Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Dumagsa sa burol ng mga labi ng yumaong Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor ang mga nagmamahal dito.

Nakaburol si Nora sa Chapel 9 ng Heritage Park sa Taguig City simula nung Huwebes Santo, April 17, 2025, isang araw matapos nitong pumanaw sa Medical City sa Pasig City.

Ayon sa anak nitong si Ian de Leon, acute respiratory failure ang dahilan ng pagpanaw nito.

Hindi muna binuksan sa publiko ang burol ni Nora na binigyan ng honor guards na kabilang sa pribilehiyo nito bilang isang National Artist. Tanging mga kaanak at malalapit na kaibigan lang ang pinayagang dumalaw.

Sa pangalawang araw ng burol, kabilang na sa mga nagbigay ng kanilang huling respeto ang PEP Troika na sina Gorgy Rula, Noel Ferrer, at Jerry Olea.

Nakuhanan pa ng video ni Gorgy ang pagkakamay sa harap ng kabaong ni Nora ng dalawang lalaking parehong nagkaroon ng kaugnayan dito—sina John Rendez at Christopher de Leon.

Natatangi't espesyal na kaibigan ni Nora si John. Naging manager ni John si Nora mula nung sumabak ito sa local music scene bilang rapper sa edad na 18 at mahigit 34 taon na ang kanilang pagiging magkaibigan.

Si Christopher o Boyet de Leon naman ay pinakasalan ni Nora nung 1975. Tumagal ang kanilang marriage nang mahigit 20 taon bago ito na-annul nung 1996.

Bago tuluyang nagkahiwalay, nagkaroon sila ng limang anak -- sina Lotlot de Leon, Ian de Leon, Matet de Leon, Kiko Villamayor, at Kenneth Villamayor.

Pawang mga adopted children nina Nora at Boyet sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth. Tanging si Ian lang ang kanilang biological child.

Naging emosyunal naman ang pagkikita ng mag-amang Boyet at Lotlot sa burol ni Nora.

#noraaunor #christopherdeleon #lotlotdeleon #johnrendez #pepvideo

Video: Gorgy Rula
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Watch more videos at https://www.pep.ph/videos

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalertsViber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Category

People
Transcript
00:00I want to love you
00:30I want to love you
01:00I want to love you
01:30I want to love you

Recommended