahe pa Galera.
07:00Konting pahinga lang at lumarga na sila para sa mga pinlanong aktibidad.
07:04Ngayon lang po kasi nagkaroon ng ano po, walang trabaho, holiday po kasi.
07:10Ah, holiday, hindi ka nakapag-leave ng maag.
07:12Ah, po.
07:13Kumusta yung biyahe ninyo?
07:15Okay naman po.
07:16Anong plano ninyong gawin ngayon?
07:17Pag-pass trekking po kami, mag-voting din po.
07:20Siyempre po, huli week, mag-relax with the family, bonding, tapos ayun po, kanya-kanya ding trip siguro later din.
07:27Saka lalo na sa gabi din po.
07:29Ano trip mo?
07:30Ngayon araw po, matulog muna kasi, nakakagad yung biyahe.
07:34Yes, po.
07:36Kumusta bihano?
07:37Sakto lang, pero mainit kasi ngayon eh.
07:40So, yun yung ano.
07:41Nakakaantok po?
07:41Hmm, nakakaantok po talaga.
07:44Special ang semana santa na ito dahil may magbe-birthday sa pamilya nila.
07:48Pero special din ito kay Laika na first time sa Puerto Galera.
07:51Sila po, nakapunta na po ako ngayon first time pa lang po.
07:55Maganda po, sobrang ganda.
07:56Yung view po, tsaka yung beaches po.
08:00Sa sikat ng White Beach na isa sa mga sentrom pasyalan sa Puerto Galera, nakasabay nila ang pamilya ni na Maria at Lynn.
08:06Sina Lynn galing pang Cavite at sinamantalang ngayon ulit makapag-relax dito sa Playa Blanca.
08:12Hetong at inabutan pa naming nagpipiktorial sa beach ng kanilang Spring-Summer 2025 outfits.
08:18Favorite namin ito, lalo na yung Playa Blanca.
08:20Maganda yung pwesto namin doon.
08:21So, many times na rin nakapunta dito.
08:23Pero yung mga panganggind ko, yung iba ngayon lang.
08:26Kai is like a mini bura kaya.
08:28Yeah, it's not far.
08:30It's not far to our place.
08:31We're just from Bansud.
08:33It's not our first time here.
08:35It's good.
08:35Hindi naman kami babalik kung hindi siya maganda, diba?
08:38Saan ka nagandahan dito?
08:40Sa amin.
08:40Ay, Geron.
08:42Sa view.
08:43Sa White Sun, malina siya.
08:46Napakaganda naman po.
08:47Ayun nga po.
08:48Maganda pa yung scenery niya.
08:49Maganda yung scenery niya.
08:50Tapos yun, maganda pang picture.
08:52Hindi lang mga turista ang enjoy.
08:54Pati rin mga taga rito at mga karatig bayan.
08:57Dahil nga, Webes Santo, panahon ng pahinga kahit papano.
09:00Sinamantala rin ang pagkakataon para mag-piknik sa dalampasigan.
09:04Ano matagal niya ng pindanot?
09:05Hindi naman po.
09:06Nito lang.
09:07Kasi pagpla-plano, hindi naman natutuloy.
09:11Medyo biglaan?
09:12Oo, biglaan lang.
09:13Kagabi lang.
09:14Mainit nga po.
09:15Pero masarap maligo kasi maganda ang dagat.
09:18Maganda o malinaw.
09:19Para sa GMA Integrated News,
09:22Dano Tinko, nakatutok 24 oras.
09:24Bago ang nakasanayang visita iglesia,
09:35marami munang sinulit ang Webes Santo sa pamamasyal sa Baguio.
09:40Pero may naging epekto ang dami ng mga turista sa ilang pasyalan doon.
09:45Mula sa City of Coins, nakatutok live, si Maab Gonzalez.
09:50Maab?
09:54Mel, ang problema nga ngayon dito sa Baguio City ay yung mga tourist attractions, mahirap na makahanap ng parking.
10:01Di hamak na mas marami na ang mga turista sa Baguio City ngayong simula ng Lenten Holidays.
10:11Pero hindi pa naman ito nagdudulot ng traffic sa syudad.
10:14Ang problema ngayon, parking sa mga tourist attraction.
10:18Sa Rite Park, pila ang mga sasakyan kanina pang umaga.
10:21Di na rayo kasi rito ang horseback riding gaya ng pamilya ni Ruth.
10:25Malamig yung weather. Marami pong tao tapos parang ano, hindi siya malamig ngayon.
10:31Mainit.
10:32Hindi niyo rin nagamit yung mga jacket niyo?
10:34Opo.
10:35Nagbike po kami.
10:36Hindi ka naman natakot.
10:37Natakot sila na.
10:38First time mo ba sumakay ng horse?
10:40Opo.
10:41Wow, ang tapang mo naman.
10:43Pwede mag horseback riding sa track sa loob ng parke.
10:46Pwede rin mamasyal sa labas na may kasamang guide.
10:48Required ang insurance sa lahat ng rider.
10:50Kung ayaw mo naman sumakay ng kabayo, pwedeng picture taking na lang.
10:55Pag napagod na, hit naman ang strawberry taho rito.
10:58May first aid station din sa parke.
11:00Maraming nagpapabipi kanina pero wala namang naitalang medical emergency.
11:05Pwede na lakarin ang The Mansion galing Wright Park.
11:07Matarik ang hagdan pero pag-akit mo naman, picture perfect ang fountains dito na background ang The Mansion.
11:14May nakatalagang bike lanes dito.
11:15Kaya ang magkaibigang Arlan at Sean, sinamantala ng makapag-exercise din.
11:20Holidays, sabi ko, kasama ko.
11:23So why not just take the bike instead of like going to jeep para lang madagdagan yung mga traffic dyan.
11:29So yeah, it's better to like use your body and go here.
11:33Pag-araw, bukas ang gate ng The Mansion at pwede mag-picture taking sa loob.
11:37May mga pulis namang nagbabantay sa iba't ibang tourist attraction.
11:40Sa mga bibisita po dito sa Baguio, you plan your schedule nyo, i-plan nyo yung pagbisita and then i-download ninyo yung BCPO view Baguio app to be updated of the traffic situation so that you will also know the ordinances of Baguio.
12:02And then pag nasa matataong lugar po tayo, laging i-secure po natin yung ating mga kagamitan.
12:11We have to observe yung mga traffic rules and regulations and we have to sundin yung ating mga ordinances ng Baguio.
12:20Mel, sa ngayon, mabigat na ang daloy ng trafico sa paligid ng palengke dito sa Baguio City.
12:28Light to moderate naman ang daloy ng trafico sa paligid ng Burnham Park, Session Road at Baguio Cathedral.
12:34Samantala naman, Mel, may traffic na rin paakyat ng Baguio City sa Kennon Road at Marcos Highway. Mel?
12:39Maraming salamat sa iyo, Ma'am Gonzales.
12:41Maraming salamat sa iyo, Ma'am Gonzales.

Recommended